Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kabanata 26

Pasquinadas

Maagang nagbangon si Basilio upang magtungi sa ospital. Binalangkas na niya ang


gagawin. Dadalawin niya ang kaniyang mga pasyente, magtutungo siya pagkaraan sa
Unibersidad upang mag-usisa sa kaniyang lisensyatura at makikipagkita siya pagkatapos kay
Makraig hinggil sa kakailanganin niyang panggastos. Malaking bahagi ng kaniyang inipon ang
nagamit sa pagtubos kay Juli at sa pagkuha ng isang dampang matitirahan nuya kasama anv
kaniyang Ingkong, at hindi siya nangahas lumapit kay Kapitan Tiago, dahil sa pangambang
maipagmalaki itong isang paghingi ng pauna sa pamanang ipinangako sa kaniya tuwina.

Nalibang siya sa ganitong isipin kaya hindi niya napuna ang mga pangkat ng
estudyanteng napakaagang nag-uuwian mula sa lungsod at waring walang pasok. Lalong hindi
niya napuna ang balisa sa mukha ng ilan, ang mga paanas na pag-uusap, ang palitan ng
mahihiwagang senyas. Anupa't pagsapit niya sa San Juan de Dios at tanungin siya ng mga
kaibigan hinggil sa isang sabwatan ay napalundag si Basilio dahil naalala ang pakana ni Simoun,
na hindi niya itinuloy dahil sa mahiwagang aksidenteng inabot ng alahero. Tigib sa takot at sa di-
mapanatag na tinig, nagtanong siya habang nagsisikap lumitaw na walang nalalaman.

"A-nong sabwatan?"

"Nadeskubre na!" tugon ng isa. "At mukhang maraming kasangkot." Sinikapagpigil sa sarili si
Basilio.

"Maraming kasangkot?" ulit niya habang pinipilit basahin ang tingin ng mga kaharap. "At sino-
sino?"

"Mga estudyante, napakaraming estudyante!"

Minabuti ni Basilio na tumigil sa pagtatanong at baka maipanganyaya pa ang kaniyang


sarili, kaya idinahilan ang pagdalaw s kaniyang mga maysakit at iniwan ang pangkat. Dinatnan
siya at nilapitan ng isang katedratiko ng klinika, at buong hiwagang ipinatong ang kamay sa
kaniyang balikat. Kaibigan niya ang katedratiko at mahinay siya nitong tinatanong.

"Nasa hapunan ka ba kagabi?"

Dahil sa naguguluhang kalagayan ng isip, inakala ni Basilo na "kamakalawa ng gabi" ang


narinig. Kamakalawa ng gabi sila nag-usap ni Simoun. Tinangka niyang magpaliwanag.

"Aaminin ko po," iniutal niya, "dahil naglubha si Kapitan Tiago at kailangang tapusin ko ang
Mata..."
"Mabuti't hindi ka nagpunta," sabi ng propesor

"Pero miyembro ka ng asosasyon ng mga estudyante?"

"Nag-aambag po ako."

"Puwes entonses ang payo ko, umuwi ka ngayon din at sirain ang lahat ng papeles mong
makakasama sa iyo."

"Si Senyor Simoun po ba...?"

"Walang kinalaman si Simoun sa asuntong ito. Salamat sa Diyos!" dagdag ng doktor. "Mabuti't
sinugatan siya ng isang mahiwagang kamay at nakahiga siya. Hindi, ibang mga kamay ang
namamahala sa pangyayaring ito, pero masamang kamay rin."

Nakahinga si Basilio. Si Simoun lamang ang maaaring magsangkot sa kaniya. Bagaman


naisip niya si Kabesang Tales.

"May mga tulisan po ba?"

"Wala, binata, wala kundi mga estudyante?"

Ganap na natiwasay si Basilio.

"Ano po ba talaga ang nangyari?" lakas-loob niyang naitanong.

"May natagpuang mga subersibong paskin, hindi mo ba alam?"

