Ibong Adarna - Aralin 1,2,3 (Aubrey Mae Magsino)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
Sa Pagtuturo ng
IBONG ADARNA
(Ikapitong Baitang)

Inihanda ni:

AUBREY MAE M. MAGSINO

Petsa ng Pagpasa:

Araw ng Pakitang-turo:
I.Mga Layunin
A. Natutukoy ang iba’t ibang genra ng panitikan;
B. Natutukoy ang mga katangian ng korido;
C. Nailalahad ang mga nabasa ng teksto; at
D. Naiuugnay ang mga katangian ng korido sa mga nabasa ng teksto.
II. Paksa
Paksa: Kasaysayan
Tatalakaying Genra: Sanaysay
Pamagat ng Teksto: ARALIN 1: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA
Mga Kagamitan: laptop, projector, call bell at envelopes
Sanggunian: PLUMA I (pahina 355-361)
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagbasa ng teksto
- Pagtukoy sa iba’t ibang uri ng genra ng panitikan
- Pag-uugnay ng mga katangian ng korido sa mga nabasa ng teksto
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Pagpapahalaga sa kasaysayan

III. Yugtong Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Papangkatin sa dalawa ang klase. Ang bawat pangkat ay may sampung
kinatawan na siyang tutukoy kung saang anyo ng panitikan nabibilang
ang sumusunod:

Patuluyan Patula
Anekdota Awit
Maikling katha Tula
Sanaysay Korido
Alamat Soneto
Kathambuhay Pastoral

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. Secret Code. Hahanapin ng mga mag-aaral ang letra na kumakatawan
sa mga numero na siyang bubuo sa kasingkahulugan ng sumusunod
na salita.

A B C D E F G H I J
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
K L M N O P Q R S T
11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
U V W X Y Z
21 22 23 24 25 26

K O P Y A
1. Sipi -
1 14 15 25 1
1
2. Huwad - D I T O T O O
4 9 20 15 20 15 15
3. Taimtim - T A H I M I K
2 1 8 9 1 9 1
0 3 1
4. Saklaw - S A K O P
1 1 1 1 1
9 1 4 5
5. Halaw - N A G M U L A
1 1 7 1 2 1 1
4 3 1 2

B. Paglalahad
1. Ang lahat ng bagay ay may pinagmulan. Ang lahat ng bagay ay may katangian
gaya na lamang ng ating tatalakayin ngayong araw na Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Kung saan matutunghayan natin kung
saang genra ito nabibilang at kung anong katangian ang napapaloob dito.

C. Linangin
1. Powerpoint Presentation
Mga Gabay na Tanong:
a. Bakit ipinalaganap ng mga Espanyol ang awit at korido?
b. Saang genra nabibilang ang Ibong Adarna? Ano ang karaniwang paksa
nito?
c. Ano ang katangian ng pangunahing tauhan ang nangingibabaw sa
korido?
d. Saan nagmula ang akdang Ibong Adarna? Mayroon ba itong
ispesipikong manunulat?
e. Ano ang ipinagkaiba ng Ibong Adarna ng Pilipinas sa ibang bansa?
f. Ipaliwanag: “Panitikan ay tangkilikin at pagyamanin pagkat ito ay
kaluluwa ng lahi natin.”

D. Pagnilayan at Unawain
1. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral patungkol sa pag-aaral ng
kasaysayan ng isang bagay.
a. Bakit pinag-aaralan ang kasaysayan ng isang bagay? Mahalaga ba ito?
b. Bilang mag-aaral, anong magagawa mo upang mapaunlad pa ang
panitikan na bansa?nakapagbasa ka na ba ng mga akda tulad ng Ibong
Adarna?
E. Ilapat
1. Sagutin ang mga tanong:
a. Anong mga akda na ang nabasa mo?
b. Nakapagbasa ka na ba ng tulad ng korido?
c. Ano-anong katangian ang nakita mo sa mga akdang nabasa mo? May
pagkakatulad ba ito sa katangian ng korido?

