Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG
PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
ANG MGA PILATO (El Filibusterismo)
ni Dr. Jose P. Rizal

Inihanda ni:
Kristine P. Benito
BSEd III-Filipino

Petsa ng Pagpasa:

Hulyo 25, 2016

Petsa ng Pakitang-turo
Hulyo 25, 2016

I. Mga Layunin
A. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng dugtungang pagkukuwento;
B. Naiuugnay ang tekstong binasa sa nangyayari sa lipunan;
C. Nakapaglalarawan gamit ang word cluster.

II. Paksa
Paksa: Kasawian
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: Ang mga Pilato ni Dr. Jose P. Rizal
Mga Kagamitan: Enbelop at larawan
Sanggunian: Jose Rizal
El Filibusterismo
Salin ni Virgilio S. Almario
pahina 64-65
Kasanayang Pampanitikan:
-Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa nilalaman ng teksto
Kasanayang Pampag-iisip:
-Pagbibigay ng reaksyon, saloobin o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
-Pagtatanggol sa karapatan

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
Bibigyan ang bawat pangkat ng isang enbelop na kung saan naglalaman ito ng
pira-pirasong larawan. Bubuuin ito at ididikit sa pisara. Magbibigay ng opinyon
tungkol sa larawan.

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. MIX and MATCH. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang sumusunod na
salita ayon sa mga salitang magkakasingkahulugan.

Samsamin Agawin
Tulisan Kriminal
Tinutugis Hinahanap
Natigatig Natakot
Ingkong Lolo

B. Paglalahad
1. Sa ating lipunan may mga taong gahaman sa mga bagay at kung minsan ay
ginagamit ang kanilang posisyon upang makuha ang nais nila kahit sa maling
paraan. Kinakamkam kahit hindi sa kanila. Masasaksihan natin ito sa isang
kabanatang pinamagatang “Ang mga Pilato” mula sa nobelang El Filibusterismo
ni Dr. Jose Rizal.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong binasa pagkatapos ay
tatawag ang guro ng kinatawan ng bawat pangkat na siyang magsasalaysay sa
klase ng kanilang naibuod na teksto sa pamamagitan ng dugtungang
pagkukuwento.

D. Pagnilayan at Unawain
1. Number Heads Together. Bawat miyembro ng pangkat ay may kanya-kanyang
bilang. Tatawag ang guro ng bilang sa pangkat na siyang sasagot sa tanong ng
guro.

Mga Gabay na Tanong:


a. Sino ang tinutukoy na mga Pilato sa teksto?
b. Ano ang ginagawa ng Guwardiya Sibil sa mga tulisan?
c. Ano ang kailangan ng mga guwardiya sibil kung bakit nila tinutugis si
Kabesang Tales?
d. Bakit kaya sinasabi ni Hermana Penchang na makasalanan si Juli?
e. Nagalit ba si Juli kay Hermana Penchang sa kabila ng ginagawa sa kanya?
f. Ano ang dahilan ni Basilio kung bakit lumuwas siya ng Maynila?
g. Ano kaya sa tingin ninyo kung bakit kinakamkam ng mga prayle ang lupain ni
Kabesang Tales?
h. Naging matagumpay baa ng mga prayle sa kanilang balak kay Kabesang
Tales?
i. Ano ang kasalanan ng mga tauhan sa kabanatang ito at ano ang dahilan nila
para sa ginagawang pahuhugas-kamay?
j. Ano ang mga pagkakatulad ng sitwasyon sa nobela at ng sitwasyong
tinutukoy ng alusyon sa pamagat?

E. Ilapat
Sa isang malinis na papel sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang masasabi mo sa kabuuan ng teksto?
2. Magbigay ng halimbawa na kung saan kasasalaminan ng teksto sa panahon ngayon.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang Tales kung pahayag ay tama at Prayle naman kung ang pahayag ay mali.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Pinagalitan ng mga prayle ang Guwardiya Sibil.


_____ 2. Si Kabesang Tales ang magsasakang Ingkong nina Juli at Basilio.
_____ 3. Si Padre Clemente ang nasa likod ng pagkakahuli kay Kabesang Tales.
_____ 4. Nagpagala-gala si Kabesang Tales sa kanyang bakuran kaya’t nahuli ito.
_____ 5. Iginagalang si Hermana Penchang sa kanilang lugar.
_____ 6. Tinatawag ni Hermana Penchang na isang kahihiyan si Juli.
_____ 7. Kinakailangang matuto ni Juli na magdasal at magbasa ng mga libritong galing sa mga
prayle.
_____ 8. Lumuwas ng Maynila si Crispin upang tubusin ang kapatid.
_____ 9. Tandang Basilio Macunat ang tawagh sa munting aklat na paulit-ulit na binabasa ni
Juli.
_____ 10. Namatay si Kabesang Tales dahil sa tangkang pagtakas nito.