"Saan po?"

"Kar—! Sa Unibersidad."

"Iyon po ba lamang?"

"P—! Ano pa ang gusto mo?" tanong ng katedratiko na halos nagnganglit. "Ibinibintang ang mga
paskin sa mga nagsama-samang estudyante. Pero, tahimik!"

Dumating ang katedratiko ng Patolohiya, isang ginoong higit na mukhang sakristan kaysa
doktor. Nahirang siya dahil sa napakalakas na kalooban ng Bise Rektor at hindi niya hinanapan
ng anumang katangian ni titulo maliban sa walang-pasubaling katapatan sa korporasyon. Isa
siyang espiya at tagasuplong sa tingin ng ibang mga katedratiko ng kaguruan.

Malamig na sinagot ng unang katedratiko ang pagbati at kinindatan si Basilio habang


sinasabing malakas; "Alam kong amoy bangkay na si Kapitan Tiago. Dinalaw na ng mga uwak
at buwitre."

At pumasok ito sa sala ng mga propesor.


Nang higit pang mapanatag, naglakas-loob si Basilio na alamin ang buong mga
pangyayari. Wala siyang nasagap maliban sa natagpuan ang mga paskin sa mga pinto ng
Unibersidad at ipinatanggal ng Bise Rektor ang mga paskin upang ipadala sa Pamahalaang Sibil.
Sinasabing hitik ang mga paskin sa pagbabanata, pagpugor, pananalakay, at iba pang
pagtatapang-tapangan.

May kani-kanilang palagay ang mga estudyante tungkol sa pangyayaring ito. Nagbuhat sa
bantay ang mga balita, na nakuha niya sa isang utusan ng Sto.Tomas, na nakasagap naman nito
mula sa isang kapista. Hinuhulaan ang mga daratal na pagsususpende, mga pagbilanggo, atbp. at
tinukoy ang mga bibiktimahin, at mangyari pa, ang mga Asosasyon.

Naaalala sa gayon ni Basilio ang mga sinabi ni Simoun: "Sa araw na maaari ka nilang
alisin... Hindi ka makatatapos ng iyong karera..."

"May alam kaya siya?" tanong niya sa sarili. "Makikita natin kung sino ang higit na
makapangyayari."

At nang manauling ganap ang sarili, tinungo ni Basilio ang Unibersidad upang malaman
ang kaniyang papanigan at upang magtanong din tungkol sa kaniyang lisensiyatura. Nagdaan
siya sa Kalye Legazpi, tinunton ang Beaterio, at pagdating sa kanto nito at ang Kalye Solana ay
napunang tunay na may mahalagang nagaganap.

Sa halip na dati-rating mga pangkat ng masaya't maiingay, makikita sa mga bangketa ang
ma pareha ng Guwardiya Beterana at napalilibutan ng mga estudyanteng nagsisilabas ng
Unibersidad—tahimik ang ilan, may ayaw magsalita, naiinis ang iba, may nakatayo sa malapit,
at may nagsisiuwi. Si Sandoval ang una niyang natagpuan. Nabigo si Basilio sa pagtawag da
kaniya; tila naging bingi.

"Epekto ng takot sa mga katas na gastro-intestinal" naisip ni Basilio.

Nakita naman niya pagkatapos si Tadeo na sinaya ng Pasko ang mukha.Sa wakas,
matutupad na ang kaniyang lakwatsang walang-hanggan.

"Ano ba, Tadeo?"

"Wala tayong klase, hindi kukulangin sa sanlinggo, tsiko! Ang sarap! Ang galing!" At
pinagkiskis ang mga palad dahil sa kasiyahan.

"Ngunit anong nangyari?"

"Ibibilanggo tayong lahat sa Asosasyon!"

"At natutuwa ka?"

"Walang klase, walang klase!" At umalis na walang pagsidlan ng tuwa.


