Tula Ni Oryang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kilrone A.

Etulle Marso 7, 2020


Impluwenya ng Panitikang Pilipino

Kasaysayan sa Loob ng Panitikan:


Paghihimay-himay sa Tula ni Oryang

Magulong-magulo ang usaping pangkasaysayan ng bansang Pilipinas. Simula sa

panahong prekolonyal hanggang sa napunta sa mga panahong kolonyalismo ay maraming mga

pagtatalo. Ngunit sa likod ng mga di pagkaiintindihang ito ay ang mga panitikang nagtataglay sa

mga kasagutan. Kakambal ng kasaysayan ang panitikan, sa bawat kwento, nobela at tula na

naisulat sa mga panaong iyon ay may kalakip na pagsasalaysay sa mga pangyayari sa

kasaysayan.

Maraming nagsulputan na mga panitikan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

Kadalasan sa mga ito ay tumatalakay sa pagmamahal sa inang bayan at panunuligsa sa

pamamahala ng mga mapang-abusong mananakop na dayuhan lalo’t lalo na sa simbahan.

Natabunan ngunit hindi namatay ang isang uri ng mga akda sa panahong ito, mga akdang

pumapaksa sa romantikong pag-ibig. Hindi man lantaran natatalakay sa kasaysayan ngunit may

mga kwentong pag-ibig sa likod ng karamihan sa itinuturing na bayani ng bansa. Mayroon ngang

mga bayani na matatawag sa kasalukuyang panahon bilang chickboy, gaya ni Jose Rizal at ni

Gregorio del Pilar na tanyag sa pagiging matinik sa kababaihan ngunit mayroon naman ding

seryoso sa pagmamahal. Isang magandang halimbawa dito ang itinuring na Ama ng Himagsikan

na si Andres Bonifacio. Naging nobya ni Bonifacio at makalaunay naging asawa ang isang

binibini na nagngangalang Gregoria de Jesus.


Hindi naging madali ang buhay ng mag-asawang at Gregoria. Isa sa pangunahing dahilan

nito ang pagiging ulo ng paghihimagsik ni Bonifacio sa bansa noong panahong iyon at dahil dito

ay nagkaroon ng maraming problema. Nagtapos sa nga sa trahedya ang kanilang pagmamahalan

sapagkat inakusahan ng pagtataksil si Bonifacio ni Aguinaldo at hinatulan ng kamatayan. Sa

pagpanaw ni Bonifacio ay naisulat ni Gregoria ang tula niya na pinamagatang Tula ni Oryang.

Makikita at mababasa sa akdang Tula ni Oryang (ngayong binago na ang pamagat at

naging Magmula, Giliw, Nang Ikaw ay Pumanaw) ang dinanas ni Gregoria de Jesus pagkatapos

malamang wala na ang kanyang bana. Pinaslang si Andres Bonifacio noong Mayo 10, 1897 at

naisulat ng kanyang asawa ang tula di kalayuan sa petsa ng kanyang pagkamatay. Mahihimay-

himay ang mga karanasan ni Gregoria sa tula. Halimbawa na lamang ang saknong na ito;

Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw,


Katawan at puso ko'y walang paglagyan;
Lakad ng dugo sa ugat ay madalang,
Lalo't magunita ang iyong palayaw.

Lubhang malabis ang aking pagdaramdam


Sa biglang paggayak mo't ako'y panawan,
Alaala ko sa 'yong pagdaraanan,
At gayundin naman sa iyong katawan.

Na baka sakaling ikaw ay kapusin,


Lumipas sa iyo oras ng pagkain;
Sakit na mabigat baka ka sumpungin
Na lagi mo na lamang sa aki'y daing.

Isinaad sa unang saknong ng tula ang pangungulila ni Gregoria sa kanyang bana at ang

ikalawa at ikatlo naman ay ang labis na pag-aalala niya rito. Ang pangungulila at pag-aalala ay

nagsasaad na tunay at lubos ang pagmamahal niya sa kanyang bana. Makikita sa kasaysayan sa

buhay nila na tunay nga ang kanilang pagmamahalan at lubos ang pagmamahal ni Gregoria sa

kanyang bana. Isang magandang papapakita ng tunay na pagmamahal na ito ay ang pagsuway ni
Gregoria sa kagustuhan ng ama. Noong magkasintahan pa lamang ang dalawa ay hindi

nagustuhan ng ama ni Gregoria ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Andres Bonifacio

sapagkat ito nga ang nagpasimuno ng himagsikan ngunit pinagpatuloy pa rin niya ang kanyang

pagmamahal at makalaunan nga ay ikinasal sila. Maliban pa rito isa sa pagpapakita ni Gregoria

nang tunay na pagmamahal kay Bonifacio ay ang patuloy niya na paghahanap dito pagkatapos na

mahatulan ng kamatayan ang kanyang bana.

Pinakawalan si Oryang at sinimulan niyang hanapin si Andres. Sa


kanyang paghahanap sa mga karatig bayan, nakasalubong niya ang mga
sundalong dumakip kay Andres, bitbit ang mga damit, kumot, at gamot nito.
Tinanong ni Oryang ang mga sundalo kung saan nila dinala ang magkapatid na
Bonifacio at kung bakit dala nila ang mga gamit.
Sinabi ng mga sundalo kay Oryang na dinala nila si Andres sa bahay ng
isang tenyente sa bundok. Tinungo ni Oryang ang nasabing bundok at
ipinagtanong-tanong doon ang kanyang asawa, ngunit kung saan-saan lamang
siya itinuro. Nakarating din siya sa isa pang matataas na bundok, ngunit bigo pa
rin siyang makita si Andres. Tumagal din ng halos isang buwan ang kanyang
paghahanap—halos wala siyang makain at minsan pa’y nilimusan ng isang dakot
ng bigas upang gawing lugaw. Gula-gulanit na rin ang kanyang mga damit at
nanlilimahid na siya sa dumi. (National Historical Commission of the
Philippines, 2017)

Hindi alam ni Gregoria kung ano talaga ang tunay na nangyari kay Bonifacio ngunit

masugid pa rin niyang hinalughog ang kabundukan upang matagpuan lang ang kanyang bana.

Hindi siya nawalan ng pag-asa sapagkat umaasa pa rin siyang masisilayan niya muli ang

kanyang minamahal ngunit makalaunan ay nadiskubre niya na wala na pala si Bonifacio.

Her pained outrage at her husband’s killing is intensified by the


cruelty she herself has suffered. Bonifacio’s executioners had not even had
the honesty or common decency to tell her what they had done. They had
left her with the false hope that he was still alive, and had let her roam for
days and weeks in the mountains, vainly searching for him. (Richardson,
2018)
Nagpapakita ang mga kaganapan na nabanggit sa tunay at lubos na pagmamahal ni

Gregoria de Jesus sa kanyang bana na si Andres Bonifacio. Makikita ito sa kabuuan ng tula

subalit ang naunang mga saknong ang lubhang nagpapakita ng emosyong ito.

Pagiging maingat sa mga sinasabi ang isa sa dapat isaalang-alang noong panahon ng

himagsikan. Huwag basta-basta magsabi ng mga detalye sa nangyayari sa iyong buhay sapagkat

maaring ikapahamak mo ito. Maraming nga nakikinig kaya dapat limitado ang piling pili lamang

ang dapat pagkatiwalaan. Mapapansin ang ganitong pag-uuagali sa tula at ito ay nasa ika siyam

na saknong.

Sama ng loob ko'y sa aking mag-isa, 


Di maipahayag sa mga kasama;
Puso ko ay lubos na pinagdurusa, 
Tamis na bilin mo'y "magtiis ka, sinta."

Ipinapakita rito na hindi ibinahagi ni Gregoria ang kanyang mga pighati sa mga

kasamahan niya. Dala-dala lamang niya ang bigat na nararamdaman sapagkat dahil sa

kadahilanang hindi nabanggit na humahadlang sa kanya upang ibahagi ang mga ito. Maaaring

isinulat ni Gregoria ang bahaging ito sapagkat may aral nang natutunan sa basta-bastang

pagbabahagi ng detalye sa buhay ng isang tao.

Hindi man eksaktong magkatulad ngunit may nangyari nang gitong kaganapan noon sa

Katipunan. Dapat ekslusibo lamang sa mga katipunero ang mga impormasyon tungkol sa kilusan

ngunit may iilang mga kasapi na ibinahagi ang detalye sa mga hindi kasapi kaya ito ang

nagbigay daan upang matuklasan ang Katipunan. Isang nagngangalang Teodoro Patiño ang

dahilan kung bakit nabunyag ang Katipunan.

