Professional Documents
Culture Documents
Modyul 10 Panitikan Sa Pilipinas
Modyul 10 Panitikan Sa Pilipinas
Modyul 10 Panitikan Sa Pilipinas
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
MODYUL 10:
Panitikan sa Panahon ng Bagong Demokrasya ( Simula 1986 )
1
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Introduksyon
Hindi malilimutan ang naganap noong Pebrero 22-25, 1986. Tinagurian din itong
People’s Power Revolution. Kasunod nito, naluklok si Corazon C. Aquino at naalis si Ferdinand
Marcos sa pagkapangulo.
Ang mapayapang rebolusyon ay naganap noong Pebrero 22, sa pangunguna nina Juan
Ponce Enrile na Minister ng Tanggulang Bansa at Fidel Ramos na isang Heneral. Kinukumbinse
nila ang mga sundalo ng huwag sumunod sa order ni Marcos. Nanawagan sila, kasama ni
Cardinal Jaime Sin at iba pa, na pumunta sa EDSA sa pagitan ng Camp Aguinaldo at Camp
Crame.
Sa loob ng 77 na oras ay napatalsik ng mga tao si Marcos, kasama ang pamilya at mga
kroni sakay ng helicopter papuntang Clark Air Base. Mula sa Clark Air Base ay dinala sila sa
Hawaii.
Ipinahayag ang 77 oras na matahimik na rebolusyon noong Pebrero 26. Natapos ang
kaguluhan at nagsimulang nanungkulan si Cory Aquino.
Tila mga ibong nakalaya sa hawla ang mga komentarista sa radyo at telebisyon sa
paglalahad ng pros and cons sa pamahalaan.
2
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Dahil dito, maningning ang tinatanaw na bukas ng panitikan ng lahi. Maaaring ang mga
manunulat na Pilipino ay makarating sa kinaluluklukan ng mga kilalang manunulat sa buong
daigdig. Makikilala sila hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong daigdig man sa larangan ng
panulat.
PANULAANG PILIPINO
Giting ng Bayan
ni Francisco Soc. Rodrigo
3
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
I
Akala ni Marcos, ay pampalagiang Kaniyang mabobola„t mapaglalaruan Ang dating maamo at
sunud- sunurang Mga matiisin nating taong bayan.
II
Salamat sa Diyos, ngayon ay gumising Itong baying dati„y waring nahihimbing Salamat at
ngayo„y sumiklab ang giting Nitong Bayang dati ay inaalipin.
III
Kaya nama„t ngayon ay taas noo Nating Pilipinoo sa harap ng mundo Pagkat tayo„y laang
magsakripisyo Sa ngalan ng laya ng tama„t totoo.
Himala ni Bathala
ni Francisco Rodrigo
4
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
AWITING PILIPINO
Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E.dela Pena, ang Handog ng Pilipino sa
Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong naganap sa
sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan.
Ang binuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de
Jesus ay ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon.At dahil sa pagiging
5
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental
MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS
Sanaysay- Maging sa mga sanaysay, damang- dama ang labis na katuwaan ng mga
Pilipinosa nakamit sa bagong kalayaan. Mga halimbawa ng sanaysay: