Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

St.

Mary’s Educational Institute


Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

MODYUL SA FILIPINO 6

Modyul Blg. 2 Petsa: Agosto 31 – Setyembre 5, 2020

Paksa: Pangngalan at Panghalip

Pangkalahatang – ideya
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa tamang pagpapakahulugan ng Pangngalan at
mga uri nito. Naglalaman rin ito ng mga halimbawa at tamang gamit ng panghalip.

Layunin
 Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t
ibang sitwasyon
 Natutukoy ang mga pangalan at panghalip
 Nakapagbibigay ng sarili at maaaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa
paligid

Nilalaman

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin ng may pag-unawa ang lahat ng nakasulat sa


modyul.

UNANG ARAW

HANDA KA NA BA?

Bago tayo dumako sa ating talakayan nais ko munang tukuyin ninyo kung sino at ano
ang tinutukoy ng bawat larawan. Ilagay sa kahon ang inyong mga kasagutan.

Anong bahagi ng pananalita ang tinutukoy ng mga larawan? Patunayan.

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

MAHUSAY!

Matapos ninyong kilalanin ang mga larawan na nasa itaas, dumako naman tayo sa
ating talakayan.

TUKLASIN NATIN!
PANGNGALAN AT URI NG PANGNGALAN
PANGNGALAN – ito ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa isang tao, hayop, bagay, pook,
kalagayan, o pangyayari.

Halimbawa ng Pangngalan:
Para sa iba pang halimbawa buksan ang link na ito:
https://philnews.ph/2019/02/16/pangngalan-ano-ang-pangngalan-halimbawa/

 Tao
Ibinili ni Tonyo ng bulaklak si Aling Linda.
Sina Louie at Dailyn ay pumunta ng parke.
Ayaw ni Carlos na kumain ng pinya kaya ibinigay niya ito kay Sander.
 Bagay
Ang tubig sa tabo ay natapon ni Miguel.
Ang plato ay aksidenteng nabitawan ni Damian.
Ang telepono ay nabagsakan ng malaking kahoy.
 Pook
Sa probinsya ng Sto. Rosario umuuwi ang pamilya Paeng.
Sa parke pumunta ang magkapatid noong kaarawan ni RJ.
Sa Mababang Paaralan ng Miguel Jaime nag-elementarya sina Vin at Rexel
 Pangyayari
Sa Pasko na raw uuwi mula Amerika si John Lloyd.
Sa kanyang kaarawan ay isinurpresa siya ni Leiane.
Ang Bagong Taon ay malayo pa kaya marami pang pwedeng mangyari.

INDEPENDENT LEARNING 1

SUBUKIN NATIN!

Salungguhitan ang mga pangngalan sa bawat pahayag.

1. Si Helena ay nagmamadaling umalis.


2. Masayang ipinagdiwang ng mga tao ang araw ng mga puso.
3. kami ay nagtungo sa SM, Lemery.
4. Napakaganda ng telepono na regalo sa akin ng aking mga magulang.
5. Ako ay lubos na nagagalak sapagkat padating na ang aking Lolo Teodoro.
6. Ang paborito kong baso ay nabasag.
7. Nakakapagod ngunit masaya ang naging pagpasyal naming sa Baguio.
8. Matutuwa si Nanay Virgie sa aking pasalubong
9. Ang alaga kong aso ay malambing
10. Bumili si nanay ng gamot sa Botika.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

IKALAWANG ARAW

ALAM MO BA?

May dalawang uri ang pangngalan ito ang pantangi at pambalana. Ano
ano ng aba ang mga ito?

URI NG PANGNGALAN
PANTANGI – Ito ay tumutukoy sa tiyak na tawag sa tao, hayop, pook o pangyayari.

Halimbawa:
Gng. Manalo Hannah Dr. Cruz
Caloocan City Jansport SMEI

PAMBALANA – Ito ay tumutukoy sa karaniwan o panlahat na tawag sa tao, hayop, bagay,


pook, kalagayan o pangyayari.

Halimbawa:
Dalaga Bag Paaralan
Doktor Guro Parke

Upang higit na maunawaan ang dalawang uri ng pangngalan tingnan ang larawan na ito.

https://www.slideshare.net/mydearest/uri-ng-pangngalan

Makikita sa larawan na ang unang halimbawa ng pantangi ay Jill kung saan ito ay tiyak
at tumutukoy sa iisang tao lamang sa pambalana naman ay makikita natin ang salitang mag-
aaral kung saan ito ay tumutukoy sa panlahatan. Kung susuriin ng mabuti, pag sinabing si Jill
ay ipinatawag ng punong guro. Ibig sabihin si Jill lamang ang pupunta sa punong guro at wala
ng iba pa. Kung sasabihin naman ay, ang mga mag-aaral ay pinatawag ng punong guro. Ito
ay tumutukoy sa maramihang bilang at hindi tiyak kung sino.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