Rumors about a secret revolutionary society had long been in


circulation, although no solid evidence could be found to support them. The
big break as far as the Spanish authorities was concerned, came on August
19, 1896 when a KKK member, Teodoro Patiño told his sister Honoria
about the existence of the Katipunan. Patiño was a worker in the printing
press of Diario de Manila. Honoria was then living with nuns in a
Mandaluyong orphanage.
The information upset Honoria so much that she told the orphanage’s
Mother Superior, Sor Teresa de Jesus, what her brother had revealed. Sor
Teresa suggested they seek the advice of Father Mariano Gil, the parish
priest of Tondo.
After hearing Patiño’s revelations, Father Mariano Gil-accompanied
by several Guardias Civiles immediately searched the premises of Diario de
Manila and found evidence of the Katipunan’s existence. The governor
general was quickly informed. The printing press was padlocked and
hundreds of suspected KKK members were arrested. (The Katipunan Finally
Starts a Revolution, 2005)

Dahil sa simpleng pagbabahagi ng impormasyon ay natuklasan at napahamak ang kilusan

ngunit hindi naman ito nagtapos doon. Naging hudyat nga ang pagkadiskubre sa Katipunan

upang tunay na magsimula ang himagsikan na pinaghahandaan nito.

Gumuho ang Katipunan sa pagkamatay ni Bonifacio. Nawalan ng isang tunay na

makabayang inbidwal ang Pilipinas sa pagpaslang sa kanya noong Mayo 10, 1897. Marami ang

naapektohan sa pagkamatay ni Bonifacio ngunit walang ibang tao na hihigit sa sakit na

naramdaman sa panahong iyon ni Gregoria na naging balo sa maagang edad. Makikita ang

lubhang pagdadalmhati ni Gregoria sa huling mga saknong ng tula.

Tangi ka sa puso, giliw, ikaw lamang, 


Paalam sa iyo, masarap magmahal, 
May-ari ng puso't kabyak ng katawan, 
Paalam, giliw ko, sa iyo'y paalam.
 
Masayang sa iyo'y aking isasangla
Ang sutlang pamahid sa mata ng luha, 
Kung kapusing palad, buhay ma'y mawala, 
Bangkay man ako'y haharap sa 'yong kusa.

Ipinapakita ng bahaging ito ng tula ang labis na paghihinagpis at pangangako ni

Gregorian a walang makapapalit kay Bonifacio sa buhay niya. Tunay naman talaga na punong
puno ng emosyon ang tula ngunit sa bahaging ito may naganap na pagmamalabis. Hindi naman

masisisi ang sumulat nito sapagkat umaapaw ang emosyong naramdam niya sa panahong isinulat

niya ito. Ayon nga kina Magracia at Laron-Valdez (2005), “…hindi kayang magapi ng

karunungan ng isang tao ang kasawian”.

Nagpapalabo sa pag-iisip ng isang tao ang labis na naramdaman at ito ang mgakikita sa

huling mga saknong ng tula. Nilagom ni Gregoria ang buhay niya sa sandaling iyon at hindi

naisap ang kanyang hinaharap. Bagkus maaring paglipas ng ilang mga buwan ay napagtanto na

marahil sapagkat tiwalag sa sinabi niya sa isang taludtod ng tula na Bonifacio lamang ang

kanyang iibigin ay umibig naman siya muli makaraan ang ilang mga buwan at pagkalipas nga ng

isang taon ay ikinasal siya muli sa isang katipunero pa rin na kilala ng kanyang yumaong bana.

This man (Julio Nakpil) was known in history for his being the second
husband to the young widow of Andres Bonifacio, Gregoria de Jesus,
following the very untimely death of the Supremo of the Katipunan. Strange
to many of the Filipinos, Nakpil was not a mere husband of the Lakambini
of the Katipunan but a revolutionist, and a man endowed with great talents
being a musician and composer… He became a loyal follower of Bonifacio
even after his death and in Pasig; he met the young widow of Bonifacio,
Gregoria de Jesus whom he married on December 10, 1898 in the Catholic
Church of Quiapo. His wife gave birth to eight children… (Palafox, 2012)

Sawi si Gregoria noong naisulat niya ang tula kaya maaring ito ang dahilan kung bakit

niya nasabing hindi na siya iibig pa. Hindi nga naman mapapalitan ng si Bonifacio sa buhay ni

Gregoria ngunit mayroon pa ring maaring magmahal.

Bilang kabuuan sa pagtalakay sa akdang Tula ni Goryang ay tunay nga naman talagang

kakikitaan ng historkal ka katangian. Magkahalong historical at romantisismong akda ito

sapagkat habang nagbabasa ay mararamdaman ang mga emosyon ngunit kasabay ng mga

emosyong ito ang mga kaganapan sa panahon kung kailang naiakda ang tula.

You might also like