Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Silay Institute, Incorporated

Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

MODYUL 9:
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan ( 1972-1986 )

1
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Introduksyon
Ang patuloy na paglala na kalagayan ng bansa sa pulitika at kabuhayan, ang hindi
mapigil na demonstrasyon at rally sa pangunguna ng mga lider estudyante, ang walang
kaayusang pagpasok ng mga nag-aaral sa mga paaralang naapektuhan ng demonstrasyon, ang
hindi mapigil na pagtanghal ng malalaswang panoorin sa mga sinehan at telebisyon: ang
paglilimbag at pagbibili na malaswang komiks at babasahin na nakakasama lalo na kaisipan ng
mga kabataan, at iba’t ibang krimen…sa lahat ng ito, isang kapasyahan ang ibinaba ng
Pangulong Ferdinand Marcos, ang pagpapairal ng Batas Militar (Martial Law) Setyembre 21,
1972.
Naging paksa sa nagmamatyag na daigdig, ang naganap sa Pilipinas matapos maideklara
ang Martial Law. May mga nasiyahan at mayroon naman mga lihim na tumiligsa sa
kapasyahang ito ng mga humahawak ng pamahalaan. Ang mga kautusan ng Pangulo
(Presidentil Decrees at Letters of Instructions) ang namatnubay sa mga hakbanging dapat
isagawa.
Nagsimulang mabalik sa normal ang kalagayan ng bansa. Nabawasan ang krimen, at unti-
unting nalulutas ang labis na pagpapatubo sa mga paninda, may sumusunod na panuntunan sa
tamang pagpapaupa nga bahay, paglalagay sa ayos ng mababang pasahod, at iban pang mga
pagbabago na kinamalasan naman ng lubos ng pagtanggap ng mamamayang Pilipino.
Bagama’t may mga paglilinis na isinagawa sa lipunan at pamahalaan, maaasahan lamang
na hindi lubusang mabibigyang-lunas ang mga kasamaang dulot ng personal na interes,
hangga’t hindi nabubunot ang pinag -ugatan ng mga gawaing ito.
Maraming pagbabagong naganap sa larangan ng Pantikang Pilipino. Sa pagtutulungan
ng pamahalaan at pribadong sector ay nagsasagawa ng mga seminar at kumprehensiya na may
kinalaman sa pamamahayag at paglalatha. Nakatulong nang malaki ang mga “guidelines” at
naging patnubay sa palulunsad ng mga naiibang tema at porma na dapat sundini ng mga
pahayagan,magasin,komiks, at mga babasahing pamparaalan.

2
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Ayon sa Pangulong Marcos, ang Bagong Lipunan ay pagbabagong-tatag at ang pinaiiral


sa Batas-Militar ay may lyuning ipadama sa mga Pilipino ang tamihik na pagbangon laban sa
mga maling gawain, at pagsupil sa pagmamalabis ng mga nasa kapangyarihan.
Noon nakilala ang mga kasabihang “Sa ikauunlad nag bayan, disiplina ang kailangan” at
“Ang panlalamang sa kapuwa ay gawaing masama”.
Naging maingat ang pamahalaan sa paggamit ng kalayaan sa pamamahayag, kung kaya’t
ang mga manunulat sa iba’t ibang larangan ay kailangang sumunod sa patakarang mahigpit na
ipinatutupad. Sa Public Information Services lamang manggagaling ang mga balitang may
kinalaman sa pamahalaan. Ang radyo, sinehan, at telebisiyon ay ginamit upang gisingin ang
damdaming makabayan. Sa panahong ito nakilala ang “Awit ng Bagong Lipunan” na binigyang
diin ang pagpapahalaga sa bagong Pilipino sa bagong lipunan.
Ang muling pagsigla ng mga manunulat sa sining at kultura ay pinangungunahan ng
Unang Ginang Imelda Marcos. Nagkaroon ng mga pagtatanghal ng konsiyerto at dula sa Cultural
Center of the Philippines. Sa muling pagsigla ng sining ng pagsulat ay muling nabuhay ang
maikling kuwento, nobela, at tula na may temang pagkamakabansa, at paglaban sa mga naapi.
Ang samahan ng mga mandudula ay naitatag gaya ng PETA at Students Dramatic Guild.
Ang lalong nakilala ay ang UP, Ateneo, De La Salle University, at Manila Theatre Guild.
Ang kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay nagbaba ng isang kautusan noong 1974, na
nagbigay sigla sa pagpapalaganap ng wikang pambansa. Pinairal ang patakarang bilingualismo.
Kasunod nito, lalong naging masigla ang mga palabas sa telebesiyon at sinehan na wikang
pambansa ang ginagamit.
Nagpatuloy rin ang pamimili ng Palanca Memorial Awards for Literature ng mahuhusay
na akda sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking premyo, at pagsasaaklat ng mga napiling
akda.
Sa nobela ay tatlo ang natangi sa panahon ng Bagong Lipunan. Ito ay May Tibok Ang
Puso ng lupa ni Bienvenido A. Ramos, Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador B.
Mirasol, at ang Gapo ni Lualhati Bautista-Dela Cruz na nagkamit ng natanging gantimpala sa
nobela na ginawad ng Palanca Memorial Awards for Literature noong Setyembre 1980.

