Kanser Sa Baga

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Top 10 Causes of Death in the Philippines in

2010
1. Heart disease
2. Stroke
3. Cancer
4. Chronic obstructive pulmonary diseases
5. Road accidents and injuries
6. Diabetes
7. Dengue fever
8. Maternal deaths
9. Kidney failure
10. Perinatal conditions

Kanser

Ang kanser ay dulot ng mga di-karaniwang selula na mabilis ang paglaki.


Karaniwan para sa inyong katawan ang palitan ang mga lumang selula ng mga
bago, ngunit ang mga selula ng kanser ay masyadong mabilis lumaki. Maaaring
maging mga tumor ang ilang mga selula ng kanser. Ang lahat ng tumor ay lumalaki,
ngunit ang ilang tumor ay mabilis ang paglaki, ang iba naman, mabagal.

Mga Uri ng Tumor

• Kung minsan ang mga tumor ay hindi nagdudulot ng kanser. Ang mga ito ang
tinatawag na hindi mapaminsalang tumor (benign tumors). Ang mga ito ay binubuo
ng selula na kamukha ng malusog na himaymay. Ang ganitong klase ng tumor ay
nananatili sa isang lugar at hindi kumakalat sa ibang malusog na himaymay at mga
organo ng katawan.

• Ang mga tumor ng kanser ay tinatawag ring mapaminsalang tumor (malignant


tumors). Ang kanser mula sa mga tumor na ito ay kumakalat sa pamamagitan ng
dugo at sistema ng limpa sa ibang bahagi ng katawan.

• Kapag kumalat ang kanser, tinatawag itong metastasis. Naglalakbay ang mga
selula ng kanser sa buong katawan mula sa tumor, na tinatawag na
pangunahing kinaroroonan, patungo sa ibang bahagi ng katawan.

Mga Uri ng Kanser

Maraming uri ang kanser.


• Ang carcinoma ang pinaka-karaniwang klase ng kanser. Kanser sa baga,
malaking bituka, suso at obaryo ang karaniwang klase ng kanser na ito.

• Ang sarcoma ay matatagpuan sa buto, kartilago, taba, at kalamnan.

• Ang lymphoma ay nagsisimula sa mga buko ng limpa (lymph nodes) ng sistema


ng kabal (immune system) ng katawan. Kabilang dito ang Hodgkin’s at Non-
Hodgkin’s Lymphomas

• Ang leukemia ay nagsisimula sa mga selula ng dugo na lumalaki sa utak sa buto


(bone marrow) at nakikita ang maramihang bilang sa daloy ng dugo.

Mga Palatandaan ng Kanser

Ang mga palatandaan ng kanser ay depende sa klase at kinaroroonan ng tumor. Sa


ibang mga kanser, maaaring walang anumang palatandaan hanggang ang tumor
ay malaki na. Kabilang sa mga karaniwang palatandaan ang:

• Pakiramdam na sobrang pagod

• Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang

• Lagnat, pangingiki o pagpapawis sa gabi

• Kawalan ng pagkagutom

• Kawalang-ginhawa sa katawan o sakit

• Pag-ubo, paghabol sa hininga o pananakit ng dibdib

• Pagtatae, konstipasyon o dugo sa dumi

Kapag natagpuan ang kanser, gagawin ang mga pagsusuri upang malaman kung
ang kanser ay kumalat na sa ibang bahagi ng inyong katawan. Maaaring
kailanganin ang mga scans, x-rays at pagsusuri ng dugo.

Ang Inyong Pangangalaga

Ang inyong doktor ang magdedesisyon kung anong pangangalaga ang kailangan
batay sa:

• Uri ng kanser

• Bilis ng paglaki ng kanser

• Kung ang kanser ay kumalat na sa ibang bahagi ng inyong katawan

• Inyong gulang at pangkalahatang kalusugan


Ang pinaka-karaniwang lunas sa kanser ay:

• Pag-opera upang matanggal ang tumor at kalapit na himaymay

• Radyasyon na kontrolado ang dami upang paliitin o wasakin ang tumor at mga
selula ng kanser

• Gamot na kemoterapi upang mapabagal ang paglaki o mawasak ang mga selula
ng kanser

Ibang mga gamot upang malunasan ang masamang epekto at matulungan kayong
gumaling

Pag-iwas

Maaari ninyong mabawasan ang inyong panganib sa kanser sa pamamagitan ng:

• Hindi paninigarilyo o paggamit ng tabako

• Paggamit ng ipinapahid sa katawan na pantabing sa araw (sunscreen), sombrero


o damit upang maprotektahan ang inyong balat habang kayo ay nasa labas

• Paglilimita sa dami ng alkohol/alak na iniinom

• Paglilimita sa dami ng kinakain na pagkaing maraming taba, lalo na mula sa mga


hayop

• Pagkain ng maraming prutas, gulay at mga pagkaing maraming hibla (fiber)

• Pagiging aktibo sa mga pisikal na gawain

• Pagpunta sa doktor bawat taon. Ang mga pagsusuri sa kanser ay maaaring


makatulong upang matuklasan ang kanser habang maaga pa at madali pa itong
gamutin.

