Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG FILIPINO
UNANG MAHABANG PAGSUSULIT
I. Maramihang Pagpili. Isulat ang titik ng
tamang salitang makabubuo sa mga sumusunod
na pahayag.
1. Ang salitang Ingles na language ay
galing sa salitang Latin na lingua na ang
ibig sabihin ay _______.
a. dila c. tunog
b. bibig d. salita
2. _______ ang barayti ng wikang nalilikha
ng dimensiyong heograpiko.
a. Dayalek c. Rehistro
b. Sosyolek d. Idyolek
3. Ang _______ ay tumutukoy sa kakayahan ng
isang indibiduwal na makapagsalita at
makaunawa ng iba't ibang wika.

a. monolingguwalismo
b. bilingguwalismo
c. multilingguwalismo
d. wala sa pagpipilian
4. _______ naman ang tawag sa barayti
ng wika na nililikha at ginagamit ng isang
pangkat o uring panlipunan.

a. Dayalek c. Rehistro
b. Sosyolek d. Idyolek
5. Ang _______ ay tinatawag ding
katutubong wika o mother tongue.

a. unang wika c. wikang pambansa


b. ikalawang wika d. dayalek
6. _______ ang dayalek na personal sa
isang ispiker.

a. Dayalek c. Rehistro
b. Sosyolek d. Idyolek
7. Ang wika ay nagbabago,
samakatuwid, ito ay _______.

a. pinipili c. dinamiko
b. isinasaayos d. kagila-gilalas
8. _______ ang barayti ng wika na
ginagamit base sa propesyon o larangang
kinabibilangan ng isang tao.

a. Dayalek c. Rehistro
b. Sosyolek d. Idyolek
9. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
_______.

a. Tagalog c. Filipino
b. Pilipino d. Ingles
10. Kung ang _______ ang nagiging
dahilan upang mapagbuklod-buklod ang
mga tao, masasabi nating lingguwistikong
komunidad ang kanilang kinabibilangan.

a. komunikasyon c. kilos
b. wika d. kultura
II. Paghahanay: Hanapin sa Hanay B ang taon
kung kailan naganap ang mga pangyayaring
nakasaad sa Hanay A.
HANAY A
1. Sinakop ng Amerika ang kalakhang Maynila
2. Ipinahayag ni Manuel L. Quezon na
“Tagalog” ang wikang pambansa
3. Dumating ang pinakamalaking pangkat ng
guro sa Pilipinas lulan ng isang barko
4. Ginawang isang pang-akademikong
asignatura ang wikang Tagalog
5. Iniutos ng Kalihim ng Pampublikong
Instruksyon na gamitin ang mga unang wika
bilang auxiliary na wikang panturo
6. Iniutos na tanging wikang Pilipino na
lamang ang gagamiting midyum sa
pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko
7. Ipinatupad ang Unang
Multilingguwalismo
8. Ipinatupad ang Ikatlong Bilingguwalismo
9. Ipinatupad ang Ikatlong
Multilingguwalismo
10. Pinalitan ang pangalang Tagalog ng
pangalang Pilipino
III. Pagtukoy
A. Tukuyin ang hinihingi ng bawat
tanong.
1. Ito ay binubuo ng mga biswal na
larawan , guhit, o hugis na
kumakatawan sa isa o maraming
kahulugan.
2. Ito ay tumutukoy sa
pagpapahayag, paghahatid, o
pagbibigay ng impormasyon sa
mabisang paraan.
3. Ito ay kategorya ng wika na
kinikilala at ginagamit ng higit
na nakararami, sa pamayanan,
bansa, o isang lugar.
4. Ito ay isang konseptong
nangangahulugang “una ang
bigkas bago ang sulat.”
5. Ito ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo ng mga tunog o
kaya ay mga pasulat na letra na
iniuugnay sa kahulugang nais
ipabatid ng tao.
6. Ito ay antas ng komunikasyon
na nakatuon sa sarili o paraan
ng pakikipag-usap sa sarili sa
pamamagitan ng dasal,
meditasyon, at pagninilay-nilay.
7. Siya ang pangunahing
tagapagsulong ng pagtuturo
ng mother tongue sa
komunikatibong klasrum.
8. Ito ang tawag sa taong
nakapagsasalita ng iba't
ibang wika.
9. Ito ay kategorya ng wika na
madalas gamitin sa pang-
araw-araw na
pakikipagtalastasan.
10. Siya ang bumuo ng
konsepto na
nangangahulugang “una ang
bigkas bago ang sulat.”
B. Tukuyin ang antas ng wika ng mga
sinalungguhitang salita sa loob ng mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng
iyong sagot.
a. pambansa
b. pampanitikan
c. panlalawigan
d. balbal
e. kolokyal
1. Pinarangalan kagabi ang mga ulirang ilaw
ng tahanan.
2. Halina kayo dine.
3. Panatilihin natin ang kapayapaan sa buong
daigdig.
4. Ang wikang ito ay para sa'kin at para sa'yo.
5. Super sa ganda ang mga chikababes sa
NTC.
C. Tukuyin kung anong barayti ng wika ang
mga sumusunod na pahayag/salita. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
a. Sosyolek
b. Idyolek
c. Diyalekto
d. Rehistro
1. Pagkaganda pala ng anak ng mag-asawang
are, ah!
2. Ryan Bang: I lilly lilly like it!
3. What's up yo? Break it down.
4. checkup, therapy, diagnosis
5. Pagkatagal mo, ga.
IV. Isulat ang nilalaman ng Artikulo
XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon
1987.
(5 points)
Ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang nalilinang,
ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.

You might also like