3
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Tara ! Tuklasin Natin ang mga Panitikan sa Panahong Ito!

Mga Nagwagi ng Gawad Palanca sa Tula

 1971-1972 (Walang nagwagi ng una, pangalawa, at pangatlong gantimpala)

Mga pampalubag-loob na gantimpala:

a. Dalawampung Tula – Lamberto E. Antonio


b. Katipunan ng mga Napapanahong mga Tula – Teo S. Baylen
c. Mayo 1 at Piling Tula – Epifanio San Juan, Jr.

 1972-73 ( Walang pangalan ang maraming dakila – Eduardo Garrovillas )


 1973-74 ( Litanya kay Santa Clara – Teo T. Antonio )

Mga tanging Gantimpala:

a. Quo Vadis Kapitan at iba pang Tula – Celso Datuz


b. Tinig sa Bagong Panahon – Pedro S. Dandan

 1974-75
Mga Tanging Gantimpala:

a. Isang Tingkal na Alabok – Lualhati Alvero


b. Ang panunuyo ni Abunnawa – Jose Carreon
c. Sino ang bulag at iba pang Tula – Alberto S. Cruz
d. Tsinataklipan: Ugat ng Angkan – Victor V. Francisco
5. Namimintana Ako – Gloria Villaraza Guzman

4
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

 1975-76 ( Sangsipil na Uhay – Lamberto E. Antonio )

 1976-77
a. Sa bibig ng balon at iba pang Tula – Lamberto E. Antonio
b. Sa pagdalaw ng Pangungulila – Jesus Manuel Santiago

 1977-78 ( Duyan, Araro, Punglo – Lamberto E. Antonio )

Mga Karangalang – Banggit:

a. Oyayi ng isang Pulubing Ina – Miguel Arguelles


b. Mga Tula – Eli Ang Barroso

 1978-79 ( Kahit Ka Man Hostess at Iba Pang Tula – Alberto F. de Guzman )

 1979-80 ( Pula ang Putik sa Konkretong Looban at iba pang Tula – Teresita P.
Capili-Sayo )

 1980-81 ( Taga sa Bato – Romulo A. Sandoval )

 1981-82 ( Odyssey ng Siglo – Cresenciano C. Marquez )

 1982-83 ( Sa panahon ng Ligalig – Jose F. Lacaba, Jr. )

 1983-84 ( Bakasyunista – Tomas F. Agulto )

 1984-85 ( Punta Blangko – Mike L. Birgonia )

Mga Nagwagi ng Gawad Palanca sa Maikling Kuwento

5
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

 1971-72 ( Kumpisal – Norma O. Miraflor )

 1972-73 ( Ang daong ni Noe – Pedro S. Dandan )

 1973-74 ( Malikmata – Benigno R. Juan )

 1974-75 ( Guwardiya – Ave Perez Jacob )

