Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
NOLI ME TANGERE
ni Dr. Jose Rizal
(Kabanata 51- Mga Palitan at Pagbabago)

Inihanda ni:

MAYBELEN B. CALUGAY

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng reaksiyon sa nakitang larawan;
B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng story mapping;
C. Naiuugnay ang tekstong binasa sa realidad patungkol sa mga pagbabagong
nararansan sa buhay; at
D. Naiguguhit ang pagbabagong naranasan sa buhay.

II. Paksa
Paksa: Pagbabago ng pagtingin sa isang tao
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: KABANATA 51: MGA PALITAN AT PAGBABAGO ni Dr. Jose Rizal
Mga Kagamitan: kopya ng teksto, secret codes, kahon, speaker, cartolina, manila
paper
Sanggunian:Jose Rizal- Noli Me Tangere
Salin ni Virgilio S. Almario
Adarna House 2011
pahina 354- 357
Kasanayang Pampanitikan:
- Story mapping
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag
- Pagtukoy ng simbolismong masasalamin sa tauhan
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Nababago ang pagtingin ng isang tao dahil sa mabuting pakikitungo nito.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Secret Codes. Papangkatin sa lima ang klase. Sa pamamagitan ng Number
Heads Together ay pipili ng isang bilang ang guro na siyang maglalaro.
Upang malaman ang mga nakatagong kahulugan ay ang mga simbolong
ang siyang magiging gabay upang malaman ang kahulugan nito.

2. Paglinang ng Talasalitaan
a.Punan ng titik ang bawat kahon upang mabuo ang kahulugan ng mga
salita.

M P U O K
Marahas Mapusok
T U I N G N
Sumulyap Tumingin
U A Y O
Tumindig Tumayo
S K R T
Lihim Sekreto
L U A A S
Lumitaw Lumabas
B. Paglalahad
1. Pagpapakita ng larawan ni Padre Salvi, Maria Clara, at Don Crisostomo Ibarra.
a. Pagbibigay reaksiyon ng mga mag-aaral sa nakitang larawan.
b. Pagtukoy ng mag-aaral sa simbolismong masasalamin sa tauhan.

2. May mga pagkakataong nagbabago ang pagtingin ng isang tao sa kanyang


kapwa. Maaaring naliwanagan ito sa mga bagay-bagay. Bunga na rin ng
mabuting pakikitungo nito sa kanya o di kaya'y sa mabuting pag-uugali nitong
taglay. Ngayon ay masaksihan natin ang isang kabanata na mula sa Noli Me
Tangere kung paano nga ba nagbago ang pagtingin ni Padre Salvi at ni Maria
Clara kay Ibarra. Ito ang " Mga Palitan at Pagbabago ".
C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kopya ng tekstong babasahin.
3. Sa pamamagitan ng story mapping ay ibubuod nila ang kanilang binasa.
Tatawag ang guro ng kinatawan ng bawat pangkat na siyang sasagot sa mga
sumusunod na pangangailangan na nakapaloob sa story mapping.
4. Ang lihim ng Mahiwagang Kahon. May mga nakasulat na tanong sa loob ng
kahon. Ipapasa ng mga mag-aaral ito habang may kasamang tugtog. Kapag
huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng kahon ang siyang bubunot ng
tanong at sasagot nito.

Mga Gabay na Tanong:


a. Bakit nabalisa si Linares pagkatapos mabasa ang liham ni Donya
Victorina?
b. Ano sa palagay mo ang magiging hakbang ni Linares upang hindi
magalit si Donya Victorina?
c. Ano ang dalang balita ni Padre Salvi na pumigil sa pag-iisip ni Linares?
d. Ano ang kapansin-pansin kay Padre Salvi nang araw na iyon?
e. Ano ang naging reaksiyon ni Ibarra at Kapitan Tiago sa pagbabagong
kilos ni Padre Salvi?
f. Ano sa palagay mo ang dahilan ng kanyang pagbabago?
g. Ano naman ang pagbabagong mapapansin kay Maria Clara?
h. Sa inyong palagay, tunay nga bang ayaw na ni Maria Clarang umibig kay
Ibarra? Ipaliwanag ang iyong sagot.

