Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SILYA DE SARDINAS

Maalinsangan na hapon nang aking nadatnan ang aking mga kapatid at hindi alintana
ang alikabok na bumabalot sa kanilang munting mga paa. Sila ay na eengayong nakikinood ng
Home along the riles ni Dolphy sa tahanang hindi sa kanila. Labis akong nalulungkot sapagkat
aking nakikita sa kanilang makisap na mga mata ang labis na pag kalam ng kanilang sikmura.
Kinapa ko ang aking bulsa ng may kumalansing at aking napagtanto na ito ang aking kinita sa
maghapon na pangangalakal.

Agad agad akong lumisan at nagtungo sa merkado suot ang damit na hindi ordinaryo at
may mantsa ng kahirapan. Bumili ako ng sardinas at nagbayad ng kakapirangot na salapi.
“Magnanakaw!” “Magnanakaw!” ang sambit ng isang ale sa tabi ng tindahan at kumaripas ng
takbo ang isang lalaki na may magandang kasuotan. Marahan akong naglakad ng biglang may
malamig na bakal ang humaplos sa aking pulso. “Hindi ako ang nag nakaw! Parang awa niyo
na, inaantay pa ako ng aking mga kapatid”

Ako’y nagising sa sulok ng madilim na yungib at aking na anigan ang isang silyang hindi
pang karaniwan ang itsura. Narinig ko ang bawat pantig ng mga salitang nagpanginig ng aking
kalamnan “Humingi ka ng kapatawaran sa poong maykapal! dahil ikaw na ang sunod, Mr.
Roberto Delos Reyes” .
References:

(2003, January 29). Magnifico. Retrieved from https://www.imdb.com/title/tt0353691/

Magnifico, Direk Maryo! Retrieved from


https://www.philstar.com/lifestyle/supreme/2018/02/17/1788468/magnifico-direk-maryo

You might also like