Nakita ni Basilio na dumarating si Juanito Pelaez, maputla at takot na takot. Sa sandaling
iyon, matingkad ang kaniyang pagkakuba at nagmamadali siyang makatakas. Isa siya sa
pinakamasigasig na pasimuno ng samahan noong mabuti ang takbo ng lahat.

"Oy, Pelaez, ano'ng nangyari?."

"Wala, wala akong alam! Wala akong pakialam," sagot na tigib sa nerbiyos.

"Sinabihan ko sila na para silang mga Quixote... Kalokohan ang lahat... Hindi ba, ikaw, narinig
mong sinabi ko?"

Hindi matandaan ni Basilio kung sinabi nga iyon o hindi. Subalit upang pagbigyan,
sumagot: "Oo, tao ka! Ngunit anong nangyari?"

"Totoo, ha? Ikaw ang testigo. Lagi ko silang kinokontra... Ikaw ang testigo, ha huwag mong
kalilimutan!"

"Oo na, tao ka, oo. Ngunit anong nangyari?"

"Makinig ka, ikaw ang testigo! Hindi ako kailanman nakialam sa mga kasapi ng samahan,
maliban sa pagpayuhan sila! Baka itatwa mo pagkatapos! Mag-iingat ka, ha?"

"Hindi, hindi ko itatatwa. Ngunit ano nga ang nangyari, anak ka ng Diyos!"

Malayo na si Juanito. Nakitang papalapit ang isang guwardiya at natakot na dakin siya.

Nagpatuloy sa gayon si Basilio sa Unibersidad upang tignan kung nakabukas ang opisina
ng sekretaryo at upang makibalita. Sarado ang opisina, at may di-karaniwang kilusan sa loob ng
gusali. Panhik-panaog ang mga fraile, mga militar, mga mamamayan, mga matandang abogado
at doktor upang naghandog marahil ng kanilang tulong para sa nanganganib na paniniwala.

Natanaw niya sa malayo ang kaibigang si Isagani, namumutla at tigib sa damdamin,


maningning sa kisig ng kabataan, nagsasalita sa ilang kaklase, inilalakas ang tinig na tila walang
anuman sa kaniyang marinig siya ng lahat.

"Hindi kapani-paniwala, mga kasama, hindi kapani-paniwala na mapagwatak-watak tayo ng


isang walang-kabuluhang pangyayari at nagsisitakas tayong tila mga maya sa pag-uga ng
panakot-uwak! Ito ba ang unang pagkakataong mabibilanggo ang mga kabataan dahil sa
kalayaan? Nasaan ang mga patay? Nasaan ang mga binaril? Bakit tayo matatakot ngayon?"

"Ngunit sino kaya ang hangal na sumulat ng mga pasking iyon?" galit na tanong ng isa.

“Ano ang pakialam nati?" sagot ni Isagani.” Wala tayong dahilang maghanap ng paliwanag.
Hayaang sila ang maghanap ng linaw! Bago natin alamin kung paano ginawa ang mga iyon,
hindi natin kailangang magpakita ng pagsang-ayon sa sandaling tulad nito. Kung saan may
panganib, doon tayo dapat magtungo sapagkat naroon ang karangalan! Kung ang sinabi ng mga
paskin ay kasang-ayon ng ating karangalan at ng ating mga saloobin, sinuman siyang sumulat ng
mga iyon ay nakagawa ng kabutihan, dapat nating pasalamatan, at magmadali tayong isanib ang
ating lagda sa kaniya! Kung ikasisira naman ng ating dangal ang mga iyon, tututulan ito ng ating
pagkilos at ating budhi at ipagtatanggol tayo sa anumang paratang..."

Nang marinig ni Basilio ang gayong pahayag, kahit mahal na mahal niya si Isagani ay
bahagya siyang tumalikod at umalis. Kailangang magsadya siya sa bahay ni Makaraig upang
kausapin sa kaniyang nais utangin.

