Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip (Intellect)

at Kilos-Loob (Will)
Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kaniyang obra
maestra. Naalaala mo ba ang linyang ito sa Baitang 7 ng Edukasyon sa Pagpapakatao? Ano ba
ang pagkaunawa mo sa kahulugan nito?
Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may
mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang mag-
isip, pumili, at gumusto. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at
masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito. Ang
kakayahang gumawa ng malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa paglalang sa tao na
kawangis ng Diyos. Ang mga katangian at kakayahang ito ang nagpapaiba sa tao sa iba pang
nilikha ng Diyos. Mahalagang maging malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at
maging matatag ang pagkaunawa rito upang mabigyang direksiyon ang iyong kilos at malinang
kung sino ka bilang tao.
Isang mahalagang konsepto na iyong nalaman tungkol sa pagkakaiba ng tao ng hayop sa Modyul 1 ay
ang kaalamang ikaw, bilang tao ay nilikhang hindi tapos – di tulad sa hayop. Ibig sabihin, ang hayop ay
walang pinaghahandaang kinabukasan sapagkat sa kapanganakan pa lamang, tukoy na kung ano siya sa
kaniyang paglaki.

You might also like