D. Pagnilayan at Unawain
1. Think-Pair-Share. Pagbibigay pananaw ng mga mag-aaral patungkol sa
kanilang pagbabagong naranasan sa buhay.
a. Ano ang mga pagbabagong nangyari sa buhay mo?
b. Paano mo kinaharap ang pagbabagong dumaan sa'yo?
E. Ilapat
1. Guguhit ang mga mag-aaral ng isang simbolismo na nagpapakita ng kanilang
pagbabagong pagtingin sa kanilang minamahal o sa kapwa.Ibabahagi ng mag-
aaral sa kanyang kapangkat ang kanyang iginuhit na simbolo.

IV. Pagtataya:

A. Isulat ang letrang M kung ang sumusunod na pahayag ay tama at B naman kung
mali.
1. Si Donya Victorina ang nagpadala ng liham kay Linares.
2. Isa sa mga malapit na kaibigan ni Maria Clara ay si Sinang.
3. Si Maria Clara ay ipapakasal kay Kapitan Tiago.
4. Inilarawan ni Ibarra ang kanyang sarili na mapagpanggap at mambobola.
5. Tanging si Padre Salvi ang nagsabing marunong mag-areglo ng pagkakamali
si Ibarra.

B. Bilugan ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan sa


bawat bilang.
1. Ito ang sinambit at ikinilos ni Linares matapos niyang mabasa ang sulat ni
Donya Victorina: "Pero paano?" usal niya sa sarili habang palakad-lakad at
bumaba-umakyat. "Sakaling mainit ang ulo ng tenyente pag pinuntahan ko?
E, kung ang ginang niya ang maratnan ko? At sino ang papayag na maging
alalay ko sa duwelo?
Ano kaya ang nararamdaman ni Linares sa pagkakataong ito?
a. Matinding galit kay Donya Victorina
b. Matinding takot kay Donya Victorina
c. Matinding pagkainis kay Donya Victorina
d. Matinding pagkadismaya kay Donya Victorina

2. "Kanino bang ideya itong napasok-pasukan kong ito? Ang


magyabang......magpanggap? Ano na ang sasabihin sa akin ni Binibining
Clarita? Ito ang napala ko sa paghahambog ng pansariling kalihim ng lahat
ng miyembro ng gabinete!"
a. Pagkadismaya
b. Pagkatakot
c. Pagkamangha
d. Pagsisisi

3. "Makinig kayo," wika ni Padre Salvi habang pumapasok sa salas na


sinusundan nina Linares at Kapitan Tiago. "May magandang balita ako sa
inyong lahat. Tumanggap ako ng sulat mula sa Maynila na nagpapatunay sa
sulat na ipinabasa sa akin kahapon ni Ginoong Ibarra. Samakatwid, Don
Santiago, ay hindi na eskumulgado si Ginoong Ibarra at wala nang sagabal sa
kasal. "
Ang tinurang ito ni Padre Salvi ay ikinagulat ng mga tao sa bahay ni Kapitan
Tiago, ano kaya ang nararamdaman ng kura nang winika niya ito?
a. Malungkot
b. Masaya
c. Natatakot
d. Pagkadismaya

4. Ibarra: "Tapatin mo nga ako. Galit ba sa akin si Maria?


Sinang: "Ewan ko. Pero lagi't lagi niyang sinasabi na makabubuti pa sa iyong
limutin mo na siya at pagkatapos ay bibirahan ng iyak."
a. Nais talaga niyang limutin na siya ni Ibarra dahil galit siya rito.
b. Nais talaga niyang limutin siya ni Ibarra dahil hindi na niya mahal ito.
c. Nais talaga niyang limutin siya ni Ibarra ngunit mahal niya pa rin ito.
d. Nais talaga niyang limutin na siya ni Ibarra dahil ikakasal na siya sa iba.

5. "Iyon lang ba? Pambihira namang lihim iyan!" bulalas ni Sinang na sa tono
ng salita ay para bang isang nagpapautang sa five-six na nasuba.
" Akala ko pa naman ay..."
Ano ang nararamdaman ni Sinang pagkasambit nito?
a. Pagkadismaya
b. Pagkalungkot
c. Pagkainis
d. Pagkasuklam
V. Kasunduan

A. Bumuo ng tatlong saknong ng tula kaugnay ng diwa ng kabanata.

You might also like