History of The Philippines

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ANG TAGUMPAY SA BALANGIGA (Balangiga Massacre Episode)

by xiaochua

Shoot Filipinos ten years and above, kartun na Amerikano na nagpoprotesta laban sa sarili nilang hukbo,
1902.
GMA News Report:

Xiao Time New Revised Episode:

September 28, 1901. Nagtagumpay ang mga Samareño laban sa mga Amerikano sa Balangiga, Samar. Tinawag
ito ng mga Amerikano na “Balangiga Massacre,” ang pinakamalaking pagkatalo ng United States Army mula
noong Battle of the Little Bighorn noong 1876.

Ngunit para sa mga Pilipinong historyador, tinatawag natin ito na “Balangiga Conflict,” at ang tunay na
“Balangiga Massacre” raw ay nang balikan ng mga Amerikano ang mga Samareño. Ngunit, ano nga ba talaga
kuya?

Liwanagin natin. Nang pa-sukuin ang Pangulo ng Republika na si Hen. Emilio Aguinaldo noong March 1901,
inakala ng marami na tapos na ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Ngunit sa Samar, ginalit ng mga aksyon ng
mga sundalong Amerikano ang ilang mga residente sa panahong matagal nang tapos ang pag-aani—pagsunog
sa mga pananim, pagbunot sa mga kamote, pagtrato sa mga kababaihan at pagkulong sa ilang mga kalalakihan.
Ang pag-atake ay pinlano mismo ng mga taga Balangiga. Ang utak nito, ang hepe ng pulisya na si Valeriano
Abanador, na sinasabing kasama sa larawan na ito ng mga sundalong kanyang binabalakan.

Si Valeriano Abanador kasama ng mga sundalong kanyang papatayin, Company C ng 9th U.S. Infantry
Regiment.
Gabi ng September 27, nagkaroon ng prusisyon ng sinasabing patay na mga bata dahil sa epidemya ng kolera
kasama ang maraming mga kababaihan.  Ipinasok sa simbahan ang prusisyon.  Iyon pala, ang mga babae ay
mga lalaki na nag-disguise nagtatago ng mga itak, sa kanilang mga kasuotan at mga kabaong.
 

Kinabukasan, September 28, matapos na agawan ni Abanador at mapabagsak sa sariling baril si Private Adolph
Gamlin, nagpaputok, pinulot niya ang kanyang baston, iwinasiwas ito at sumigaw “Atake, mga Balangigan-
on!”  Tumunog ang kampana ng simbahan sa ganap na 6:20 am.  Nilusob nila kapwa ang kumbento at ang
kampo malapit sa munisipyo ng mga pupungas-pungas pa at nag-aalmusal na mga kasapi ng Company C ng 9th
U.S. Infantry Regiment.  Matapos ang ilang sandali, ang pagpatay ay natigil nang ang bumangong si Gamlin
kasama ang isa pa ay nakaakyat ng gusali at nagpaputok sa mga Pilipino.  Sa 74 na mga sundalong Amerikano,
36 ang namatay mismo sa labanan o killed in action, na sinundan ng walo pang kamatayan, 22 ang sugatan, apat
ang nawawala.  Apat lang ang natirang walang sugat.  Sa tinatayang 500 mga Pilipinong lumusob, 28 ang
namatay, 22 ang sugatan.
Balangiga Incident, mula sa diorama ng Ayala Museum
Bilang ganti, iniutos ni Heneral Jacob Smith kay Major Littleton Waller, “I want no prisoners. I wish you to kill
and burn; the more you kill and burn, the better it will please me… The interior of Samar must be made a
howling wilderness…”  Iniutos na barilin ang mga taong sampung taong gulang pataas.

