Survey Questionnaire

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbasa at Pagsulat ng mga Piling

Mag – aaral mula sa Junior High sa Akademya ng Mabuting Pastol”


_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Pangalan: _______________________ Edad: _____
Baitang / Seksiyon: __________________
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
I. Pagtataya
PANUTO: Lagyan ng tsek () ang mga angkop na sagot sa mga
sumusunod na tanong. Sa bilang 2, 3, 4, 5, 6, 7 at 8, maaaring
ang iyong sagot ay higit pa sa isa.
1. Sa bilang 1 hanggang 3, paano mo susukatin ang iyong interes
sa pagbasa at pagsulat?
( ) 1 - Hindi interesado
( ) 2 - Hindi gaano kainteresado
( ) 3 - Interesado
2. Paano nakaaapekto ang lebel ng iyong interes sa kasanayan sa
pagbasa at pagsulat?
Positibong Epekto
( ) Mas yumayabong ang aking kakayahan at kaalaman sa
mga bagay-bagay
( ) Lumalawak ang aking talasalitaan
( ) Nasasanay ang aking kritikal na pag-iisip
Negatibong Epekto
( ) Nahuhuli ako sa mga talakayan sa klase, sa mga
takdang aralin at sa proyekto
( ) Limitado ang aking kaalaman sa mga bagay - bagay
( ) Hindi nahahasa ang aking kasanayan sa pagbasa at
pagsulat gayundin ang aking kritikal na pag-isip.
3. Ano – ano ang iyong mga dahilan kung bakit ka nagbabasa at
nagsusulat?
( ) Nagbabasa at nagsusulat ako upang maaliw o
malibang, mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
nararamdaman.
( ) Nagbabasa at nagsusulat ako upang tumuklas ng mga
bagong kaalaman, maiimbak sa aking pag - iisip at
mapahayag ang aking saloobin at damdamin.
( ) Nagbabasa at nagsusulat ako upang mabatid ang iba
pang mga karanasan na kapupulutan ng aral at
maibabahagi ang aking sariling pinagdaanan at
kaalaman
4. Alin sa mga sumusunod na kasanayan ang mga teknik o
pamamaraan na iyong pinagagana sa pagbabasa ng iba’t ibang
teksto upang ito’y lubos na maunawaan?
( ) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
( ) Biswalisasyon ng binabasa
( ) Pagbuo ng koneksiyon
( ) Paghihinuha
( ) Pagsubaybay sa komprehensiyon
( ) Muling pagbasa
( ) Pagkuha ng mga kahulugan mula sa teksto
Ano naman sa pagsulat ng mga akda?
( ) Pagpili ng malawak na paksa
( ) Pagbabanghay ng mga ideya
( ) Pagbuo ng koneksiyon sa daloy ng mga pangyayari
( ) Biswalisasyon ng isusulat na akda
( ) Paggamit ng mga tayutay at pang - uri sa akda
( ) Paggamit ng naratibong salaysay
5. Paano nakaaapekto ang mga teknik o pamamaraang ito sa iyong
pagbasa at pagsulat?
( ) Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, lubusan
kong
nauunawaan ang aking binabasa at naipapahayag ko
ng maayos ang aking ideya, saloobin, at damdamin
sa pagsulat.
( ) Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, nahihimay –
himay ko ang bawat detalye ng aking binabasa at
nahihinuha ko ang mga maaaring daloy ng mga
pangyayari ng aking sulatin.
( ) Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, nagiging
maayos ang aking pagbabasa at nagiginag malinaw
ang bawat pangyayari sa aking sinusulat.
6. Paano nakaaapekto ang hindi pagkakaroon ng sapat na
kasanayan sa wika at gramatika sa iyong pagbasa at pagsulat?
( ) Magulo at mahirap maunawaan ang bawat pangyayari
sa
isang akda
( ) Mahirap bigkasin ang ibang terminolohiya at
limitado ang mga salitang maisusulat o gagamitin
sa isang akda
( ) Nagdudulot ng kawalan ng interes at katamaran sa
pagbabasa at pagsusulat
7. Alin sa mga tagpo o salik ang nakaaapekto sa iyong pagbasa
at pagsulat?
( ) Hindi sapat na kasanayan sa wika at gramatika
( ) Hindi sapat na talasalitaan
( ) Hindi sapat na kasanayan sa pagbasa at pagsulat
( ) Kakulangan ng mga imbak na kaalaman
( ) Hindi paggamit ng kritikal na pag-iisip
( ) Pagkahumaling sa mga makabagong teknolohiya at
Internet
8. Ano - ano ang mga hakbang na iyong ginagawa upang maiwasan
ang mga salik na nakaaapekto sa iyong pagbasa at pagsulat?
( ) Iwasang maging tamad
( ) Maghanap ng motibasyon sa pagbabasa at pagsusulat
( ) Pag-ibayuhin ang mga kalakasan at bigyang solusyon
o aksyon ang mga kahinaan sa nasabing mga
kasanayan
( ) Ugaliing magbasa ng mga literatura at magsulat ng
mga akda

Lagda: _______________
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
 “MARAMING SALAMAT PO” 

You might also like