V. Kasunduan
Gamit ang word cluster, magbigay ng mga salitang naglalarawan sa mga prayle ayon sa
binasang teksto.

Prayle/ Fraile
Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG
PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
KARANGYAAN AT KARALITAAN (El
Filibusterismo)
ni Dr. Jose P. Rizal

Inihanda ni:
Kristine P. Benito
BSEd III-Filipino

Petsa ng Pagpasa:

Hulyo 25, 2016

Petsa ng Pakitang-turo
Hulyo 25, 2016

I. Mga Layunin
A. Natutukoy ang pagkakaiba ng karangyaan at karalitaan;
B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng dugtungang pagkukuwento;
C. Nakapagbibigay ng halimbawa kaugnay ng teksto.

II. Paksa
Paksa: Karunungan
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: Karangyaan at karalitaan ni Dr. Jose Rizal
Mga Kagamitan: Projector, Laptop, show me board at marker
Sanggunian: Jose Rizal
El Filibusterismo
Salin ni Virgilio S. Almario
pahina 67-76
Kasanayang Pampanitikan:
-Dugtungang Pagkukuwento
Kasanayang Pampag-iisip:
-Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
-Pagbubuwis ng buhay para sa karapatan

III. Yugto ng Pagkatuto


A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Gamit ang powerpoint presentation, magpapakita ang guro ng mga larawan ng
iba’t ibang uri ng alahas at ng kayamanan.

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. Jumbled Letters. Aayusin ng mga mag-aaral ang mga letra upang mabuo ang
salitang kasingkahulugan ng ibinigay na salita.

NAGULUMIHANAN UUGNNAHAL (NAGULUHAN)


BATID MLAA (ALAM)
MAIIBIGAN NAMGUUSUHTGA
(MAGUGUSTUHAN)
NAPAGTANTO PNAIIS (NAISIP)
MASIPHAYO GAAPAHAMA (MAPAHANGA)
B. Paglalahad
1. Karamihan sa tao, hindi kontento sa kung ano ang mayroon siya. May mga tao
ring nagpapanggap na alam ang lahat. Higit sa lahat may mga tao na handing
magsakripisyo alang-alang sa karapatan o di kaya ay sa gusto gaya na lamang
ng ginawa ni Kabesang Tales. Masasaksihan natin ito sa kabanatang
“Karangyaan at Karalitaan” mula sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose
Rizal.

C. Linangin
1. Pagbasa ng kwento.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng teksto at ibubuod gamit ang
dugtungang pagkukuwento.

D. Pagnilayan at Unawain
Tatawag ang guro ng sasagot sa kaniyang tanong na sasagutin ito ayon sa sasabihin
ng guro.

Mga Gabay na Tanong


a. Sino ang nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales? (sasagutin ito ng habang
sumasayaw)
b. Ano ang sinadya ni Simoun sa bahay ni Kabesang Tales? ( sasagutin ito ng
patula)
c. Sino-sino ang mga nagpunta sa bahay upang mamili ng alahas? (sasagutin ito ng
malungkot)
d. Ano ang natuklasan ni Simoun pagbangon niya at ano ang nasabi niya sa
kaniyang sarili? (sasagutin ng pakanta)
e. Bakit nagawa ni Kabesang Tales ang pagnakawan si Simoun? (sasagutin habang
tumatawa)
f. Ano-ano sa teksto ang nagpapakita na marangal si Kabesang Tales? (sasagutin
habang tumatalon)
g. Ano-anong detalye ang nagpapakitang nasa plano ni Simoun ang nangyari.

E. Ilapat

Magbigay ng halimbawa na kung saan maiuugnay ang sitwasyon sa teksto.

IV. Pagtataya: Vissible Quiz

Isulat sa show me board ang Simoun kung ang pahayag ay tama at Tales naman kung mali.
Pagkatapos ay itaas ang show me board.

1. Si Simoun ay isang hasiendero.


2. Tumuloy si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales dala ng dalawang maleta at iba pang
pangangailangan nito.
3. Bumili si Hermana Penchang ng alahas upang ibigay sa Birhen ng Calamba.
4. Umanib si Kabesang Tales sa mga Tulisan upang makapaghiganti.
5. Telesforo Juan de Dios ang tunay na pangalan ni Kabesang Tales.

Pagtapat-tapatin:

Piliin sa hanay B ang sagot sa hanay A.

1. Simoun a. matandang deboto


2. Hermana Penchang b. ama ni Sinang
3. Cartago c. Hilagang Aprika
4. Kapitan Basilio d. banal sa dilang banal
5. Sancta sanctorum e. mayamang alahero
f. Telesforo Juan de Dios

V. Kasunduan

Ibigay ang pagkakaiba ng karangyaan at karalitaan.


Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG
PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
Los Baños (El Filibusterismo)
ni Dr. Jose P. Rizal

Inihanda ni:
Kristine P. Benito
BSEd III-Filipino

Petsa ng Pagpasa:

Hulyo 25, 2016

Petsa ng Pakitang-turo
Hulyo 25, 2016

I. Mga Layunin
A. Naibubuod ang tekstong binasa;
B. Nakapagbabahagi ng karanasan na may kinalaman sa teksto;
C. Natutukoy ang relasyon ng pamagat sa teksto.

II. Paksa
Paksa: Karapatan
Tatalakaying Genra: Nobela
Mga Kagamitan:
Sanggunian: Jose Rizal
El Filibusterismo
Salin ni Virgilio S. Almario
pahina 78-91
Kasanayang Pampanitikan:
-Dugtungang Pagkukuwento
-Pagtukoy sa nilalaman ng teksto
Kasanayang Pampag-iisip:
-Pagbibigay ng reaksyon o opinyon sa binasa
Halagang Pangkatauhan:
-Paggalang sa bawat karapatan ng tao

III. Yugto ng Pagkatuto


A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. PINOY HENYO. Tatawag ang guro ng limang pares ng mag-aaral. Ang isang
mag-aaral ay ang maghuhula ng salita at ang isa naman ang sasagot kung oo,
hindi o pwede. Ang mga huhulaang salita ay ang mga sumusunod:

a. Los Baños
b. Eskwelahan
c. Bapor
d. Padre Sibyla
e. Ben Zayb

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. MIX and MATCH. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang sumusunod na salita
ayon sa mga salitang makakasingkahulugan.
Hangal duwag
Maaareglo maaayos
Ipinagbunyi ipinagdiwang
Natigatig nag-alala
Bininbin pinigil

B. Paglalahad

Hindi lahat ng taong mataas ang posisyon ay masama. May mga awa rin sila
gaya ng iba. May mga iba na ginagamit ang ibang tao para sa pansariling
kagustuhan. Marami ring tao na humahadlang sa kagustuhan ng ibang tao.
Masasaksihan natin ito sa kabanatang “Los Baños” mula sa nobelang El
Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng teksto at ibubuod ito.
3. Tatawag ang guro ng kinatawan at siyang magsasalaysay ng kanilang ibinuod na
kwento sa pamamagitan ng dugtungang pagkukuwento.
4. Pabubunutin ang bawat pangkat ng tig-iisang katanungan at bibigyan sila ng
tatlong minute upang isulat sa show me board. Sa pamamagitan ng TEAM STAY,
TWO STRAY ay ibabahagi ng dalawang kinatawan ng grupo ang kanilang sagot
sa ibang pangkat.

Mga Gabay na Tanong:


a. Saan patungo ang bapor na lulan sina Simoun?
b. Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral?
c. Bakit hindi mapalagay ang mga gobernadorsilyo at mga kabesa de barangay?
d. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa
heneral?
e. Ano ang iminungkahi ni Simoun sa Kapitan Heneral?
f. Bakit hindi sang-ayon ang mataas na empleado sa naisip ni Simoun?
g. Ano ang pinagtatalunan ng mga nakasakay sa barko?

D. Pagnilayan at Unawain
Sagutan sa malinis na papel ang tanong.
 Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng
kabataan?

E. Ilapat
 Nasubukan niyo na napasama sa isang pag-aalsa? Ano ang ipinaglalaban ng pag-
aalsang sinamahan mo at bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang Simoun kung ang pahayag ay tama at Sibyla naman kung mali.

1. Si Ben Zayb ay isang mamamahayag.


2. Ang Kataas-taasan ang nag-utos upang ibalik agad sa Los Baños ang barko.
3. Nangaso sa Los Baños ang Kataas-taasan at kasamahan nito.
4. Tresilyo ang nilalaro ng Kapitan Heneral.
5. Academia de Castellano ang nais itatag ng mga estudyante.
6. Nakipaglaro ng tresilyo si Simoun kay Ben Zayb.
7. Sang-ayon ang mga fraile sa kagustuhan ng mga mag-aaral na magtatag ng
paaralan para sa wikang Kastila.
8. Tinawag na mareklamong maestrilyo ang filibusterilyong si Simoun ni Padre
Camorra.
9. Macaraig ang ngalan ng estudyanteng mayaman na tinutukoy ng prayle.
10. Nagtungo ang dalagita sa Kapitan Heneral at nakiusap na palayain ang kanyang
Ingkong.

V. Kasunduan
Sagutin ang sumusunod na tanong sa isang malinis na papel.
 Ano ang kinalaman ng pamagat na Los Baños sa teksto? Ipaliwanag.

You might also like