Kausapin ang inyong doktor o nars tungkol sa mga panganib ninyo sa kanser
Kanser sa Baga

Ang mga baga ay mga organo na tumutulong sa atin sa paghinga. Tumutulong ang
mga ito sa pagbibigay ng oksiheno sa lahat ng mga selula sa katawan.

Ang mga selula ng kanser ay di-pangkaraniwang mga selula. Mas mabilis na


tumutubo at nahahati ang mga selula ng kanser kaysa malusog na mga selula.
Maaaring maging tumor ang ibang mga selula ng kanser. Ang kanser sa baga ay
nangyayari kapag ang mga selula sa baga ay nag-iiba at nagiging di-
pangkaraniwan. Ang mga selula ng kanser sa baga ay maaaring maglakbay sa
pamamagitan ng dugo o sistemang limpatika, papunta sa ibang lugar o organo ng
katawan. Ang tawag dito ay metastasis.

Mga Sanhi ng Panganib

Mas maaari kang magkaroon ng kanser sa baga kung ikaw ay:

• Naninigarilyo

• Nakalalanghap ng usok ng ibang tao

• Nadiit sa asbestos, reydon gas, o maraming polusiyon ng hangin

• Mayroong kapamilya na nagkaroon ng kanser sa baga


Mga Palatandaan

Ang maagang yugto ng kanser sa baga ay karaniwang walang mga

palatandaan. Makipagkita sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong mga

palatandaan tulad ng sumusunod:

• Ubong hindi gumagaling

• Pagsuka ng dugo

• Kakapusan ng hininga

• Pag-aagahas

• Pagkawala ng ganang kumain at pagbagsak ng timbang

• Pagkaramdam ng sobrang pagod

Mga Uri ng Kanser sa Baga

May dalawang pangunahing uri ng kanser sa baga. Ang bawa’t uri ay tumutubo,
kumakalat at ginagamot sa iba’t-ibang paraan.

• Di-Maliit na Selula na Kanser sa Baga - Ito ang pinakakaraniwang uri na kanser


sa baga. Tumutubo at kumakalat ito nang mas mabagal.

• Maliit na Selula na Kanser sa Baga - Ang uri ng kanser sa baga na ito ay


tumutubo at kumakalat nang mas mabilis.

Ang Iyong Pangangalaga

Bibigyan ka ng iyong doktor ng pisikal na pagsusuri at titingnan niya ang iyong mga
baga sa pamamagitan ng mga pagsusuri tulad ng:

• X-ray sa dibdib

• Computerized Tomography (CT) scan

• Magnetic Resonance Image (MRI)

• Positron Emission Tomography (PET) scan


Maaari ka ring sumailalim sa biyopsis. Ang maliliit na mga muwestra ng tumor, na
tinatawag na biyopsis ay kinukuha upang malaman kung anong uri ng kanser sa
baga ang mayroon. Ang impormasyong ito ay makakatulong sa iyong doktor sa
pagpaplano ng iyong lunas. Pag-uusapan ninyo ang mga opsiyon ng lunas. Ilan sa
karaniwang paraan ng mga lunas ay ang sumusunod:

• Operasyon upang tanggalin ang tumor at kalapit na himaymay

• Teraping radyasyon upang wasakin ang mga selula ng kanser

• Mga gamot ng kemoterapi upang wasakin ang mga selula ng kanser

• Kombinasyon ng mga lunas na ito

Mangyaring makipag-usap sa iyong doktor or nars kung mayroon kang mga tanong
o mga pag-aalala.

