Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
KABANATA 32
ni Jose Rizal

Inihanda ni:

ALYSSA A. SARMIENTO

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin
A. Nailalarawan ang mga nabuong imahe;
B. Naisasadula ang mga naging karanasan; at
C. Naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang teksto.

II. Paksa
Paksa: Pagmamaliit
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: KABANATA 32: ANG SERMON NI JOSE RIZAL
Mga Kagamitan: pira-pirasong larawan, kopya ng kwento at plaskard
Sanggunian: Jose Rizal
NOLI ME TANGERE
Salin ni Virgilio Almario
pahina 218-227
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagsasadula
- Pagbubuo ng mga larawan
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng sarling karanasan.
Halagang Pangkatauhan:
- Igalang at irespesto natin ang ating Panginoon.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Papangkatin sa apat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng pira-
pirasong larawan at kanilang bubuuin, pagkatapos ay kanilang ididikit
sa pisara. Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng tatlong minuto.
1. Larawan ng Padre o ministro
2. Taong nagdarasal
3. Mga taong nag-uusap-usap
4. Taong tulog

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. Ibigay ang nawawalan letra upang mabuo ang salita at maibigay ang
kasingkahulugan.

1. Nakaidlip

N U L G

2. Ihuhugos

H H L O

3. Nagtimpi

A P I I
4. Tagapagtubos

T A P A G A S

5. ipinalalaganap

I I A K L A

b. Vissible quiz. Itaas ang hugis PUSO na plaskard kung ang sagot sa
sumusunod na tanong ay OO at hugis BILOG na plaskard naman kung
HINDI.
1. Ikaw ba ay nagsisimba?
2. Madalas ka bang pagsimba?
3. Kung ikaw ay madalas nagsisimba ay masasabi bang ikaw ay
mabuting tao?
4. Nakikinig ka ba sa nagmimisa?
5. Kapag ikaw ay nasa loob ng simbahan may sarili ka bang mundo?

B. Paglalahad
1. Paanong ang isang tao lalo na ang isang lingkod ng Diyos ay masasabing tapat
at mabuting tagasunod ng Panginoon? Bago natin sagutin ang katanungan na
iyan atin munang pag-aralan ang isang kabanata mula sa nobela ni Jose Rizal
na Noli Me Tangere na pinamagatang ANG SERMON.

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto. Bawat pangkat ay bibigyan ng kopya at kanila itong
babasahin ng limang minuto.
2. Gamit ang Balangkas o Pangkayarian (Story Grammar) sa pamamagitan ng
mga gabay na tanong ay naiisa-isa ang mahahalagang sangkap o pangyayari
ng kuwento. Sa tulong nito ay maibubuod na ang kuwento.

Mga Gabay na Tanong:


a. Saan ang tagpuan?
b. Sino-sino ang mga tauhan sa binasang teksto?
c. Paano sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon?
d. Ano-ano ang mga bagay ang kanyang binanggit sa kanyang
pagsesermon?
e. Ano ang mga naging reaksyon ng mga tao batay sa sermon ni Padre
Damaso? Ilahad.
f. Masasabi mo bang mahusay at epektibo si Padre Damaso sa
pagsesermon? Bakit?
g. Ano ang masasbi mo sa mga taong nagsisimba ngunit natutulog, nag-
aaway at hindi nakikinig?

D. Pagnilayan at Unawain
1. Batay sa iyong karanasan.
a. Ikaw bilang mag-aaral, ano ang ginagawa mo kapag ikaw ay nasa loob ng
simbahan at nakikinig sa Salita ng Diyos? Ano ang naitutulong o dinadala
nito sa iyong buhay?
b. Sa kasalukuyang panahon nangyayari pa rin ba ang ganito hindi lamang sa
loob ng simbahan? Ang pagpaparinig o pag-aalipusta sa iba?
E. Ilapat
1. Bawat pangkat ay magsasadula ng kanilang mga naging karanasan sa loob ng
simbahan na dapat negatibo o positibo man ito na nagbago para maging
mabuting tagasunod ng Panginoon.

IV. Pagtataya: Vissible Quiz

A. Itaas ang PAK kung ang sumusunod na pahayag ay tama at GANERN naman kung
mali.
1. Sinimulan ni Padre Damaso sa malakas na tinig ang kanyang sermon.
2. Si Padre Sibyla ay namutla at napalunok dahil sa husay ni Padre Damaso.
3. Makatarungan ang naging sermon ni Padre Damaso.
4. Si Basilio ay bumulong kay Ibarra at pinaalalahanan.
5. Maiksi ang naging sermon ni Padre Damaso.

B. Itaas ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan sa bawat


bilang.
1. Sa anong akdang pampanitikan nabibilang ang tekstong binasa?
a.
b. nobela d. sanaysay
c. maikling kuwento e. epiko
2. Sino ang bumulong kay Ibarra ng “Sa seremonya ng pagbabasbas, huwag
kayong lalayo sa kura, huwag kayong bababa sa hukay, huwag kayong lalapit
sa bato, sapagkat nanganganib ang iyong buhay!”?
a. Basilio
b. Crispin
c. Maria Clara
d. Elias
3. Sino ang dalawang Padre ang nahusayan kay Padre Damaso sa
pagsesermon?
a. Padre Salvi at Padre Sibyla
b. Padre Sibyla at Padre Martin
c. Padre Martin at Padre Salvi
d. Padre Martin at Padre Florentino

V. Kasunduan

A. Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa naging karanasan mo sa loob ng simbahan.

You might also like