Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bago Sumulat – Binubuoito ng pagpiling paksa, paglikhang mga ideya at pagbuo ng mga ideya.

Pagsulat - Pagbuo ng draft, pagtanggap ng feedback, pagsangguni, at pagrerebisa.

Paglalathala - Kabilang dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya ay
paglilimbag.

Prewriting - Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya,
pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay
nakapaloob sa yugtong ito.

Ang Unang Burador Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari
ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan. Sa
pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin
mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.

Revising - Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning
pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng
mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o
nagdaragdag ditto ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan
para sa pagpapabuti ng dokumento.

Editing - Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar,
gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang
pinal na dokumento.

Pansariling Pagpapahayag - Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan.
Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga
halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.

Impormasyonal na Pagsulat - Kung sa unang layunin ang makikinabang ang nagsusulat, dito ang
makikinabang ay ang tao. Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ng mensahe, sa mga kaparaanang
nangangatwiran, nagpapayo, nagpapaliwanag at iba pa. Ilan sa mga halimbawa nito ay memorandum,
rebyu at riserts.

Malikhaing Pagsulat - Ang makikinabang dito ay ang sarili at ibang tao. Sa tulong ng imahinasyon at
kapangyarihan ng rehistradong wika, nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na kanyang
ginagalawan. May kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit ditto upang ipadama sa mambabasa ang
panoramikong larawan ng buhay.Ilan sa halimbawa nito ang alamat, dula, at iba pa.

Ang talata ay isang pangungusap o grupo ng mga pangungusap na inorganisa upang makadebelop ng
isang ideya hinggil sa isang paksa bilang bahagi ng komposisyon o upang magsilbing pinakakomposisyon
mismo. Ang talatang binubuo ng isang pangungusap ay maaring kahit na anong uri ng pangungusap.
Kaisahan
Nangangahulugang pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata. Upang makamit ito:

a) Tukuyin ang ideyang nais mong idebelop;

b) Ipahayag ang ideyang ito sa isang pamaksang pangungusap na maaari pang idebelop ayon sa iyong,
layunin; at

c) Suportahan ang pamaksang pangungusap ng mga

pangungusap na makadebelop sa ideya.

Kohirens - Ito ay tumutukoy sa pagkakauganay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng isang talataan. Sa lebel
ng pangungusap, tumutukoy ito sa pagkakasundo ng paksa at panaguri; sa lebel ng talata, tumutukoy ito
sa kohisebnes ng daloy ng mga pangungusap sa talataan.

Upang magamit ang kohirens, kailangang :

a) Gumamit ng epektibong metodo ng debelopment o

paraan ng pagpapahayag ;

b) Organisahin ang mga pangungusap mula simula

hanggang sa wakas sa tulong ng epektibong pattern

ng organisasyon; at

c) Gumamit ng mga epektibo na salitang transisyunal.

Empasis - Ito naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa bahagi ng komposisyong
nangangailangan niyon. Makakamit ito sa pamamagitan ng:

a) pagtukoy ng mga ideya o bahagi ng talataang dapat

bigyan ng diin

b) epektibong pagpili ng metodo ng pagbibigay-diin (sa

pamamagitan ng posisyon o proporsyon); at

c) Epektibong paggamit sa napiling metodo ng

pagbibigay-diin.

You might also like