Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

12.9.

16
Nanunuot ang lamig sa anino ng ating pagmamahalan,
Ngunit ‘di nito napigilan ang paggapang ng init n gating katawan.
Sa tuwinang ipinipinta ko sa iyong palad ang kaligayan.
Sa tuwinang naging bahagi ka ng aking kaakuhan.

Nanunuot sa aking gunita ang lutong ng iyong tawa,


Ngunit mas naiwan sa akin ang titig mong may kapaniguraduhan
Sa tuwinang magkaulawan tayo’t magkadantay ang mga kaluluwa
Sa tuwinang malagkit ang aking pagsilip sa biyaya ng langit.

Sinabayan ko noon ang ihip ng hangin,


Sa awiting ‘akala mo’ na inawit ko
Habang yakap ka sa likura,
At payapa kitang tinitignan.

Nanunuot nga ang lamig ng Disyembre,


Ngunit mas nanunuot ang init na iniwan ng halik mo.
Sa pilikmata kong paandap-andap, sa puso kong noo’y nawasak.
Sa likod ng anino nating nag-isa’t naging payak.

Nanunuot na ngayon ang bawat kataga n gating pagsinta


Higit pa sa init at lamig ng bawat sikat, ng bawat taglagas.
Dumadaloy na ang bias ng pagmamahal sa ating ugat
Nananalaytay na ito sa nabuong ikaw at ako, sa pagiging tayo.

You might also like