TATLONG URI NG PANGNGALANG PAMBALANA


TAHAS – Kung ang pangngalan ay maaaring mahawakan, makita, marinig, maamoy,
mabilang, madama, o malasahan, ito ay pangnglang konkreto o tahas. Nagagamit natin ang
ating mga pandama sa pagtukoy nito.
Halimbawa: mangga, plato, sapatos, papel, aso

BASAL – Ang pangngalang ito ay di materyal. Ito ay isang ideya, kaisipan, o damdamin.
Halimbawa: pag-ibig, katapangan, kaginhawaan, dedikasyon, kinabukasan, enerhiya,
katapatan, buhay, tiwala

LANSAKAN – May mga pangngalan para sa grupo ng tao, hayop,lugar o bagay. Ang tawag
sa mga ito ay pangngalang palansak.
Halimbawa: grupo, komite, hurado, orkestra,pangkat, umpukan, pamilya,kolonya, lipi, angkan,
kumpanya, tropa, kongregasyon, buwig.

INDEPENDENT LEARNING 2

SUBUKIN NATIN!
A. Panuto: Punan ang tsart ng wastong pangngalan

B. Panuto: Suriin ang mga pangngalan sa kahon. Kilalanin ang mga ito kung tahas, basal, at
lansakan. Isulat sa tamang hanay ang iyong sagot.

Barangay Babasahin Langkay Kapayapaan


Aklat Kadakilaan Pag-ibig Anak
Pagkain Upuan Pulutong Ginto
Buwig Konggregasyon Pinsan Kaligayahan
Barkada Pag-unlad Bag Pumpon

TAHAS BASAL LANSAKAN


IKATLONG ARAW

ALAMIN!

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

MGA GAMIT NG PANGNGALAN

SIMUNO – Ito ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap.

Halimbawa:
a. Ang paaralan ay mahalaga sa isang komunidad.
b. Masayang tumulong sa akin si Mark.

KAGANAPANG PANSIMUNO – Ito ang pangngalang nasa bahagi ng panaguri na nagsasabi


tungkol sa simuno; ang simuno ng kaganapang pansimuno ay tumutukoy sa iisang tao,
bagay, pook at pangyayari lamang. Walang salitang kilos ang pangungusap na may
kaganapang pansimuno maliban sa panandang ay.
Halimbawa:
S – simuno
KP – kaganapang
pansimuno
TL – tuwirang layon
a. Si George ay isang mabait na anak.
S KP

b. Mahusay na guro si G. Santos.


KP S

TUWIRANG LAYON – Ito ang pangngalang tumatanggap sa kilos na pinahihiwatig ng


pandiwa. Tumutugon ito sa tanong na ano.

Halimbawa:

a. Ang nanay ay nagluto ng almusal.


TL

b. Kumain kami ng prutas at gulay araw-araw.


TL

PANGHALIP
Ang panghalip panao ay ang mga salitang ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.

PANAUHAN NG PANGHALIP

UNANG PANAUHAN – Ito ay tumutukoy sa taong nagsasalita sa pangungusap


Halimbawa:
Ako, ko akin, kata, tayo, kami, amin at atin

Ako ay masaya sa aking bagong trabaho.


Ating pupuntahan ang laguna sa pasko.

IKALAWANG PANAUHAN – Ito ay tumutukoy sa taong kinakausap.


Halimbawa:
Ikaw, ka, mo, iyo, kayo, inyo at ninyo

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

Kunin mo kay Mary ang mga gamit mo.


Pumunta ka sa kusina

IKATLONG PANAUHAN – Ito ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan.


Halimbawa:
Niya, siya, kanya, sila, nila, at kanila

Sila ay umalis kaninang umaga.


Saan sila papasok ngayong darating na pasukan?

INDEPENDENT LEARNING 3

PAG-USAPAN NATIN

A. PANUTO: Salungguhitan ang simuno at bilugan ang kaganapang pansimuno sa


pangungusap.

1. Si Sarah ay isang mang-aawit.


2. Si Duterte ay isang magaling na pangulo ng bansa.
3. Ang basketbol ay isa sa paboritong laro ng mga kabataan.
4. Ang sampaguita ay mabangong bulaklak.
5. Si Apolinario Mabini ay kilala bilang Dakilang Lumpo.

B. PANUTO: Lagyan ng kahon ang tuwirang layon sa bawat pangungusap

1. Ako ay nagluto ng ulam kahapon.


2. Si Amang ay nagpapaandar ng bisikleta.
3. Lahat kami ay sumayaw ng tinikling.
4. Ako ay naglalaba ng damit.
5. Nagsalansan ng kahoy si kuya

C. PANUTO: Tukuyin kung ang mga panghalip panao na may salungguhit ay nasa
panauhang una, ikalawa, o ikatlo. Isulat ang sagot sa patlang.

