Dasal Sa Kaluluwa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DASAL SA KALULUWA

N –Ang tanda ng Santa Krus, ipag-adya mo po kami, Panginoon naming Diyos, sa mga kaaway namin.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Diyos Espiritu Santo, AMEN.

PAGSISISI
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao naming totoo, gumagawa’t sumasakop sa akin,
pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, na ikaw nga ang Diyos
ko, Panginoon ko’t Ama ko, na Iniibig kong lalo sa lahat, nagtitika akong maging matibay na matibay na
hindi na muling magkakasala sa iyo, lalayuan ko na’t pangingilagan ang baling makabababa ng loob mo
na masama at nakalilibak na dating sakit ng kaluluwa ko at nagtitika naman akong mangumpisal ng
dilang kasalanan ko, umaasa akong patatawarin mo rin, alang –alang sa iyong mahal na pasyon at
pagkamatay mo sa krus ng dahil sa akin. Siya Nawa.

SUMASAMPALATAYA
Sumasamplataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa
sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang anak ng Diyos Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao siya, lalang ng Diyos Espirito Santo, Ipinanganak si Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa Krus. Namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao; nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli, umakyat sa langit, nalulok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat. Doon nagmumula paririto’t huhukom sa nangabubuhay at
nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espirito Santo, sa banal na simbahang
katolika, sa kasamahan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng
mga nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Buksan mo Panginoon ang mga labi namin, palusugin ang gaming mga loob at pagkalinisin sa mga
walang kapakanan mahalay at likong akala. Liwanagan mo an gaming bait, papagningasin ang aming
mga puso na magunam-gunam naming ang mataimtim na kamatayan, sampu ng kapait-paitang
dinaralita ng iyong marangal na ina nabubuhay ka at naghahari magpasawalang hanggan, Siya Nawa.

You might also like