Kanser sa Suso

Ang mga selula ng kanser ay di-pangkaraniwang mga selula. Mas mabilis na


tumutubo at nahahati ang mga selula ng kanser kaysa malusog na mga selula.
Maaaring maging tumor ang ibang mga selula ng kanser. Ang lahat ng mga tumor
ay lumalaki, ngunit ang ibang mga tumor ay mabilis na tumutubo, at ang iba naman
ay mabagal ang pagtubo. Maaaring kumalat ang mga selula ng kanser sa ibang
mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng dugo at sistemang limpatika. Ang
tawag dito ay metastasis.

Ang kanser sa suso ay nagsisimula sa suso. Maaaring matuklasan ang kanser sa


suso sa pamamagitan ng mammogram, kapag nakakapa ang isang babae ng bukol,
o sa pamamagitan ng pagsusuri ng isang doktor. Upang matuklasan ang kanser sa
suso, mahalagang:

• Suriin buwan-buwan ang sariling mga suso.

• Magpasuri sa iyong doktor taun-taon, kung ikaw ay lampas 40. Ang mga
pagsusuri ay mas madalang para sa mga naka-babata.

• Magpa-mammogram taun-taon paglampas ng edad 40.


Himaymay ang Suso

Ang mga suso ng isang babae ay maaaring maging mas matigas at mabukol bago
mag-menopawsiya. Mas kakaunti ang estrogen ng isang babae pagkatapos ng
menopawsiya, kung kaya’t ang mga suso nito ay mas malambot at hindi
masyadong mabukol.

Ang matigas at mabukol na himaymay ay maaaring magtago ng maliit na bukol, na


mahirap makapa. Sa pamamagitan ng buwan-buwang pagsusuri ng iyong mga
suso, magiging pamilyar ka sa iyong himaymay ng suso at makakapansin ng mga
pagbabago. Ang maliit na mga bukol ay maaari ring matuklasan sa pamamagitan
ng mammogram o habang nagpapasuri sa iyong doktor. Ang ibang mga bukol ay
sobrang liit na tanging mammogram lamang ang makatutuklas.

Kapag nakatuklas ng bukol, ang mammogram o ultrasound ay isinasagawa.


Madalas na ginagawa ang biyopsis upang malaman kung ang bukol ay kanser.
Kung ito ay kanser, inaalam ang uri. Ang biyopsis ay isang pamamaraan upang
tanggalin ang maliit na mga piraso ng himaymay. Ang mga muwestra ay pinasusuri
sa doktor. Kapag natuklasan ang kanser sa pamamagitan ng biyopsis, maaaring
magpagawa ng mas marami pang mga pagsusuri, upang malaman kung ang
kanser ay kumalat na sa ibang mga bahagi ng iyong katawan.

Mga Uri ng Lunas

Base sa resulta ng iyong biyopsis at uri ng kanser, ikaw at ang iyong doctor ay
magpapasiya kung ano ang pinaka-mainam na lunas sa iyong kanser sa suso.
Narito ang ilan sa mga lunas:

Siruhiya

Ginagawa ang siruhiya upang tanggalin ang kanser hangga’t maaari. Kapag
tinanggal ang buong suso, ang tawag dito ay mastectomy. Kapag bahagi lamang
ng suso ang tinanggal, ang tawag dito ay lumpectomy. Sa parehong siruhiya, ang
mga buko ng limpa sa ilalim ng kili-kili ay sinusuri kung may kanser. Maaari ka ring
makipag-usap sa iyong doktor ukol sa operasyong pagbabagong-tatag. Ang
siruhiyang ito ay ginagawa upang bumuo ng kahawig ng tunay na suso.

Maaari ka pa ring mangailangan ng iba pang mga lunas. Ang pagkakaroon ng


mastectomy o lumpectomy ay hindi garantiya na nawala na ang kanser sa suso sa
buong katawan. Ang sobrang liit na mga selula ng kanser na mahirap mahanap ay
maaaring manatili sa katawan.

Teraping Radyasyon

Matapos isinagawa ang lumpectomy, kadalasang sinusundan ito ng teraping


radyasyon. Ang teraping radyasyon ay ginagawa upang gamutin ang buong suso.
Kadalas ay nagsisimula ang teraping radyasyon 4 hanggang 6 na mga linggo
matapos ang siruhiya.

Hormone Terapi at Kemoterapi

Maaaring mangailangan ng lunas upang maasinta ang mga selula ng kanser na


naiwan sa katawan. Ito ay maaaring gawin bago ang siruhiya upang paliitin ang
tumor, o pagkatapos ng siruhiya upang patayin ang mga selula ng kanser na
maaaring kumalat na o nanatili pa sa katawan.