IV. Pagtataya

A. Isulat ang TRULALEY kung tama ang sumusunod na pahayag at WALEY naman
kung mali.
1. Pagpapalaganap na Katolisismo ang pangunahing dahilan kaya’t ipinanukala
ang mga akdang awit at korido.
2. Mabagal ang himig ng korido.
3. Ang mabagal na himig ay tinatawag na allegro.
4. Binubuo ng walong pantig ang korido.
5. Ibong Adarna, Florante at Laura at Haring Patay ang magandang halimbawa
ng korido.

B. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan.


1. Ayon sa kanya ang Ibong Adarna ay hinango lamang sa kuwentong-bayan
mula sa mga bansa sa Europa.

a. Pura Santillan-Castrence
b. Marcelo P. Garcia
c. Tavera
d. Jose Villa Panganiban

2. Siya ang nagsaayos ng pagkakasulat ng kabuuan ng Ibong Adarna.


a. Pura Santillan-Castrence
b. Marcelo P. Garcia
c. Tavera
d. Jose Villa Panganiban

3. Taon kung kailan dumating ang Ibong Adarna sa Pilipinas.


a. 1410 b. 1510 c. 1610 d. 1710

4. Bakit binasa ng mga Pilipino ang Ibong Adarna noong panahon ng Espanyol?
a. itinuturing nila itong banal
b. itinuturintg nila itong panitikang pantakas
c. nagbibigay ito ng ginhawa
d. nagbibigay ito ng gintong aral

5. Mga katangiang makikita sa korido maliban sa isa.


a. Ang tauhan ay walang taglay na kapangyarihan
b. Binubuo ng walong pantig
c. Allegro ang himig na inilalapat
d. Tungkol sa pananampalataya ang paksa

V. Kasunduan

A. Bumuo ng tula na may tugma at may sukat na walong pantig. Pumili ng paksa sa
ibaba:
1. Pamilya
2. Kaibigan
3. Pag-ibig
4. Lipunan

Pamantayan sa Tulang Posibleng Puntos Pagtataya ng Pagtataya ng


May Sukat at Tugma Mag-aaral Guro
Mahusay at angkop na angkop ang kabuuan ng 5
tula
Malalim at makahulugan ang kabuuan ng tula 5
May tamang sukat at tugma ang bawat 5
taludtod
Gumamit ng mga simbolismo at tayutay na 5
nakapagpaganda sa tula
Tunay na kawili-wili ang at nakakapukaw ng 5
interes ang kabuuan ng tula
Kabuuang Puntos 25
Pamantayan sa Pagmamarka:
5 – napakahusay
4 – mahusay
3 – katamtaman
2 – bahagyang mahusay
1 – nangangailangan pa ng pagsasanay

Intrerpretasyon sa Kabuuang Marka:


25-21 – napakahusay
20-16 – mahusay
15-11 – katamtaman
10-6 – bahagyang mahusay
5-1 – nangangailangan pa ng pagsasanay
Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
Sa Pagtuturo ng
IBONG ADARNA
(Ikapitong Baitang)

Inihanda ni:

AUBREY MAE M. MAGSINO

Petsa ng Pagpasa:

Araw ng Pakitang-turo:
I.Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa napakinggang liham;
B. Nabibigyang interpretasyon ang tula;
C. Natutukoy ang damdaming namumutawi sa tula; at
D. Naiuugnay ang tekstong binasa sa sariling karanasan patungkol sa pagpapalaki at
pagmamahal ng magulang.

II. Paksa
Paksa: Pagmamahal at Pagpapalaki ng Magulang
Tatalakaying Genra: Tula
Pamagat ng Teksto: ARALIN 2: SI HARING FERNANDO AT ANG TATLONG PRINSIPE
Mga Kagamitan: larawan, chart at radyo
Sanggunian: PLUMA I (pahina 371-375)
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagbibigay interpretasyon sa tula
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa tula
- Pag-uugnay sa sariling karanasan batay sa nabasang tula
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Pagbibigay importansya sa pagmamagal ng magulang

III. Yugtong Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Papangkatin sa apat ang klase. Sa bawat pangkat ay may dalawang
kinatawan na siyang bubuo ng larawan na nasa ibaba. Ang unang
makabubuo ay may karampatang premyo.

