Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

May Rite Med Ba Nito?

Mabilis daw kumalat ang pekeng balita sa mga taong tanga.

Sa isang bansang demokratikong gaya ng Pilipinas, Malaya ang sinuman sa paggamit ng social
media. Malayang maglabas ng opinion, malayang makipag-ugnayan at malayang magkalat ng maling
impormasyon. Maraming salamat sa social media mas mabilis na naipapakalat ang pekeng balita na
nagdudulot ng kamangmangan sa mga taong naniniwala. Ang nakababahala, walang gamot sa pagiging
tanga.

Kahit sa Rite med, wala.

Minulat tayo ng kasanayang kapag ibinalita sa TV o radio, iyon ay totoo ngunit malamang ito ay
mababago kapag malaman-laman nating noong June 9, taong kasalukuyan, inamin ng CNN na sila ay
naglathala ng pekeng balitang tumutuligsa kay USA Pres. Donald Trump. Doon pa lang ay maaari nang
magkaroon ng lamat ang pagtitiwala ng tao sa media. Lalo na’t may local version ang CNN sa PIlipinas.

Kahit sino ay maaaring gumawa ng balita. Budburan lang ng kapani-paniwalang pahayag at


gawa-gawang detalye, may sampung tao na sa isang daan ang maniniwala hanggang sa ang sampung
iyon na ang magkakalat nang nakalap na maling kaalaman.

Tiyak na mahirap ang sitwasyon kung mas marami ang naniniwala sa maling balita. Iyon ay ang
mga pagkakataong ang kasinungalingan ay nagiging totoo at ang katotohanan ay nagiging
kasinungalingan. Paano ba malalaman kung ang narinig ay hindi totoo?

Una, kapag hindi malinaw kung saan galing ang balitang narinig. Hindi ba’t kapag may naririnig
tayong usapin ang lagi nating tanong ay “ Sinong nagsabi?” at kung nalaman nating kahina-hinala ang
pinagmulan, mahirap na itong paniwalaan.

Sa mga naglipanang gipalpal na websites na mabilis na naipapakalat sa Facebook, maraming


salamat sa mga trolls o ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon, nagkaroon ng
dahilan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na maglabas ng listahan ng mga sites
na diumano’y pugad ng mali-maling datos gaya ng Kalye Pinoy, Pinoy Trending News, Duterte News Info
at 25 pang iba.

Pangalawang bagay upang matukoy kung ito ay fake news – kaya ka nitong galitin.
Kapag nakaramdam ng pagkapantig sa tainga matapos marinig o mabasa ang balita, pangitain na iyon
upang masabing ito’y hindi totoo.

Katotohanan ang magpapalaya kaninuman ngunit huwad na katotohanan ay nagbibigay ng hindi


totoong kalayaan. May kani-kaniya tayong pag-iisip at paniniwala ngunit nagkakatalo-talo lamang ito sa
kung ano ang tama.

Wala mang gamot sa pagiging tanga, maaari naman nating baguhin ang sistema. Hindi man
mahihinto ang paggawa ng pekeng balita, mahihinto naman natin ito sa pagkalat.

Tayo’y Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa. Ano nga ba ang Pilipino? Ito ay ang kalaban ng
kasinungalingan at kakampi ng makatarungang pamamahayag.
Gasgas man at niluma na ang kasabihan ngunit ang aral nito ay immortal na “ang taong
naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.”

You might also like