• Ang Hormone terapi ay gamot na iniinom upang manlaban sa estrogen na nasa


katawan. Ang pangkaraniwang masamang epekto ay mga tanda ng
pagmemenopawsiya.

• Ang Kemoterapi ay gamot na binibigay sa pamamagitan ng paggamit ng tubong


IV (sa ugat) o bilang isang tableta. Pinapatay ng gamot na ito ang mga selula ng
kanser. Ang pangkaraniwang mga masamang epekto ay ang panghihina, paglagas
ng buhok at pagkahilo. Ang mga masamang epekto na ito ay madalas na
panandalian lamang.

Mangyaring makipag-usap sa iyong doktor o nars kung mayroon kang mga tanong
o mga pag-aalala.

Kemoterapi

Ang kemoterapi, na tinatawag ring kemo, ay mga gamot na ginagamit upang


malunasan ang kanser. Sinisira ng mga gamot na ito ang mga selula ng kanser,
pinipigilan silang lumaki at kumalat, pinapaliit ang sukat ng tumor o pinapagaan
ang mga sintomas ng kanser.

Depende sa uri ng kanser, maaaring ibigay ang gamot na kemoterapi:


• Kasama ang iba pang mga gamot.

• Bago o pagkatapos ng pag-opera at/o radyasyon upang paliitin ang tumor.

• Sa iba’t ibang panahon para makapagpahinga at mapagaling ang inyong katawan


sa pagitan ng bawat paggagamot.

• Sa buong katawan o sa mismong kinaroroonan ng kanser.

• Sa isang ugat na tinatawag na IV o intravenous o bilang pildoras, iniksiyon, losyon


sa balat o krema.

• Sa ospital, opisina o klinika ng doktor.

Ang inyong doktor ang magdedesisyon sa klase ng mga gamot at kung gaano
kadalas itong ibibigay.

Masasamang Epekto

Maaaring wasakin o pabagalin ng kemo ang paglaki ng mga karaniwang selula,


kasama ang mga selula ng buhok, bibig, sistema ng dihestibo (digestive system),
at daloy ng dugo. Maaari itong magresulta sa:

• Pagkalagas ng buhok

• Mga sugat sa bibig

• Pagkaduwal o pagsusuka

• Pagtatae

• Mga impeksyon

• Pagkapagod

• Mga problema sa pagdurugo

Babantayan kayong mabuti para sa masasamang epekto. Ipaalam sa inyong doktor


o nars kung ano ang inyong nararamdaman. Ang mga pag-eksamen, pagsusuri ng
dugo at mga gamot ay gagamitin upang mapigilan o malunasan ang anumang
masasamang epekto at suriin ang inyong kondisyon.

Kausapin ang inyong doktor o nars kung mayroon kayong mga katanungan o pag-
aalala.
Kanser sa Malaking Bituka at Tumbong

Ang kolon ay tinatawag din na malaking bituka. Ito ay matatagpuan sa kababaang


1.5 to 1.8 metro (5 hanggang 6 na pulgada) ng sistema ng pantunaw. Ang huling
20 to 25 sentemiter (8 hanggang 10 pulgada) ng malaking bituka ay ang tumbong.
Ang kanser sa malaking bituka, na minsan ay tinatawag din na kanser na
colorectal, ay ang kanser na nagsisimula sa malaking bituka o tumbong.
Ang mga selula ng kanser ay di-pangkaraniwang mga selula. Mas mabilis na
tumutubo at nahahati ang mga selula ng kanser kaysa malusog na mga selula.
Maaaring maging tumor ang ibang mga selula ng kanser. Ang lahat ng mga tumor
ay lumalaki, ngunit ang ibang mga tumor ay mabilis na tumutubo, at ang iba
naman ay mabagal ang pagtubo. Maaaring kumalat ang mga selula ng kanser sa
ibang mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng dugo at sistemang limpatika.

Mga Palatandaan

Ang kanser ng malaking bituka at tumbong ay karaniwang walang mga


palatandaan. Mangyaring makipagkita sa iyong doktor kung mayroon kang mga
palatandaang ito:

• Maitim o matingkad na pulang dugo sa loob o sa ibabaw ng iyong dumi

• Pagtatae o hindi pagdumi na ayaw gumaling o iba pang pagbabago sa mga gawi
ng pagdumi

• Pananakit ng puson

• Pagbaba ng timbang nang walang dahilan

• Pagkaramdam ng pagod o kawalan ng lakas

• Ang mga dumi ay mas makitid kaysa karaniwan sa loob ng ilang mga araw.
Maaaring ito ay isang tumor na galing sa tumbong.