2.
Paglinang ng

Talasalitaan
a. Find Me.hahanapin ng mga mag-aaral ang kasalungat ng sumusunod
na salita sa katapat na pangungusap.
marahas 1. Malumanay lagi ang hari kapag kinakausap ang
kanyang mga anak.
maparangalan 2. Tinuruan niya ang mga anak sapagkat aya niyang
makutya kung sakali’t hindi sila lumaking mabubuti.
mayaman 3. Sa pamamahala ng hari, maging mga dukha ay
nabigyan ng pagkakataong makisali.
mangmang 4. Ang tatlong prinipe ay may katalinuhang taglay na
maihahalintulad sa mga pantas.
magtuloy 5. Huwag sanang mapugto ang kaligayahan at
kapayapaan ng kaharian.

B. Paglalahad
1. Pagpaparinig ng inerekord na “Liham ng Magulang”.
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa napakinggan.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema ng napakinggan.
2. May kasabihan tayong, “Ang anak na di paluhain, magulang ang patatangisin”.
Sa maraming pagkakataon sa buhay ng tao, napatunayan na natin ang
katotohanan ng kasabihan na ito. Maraming anak an gang labis na binigyan ng
layaw ng mga magulang at hindi nabigyan ng wastong pagdidisiplina nang sila’y
mga bata pa. Katulad ng mga damong hinayang lumago, ang mga batang ito’y
lumaking suwail kaya’t pawing dusa, luha, at pasakit ang isinukli nila sa mga
magulang. Sila ay nagging bunga ng maling pagmamahal – pagmamahal na
mapagpalayaw, maluwag at walang itinurong disiplina. Kaya’t lumuha man ang
magulang ay huli na. sa araling ito’y makikilala natin ang natatanging pamilya
nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Sa pamilyang ito iikot ang kabuuan
ng kuwento sa koridong Ibong Adarna.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kopya ng tula, kanila itong babasahin sa
loob ng sampung minuto.
3. Tatawag ang guro ng kinatawan na siyang magbabahagi ng kanilang
interpretasyon sa tula.
4. Pagsagot sa mga tanong:
a. Paano magpalakad ng kanyang kaharian si Haring Fernando? Paano rin
siya mailalarawan bilang isang ama?
b. Bakit mahalaga sa isang bayan o sa pamilya man ang pagkakaroon ng
isang pinuno o amang matuwid at makatarungan?
c. Sa iyong palagay, masasabi bang tama ang ginawang pagpapalaki ng
hari sa kanyang mga anak? Ipaliwanag.
d. Bakit kaya may mga anak na napapasama o naliligaw ng landas? Paano
maiiwasan ang ganitong kalagayan?

D. Pagnilayan at Unawain
1. Tanong ng Bote. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral patungkol sa
pagpapalaki at pagmamahal ng kanilang magulang.
a. Paano ka bilang isang anak? Masasabi mo bang napalaki ka nag
maayos ng iyong magulang?
E. Ilapat
1. Sasagutin ng mag-aaral ang tanong sa kanilang journal:
a. Kung ikaw ay magiging isang magulang, ano ang gagawin mo upang
lumaking mabuti at maayos ang iyong mga anak?
IV. Pagtataya
A. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan.
1. Sino ang hari ng Berbaya?
a. Haring Fernando
b. Haring Salermo
c. Haring Linseo
d. Haring Briseo

2.Sino ang katuwang ng hari upang pamunuan ang kaharian?


a. Reyna Consolacion
b. Reyna Valeriana
c. Reyna Valeriana
d. Reyna Victorina

3. Alin ang tamang pagkakasunod ng tatlong prinsipe?


a. Don Juan-Don Pedro-Don Diego
b. Don Pedro-Don Juan-Don Diego
c. Don Diego-Don Pedro-Don Juan
d. Don Perdo-Don Diego-Don Juan