________1. Ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng taong inaapi?


________2. Siya ba ay iyong tutulungan?
________3. Ikaw, kikilos ka rin ba para tulong sa kanila?
________4. Tayong lahat ay dapat makiisa upang bumuti ang ating buhay.
________5. Hindi maaaring akin o iyo lang. dapat isipin ang lahat

Pagtataya at Pagsusuri

GAWAIN BLG. 1

Panuto: Ipaliwanang ang mga katanungan na nasa ibaba.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

Paano dapat pahalagahan ng isang anak ang kanyang mga magulang?

Bakit Kinakailangan nating suklian ang mga ginagawa ng ating mga magulang sa atin?

GAWAIN BLG. 2

Panuto: Isang liham ang ipinakikita sa ibaba. Salungguhitan ang panghalip na panao na
bubuo sa bawat pangungusap. Pumili sa mga panghalip na panao sa loob ng panaklong.

Mahal 1(niyang, kong, kitang) Emily,


Kumusta 2(ka, siya, ikaw) na? Pasensya na at ngayon lang 3(ikaw, tayo, ako) nakasagot
sa sulat mo. Malapit na kasi ang pagsusulit sa paaralan kaya abala 4(siya, kayo, ako) sa pag-
aaral. Ang paborito 5(mong, niyang, kong) asignatura ay Science. Dahil hindi ako masyadong
magaling sa Math, tinuturuan ako ni Kuya Mio. Sana magustuhan mo ang larawan na
pinadala 6(ko, mo, niya) kasama ng liham na ito. Ang buong pamilya 7(mo, ko, niya) ay
pumunta sa isang resort sa Laguna. Pati si Lolo Manuel sumama sa 8(kanila, kayo, amin).
Nahalata mo ba sa larawan na tumangkad na si Kuya Mio? Nahilig nga 9(sila, siya, ka) sa
paglalaro ng basketbol. Badminton naman ang bagong hilig ko ngayon. Naalala mo ba ang
pinsan ko na si Maya? Magkaklase na 10(ako, siya, kami) ngayon. Bagong lipat dito ang
pamilya 11(niya, namin, mo) at natutuwa siya dahil nagkita kami. Galing sa lalawigan ng
Quezon ang pamilya ni Maya kaya marunong 12(ako, siya, tayo) mag-Tagalog. May ate at
kuya si Maya. Mabait 13(sila, kayo, kami) sa akin. Kumusta naman ang pamilya mo? Masaya
ba 14(kayo, kami, ko) sa bagong tirahan ninyo? Sana makabisita 15(ka, siya, ako) sa inyo
balang araw. Pangarap ko na magkita 16(tayo, siya, ikaw) muli. Nalungkot ako sa pag-alis mo
dahil 17(siya, ikaw, sila) ang unang matalik kong kaibigan. Sigurado ako na 18(kami, tayo, ako)
ay mananatiling magkaibigan.
Hihintayin ko ang tawag mo sa Sabado dahil marami pa 19(akong, ikaw, siyang)
ikukuwento sa iyo. Sabik na akong marinig muli ang boses 20(ko, mo, niya).

Nagmamahal, Myra

GAWAIN BLG. 3
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalaman ng iyong sariling solusyon sa isang
suliraning naobserbahan sa iyong paligid o sa iyong barangay. Bilugan ang mga pangngalan
at panghalip na ginamit.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS


Kalinawan ng mensahe 5
Tamang gamit ng pangngalan at panghalip 5
Pagkamalikhain 5
KABUUAN 15 PUNTOS
Sanggunian

 Gulinao, A. B. (2019, September 14). Yaman ng Diwa 6 Wika at Pagbasa. Marilao,


Bulacan: KLEAFS Publishing
 Ghaz, S. (2019, February 16). PANGNGALAN: Ano ang pangngalan, mga
halimbawa nito [Web Site]. Project: Report. Retrieved from
https://philnews.ph/2019/02/16/pangngalan-ano-ang-pangngalan-halimbawa/
 Pomada, J. (2014, January 16). Uri ng Pangngalan [slideShare]. Project: Report.
Retrieved from https://www.slideshare.net/mydearest/uri-ng-pangngalan

Inihanda ni: Iniwasto ni:

GNG. MAAN R. GALLOS GNG. DAISY JANE M. BRIONES


Guro sa Filipino Koordineytor sa Filipino/English

Binigyang-puna ni: Sinang-ayunan ni:

GNG. DIVINA G. AGONCILLO DR. RANDY M. BAJA


Katulong na Punungguro Punungguro

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited

You might also like