Noli Me Tangere - Kabanata 53 (Maybelen Calugay)

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kabanata 53

II Buon Di Si Conosce Da Mattina


( " Makilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw" )
Maagang kumalat sa buong bayan ang balitang maraming nakitang ilaw sa
nagdaang gabi sa loob ng sementeryo.

Sinabi ng pinuno ng V.O.T. ang mga nakitang nakasinding kandila at inilarawan


ang mga hugis nito at laki. Ngunit hindi niya matiyak ang bilang, bagaman nakabilang
siya nang mahigit dalawampu. Hindi maatim ni Hermana Sipa ng Cofradia del Santisismo
Rosario na isang kasapi ng kalabang kapisanan ang tanging nakakita sa gayong biyaya ng
Diyos. Kahit hindi nakatira sa malapit, nakarinig diumano si Hermana Sipa ng mga daing
at hinagpis, at waring nakilala pa ang tinig ng ilang tao noong araw ay kaniyang... subalit
alang-alang sa kawanggawang Kristiyano, hindi lamang niya pinatawad kundi ipinagdasal
pa at inilihim ang kanilang pangalan, at dahil dito'y ipinahayag ng lahat na isa siyang
Santa incontinenti. Ang totoo, wala namang talas ng pandinig si Hermana Rufa, ngunit
hindi niya matiis na narinig iyon ni Hermana Sipa at hindi niya. Dahil dito, nanaginip
siyang maraming kaluluwa ang humarap sa kaniya, at hindi lamang mga patay kundi
maging mga buháy. Hinihingi ng mga kaluluwang naghihirap ang bahagi ng kaniyang
mha indulhensiya, na masinop niyang itinatala at iniipon. Maaari niyang sabihin ang mga
pangalan sa mga nagmamalasakit na kamag-anak at isang munting limos lamang ang
hinihiling niya upang matulungan ang Papa sa mga pangangailangan nito.

Halos inabot ng mga palo at aglahi ang isang kabataan, pastol ang gawain, na
nangahas tumiyak na wala siyang nakita kundi isang ilaw lamang at dalawang lalaking
nakasalakot. Nabigo siya kahit sa pagsumpa na naroon at kasama niyang saksi ang
kaniyang mga kalabaw at makapagpatunay sa kaniyang sinabi.

" Mas marunong ka pa ba kaysa tagapangalaga at mga manang? O parakmason ka at


erehe? wika nila sa kaniya at tinignan siya nang masamâ.

Umakyat ang kura sa pulpito at muling nagsermon tungkol sa Purgatoryo at


muling lumabas sa kanilang taguan ang mga piso upang ibayad sa isang misa.

Ngunit iwan natin ang mga kaluluwang naghihirap at pakinggan natin ang pag-
uusap nina Don Filipo at Tandang Tasio, na may sakit, sa kaniyang mapanglaw na
munting bahay. Ilang araw nang hindi nakababangon sa higaan ang pilosopo o baliw,
dahil inihihiga ng isang panghihina na mabilis ang paglubha.

" Ang totoo, hindi ko malaman kung babatiin kayo dahil tinanggap na ang inyong
pagbibitiw. Noon, nang walang pakundangang ayaw pakinggan ng gobernadorsilyo ang
nais ng nakararami, wasto ang pagbibitiw. Ngunit ngayong nakikipaglaban kayo sa
Guwardiya Sibil, hindi ito nakabubuti. Kailangang manatili sa katungkulan kapag
panahon ng digma. "

" Oo, ngunit hindi kapag ipinagbibili ng pinuno ang sarili, " sagot ni Don Filipo. " Batid na
ninyong pinawalan ng gobernadorsilyo kinaumagahan ang mga sundalong ipinahuli ko
at walang ginawang anumang hakbang. Kapag walang pahintulot ang nakatataas sa akin,
wala akong magagawa. "