4. Inumpisahan ang tula sa ________________?


a. Dasal
b. Pagbati
c. Gubat
d. Kaharian

5. Paano inilarawan si Don Fernando sa tula?


a. Marangal
b. Mabunyi
c. Matapang
d. Mapagmahal

B. Sa bilang na 1 hanggang 10, kung saan ang 10 ang pinakamataas, anong marka ang
ibibigay mo sa sarili mo bilang isang anak? Bilugan ang numero. (5puntos)

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Bakit ito ang ibinigay mong marka sa iyong sarili? Ipaliwanag ang iyong sagot sa
mga patlang na nasa ibaba:

Bilang anak, binigyan ko ang sarili ko ng marking ______ dahil


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

V. Kasunduan
A. Pagkatapos ng lahat ng nagawa ng magulang mo para sa iyo, sa anong simbolo mo
maaaring ihambing ang iyong sarili ngayon. Iguhit ito at bumuo ng dalawang saknong
na may wawaluhing pantig na nagsasaad ng pasasalamat sa iyong magulang para sa
lahat ng nagawa nila sa iyo.

Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
Sa Pagtuturo ng
IBONG ADARNA
(Ikapitong Baitang)

Inihanda ni:

AUBREY MAE M. MAGSINO

Petsa ng Pagpasa:

Araw ng Pakitang-turo:
I. Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa pinakinggang awitin;
B. Naibubuod ang teksto sa pamamagitan ng dula;
C. Natutukoy ang damdaming namumutawi sa tula; at
D. Nailalahad at naiuugnay naranasan sa nabasang teksto.

II. Paksa
Paksa: Pagharap sa Problema at Panaginip
Tatalakaying Genra: Tula
Pamagat ng Teksto: ARALIN 3: ANG PANAGINIP NG HARI
Mga Kagamitan: mga baso, chart at radyo
Sanggunian: PLUMA I (pahina 379-382)
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagsasadula
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa tula
- Pag-uugnay sa sariling karanasan batay sa nabasang tula
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Matapang na pagharap sa problema

III. Yugtong Pagkatuto

A.Tuklasin
1.Pagganyak
a. Minute-to-win-it. Papangkatin sa lima ang klase. Bawat pangkat ay may
isang kinatawan na siyang maglalaro .
b. Sa isang minute, ang kinatawan ay kailangang hilahin ang tela na nakaipit
sa nakataob na baso nang hindi nahuhulog ang baso.
c. Kapag nagawa ito ng matagumpay, may nakasulat na salita sa dulo ng
tela na siyang bibigyan ng kahulugan;
Mga Salita:
Panaginip
Pagsubok
Lumbay
Bagabag
Nahapis

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. Hahanapin ng mag-aaral ang mgha kasingkahulugan ng sumusunod na
salita sa fish bowl.

1. Nabagabag
naligalig
2. Liyag
3. Nililo hiwaga
masama
4. Tampalasang
nilinlang
5. Talinghaga
giliw
napagod

B. Paglalahad
1. Pagpaparinig ng awit na “Pagsubok” ng Orient Pearl.
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa napakinggan.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema ng napakinggan.
2. Ang mga problema ay bahagi na ng buhay. Nakasalalay sa tao kung paano niya
ito sosolusyunan. Iyon an gating matutunghayan sa araling ating tatalakayin
ngayong araw kung saan nagkaroon ng panaginip ang hari na nagdulot ng labis
na problema sa kaharian. Ito ang ikatlong aralin sa Ibong Adarna, Ang Panaginip
ng Hari.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kopya ng tula, kanila itong babasahin sa loob
ng sampung minuto at bibigyan pa ng karagdagang limang minuto para pag-
usapan kung paano nila isasadula ang buod ng teksto.
3. Pagsagot sa mga karagdagang katanungan:
a. Ano ang nagging epekto ng panaginip ng hari? Bakit labis niya itong
dinamdam at naging sanhi pa ng kanyang pagkakasakit ang panaginip na
iyon?
b. Bakit masasabing kakaiba ang gamut na inereseta para sa sakit ng hari?
c. Ano ang gagawin mo kapag ikaw ang nanaginip nang hindi maganda?