 1975-76 ( Alamat ng Sapang Bato – Fanny A. Garcia )

 1976-77 ( Ahibay – Hercules del Mundo )

 1977-78 ( Ayoko na – Rosauro dela Cruz )

 1978-79 (Pangarap – Leuterio Nicolas & Habag – Benigno R. Juan )

 1979-80 ( Kandong – Reynaldo A. Duque )

 1980-81 ( Di ko Masilip ang Langit – Benjamin P. Pascual (Radamen) )

 1981-82 ( Arriverderci – Fanny A. Garcia )

 1982-83 ( Mga Sugat sa Dibdib ni Sr. Faina – Fidel D. Rillo Jr. )

 1983-84 ( Sa Kadawagan ng Pilikmata – Fidel D. Rillio Jr.)

 1984-85 ( Unang Binyag – Ernie Yang (Homer) )

6
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

Tatlong Bagay Na Mababakas Sa Mga Katha Ng Bagong


Lipunan:

1. Diwang Pilipino
2. Buhay Pilipino
3. Damdaming Pilipino

Mga Kahalagahan Ng Komiks:

1. Mabisang pampalipis ng oras


2. Nagbibigay kaalaman at impormasyon
3. Nakatutulong sa hanapbuhay
4. Nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mg kapus-palad
5. Nag-uugnay sa watak-watak na damdamin nga mga Pilipino
6. Nakatutulong sa madaling pag-unawa nng binasa at pagbasa

Mga Akdang Unang Nagtamo Ng Gawad Palanca


(Naitatag noong 1950 at pinakamataas na karangalang
pampanitikan)

1. Sa Kuwento -Kuwento ni Mabuti – ni Genoveva Edroza


2. Sa Tula- Alamat ng Pasig – si Fernando “Batubalani” Salazar
3. Sa Dulang 1 yugto – Hulyo 4, 1954 A.D – ni Dionisio Salazar
4. Sa Dulang 3 yugto – Alipato- ni Nonilon Queaño
5. Sa Dulang Ingles – The World is an Apple – ni Alberto Florentino, Jr.
6. Sa Sanaysay Ingles - Literature and Society: Essays on Life and Letters - Salvador
Lopez

Mga Pangunahing Manunulat Ngayon

A. Sa Komiks:

7
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

1. Carlos J. Caparas
1. Elena M. Patron
2. Pablo S. Gomez
3. Jim Fernandez
4. Nerissa Cabral
5. Mars Ravelo (Ama ng Komiks)

B. Sa Nobela at Maikling Kuwento (Liwayway)

1. Efren Reyes Abueg


2. Bienvenido Ramos
3. Liwayway Arceo
4. Jun Cruz Reyes
5. Virgilio Almario (Rio Alma)

C. Sa Pahayagan:

1. Teodoro P. Valencia – Dekano ng Peryodismong Pilipino Over A Cup of Coffee


sa Harap ng Salamin
2. Ruther Batuigas – Tempo
3. Ligaya Perez
4. Narciso del Rosario – Sisong Kantanod (Taliba)
5. Miguel Genoveva – Daily Express

D. Sa Tula:

1. C.C. Marquez, Jr. – Pangulo ng Taniw – Taliba ng Inang Wika at Pangunahing


samahang pangwika ngayon
2. Ponciano Pineda – Direktor ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas

8
Silay Institute, Incorporated
Rizal Street, Silay City, Negros Occidental

MODYUL
sa
PANITIKAN SA PILIPINAS

Instruktor: RICHARD ABORDO PANES


Koda ng Kurso: EEE02
Antas & Pangkat: BEEd III-A&B
Akademikong Taon & Semestre 2020-2021, Unang Semestre

3. Domingo Landicho
4. Teo S. Baylen

E. Sa Dula:

1. Nick Joaquin (Quijano de Manila) – A Portrait of the Artist as Filipino – tampok


na akda
2. Wilfredo Ma. Guerrero – U.P. Mobile Theatre
3. Lino Broca and Soxy Topacio – PETA
4. Zenaida Amador – Repertory Philippines
5. Orlando Nadres – Flor de Luna

You might also like