Noli Me Tangere - Kabanata 52 (Maybelen B Calugay)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
NOLI ME TANGERE
ni Dr. Jose Rizal
(Kabanata 52- Baraha ng mga Patay at mga Anino)

Inihanda ni:

MAYBELEN B. CALUGAY

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa napanoodang video;
B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng mga larawan;
C. Naiuugnay ang tekstong binasa sa buhay ng isang tao; at
D. Nailalahad ang mga di mabuting kilos at ugali na nakapaloob sa akda.

II. Paksa
Paksa: Paniniwala't balak na pagtugis kay Elias
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: KABANATA 52: BARAHA NG MGA PATAY AT MGA ANINO ni Dr.
Jose Rizal
Mga Kagamitan: mga larawan, show me board, marker , speaker, projector, laptop,
video clip.
Sanggunian:
JOSE RIZAL- NOLI ME TANGERE
Salin ni Virgilio S. Almario
Adarna House 2011
Lungsod Quezon
pahina 358- 362
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag
- Pagtukoy ng paksang napanoodan
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Paniniwala sa mga pamahiing patungkol sa patay
- Masama ang pagpapahamak sa kapwa

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak : Paint Me a Picture


a. Papangkatin sa lima ang klase. Sa pamamagitan ng Paint Me a
Picture ay isasakilos ng bawat pangkat ang sumusunod na
sitwasyon.
1. grupo ng mga nag-uusap na Guwardiya civil
2. pagtungo sa sementeryo
3. pagsusugal / paglalaro ng baraha sa loob ng sementeryo
4. pagtunog ng batingaw na siyang hudyat sa paglabas ng mga
kaluluwa
5. pabulong-bulong na pagdadasal

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. MIX AND MATCH. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang sumusunod na
salita ayon sa mga salitang magkakasingkahulugan.

Ikinubli Itinago
Sinapit Narating
Lumingap Lumingon
Nitso Puntod
Namataan Nakita

B. Paglalahad
1. Pagpapanood ng isang maikling video patungkol sa pamahiin sa baraha ng
patay at ang pagtugis sa isang tao.
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa napanoodang video.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema ng pinanoodang video.

2. Dalawang lalaking minsan lang nagkita. Dalawang lalaking sumisimbolo sa


baraha ng mga patay at isa sa mga anino. Ngayon ay matutunghayan natin
ang isang pangyayaring pagtugis sa isang tao at ang pagpapahamak nito sa
lalaking kakakilala lamang nito. Ito ang isa sa mga kabanata sa Noli Me
Tangere ang "Baraha ng mga Patay at Mga Anino"

C. Linangin
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong babasahin pagkatapos
ay ibubuod nila ang kanilang binasa.
3. Tatawag ang guro ng kinatawan ng pangkat na siyang magsasalaysay ng
ibinuod na kuwento sa pamamagitan ng PICTURE FRAME. Pagsusunud-
sunurin ng mga mag-aaral ang mga larawan. Ito ay iaayon sa pagkaganap ng
mga pangyayari sa kuwento. Matapos ito, ibubuod ng mga mag-aaral ang
kwento mula sa larawan.
4. Pabubunutin ang bawat pangkat ng tig-iisang katanungan at bibigyan sila ng
tatlong minuto upang isulat ang kanilang sagot sa show-me-board. Sa
pamamagitan ng TEAM STAY, TWO STRAY ay ibabahagi ng dalawang
kinatawan ng grupo ang kanilang sagot sa ibang pangkat.

Mga Gabay na Tanong:


a. Tungkol nga ba sa baraha ang kabantang ito? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
b. Sino ang hinihintay ng tatlong anino? Kasama ba nila si Elias sa kanilang
mga balak?
c. Ano raw ang ginagawa ni Lucas sa libingan nang gabing iyon?
d. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ni Lucas sa paniniwala sa
mapalad na baraha?
e. Sino ang unang umalis sa kanilang dalawa at bakit?
f. Sino ang unang nakita ng mga guwardiya civil? Sino ang ikalawa? Ano
ang kanilang isinagot nang tanungin kung saan sila pupunta?

D. Pagnilayan at Unawain
1. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral patungkol sa buhay ng isang tao.
a. Naranasan mo na bang mapahamak dahil sa kagagawan ng ibang tao?
b. Paano mo hinarap ang ganoong sitwasyon? Ilahad ito sa mga kaklase.
E. Ilapat
1. Itatala ng mga mag-aaral ang ilang masamang ugali at kilos na ipinakita sa
kabanatang ito. Ibabahagi ng mag-aaral sa kanyang kapangkat ang kanyanng
naitala.

IV. Pagtataya: Round Robin with Talking Chips


A. Isulat ang salitang DUGA kung ang sumusunod na pahayag ay tama at ALIWA
naman kung mali.
1. Sa unang tugtog ng kampana, ipaglalagay ko silang panlaban at sa ikalawa
naman ay sapalaran.
2. Si Lucas ang nanalo sa pagsusugal ng baraha.
3. Matapos marinig ni Elias ang tugtog ng batingaw ay inanyayahan niya ang
mga kaluluwa para makipagsugal sa kanya.
4. Nadakip ng mga guwardiya civil si Lucas matapos nila itong makitang
papunta sa simbahan.
5. May pilat, kayumanggi ang kulay, itim ang mga mata ito ang paglalarawan
nila kay Lucas.

B. Isulat ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan sa bawat


bilang.
1. Siya ang iniligtas ni Don Crisostomo mula sa kapahamakan?
a. Linares
b. Lucas
c. Elias
d. Guwardiya civil

2. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Lucas nang tumugtog ng ikawalo ang
orasan ng simbahan.
a. Tumawag sa mga yumao upang anyayahan ang mga itong
makipagsugal.
b. Nagsindi ng pusporo at mag-isang nagbaraha.
c. Nag-alay ng bulaklak sa mga puntod.
d. Nag-alis ng salakot at bumulong ng mga dasal.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan kay Elias?


a. May pilat sa mukha
b. Mataas ang tindig at kayumanggi ang kulay
c. Itim ang mata at katamtaman ang ilong.
d. Walang balbas at nakaitim na kamisa.

4. Anong damdamin ang namumutawi sa pahayag na ito, " Di kita tinatanong


kung kilala mo s'ya hangal! Di rin namin s'ya kilala."
a. Naninigurado
b. Nagpapaliwanag
c. Nagugulumihanan
d. Nagagalit

5. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang hindi masasalamin sa tekstong


binasa.
a. Pagtugis kay Elias
b. Mga aninong nagmamasid
c. Pakikipagsugal sa mga espiritu
d. Paghihiganti sa kapwa

V. Kasunduan

A. Bumuo ng islogan na may kaugnayan sa kaisipan ng kabanata.

You might also like