D. Pagnilayan at Unawain
1. Lihim ng Bulaklak. Ang bulaklak ay ipapasa sa mga mag-aaral at kung sino man
ang mahintuan nito ay siyang sasagot ng katanungang naroon tungkol sa
pagresolba sa problema.
a. Kung ikaw ang hari, anong kahulugan ang maibibigay mo sa ganoong
panaginip? Ano ang gagawin mo pagkagiging mo mula sa panaginip na
iyon?
b. Paano makaaapekto sa kaharian ang pagkakasakit ng hari? Kung ikaw ang
isa sa mga kaanak ng hari, ano ang gagawin mo sa kanyang pagkakasakit?

E. Ilapat
1. Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong sa kanilang journal.
a. Paano ba ang tamang pagharap sa anumang problema o pagsubok sa
buhay?

IV. Pagtataya

A. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan.


1. Sino ang nanaginip at nagkasakit sa akda?
a. Haring Fernando
b. Haring Salermo
c. Haring Linseo
d. Haring Briseo

2. Ano ang solusyon o gamut sa sakit ng hari?


a. Paracetamol
b. Mefenamic
c. Ibong Adarna
d. Agila

3. Sino ang nakatukoy sa sakit ng hari?


a. Don Juan
b. Reyna Valeriana
c. Don Perdo
d. Mangagamot

4. Saan matatagpuan ang lunas sa sakit ng hari?


a. Sa puno ng higera
b. Sa ospital
c. Sa parmasya
d. Sa bundok Tabor

5. Ano ang ibang tawag sa hari?


a. Duke
b. Datu
c. Monarka
d. Don

B. Basahin at unawaing mabuti ang bawat saknong. Kilalanin ang maaaring maging
kahulugan ng bawat isa. Lagyan ng tsek ( ) ang kahong katapat ng tamang sagot.

1. Ngunit itong ating buhay


Talighagang di malaman
Matulog ka nang mahusay
Magigising nang may lumbay.

Mag-ingat sa pagtulog sapagkat maaari itong magdulot ng lumbay.


Walang katiyakan ang mga mangyayari sa buhay.
Mahusay ang epekto ng pagtulog sa ating buhay.

2. Sa laki ng kalumbayan
din a siya napahimlay
nalimbag sa gunamgunam
ang buong napanagimpan.

Lubhang nabagabag ang hari sa kanyang panaginip kaya’t din a siya napahinga.
Nalungkot ang hari sapagkat nagkatotoo na nga ang kanyang panaginip.
Napagod ang hari sa pagtatala ng detalye ng kanyang panaginip.

3. Dahil dito’y nangayayat


Naging parang buto’t balat
Naratay na’t nababakas
Ang dating nghuling oras.

Naging parusa para sa hari ang pagiging buto’t balat


Pinagkaitan na ng pagkain at gamut ang hari dahil sa labis niyang pag-aalala.
Nangayayat hanggang sa magkasakit nang malubha ang hari dahil sa pag-aalala.

4. Kaya ba ang mga anak


Katulad ng reynang liyag
Dalamhati’y di masukat
Araw-gabi’y may bagabag.

Nagging malakas at buo ang loob ng pamilya upang lumakas dinang hari.
Ipinag-alala ng buong pamilya ang mga nangyayari sa hari.
Nagkasakit na rin ng malubha ang buong pamilya ng hari.
5. Sa kalooban ng Diyos
May nakuhang manggagamot
Ito nga ang nakatalos
Sa sakit ng haring bantog.

Nakahanap din ang pamilya ng maggagamot na may alam sa sakit ng hari.


Ipinasa-Diyos na lang ng pamilya ang paggaling ng kanilang hari.
Walang manggagamot na nakapagsabi kung ano nga ba ang sakit ng hari

V. Kasunduan
A. Ilahad ang isang tunay na karanasan kung saan ang isang miyembro ng iyong pamilya
ay nagkasakit at kung ano ang iyong ginawa upang makatulong sa kanyang sa
kanyang paggaling at makabawas-bawas sa kanyang alalahanin.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________

You might also like