El Filibusterismo LP (Kabanata 26 Pasquinadas)

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan

Kampus ng San Carlos

Kolehiyo ng Edukasyon

Departamento ng mga Wika

Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng
El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
(Kabanata 26: Pasquinadas)

Inihanda ni:

Jelly D. Valerio

Petsa ng Pagpasa:

25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin:

A. Nakapagbibigay ng opinyon sa napakinggang awitin.

B. Naiuugnay ang paksa ng tekstong binasa sa sariling karanasan.

C. Nailalahad ang mga sariling reaksyon ukol sa nabasang teksto.

II. Paksa

Paksa: Kalayaan

Tatalakaying Genre: Nobela

Pamagat ng Teksto: Kabanata 26: Pasquinadas

Mga Kagamitan: Manila Paper, Cartolina at Radyo

Sanggunian:

Kasanayang Pampanitikan:

- Pagtukoy sa mensahe ng awitin

- Pagtukoy sa paksa ng nabasang teksto

Kasanayang Pampag-iisip:

- Pagbibigay ng saloobin, opinyon at reaksyon.

Halagang Pangkatauhan:

- Pagkakaroon ng Katatagan loob

III. Yugtong Pagkatuto

A. Tuklasin

1.Pagganyak

Tatawag ng apat na mag-aaral. Gamit ang graphic organizer, magbigay ng mga


salitang kaugnay ng binilugang salita.

KALAYAAN
2. Paglinang ng Talasalitaan

Piliin sa hugis bilog ang mga salitang kasingkahulugan ng mga salitang makikita
sa iba't ibang hugis.

Mangalap ng impormasyon

Kabilang Masipag

naipon Pupunta

Mag-usisa

Kasangkot

Mananao
g-

masigasi
g

naimp
ok

B. Paglalahad

1. Magpaparinig ng isang awitin na pinamagatang Kapayapaan, Kalayaan ni Freddie


Aguilar.

Gabay na tanong:

a. Ano ang pamagat ng awitin ?


b. Ano ang mensahe ng awiting napakinggan?

c. Sa iyong palagay anong paksa ang ating tatalakayin ngayon?

2. Ang pagkakaroon ng kalayaan at katatagan ng loob ay sadyang napakahalaga nang sa


gayon ay maipahayag ang saloobin nang hindi natatakot. Ngayon ay matatalakay natin
ang tungkol sa Kabanata 26:Pasquinadas mula sa El Filibusterismo, dito masasaksihan
kung paano nilabanan ni Basilio ang kanyang takot.

C. Linangin

1. Pagbasa ng teksto

2. Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat pagkatapos bawat pangkat ay pipili


ng bahagi ng teksto na naibigan at pagkatapos ito'y ibabahagi sa pamamagitan ng tableau.

3. Magpapaikot ng bote ang guro na naglalaman ng mga katanungan habang pinapaikot


ang bote ay sinasabayan ito ng isang awitin pagkatapos kung sino man ang mahintuan
nung bote kapag pinatay ang awitin ang siyang bubunot at sasagot sa katanungan.

Mga Gabay na Tanong:

a. Ano ang ibig ipakahulugan ng Pasquinadas?

b. Saan ginamit ni Basilio ang naipong pera?

c. Ano ang pakay ni Basilio kay Makaraig?

d. Bakit hindi lumingon si Sandoval nung siya'y tawagin ni Basilio?

e. Bakit dinampot sina Basilio at Makaraig ng mga Gywardiya Beterana?

f. Sa iyong palagay, ano ang mensahe ng tekstong binasa?

D. Pagnilayan at Unawain

1. Pagbibigay realisasyon sa mga mag-aaral ukol sa pagkakaroon ng kalayaan.

a. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Kalayaan?

b. Ano ang posibleng mangyayari kung sakaling hanggang ngayon ay hindi pa


natin nakamit ang kalayaan?

E. Ilapat

1. Gumawa ng Personal na Sanaysay ukol sa mga pangyayaring napagdaanan na


masasabing sumubok sa katatagan ng loob.

IV. Patataya

A. Quiz Bee.Papangkatin ang klase sa limang pangkat bawat pangkat ay tig-iisang maliit
na board pagkatapos ay itataas ang maliit na board na naglalaman ng kasagutan batay na
rin sa ibinigay na katanungan.

1. Ano ang pamagat ng kabanata to ?

a.tawanan at iyakan
b. Pasquinadas

c.ang fraile at ang filipino

d.ang fraile

2. Sila ang dumakip kina Baslio at Makaraig.

a. Guwardiya Beterana

b. Guwardiya Sibil

c. Pulis

d. Wala

3. Isa siya sa pinakamasigasig na pasimuno sa samahang Asosasyon.

a. Basilio

b. Tadeo

c. Juanito Pelaez

d. Sandoval

4. Sino ang tinubos ni Basilio

a. Tadeo

b. Sandoval

c. Juli

d. Juanito

5. Ito ay isang samahan na kasapi si Basilio?

a. Asosasyon

b. Katipunan

c. La liga Filipina

d. Wala

B. Gamit ang Graphic Organizer, bigyan ng paglalarawan ang mga tauhang nakasulat sa
kahon base na rin sa nabasang teksto.

MGA TAUHAN PAGLALARAWAN

1. Basilio

2. Sandoval

3. Isagani

4. Makaraig

5. Juanito Pelaez
V. Kasunduan

Sumipi ng ilang bahagi ng teksto na naibigan pagkatapos iguhit ang mga


pangyayaring naganap batay sa sariling imahinasyon pagkatapos ay ibahagi sa klase.

You might also like