Malapit sa bahay ng mayamang estudyante, napuna niya ang mga bulungan at


mahihiwagang hudyatan ng mga kapitbahay. Dahil hindi alam ang nangyayari, tahimik na
nagpatuloy sa kaniyang lakad at pumasok sa tarangkalan. Nilapitan siya ng dalawang Guwardiya
Beterana at itanong kung ano ang sadya niya. Naunawa ni Basilio na naging pabigla-bigla siya,
subalit hindi na siya makaurong.

"Naparito ako upang makipagkita sa kaibigan kong si Makaraig," mahinahon niyang tugon.

Nagkatinginan ang ma guwardiya.

"Maghintay kayo rito," wika ng isa. "Maghintay kayo at mananaog ang kabo."

Kinagat ni Basilio ang kaniyang mga labi at muling umalingawngaw sa kaniyang


pandinig ang mga sinabi ni Simoun. "Pumarito kaya ang mga ito upang dakpin si Makaraig?"
naisip niya subalit hindi nangahas itanong ito.

Hindi nagtagal ang kaniyang paghihintay. Nakita niyang bumaba si Makaraig at


masayang nakikipag-usap sa kabo. Nasa unahan ng dalawa ang isang alguwasil.

"Ano, ikaw rin, Basilio?" tanong nito.

"Naparito ako upang makipagkita sa iyo..."

"Napakadakilang asal!" ani ni Makaraig na tumatawa. "Sa mga panahong tahimik, iniiwasan mo
kami."

Itinanong ng kay kabo kay Basilio ang kaniyang pangalan, at binuklat ang isang listahan.

"Estusyante ng Medisina, Kalye Anlouge?" tanong ng kabo.

Nakagat ni Basilio ang mga labi.

"Pinagtipid ninyo kami ng isang lakad, dugtong ng kabo at ipinatong ang kamay sa balikat ni
Basilio, "Dinarakip namin kayo!"

"Ano pati ako?"


Napahalakhak si Makaraig.

"Huwag kang mag-alala, kaibigan, magkakarwahe tayo, at sa gayon ikukuwento ko sa iyo ang
tungkol sa hapunan kagabi."

At sa kilos na magiliw, tulad ng nasa sariling tahanan, inanyayahan ni Makaraig ang


kawaksi at kabo na lumulan sa karwaheng naghihintay sa kanila sa may tarangkahan.

Sa Gobyerno Sibil!" wika sa kutsero.

Nang manumbalik sa sarili, sinabi ni Basilio kay Makaraig ang pakay sa kaniyang
pagdalaw. Hindi siya pinabayaang makatapos ng mayamang estudyante at iniabot ang kamay.

"Maaasahan mo ako, maaasahan mo ako, at sa piging ukol sa ating patatapos, aanyayahan natin
ang mga ginoong ito," wikang itinuturo ang kabo at alguwasil.

Tala

1. Pasquinadas: Hindi binago ang orihinal na pamagat upang ipagunita na hindi basta "mga
paskin" o “mga paskil" ang ibig sabihin nito. Sa Europa, isang sining ang pasquinadas at may
tiyak na pook noon sa Roma para sa ganitong sulatin. Malimit na mga satira kung hindi man
tahasang tuligsa ang nilalaman ng ganitong paskin para sa kawili-wiling pagbabasa ng madla.

Maaaring nasa isip ni Rizal sa kabanatang ito ang isang pangyayari noong 1884-1885 sa
Universidad Central de Madrid. Itiniwalag ng simbahan ang propesor na si Miguel Morayta dahil
sa kaniyang talumpating pumaksa sa kalayaang akademiko at siyentipiko. Itiniwalag din ang
ibang obispo at mga estudyante. Nagkaroon ng welga na tumagal nang ilang buwan at nagwelga
rin ang ibang unibersidad sa Espanya. Nasaksihan ito ni Rizal at nakabilang pa siya sa mga
estudyante nagtago minsan sa bahay ni Morayta.

Gabay na Tanong

 Ano ang reaksiyon ng mga kilala nating estudyante ngayong malapit sila sa panganib?

You might also like