Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Talambuhay ni Corazon Aquino

Corazon C. Aquino

Ika-11 Pangulo ng Pilipinas 

Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika 

Unang Pangulo ng Ikalimang Republika

In office

25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992

Prime Salvador H. Laurel[1]

Minister

Vice Salvador H. Laurel

President

aPreceded by Ferdinand E. Marcos

Succeeded by Fidel V. Ramos

Personal details

Born 25 Enero 1933

Paniqui, Tarlac, Pilipinas

Died 1 Agosto 2009 (edad 76)

Makati

Political United Nationalists Democratic

party Organizations (UNIDO)/Lakas ng Bayan

(LABAN)/Liberal

Spouse(s) Benigno Aquino, Jr.†

Occupation Inang Bahay, Politiko


Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (25 Enero
1933 – 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng
Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992). Tinagurian
siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya
sa Tarlac nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may
digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong
panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon
(Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang
si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at
inlibing noong ika-5 ng Agosto.

Talambuhay
Si María Corazón "Cory" Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933 sa Paniqui, Tarlac at ikaapat na anak
nina José Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang kanyang mga kapatid ay sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at
Maria Paz. Ang kanyang ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni Melecio Cojuangco na
kasapi ng Kongreso ng Malolos. Ang kanyang ina ay mula sa maimpluwensiya sa politikang pamilyang Sumlong ng Rizal.
Ang isang kasapi ng kanilang angkang si Juan Sumulong ay tumakbo laban kay Manuel L. Quezon noong 1941. Si Aquino
ay nagtapos sa St. Scholastica's College sa Manila sa kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa Assumption Convent
sa unang taon ng mataas na paaralan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint
Vincent sa New York City kung saan nagmajor sa Matematika at Wikang Pranses. Siya ay nagboluntero para sa
pangangampanya ni United States Republican presidential candidate Thomas Dewey laban sa Pangulo ng Estados
Unidos Harry S. Truman noong 1948 halalang Pagkapangulo. Pagkatapos ng kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang mag-
aral ng Batas sa Far Eastern University na pag-aari ng mga in-law ng kanyang kapatid na si Josephine Reyes. Siya ay nag-
aral ng isang taon. Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino na anak ng dating Ispiker na si Benigno S. Aquino, Jr.. Sila ay
nagkaroon ng limang anak: María Elena (ipinanganak noong 18 Agosto 1955), Aurora Corazón (ipinanganak noong 27
Disyembre 1957), Benigno Simeon III(ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria Elisa (ipinanganak noong 27 Oktubre
1961) at Kristina Bernadette (ipinanganak noong 14 Pebrero 1971).
Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang gobernador sa bansa at
kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967. Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong
karera sa politika ng kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Si
Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil
ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos
noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo.
Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong
1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni
Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya
nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston.
Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.
Pagpaslang sa kanyang asawang si Ninoy sa paliparan

