Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TEENAGE PREGNANCY

Ang pagbubuntis ng maaga ay isa sa mga pangunahing


rason kung bakit mayroongmalaking pagtaas sa ating populasyon na
nagreresulta sa kakulangan at kahirapan. Ngunit bakit ng aba patuloy ang
pagtaas ng ganitong kaso sa ating bansa? Nagkulang ba ang gobyerno? O
tayong mamamayan mismo?
Base sa ulat na inilabas ng “POPCOM” o “Comission on
Population and Development” mula noong taong 2011-2017 ang
“Pregnancy Rate” ng mga 10-14 na taong gulang ay tumaas ng 50%. 30-
50% nito ay mga 10 taong gulang na bata. Base naman sa ulat ng PSA o
“Philippine Statistic Authority” ang Northern Mindanao ay pumapangalawa
sa buong bans ana may pinakamataas na maagang pagbubuntis;
kramihan sa mga ito ay mga batang 10 taong gulang lamang.
Ang Pilipinas ay ang pinakamataas na bahagdan ng
maagang pagbubuntis, sa katunayan tinatayang mayroong 500 pataas na
bata ang naisisilang na ang ina ay 10-19 na taong gulang kada araw.
Tunay na nakakaalarma ang ganitong pangyayari sa ating bansa.
Lumalabas na ang pangunahing sanhi ng “Teenage
Pregnancy” ay ang bukas na paggamit ng internet o ang pagiging bukas
ng mga site na mayroong “sexual content” sa kabataan, isa pang sanhi ay
hindi epektibong pagdidisipina ng magulang at maling mga taong
kinaibigan.
Kaya naman ang nakikitang solusyon sa malaking suliranin
na ito ay ang gabay ng mga nakakatanda sa kabataan at sapat na
kaalaman na mayroong katumbas na malaking responsibilidad ang bawat
akyon na kanilang gagawin.

You might also like