Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Learning Area    FILIPINO    

Learning Delivery Modality    ONLINE DISTANCE MODALITY    


LESSON Paaralan SDO LAGUNA Baitang  10
EXEMPLAR Guro Asignatura  FILIPINO
Petsa Agosto 24-26,2020 Markahan  UNA
Oras 1:00 - 2:00 ng hapon Bilang ng Araw  4
I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda


gamit ang mga ibinigay na tanong sa binasang mitolohiya
b. Nabibigyan –puna ang estilo ng may –akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda
c. Napapahalagahan ang mga kahinaan at kalakasan ng kapwa batay
sa mga tauhang nasuri sa mitolohiya .
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
akdang pampanitikan
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga
isinasagawang critique tungkol sa alin mang akdang pampanitkang
Mediterranean
C. Pinakamahalagang Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit
Kasanayan sa Pagkatuto ang mga ibinigay na tanong sa binasang mitolohiya
(MELC) (F10PB- lb-c-63)
Nabibigyan –puna ang estilo ng may –akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda (F10PT –lb-c-62)

D. Pampaganang Kasanayan
II.NILALAMAN MITOLOHIYA: Cupid at Psyche

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC FILIPINO G10, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide :
Guro (p.176) TG p 35
b. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino - Ikasampung Baitang
Pangmag-aaral LM para sa Mag-aaral p.11-14
Unang Edisyon 2015
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-psyche-
mula sa Portal ng Learning mitolohiya-panitikang.html
resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo Mga larawang nakapowerpoint, larawan, graphic organizer
para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. INTRODUCTION (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala
(1/2 Araw) Ipaaalala ng guro sa mga mag-aaral ang mga panuntunan habang
isinasagawa ang online learning . Ipakita ang mga panuntunana sa shared
screen upang lubos itong maunawaan ng mga mag-aaral.

Panimulang Pagtataya (Pre- Assessment)


Magsi-share ng screen ang guro gamit ang online platform ng
pasasagutan sa mga mag-aaral.
GAANO KA KAHENYO JUAN!
Ipakita sa screen ang paunang pagtataya. Tatawag ang guro ng sasagot
nang pasalita habang ang iba ay itinatala ang sagot sa chat box.
Panuto: Basahin at sagutan ang bawat aytem . Piliin ang hugis na katapat
ng kasagutan.

1. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.

Mitolohiya Sanaysay

Epiko Parabula
2. Ang sunod-sunod na pangyayari na nagaganap sa kuwento.

Aral Tagpuan

Banghay Tauhan

3. Elemento ng mitolohiya na tumutukoy sa oras, panahon, lugar na


pinangyarihan ng kuwento.

Tauhan Banghay

Tagpuan Aral

4. Ang mitolohiya ng mga taga Rome ay hinalaw mula sa ______ na


kanilang sinakop

Thailand Pilipinas

Greece K Tsina

5. Ito ay mahalagang matutunan pagkatapos mabasa ang kuwento.

Aral Banghay

Tauhan K Tagpuan

PUNUAN MO JUAN!
Ipakikita ng guro sa screen ang diyagram ng mga elemento ng
mitolohiya. Ipahuhula niya ang mga tamang sagot. Mag-uunahan sa chat
box na itatala ng mga mag-aaral ang mga sagot.
Paghahabi ng Layunin

ISIP-ISIP JUAN!

Ipapakita ng guro ang slide deck ng “Parada ng Mga Diyos at


Diyosa “ ng mga mitolohiya ng Gresya.

Gabay na tanong:
Sino-sino ang mga pamilyar sa nakita ninyong “Parada ng mga Diyos
at Diyosa”? Sino sa kanila ang nais mong maging ikaw ? Bakit?
Anong uri ng kuwento ang maiuugnay sa mga nakita?

3. Development Gawain:
( Pagpapaunlad) Gagamitin ng guro ang mitolohiyang may pamagat na “Cupid at
( 1 ½ Araw) Psyche” upang malinang unti-unti ang konsepto ng aralin.
Magbigay ng sariling pananaw ukol sa ipakikita na larawan ng guro
sa screen.

UNAHAN TAYO SA PAGHAWAN JUAN!