Mga Uri ng Tumor

Ang mga tumor na matatagpuan sa malaking bituka o sa tumbong ay maaaring


maging hindi mapaminsala o mapaminsala.

• Ang hindi mapaminsalang mga tumor ay hindi kumakalat sa ibang mga bahagi
ng katawan. Ang mga ito ay maaaring tanggalin sa pamamagitan ng siruhiya. Ang
mga suron ay hindi mapaminsalang mga tumor na may lamang likido.

• Ang mapaminsalang mga tumor ay maaaring tumubo sa kalapit na mga


himaymay, mga organo o dugo.

Ang Iyong Pangangalaga

Mga Pagsusuri

Kung sa palagay ng iyong doktor ay maaari kang malagay sa panganib dahil sa


kanser, maaari kang magkaroon ng ilan sa sumusunod na mga pagsusuri:
• Pisikal na pagsusuri na may kasamang pagsusuri ng tumbong, kung saan
ipinapasok ng doktor ang nilangisang daliring may guwantes sa tumbong upang
kumapa ng mga bukol.

• Hemoccult test upang suriin ang muwestra ng mga dumi kung may dugo.

• Sigmoidoscopy, kung saan ang isang manipis at nababaluktot na tubo ay


ipinapasok sa tumbong upang makita ng doktor ang ibabang bahagi ng malaking
bituka.

• Colonoscopy, kung saan ang isang manipis at nababaluktot na tubo ay


ipinapasok sa tumbong upang makita ng doktor ang kabuuang haba ng malaking
bituka.

• Pagtatanggal ng mga muwestra ng himaymay upang suriin, na tinatawag na


biopsy.

• Barium enema, kung saan ang likidong barium at hangin ay inilalagay sa


tumbong upang makita ang malaking bituka sa x-ray.

• Mga pagsusuri ng dugo upang tingnan ang kawalan ng dugo at kung gaano
kahusay ang paggana ng atay.

Kapag nakahanap ng mga tumor, maaaring mag-utos ang iyong doktor ng mga x-
ray, CT scan at iba pang mga uri ng pagsusuri ng dugo, upang malaman kung
kumalat na ang kanser sa ibang mga bahagi ng katawan.

Lunas

Pagkatapos ng iyong mga pagsusuri, kakausapin ka ng iyong doktor tungkol sa


mga lunas na pinakamagaling para sa iyo. Maaaring kasama ng mga lunas ang:

• Operasyong upang tanggalin ang tumor. Ang uri ng operasyon ay batay sa


kinalalagyan at laki ng tumor. Karaniwang tinatanggal ang bahagi ng malaking
bitukang may kanser.

• Teraping Radyasyon upang pigilan o pabagalin ang pagtubo ng kanser. Ito ay


karaniwang ginagamit pagkatapos ng operasyon upang sirain ang naiwang mga
selula ng kanser.

• Mga gamot ng Kemoterapi upang patayin ang mga selula ng kanser. Ang mga
gamot na ito ay iniinom, iniiniksyon sa kalamnan o ugat, o diretso sa apektadong
organo upang gamutin ang kanser. Ang mga gamot na ito ay tumutulong sa
pagpatay ng mga selula ng kanser.
• Immunotherapy na tinatawag din na biotherapy. Ang lunas na ito ay gumagamit
ng likas na mga bagay na gawa ng immune system ng katawan. Pinapatay nito ang
mga selula ng kanser, pinapabagal ang kanilang paglaki o tinutulungan ang
immune system na labanan ang kanser sa mas mabuting paraan. Maaari din itong
gamitin upang mabawasan ang mga masamang epekto ng ibang mga lunas ng
kanser.

Maaari kang magkaroon ng mahigit sa isang lunas sa kanser. Ang ilan sa mga
pasyente ay dumadanas ng operasyong na sinusundan ng teraping radyasyon o
kemoterapi.

Pakikipag-ugnayan ng Pangangalaga

Ang madalas na pagbisita sa iyong doktor ay mahalaga. Kabilang sa iyong


pangangalaga sa mga pagbisitang ito ay ang pagsusuri ng dugo, mga CT scan,
mga x-ray sa dibdib o iba pang mga pagsusuri. Sabihin sa doktor ang anumang
problema sa pagitan ng iyong mga pagbisita.

Mangyaring makipag-usap sa iyong doktor o nars kung ikaw ay may mga tanong o
mga pag-aalala.

http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/languages/tagalog.html

You might also like