Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan

Kampus ng San Carlos

Kolehiyo ng Edukasyon

Departamento ng mga Wika

Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng
El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
(Kabanata 5: Ang Nochebuena ng Isang Kutsero )

Inihanda ni:

Maricar D. Fernandez

Petsa ng Pagpasa:

25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin

A. Naiuugnay ang sariling karanasan ukol sa paksa

B. Naitatanghal ang mga piling pangyayari sa paraang pantomina

II. Paksa

Paksa: Prusisyon

Tatalakaying Genra: Nobela

Pamagat ng Teksto: Kabanata 5 Ang Nochebuena ng Isang Kutsero

Mga Kagamitan: Cartolina, Manila paper

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 Alinsunod sa K-12 Curriculum

Pahina 26-35

Kasanayang Pampanitikan:

-Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag

Kasanayang Pampag-iisip:

-Pagbibigay reaksiyon

Halagang Pangkatauhan:

- Marunong makihalobilo sa mga taong kakakilala pa lamang

III. Yugtong Pagkatuto

A. Tuklasin

1.Pagganyak

a. Papangkatin ang klase sa tatlo. Pabubunutin ang bawat pangkat ng isang pangyayari at
kanila itong ipapantomina

b. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang minutong paghahanda pagkatapos ay kanila


na itong itatanghal.

B. Paglalahad

Marahil ang lahat ay nakikiisa sa tuwing may mga prusisyon ng mga imahen dahil
na rin sa pagiging relihiyoso kaya nagagawa nilang makitipon sa ganitong pangyayari.
Kaya sa araw na ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa pagdiriwang ng mga prusisyon na
akma sa paksa ng kabanata 5 ng El Filibusterismo.

C. Linangin

1. Pagbasa ng teksto.

2. Bibigyan ng mga pinirasong pangyayari ang bawat pangkat.

3. Pipili ng kinatawan na siyang magsasalaysay ng binasa upang mapagsunod-sunod ang


mga pangyayari.
Mga Gabay na Tanong:

a. Naranasan mo na bang makisali sa isang prusisyon?

b. Ano- anong pangyayari ang kadalasan nagaganap dito?

D. Pagnilayan at Unawain

1. Think Pair and Share. Magpapalitan ng ideya ang magkapareha ukol sa karanasan
tuwing may prusisyon sa kanilang lugar.

a. Nagiging interesado ka ba sa tuwing may prusisyon sa inyong lugar?

b. Bilang isang mamamayan angkop ba ang pagkakaroon ng mga pagdiriwang tulad ng


prusisyon?

E. Ilapat

Sa pamamagitan ng isang collage ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang larawan na


kanilang napapansin kapag may prusisyon.

IV. Pagtataya

Identipikasyon: Tukuyin ang tamang sagot sa mga pahayag sa ibaba.

_______1. Ito ang sasakyang may dalawang gulong at hinihila ng kabayo.

_______2. Iniuugnay ito sa panunuluyan at nagtatapos sa isang misa.

_______3. Kinikilala nila ito bilang sertipikasyon ng pagiging mamamayan ng isang tao.

_______4. Ang yungib ng Pamitinan ay matatagpuan sa.

_______5. Ang prusisyon ay nagtapos sa Birheng nakasuot ng sombrerong frondeuse.

V. Kasunduan

Gumupit ng mga iba't ibang uri ng sasakyang karomata at sabihin ang pagkakaiba
ng mga ito. Ilagay ito sa coupon band.

You might also like