Impormasyon Sa Pagsugpo Sa Dengue Epidemic

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Impormasyon sa pagsugpo sa Dengue Epidemic, pinaigti sa Baguio

Janica Palkit

Pinatindi ng gobyerno ng lungsod ng Baguio ang information awareness campaign nito hinggil sa
paglaban sa pagtaas ng kaso ng dengue matapos maitala ang matataas na kaso sa ilang Barangay sa
Baguio, Agosto.

Nakapagtala na ang City Health Office Data ng lungsod ng 292 kaso ng dengue sa buwan ng
Enero 1 hanggang sa Hulyo, 27 ngayong taon. Ito ay 29.77 porsento na mas mataas kumpara sa
parehong buwang noong nakaraang taon na may 252 kaso.

Ang ilang Barangay na may naitalang mataas na kaso ng dengue ay ang: Honeymoon na may 39
kaso, Irisan – 23 kaso, Asin Road at Loakan Proper – 13 kaso, Pinget – 12 kaso, Bakakeng Central at Camp
7 na may bawat 11 na kaso, Auroro Hill Proper – 10 na kaso, Pinaso Proper – 8 na kaso, ABCR at Pacdal –
7 kaso, Santo Thomas Proper at Slaughter House Are na may 6 na kaso.

Ayon kay Dr. Amelita Pangilinan, Department of Health – Cordillera Administrative Region(DOH-
CAR) Officer –in – charge, sinabihan na umano ang mga local chief executives, governors at city mayors
na aktibahin ang kanilang “Aksiyon Bantay kontra Dengue” task forces ant obserbahan ang 4 o’clock
habit.

Inalertuhan na din umano nila ang mga disaster councils at local government units na ikalat ang
impormasyon sa pangangailangan na panatilihin ang kalinisan sa pamamagitan ng pagsugpo ng mga
maaaring magbahayan ng mga lamok.

Ayon pa kay Pangilinan ay ang mga lugar sa Cordillera ay maaaring kilalanin bilang area of
concern dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng dengue, kaya’t hindi dapat makampante ang rehiyon.

Ito ay kaugnay din ng pagdeklara ng DOH ng National Dengue Epidemic sa gitna ng pagtaas ng
bilang ng mga kaso ng sakit sa ilang lugar sa bansa. Ayon kay Defense Health Secretary, Delfin
Lorenzano, naatasan na lahat ng ahensiya sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and
Manangement Council (NDRRMC) na umagapay sa mga hakbang ng DOH laban sa Dengue.

Ipinaliwanag din ni Lorenzana na hindi pa nagdedeklara ng “national emergency” o state of


calamity dahil mga piling lugar pa lamang ang apektado ng sakit.

You might also like