Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1 Retorika
Modyul 1 Retorika
PAKSANG-ARALIN
II. LAGOM-PANANAW/INTRODUKSYON:
“ Sa Masining na Pagpapahayag,
ang pipi ay nakakapagsalita;
ang bulag ay nakakakita;
ang pilay ay nakakalakad;
ang bingi ay nakakarinig ; at
ang walang pakiramdam ay nakadarama!
Alam nyo ba kung ano ang mga yan? Tama! Iyan ay mga sangkap o rekado sa
pagluluto. Alam ninyo ba ang kaugnayan ng larawan na iyan sa Retorika?
Mahusay!, dahil ang Retorika ay para ding sangkap sa ating pakikipagtalastasan.
Retorika ang nagsisilbing pampasarap ng ating mga ginagamit na wika. Ginagamit
ito upang maging makulay at masining ang ating mga gustong ipahayag at
ipabatid.
RETORIKA
RHETOR
GURO
MAHUSAY NA
MANANALUMPATI
Klasikong Kahulugan ng Retorika
‘’ Ang retorika ay Siyensya o Agham ng Paghimok o Pagpapasang-
ayon (Socrates).
AKTIBITI 2
KASAYSAYAN NG RETORIKA
Pinaniniwalaang ang retorika ay nagsimula pa noong ikalimang
siglo bago dumating si Kristo. Ito ay nabuo bilang isang paraan ng
pakikipagtalo sa isang Sicity ng Syracuse. Nang bumagsak ang
pamahalaang diktaturya sa islang ito , binigyan ng pagkakataon ang
mamamayang dumulog sa hukuman at ipagtanggol ang kanilang mga
karapatan sa mga lupang inikit ng nakaraang rehimen. Nagpanukala si
corax, isang iskolar ng tagaroon ng mga tuntuning kailangang sundin ng
mga maglalahad sa gagagawing argumento. Ayon sa kanya mahalagang
magkaroon ng maayos na pamamaraan sa paglalahad ng mga argumento
upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig. Batay sa kanyang
inihandang pamamaraan, ang lahat ng argumento ay kailangang
nakasentro sa talumpati na kakikitaan ng limang mahalagang elemento.
Bunga nito nilikha ang retorika upang makahikayat at mapunuan ang
pagkukulang sa mga nasususlat na mga katibayan. Bagaman masasalim
ng isang tagamatyag na ang nalikhang konseptong ito ay nakapokus sa
mga nararamdaman ng tagapagsalita at hindi sa kawastuhan at galling ng
argumentong ipinapahayag.Ayon sa mga Sophist(mga iskolar), ang
retorika ay mahalaga upang makamtan ang makapangyarihang political
sa panahong iyon. Gayunpaman, hindi ito sinang-ayon ni Socrates at
tahasang tinuran ang mga Sophist ay naghahangad ng kabayaran sa
kanilang pagtuturo at pagpapataas ng kalidad ng retorika bilang isang
sining ng pagtatalo at hindi isang paalam sa isang talumpati. Ayon pa
kay Socrates ang gawaing ito ay naghihikayat lamang sa mga mag-aaral
na palabasin ang kasamaan ng isang mabuti at busilak adhikain.
AKTIBITI 3
SALIK NG RETORIKA
Ang retorika ay tuwiran na naiuugnay ng mga salik na siyang bumubuhay at
nagpapakilos dito upang maging mabisa ang pagamit nito.
AKTIBITI 4
Ngayon nalaman ninyo na ang mga kahalagahan at tungkulin ng
retorika, halina’t gumawa ng sariling tula gamit ang iyong angking
retorika. Maaari kang mamimili ng kahit anong paksa depende sa
nais mo.
PAALALA: Iwasang kumuha ng tula sa internet o sa kahit anong
sanggunian. Gumawa ng tula na bokal sa iyong puso( ‘’Dahil minsan
ang tao ay nadarapa, dahil sinubukang gayahin ang iba.’
VI.LAGOM NG MODYUL
Ang retorika ay tumutukoy sa masining na
pagpapahayag na ginagamitan ng mabisa, malinaw,
maayos at kaakit-akit na mga pananalita upang
maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at
bumabasa.
Saklaw ng retorika ang wika, sining,pilosopiya at iba
pang larangan.
May mga salik ng retorika na siyang bumubuhay at
nagpapakilos dito upang maging mabisa ang paggamit
nito, tulad ng tamang paggamit ng balarila,lipunan,
pagmamatwid at katotohanan.
Mayroon ding tiyak na kasaysayan ang retorika at mga
tungkulin nito at kaniyang mga kahalagahan.
VII. HULING PAGTASA SA MODYUL
PANUNTUNAN 4 3 2 1
PAGPAPAKAHULUGAN:
13 - 16 NAPAKAHUSAY
9 - 12 MAHUSAY
5 - 8 KATAMTAMAN
1 - 4 NANGANGAILANGAN NG PAGSASANAY
X. SANGGUNIAN
Aklat ng Masining na Pagpapahayag, Google
Scribd.com@slideshare.net.com