" Kayo, kung nag-iisa, wala; ngunit kung kasama ng iba pa, marami. Samantala sana
ninyo ang pagkakataong ito upang magbigay ng halimbawa sa ibang mga bayan. Nasa
ibabaw ng katawa-tawang kapangyarihan ng gobernadorsilyo ang karapatan ng bayan.
Simula sana iyon ng isang magandang leksiyon at sinayang ninyo ang pagkakataon. "

" At ano kaya ang magagawa laban sa kinatawan ng mga pansariling kapakanan?
Tingnan ninyo si Ginoong Ibarra, kailangan niyang pailalim sa mga paniniwala ng
karamihan. Akala ba ninyo'y naniniwala siya sa eskomunyon? "

" Hindi gayon ang inyong kalagayan. Ibig magtanim ni Ginoong Ibarra at upang
magtanim, kailangang yumukod at sumunod sa tinatamnan. Ang tungkulin naman ninyo
ay yumanig upang makayanig, kailangan ang lakas at pusok. Bukod dito, hibdi dapat
isiping laban sa gobernadorsilyo ang labanang ito. Ang dapat na parirala'y laban sa
sinumang nagmamalabis sa kaniyang lakas, laban sa sinumang gumagambala sa
katahimikan ng bayan, laban sa sinumang nagkukulang sa kaniyang tungkulin. At hindi
na kayo nag-iisa, sapagkat hindi na tulad ng nakaraang dalawampung taon ang bayan
ngayon. "

" Ito ba ang paniwala ninyo? " tanong ni Don Filipo.

" At hindi ba ninyo ito nadarama? " tanong ng matandang humilig sa higaan. " A, dahil
hindi ninyo nakita ang nakaraan, hindi ninyo napag-aralan ang bisa ng pagdating ng mga
Europeo, ang pagpasok ng mga bagong aklat, at ang daloy ng mga kabataan patungong
Europa. Pag-aralan ninyo at paghambingin ang sumusunod. Totoong umiiral pa ang Real
y Pontificia Universidad de Sto. Tomas na may napakadundong na kaguruan, at bihasa
pa ang ilang intelihente sa pagpapanukala ng mga pagbubuklod- buklod at pagtarok sa
mga hiwaga ng eskolastisimo. Subalit saan kayo makatatagpo ngayon ng mga kabataang
metapisiko ng ating panahon, may sinaunang kaalaman, pinahihirapan ang utak at
namamatay nang namimilosopo sa kung saang sulok ng probinsiya ngunit ni hindi
maunawaan ang mga katangian ng ente at hindi malutas ang suliranin ng esensiya at
eksistensiya - mga dalumat na napakatayog kaya nalilimot natin ang ating sariling
pangangailangan, ang ating eksistensiya at sariling buhay? Tingnan ninyo ngayon ang
kabataan! Umaapaw sila sa sigla sa pagtanaw sa higit na malawak na abot-tanaw. Nag-
aaral sila ng Kasaysayan, Matematika, Heograpiya, Panitika, Agham, Pisika, mga Wika,
lahat ng mga bagay na kinatatakutan nating marinig at parang erehiya noong ating
panahon. Ipinahayag ng punakamalyang mag-isip noong panahon ko na mababà ang
mga larangang ito kaysa mga kategorya ni Aristotles at batad ng silohismo. Ngunit sa
wakas, naunawaan na ng tao na tao siya, itinigil na niya ang pagsusuri sa kanyang Diyos,
ang pagtarok sa hindi malirip, sa hindi makita, at iniwan na ang paggawa ng batas ukol
sa mga guniguni ng kaniyang utak. Naunawaan na ng tao na isang malawak na daigdig
ang namana niya at maaari niyang pangibawan. Sawâ na sa gawaing walang kabuluhan
at mapangahas, yumuyuko siya at sinusuri ang lahat ng nakapaligid. Masdan ninyo
ngayon kung paano isinisilang ang ating mga makata. Unti-unting binubuksan sa atin ng
mga Musa ng Kalikasan ang kanilang kayamanan at nagsisimulang ngumiti sa atin upang
pasiglahin ang ating paggawa. May mga unang bunga na ang mga pagsubok sa Agham,;
kailangan lamang ngayong pahinugin ang mga ito sa panahon. Hinuhubog ang mga
bagong abogado sa mga bagong molde ng Pilosopiya ng Batas, nagsisimulang
magningning ang ilan sa gitna ng dilim na nakapaligid sa ating hukuman, at ibinabadya
ang isang pagbabago sa lakad ng panahon. Pakinggan ninyo kung paano nagsasalita ang
kabataan. Dalawin ninyo ang mga sentro ng karunungan at iba pang mga pangalan ang
umaalingawngaw sa mga dingding ng mga paaralan, doon na ang tanging narinig namin
noon ay Sto. Tomas, Suarez, Amat, Sanchez, at iba pang mga idolo ng aking panahon.
Bigo ang pagsigaw ng mga fraile sa pulpito laban sa pagkawala ng moralidad.
Nakakatulad lamang sila ng tinderang nagsisisgaw laban sa kabaratan ng mga mamimili
at hindi napupunang bilasa na't hindi pakikinabangan ang kaniyang tinda. Bigo ang
pagpapahaba bg galamay ng mga kumbento upang sugpuin ang mga bagong diwain sa
mga bayan. Paalis na ang mga diyos. Maaaring pahinain ng mga ugat ng isang
punongkahoy ang mga nakasandig ditong halaman, subalit hindi nito mapuputulan ng
buhay ang mga ibang umiimbulog, tulad ng mga ibon sa kalangitan. "