Paglinang ng Talasalitaan
Ipakikita ng guro sa screen ang mga salita . Mag-uunahan ang mga
mag-aaral na ibigay ang kasingkahulugan ng mga ito na gamit ang chat
box. Kikilalanin ng guro ang naunang nakasagot. Ipagamit ang mga salita
sa pangungusap.
prasko
punyal
ambrosya
patiyad
Pagganyak na Tanong
Bakit labis na sinasamba at hinahangaan ng mga kalalakihan si
Psyche?
BASA PA JUAN!
 Ipakikita ng guro sa screen ang PPT ng mitolohiya .
Pamagat: “CUPID at PSYCHE”
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

ISIPIN MO PA JUAN!
Pasagutan sa mga bata ang pagganyak na tanong.
Maglalahad pa ng iba pang mga katanungan ang guro gamit ang
animated powerpoint. Tatawag siya ng ilang mga mag-aaral habang ang
ilan ay sasagot sa chat box ng screen.

1. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na


suliranin sa kaniyang buhay?

2. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?

3. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche?

4. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus?


Ipaliwanag

5. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang mga hamon ni Venus


para sa pag-ibig? Bakit?

Ipakita ng guro ay dayagram ni Cupid at Psyche. Hayaang suriin ito ng


mga bata at tukuyin ang katangian ng dalawa.

KATANGIAN NG MAGKASINTAHAN
Kalakasan Kalakasan
Psyche cupid

Kahinaan Kahinaan

Paglalahad ng Konsepto
Ilalahad ng guro ang konsepto ng aralin sa mag-aaral gamit ang
PPT. Maaaring magkaroon ng interaksyon ang mga mag-aaral sa kanilang
chat box na bibigyan pansin ng guro sa tamang pagkakataon.
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng
mga mito/ myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito
mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyusan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao.

Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at


mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay
halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa
Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na
pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang
maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo,
ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito
ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit
ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng ibang
daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang
kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at
pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa
teolohiya at ritwal.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-


bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang
nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang
mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-etniko
sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga
naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Babanggitin ng guro ang iba pang mahahalagang tauhan sa mga


mitolohiya ng Gresya.
Magbigay pa ng ibang mitolohiya na alam ninyo.

Elemento ng Mitolohiya

Makikita sa dayagram sa ibaba ang mga Elemento ng Mitolohiya na


kinabibilangan ng Tauhan, Tagpuan , Banghay at Aral

ELEMENTO NG MITOLOHIYA

TAUHAN TAGPUAN BANGHAY ARAL

Tumutukoy Ang Mga


Ito ang sunod- mahalagang
sa oras,
mga sunod na matututunan
karakter na
panahon at
lugar na pangya- pagkatapos
gumaganap
pinangyarihan yari sa mabasa ang
sa kuwento
ng kuwento kuwento kuwento

Ang Mitolohiya ay may limang (5) elemento ito ay ang Tauhan, sila
ang mga karakter na gumaganap sa kuwento at nagbibigay buhay sa akda.
Tagpuan naman ay tumuutukoy sa panahon,oras, lugar na pinagganapan ng
kuwento. Banghay ay isang mahalagang elemento ng parabula dahil
tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang
huli ay ang Aral na tumutukoy sa mahalagang matututunan pagkatapos
mabasa ang kuwento.

Ipasuri muli ng guro ang mga mag-aaral ukol mga mahahalagang


tauhan,tagpuan ,banghay at aral ng mitolohiyang binasa.

ALALAHANIN MO JUAN!
Suriin muli ang mitolohiyang : Cupid at Psyche”. Sagutan ang tsart
sa ibaba ang hinihinging impormasyon hinggil sa elemento ng parabula.
Ipakikita ito ng guro sa screen. Magkakaroong ng “digmaang utak “ang
mga mag-aaral sa pagsagot ng pasalita batay sa alituntunin ng guro sa on-
line session.
Pamagat Tauhan Tagpuan Banghay Aral

Ang mitolohiya ay akdang tuluyan makikita ang istilo o pamamaraan batay


sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda. Kalimitang ang mga pahayag
na nakapaloob sa bahagi ng mitolohiya ay nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin.