Pagpatay kay Ninoy Aquino

Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos.
Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983
pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang
pangkalakalan (commercial) na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino
International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.[3] Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming
mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong
sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa
isang buong sibil na hindi pagsunod.[4] Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa panahong ito dahil sa
papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang
lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay
naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8%
noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. [5]
Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique Fernando upang
maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito
ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at
ang komisyong ito ay gumuho. Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon
Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito
ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang
asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa
mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at
nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Gen. Ver.
Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay
nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan
ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa
pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay
kay Ninoy.[5] Noong 1990, hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay
kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay
seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating sa bansa.[6].
Snap election
Noong mga 1984, ang malapit na personal na kaalyado ni Marcos na si Pangulong Ronald Reagan ng Estados Unidos ay
nagsimulang maglayo ng kanyang sarili sa rehimeng Marcos na kanyang malakas na sinuportahan gayundin ng mga
nakaraang pangulo ng Estados Unidos kahit pa pagkatapos ideklara ni Marcos ang martial law. Ang tulong na mga milyong
milyong dolyar ng Estados Unidos ang sumuporta sa pamumuno ni Marcos sa paglipas ng mga taon.[7] Sa mukha ng
papalalang kawalang kasiyahan ng mga mamamayang Pilipino at dahil sa pagpipilit ng kaalyadong Estados Unidos,
pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang
termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos
si Arturo Tolentinona kasamang tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) samantalang ang biyuda ni
Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3 Disyembre 1985 kasama
ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition (UNIDO) na sinuportahan ng oposisyon ni Marcos.[8][9] Sa snap
election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan
ay iniulat gayundin ang pakikialam sa mga election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay
nagpapakita na si Marcos ang nangunguna samantalang ang National Citizen's Movement for the Free Elections
(NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang komportableng margin. Idenaklara ng opisyal
na canvasser na COMELEC si Ferdinand Marcos na nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos ay
nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa 9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free
Elections (NAMFREL), si Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos.[10] Ang mga 29 mangggawa
ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay
Marcos. Ang oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javier ng Antique ay pinaslang sa harap ng kapitolyo ng
lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto. Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng
isang lokal na pinuno ng Kilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ay
naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin
ng isang resolusyon na kumokondena sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng
pahayag na tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na "nakakabagabag".[11] Bilang tugon sa mga protesta, inihyag ng
COMELEC na si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay sinalungat ng NAMFREL na si
Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos.[12]
Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya.
Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento ay lumayas sa pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming
Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong "mga nanalo" sa
pagkapangulo na sina Aquino at Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay
tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at media na pag-aari ng mga
crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at
ang kanilang mga bahagi sa stock market ay bumagsak.
Himagsikang People power
Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng isang pagtatangkang coup
d'etat laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit
ng military ay kokontrol sa mga stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at
telebisyon, ang GHQAFP sa Kampo Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo ng mga
loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na sasalakay sa Malacanang
Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga
pinuno nito[13] at itinanghal sa lokal at internasyonal na press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik
kay Marcos na sina Maj. Saulito Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[14][15]
Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa nagbabalak laban kay Marcos
na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen Fidel Ramos na hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong
Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak
laban kay Marcos. Noong mga 6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng
press sa Kampo Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa Gabinete ni
Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos ay kalaunang nagsagawa ng mga
pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang
ito".[16] Sa isang mensaheng isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga
Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA sa pagitan ng Kampo
Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari
at madre ang tumungo sa EDSA.[16][17]
Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang sa kanya ay pineke
upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.[18]
Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang patumbahin ang pangunahing
transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa
isang standby transmitter na may isang limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid.[17] Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos
dahil ito ay naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan sa mga
rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng mga mensahe para sa pagkain,
gamot at mga suplay.[16]
Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong hindi armadong mga
sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang
mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng
mga barikada at makeshift na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA.
Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat ay umaawit ng Bayan
Ko[19] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon. Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang
LABAN[20] na may nabuong "L" sa kanilang hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya
sina Ramos at Enrile na palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo
Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[16] Sa gitnang katanghalian, ang Radio
Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5
na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na
pinangunahan ni Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa mga
kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[21] Ang mga madreng humahawak ng mga rosaryo ay lumuhod sa harapan ng
mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang harangin ang mga hukbo.[22] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na
padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok
ng baril na nangyari.[16] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos ng hating
gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na
lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga
malalang pagsagupa sa mga hukbo ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa
silangan ay naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay pumasok
naman at humawak sa silangang panig ng Kampo Aguinaldo.[16] Kalauna, ang mga helicopter ng ika-15 Strike Wing
ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa
Kampo Crame.[23] Sa lihim, ang squadron ay dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Kampo Crame ay lumapag rito na may
mga naghahiyawang mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto ni
Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni Colonel Charles Hotchkiss ng
ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter
ay nagpalakas sa morale nina Ramos at Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa
kilusan.[16] Sa katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM officer at
mga tao ay naghihintay.[23]
Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang Malacanang Palace at
isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa
Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman, ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa
telebisyong kinokontrol ng pamahalaan na Channel 4,[24] na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo.
Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat ng masa maraming mga
depeksiyon.[16] Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente
ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na
naghahayg si Orly Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa mga
panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon.[16] Ang pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing
na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito
pagkatapos ng 14 taong pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde
ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo. Ang isa pang helicopter
ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang
karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang
karamihan ng mga Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig.[16]
Dalawang inaugurasyon ng pangulo[baguhin | baguhin ang batayan]

Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong 25 Pebrero 1986

Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga loyalista at
mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga
rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino
sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee,
at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni
Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang
Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay
naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na
sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng
Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA-7.[16] Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo
sa seremonyang ito sa kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga
3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!".[25] Pagkatapos ng panunumpa ay mabilis na
umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga
rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi kalayuan mula sa
Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit
inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.[16]
Paglisan ng pamilya Marcos sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong alas-tres ng hapon ng Lunes (EST), kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxalt, para
humingi ng payo mula sa White House.[25] Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and cut cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos.
Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya at mga
malalapit na kaalyado gaya ni General Ver. Sa hating gabi, dinala ng U.S. Airforce HH-3E Rescue helicopter ang pamilya ni
Marcos sa Clark Airbase Pampanga mga 83 kilometrong hilaga ng Maynila bago sumakay sa mga eroplanong US Air
ForceDC-9 Medivac at C-141B patungo sa Andersen Air Force Base sa Guam, at papunta naman sa Hickam Air Force Base
sa Hawaii kung saan dumating si Marcos noong 26 Pebrero 1986.[16]
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang, na
matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada. Maliban sa mga naganap na nakawan,
marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang estasyon sa Amerika,
ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world."
("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan
nila ang buong mundo.")

Bilang Pangulo
Ekonomiya
Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang utang pandayuhang 28 bilyong dolyar na
nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito
ng Pilipinas. Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng Pilipinas sa dayuhan ngunit
humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar. Sa ilalim ng
pamumuno ni Aquino mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento.[26] Noong 1989, ang
administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa kondisyong ang liberasyon ng ekonomiya ay
ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng mga pribadong industriyang ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos. Ang
ekonomiya ay lumago ng 3.4 porsiyento sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup noong 1989 ay
nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito. Ang paglago ng ekonomiya ay may aberaheng paglago na 3.4 porsiyento sa buong
anim na taon ng pamumuno ni Aquino. Ang mga 50 porsiyento ng populasyon ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na
sinasabing pagbuti mula 1985 nang ang halos 60 porsiyento ay nasa ilalim ng kahirapan.[27] Hindi rin nalutas ang pagiging
hindi pantay ng sahod ng mamamayan. Sa huling taon ni Aquino, ang implasyon ay nasa 17 porsiyento at ang kawalang
trabaho ay 10 porsiyento. Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel, mga monopolyo at mga oligopolyo ng mga industriya
na itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal.[27] Noong 1986, nangako si Aquino ng isang
reporma sa lupain. Bago ng pagluklok ni Aquino, ang halos 20 porsiyento ng populasyon ay nagmamay-ari ng 80 porsiyento
ng lupain.[27] Noong 1988 ay nilagdaan ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa ng Kongreso ng
Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain.[27] Ang batas ay nagbabahagi ng
mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit
pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Sinasabing ang
batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga may ari
ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga
manggagawa sa loob ng 30 taon. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at kanilang
mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang Hacienda Luisita na isang 4,435-hektaryang lupain na pagmamayari ng
pamilya ni Corazon Aquino sa Tarlac ay hindi ipinamahagi sa mga manggagawa nito ngunit namahagi lamang ng stock sa
mga manggawa nito. Marami ring mga may ari ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na ipagbili ang mga hindi kanais
nais nilang lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga. Inangkin ng mga administrador ni Aquino na nailipat nila
ang halos isang milyong hektarya ng lupain mula 1988 hanggang 1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi
produktibong lupain at kaunti ng 2 porsiyento nito ang inaatas. Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit
ng pamumuhanang pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog Silangang Asya.[27] Ang mga karatig na
bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay. Sinasabing ang
Pilipinas ay nalampasan ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas gayundin
sa mga naglilimitang mga regulasyon ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pamumuhunang pandayuhan.[27] Sa ilalim ni
Aquino, ang mga sistema ng korupsiyon ng nakaraang administrasyon ni Ferdinand Marcos ay hindi rin nasugpo at
ang cronyismo, padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar.[28]

Kamatayan[baguhin 
Libingan ni Cory sa tabi ng kanyang asawang si Ninoy.

Noong 24 Marso 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon (cancer sa colon), isang sakit sa bituka, ang dating
pangulo. Siya ay namatay noong 1 Agosto 2009 sa Makati Medical Center sa Makati dahil sa sakit na ito sa edad na 76

You might also like