Masigla ang pagsasalita ng pilosopo; maningning ang kaniyang mga mata.

" Gayunman, maliit ang bagong binhi, " pasubali ni Don Filipo na hindi makapaniwala. "
Kapag pumasok ang lahat, maaaring mainis ang Kaunlarang binili nating napakamahal.

" Mainis? Sino ang iinis? Ang tao, ang sakiting unanong iyan ang iini? Kaunlaran, sa
makapangyarihang anak ng panahon at gawain? Kailan nangyari ito? Sa pagsisikap pigilin
iyo, naisulong pa nga ito ng pananampalatay, ng bibitayin at ng apoy. E pur si muove.
'Gayunman, gumagalaw ito,' sabi ni Galileo noong pilitin siya ng mga Dominiko na
ipahayag na hindi umiinog ang mundo. Angkop na angkop ang pangungusap niya sa
kaunlaran ng tao. Maaaring magahis ang ilang kalooban, masakripisyo ang ilang
indibidelwal ngunit walang halaga. Magtutuloy ang Kaunlaran sa landas nito at sa dugo
ng nga nasawi'y sisibol ang mga bago't malusog na supling. Tingnan ninyo ang mga
Peryodiko! Gaano man kaatrasado nito naisin, nakahahakbang din pasulong kahit kahit
hindi ibigin. Hindi makatakas sa batas na ito kahit ang mga Dominiko; kaya tumutulad sa
mga Heswita, ang mahigpit nilang kalaban, sa pagdaraos ng pista sa kanilang mga
kumbento, sa pagtatayo ng mga munting dulaan, sa paglikha ng mga tula sapagkat hindi
naman kulang sa talino. Bagaman naniniwala silang nasa ikalabinlimang siglo sila,
nauunawaan nilang may katwiran ang mga Heswita, at may bahagi pa sila sa hinaharap
ng mga kabataang tinuturuan nila. "

" Ayon sa inyo, kasama ng Kaunlaran ang mga Heswita? " namamanghang tanong ni Don
Flipio. " Bakit, kung gayon, sila kinakalaban sa Europa? "