Halimbawa 1
“Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin”

Kung bibigyang puna natin ang istilo ng may-akda batay sa ekspresyong


ginamit masasabing ang damdaming nangibabaw ay pagkagalit dahil
ipinahihiwatig ng mga salita ang emosyong nakapaloob sa hanay ng mga
salita.
Halimbawa 2
“Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat
magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,”

Kung bibigyang puna natin ang istilo ng may-akda batay sa


ekspresyong ginamit masasabing ang damdaming nangibabaw ay
pagmamalasakit dahil ipinahihiwatig ng mga salita ang emosyong
nakapaloob sa hanay ng mga salita.

Hayaan ng guro na magbanggit pa ng ilang sariling halimbawa ang


mga mag-aaral ng mga ekspresyon na sumasalamin sa istilo ng may-akda.

Mahalagang mabatid natin ang estilo ng may-akda batay sa mga


ekspresyon at mga salitang ginamit dahil nakatutulong ito upang mabatid
natin ang damdaming nagingibabaw sa akda.

DAMA MO BA JUAN?
Ipakikita ng guro sa screen ang mga ekspresiyon na nasa ibaba.
Panuto: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at
ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala damdaming nangibabaw
sa bawat pahayag.

1.“Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka, magbihis, at
ihahanda namin ang piging para sa iyo. Kami ang iyong mga alipin.”

2. “Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa


butas ng karayom.”

3. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili
mong kapahamakan.”

4.” Bawal na kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?”
pagmamaktol na sumbat ni Pysche.

5.“At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang


magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

May lilinawin ka ba Juan?


Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral sa ilang konsepto upang
masiguro ang kalinawan ng paglalahad. Hikayatin ang mga mag-aaral na
magtanong kung nais. Maaaring pasalita ang sagot ng mga mag-aaral at
maaaring gamitin ang chat box.

4. Engagement ( Pagpapalihan)
( 1 araw)
Sino ka sa kanila Juan?
Batay pagkakasuri mo sa nilalaman ng mitolohiya Cupid at
Psyche, sino sa mga Diyos/Diyosa ang masasabi mong may pagkakapareho
sa iyong pagkatao at karanasan? Ibahagi ito sa klase.

ISA PA JUAN!
Ipakikita sa screen ng guro ang caravan. Ipasusuri sa mga mag-aaral ang
nilalaman ng mitolohiyang “CUPID at PSYCHE .Itala sa Caravan ang
mga patunay na taglay ng mitolohiya ang mga elemento at kakanyahan
nito. Isusumite sa guro ang awtput online.

ELEMENTO KAKANYAHAN
CUPID at
PSYCHE

Ano ang istilo niya Juan?


Magbanggit ng teleserye/penikula na napanood mo na may
impluwensiya ng mitolohiya. Ilarawan ang istilo ng manunulat batay sa
mga ekspresyon at damdamin ng may akda.

5. Assimilation (Paglalapat) RESIPI NG BAGONG JUAN!


( 1 araw)
Ipakita ng guro sa screen ang modelo na makikita sa ibaba. Ipagawa
ito sa mga mag-aaral . Bigyan sila ng 10 minuto para maisumite sa guro
ang gawa on line habang pakiusapan ang iba na ilahad ang kanilang gawa
sa klase.
Panuto: Bumuo ng resipi ng buhay. Nakapaloob dito ang mga
katangiang dapat mong taglayin upang maging mabuting tao at maging
bagong ikaw batay sa aral na naisapuso mo sa mitolohiya na binasa.

ng Bagong Ako!
1 tasang pagmamahal
1 kutsarang tapang

Panapos na Pagtataya
 Pasasagutan sa mag-aaral ang pagtataya o maaaring ang
panimulang pagtataya. Ipapakita muli sa screen ang pagtataya.

MAGSALAMIN KA NAMAN JUAN!


Kulturang Masasalamin

Tukuyin ang masasalaming kultura ng mga taga-Rome sa akdang


binasa. Suriin ang pagkakahawig nito sa kultura ng mga Pilipino. Gawing
batayan ang halimbawang naibigay. Pagtulungan ito ng bawat pangkat.
Iuulat ng lider ang awtput.

V. Pagninilay Ipakikita ng guro sa screen ang gabay sa pagsasagawa ng mga mag-aaral ng


(Kasabay sa araw ng Paglalapat) repleksyon.
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno o journal ng kanilang
nararamdaman o realisasyon batay sa kanilang naunawaan sa aralin.
Isusumite ito ng mga-aaral online sa guro.
Nauunawaan ko na __________________________________________
Nabatid kong _______________________________________________

You might also like