" Sasagutin ko kayo sa paraan ng mga sinaunang eskolastiko, " tugon ni pilosopo na
muling humiga at ibinalik ang anyong mapangutya. " Maaaring sumama sa Kaunlaran sa
tatlong paraan- sa unahan, sa tagiliran, at sa hulihan pinapatnubayan ito ng una;
pinababayaan ng mga ikalawa na dalhin sila; nagpapahila naman ang mga ikatlo at
ganoon ang mga Heswita. Nais sana nilang pangasiwaan ang Kaunlaran subalit nakita
nilang malakas ito at may ibang tinutungo, kaya sumuko sila, minabuting sumunilod
kaysa masagasaan o maiwan sa daan sa gitna ng dilim. Ngayon, tayo sa Filipinas. Utang
sa kanila ng Filipinas ang mga bagong silang na pagtuturo sa Agham Pangkaliksan, ang
kaluluwa ng Siglo XIX, kagaya ng pangyayaring utang sa Dominiko ang Eskolastisimo, na
patay na, sa kabila ng pagpanig ni Leon XIII. Walang Papa na maaaring bumuhay muli sa
pinatay na ng sentido komun...Ngunit saan ba tayo napunta? " tanong niyang iniba ang
himig. " Pinag-uusapan natin ang tunay na kalagayan ng Filipinas. Oo, pumapasok tayo
nagyon sa panahon ng labanan, ang ibig ko palang sabihin, kayo. Dapat nang ituring na
gabi ang aming salinlahi. Paalis na kami. Sa labanan, nasa isang panig ang nakaraan, na
mahigpit na nakahawak at nangungunyapit, habang nagtutungayaw, sa mabuway na
kastilyong feudal; at kalaban ang hinaharap, na maririnig sa malayo ang awit na
tagumpay kasabay ng ningning ng bukang-liwayway, naghahatid ng Mabuting Balita
buhat sa ibang bayan...Sino ang masasawi at malilibing sa dumadagundong na pagguho?
"

Huminto ang matanda, at dahil nakitang nag-iisip na nakatingin sa kaniya si Don Filipo,
ngumuti ito at nagwika: " Halos nahuhulaan ko ang inyong iniisip. "

" Siyanga ba? "

" Iniisip ninyong baka namamali ako, " aniyang ngumiti nang malungkot. " May lagnat
ako ngayon, at maaaring magkamali ako. Homo sum et nihil humani a me alienum puto. '
Tao ako at walang nauukol sa tao na banyaga sa akin, ' wika ni Publius Terentius. Subalit
kung bibgyan ng pagkakataong mangarap, bakit hindi mangarap ng nakalulugid sa mga
huling sandali ng buhay? Pagkaraan ng lahat, hindi ako nabuhay kundi sa pangarap
lamang! May katwiran kayo, pangarap! Walang inisip ang ating mga kabataan kundi pag-
ibig at layaw. Higit pang panahon at punyagi ang inuukol sa paglinlang at paghalay sa
isang dalaga kaysa pag-iisip sa kabutihan ng kanilang bayan. Dahil naman sa
pangangalaga sa bahay at sa pamilya ng Diyos, nakakalimutan ng ating kababaihan ang
kanilang sarili. Masigasig lamang sa bisyo't magigiting na kahihiyan ang ating
kalalakihan. Namumulat ang kamusmusan sa karimlan at kalakaran; pinapalipas ng
kabataan ang pinakamabuti nilang taon nang walang mithiin; at baog, nagsisilbi lamang
na halimbawa ang katandaan upang sumamâ ang kabataan. Malugod akong
mamamatay. Claudite jam rivos, pueri. " Tabunan ang mga hukay, mga batà. "

" May nais ba kayong gamot? " tanong ni Don Filipo upang baguhin ang takbo ng pag-
uusap na nagpalamlam sa mukha ng maysakit.

" Hindi nangangailangan ng gamot ang mamamatay. Kayong maiiwan ang


mangangailangan. Ipasabi ninyo kay Don Crisostomo na dalawin ako bukas dahil may
mahalagang bagay akong sasabihin sa kaniya. Sa loob ng ilang araw, aalis na ako. Nasa
karimlan ang Filipinas.

Makaraan ang ilang sandali pang pag-uusap, mabigat ang loob at naninimdim na nilisan
ni Don Filipo ang tahanan ng maysakit.

~Maybelen B. Calugay

BSE III- FILIPINO

You might also like