Adna R Chaffee MGen sa BGen Jacob Smith sa Tacloban, Leyte ,1902


Ayon sa ilang historyador, 50,000 ang pinatay ng mga Amerikano sa tinatawag na tunay na Balangiga
Massacre.  Ito ang natatak sa mga Pilipino.  Ngunit ito ay isang eksaherasyon, ayon na rin sa mga dokumentong
nakuha nina Rolando Borrinaga, awtor ng aklat na The Balangiga Conflict Revisited, at maging ng British
writer na si Bob Couttie, awtor ng Hang The Dogs:  The True Tragic History of the Balangiga Massacre,
bagama’t nanunog ng mga bayan ang mga Amerikano, ang utos na pumatay nang pumatay ay hindi nila
sinunod, “counter-manded.”  Bagama’t may mga napatay sa retalyasyon ng mga Amerikano, ang pagkasunog
ng mga ari-arian, kabuhayan at pagpatay sa mga hayup ang nagkaroon ng mas malaking epekto sa pagiging
lugmok at walang-wala, waray-waray, ng mga Samareño.
 

Sa pagsunog sa Balangiga, kinuha ng mga Amerikano ang tatlong kampana na naging hudyat sa pagsalakay
bilang war trophy ng kanilang tagumpay na maipaghiganti ang kanilang mga bayani.  Hanggang ngayon, isyu
pa rin na ni isa sa tatlong kampana na inarbor ng mga Amerikano bilang war trophy, ang dalawa ay nasa isang
kampo sa Wyoming, ang isa naman ay nasa isang base militar Amerikano sa Korea, ay hindi pa rin naibabalik
sa nararapat nitong tahanan sa Balangiga.
Patuloy na ginagawang sariwa ang sugat na nilikha ng insidente.

Ang pakikibaka ng mga Pilipino at Moro laban sa mga Amerikano ay magpapatuloy hanggang 1913, ang tunay
na wakas ng Digmaang Pilipino-Amerikano.  “Benevolent Assimilation” o mabuting pananakop daw ang
ginawa sa ating ng mga Amerikano, ngunit dapat kilalanin na sa kabila ng public school education at A is for
Apple na pamana nila sa atin, sa digmaang iyon tinatayang 200,000 ang namatay sa bansa, pangmamasaker sa
mga sibilyan na muling mauulit sa Digmaan sa Vietnam.
Ngunit sana, maalala din natin na ang Balangiga ay katibayan ng giting, tapang at kakayahang magtagumpay ng
mga Pilipino kahit sa napakalakas na kalaban.  Ako po si Xiao Chua, para sa Project Vinta.  And that was Xiao
Time!
Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan ang
namuno sa mga Pilipino ay si Hen. Gregorio del Pilar.Ang Kabundukan ng Concepcion ay Tirad,
na kasalukuyan sina Aquinaldo, Del Pilar at kanilang rebolusyonaryo'y patuloy ang pagtakas sa
dahilang pag habol sa kanila ng tropa ni Major Peyton March na may "nom de guerre", January
Galoot.
-nero
Labanan sa Look ng Maynila
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang
ensiklopedya
Jump to navigationJump to search

Isang mahalagang pangyayari ang tuluyang nagpasimula sa Digmaang Amerikano-Espanyol. Ito ay


ang pasabugin ang barkong MAINE ng U.S.A.,sa baybayin ng Havana sa Cuba ,noong Pebrero
15,1898.Ikinamatay Ito ng higit kumulang 246 na katao.Bagama't walang tambayan,isinisi ng US sa
Spain ang insidente at naghudyat sa pormal na pagpapahayag ng pakikidigma ng US sa Spain
noong ABRIL 25,1898.
Sa utos ni Kalihim John D.Long ng Us,naglayag ang gumbo ni Commodore George Dewey,mula Mirs
Bay malapit sa Hong Kong,patungong Pilipinas.Gamit ang Battle cry "Remember the Maine" ginapi
ng mga Ito ang Hukbong pandagat ng mga Espanyol sa ilalalim ni Admiral Patricio Montojo sa Manila
Bay noong Mayo 1,1898.Ang pangyayaring Ito ang tinaguriang Battle Of Manila Bay.

Pagpapatuloy ng Laban[baguhin | baguhin ang batayan]


Matapos mapagwagian ni Dewey ang Battle of Manila Bay,bumalik si Emilio Aguinaldo sa Pilipinas
noong Mayo 19 upang muling pamunuan ang himagsikan laban sa mga Espanyol.Gamit ang perang
natanggap mula sa kasunduan,bumili si Emilio Aguinaldo ng mga armas at bala para pagpatuloy ang
laban.
Mainit ang naging pagsuporta ng mga Pilipino sa pagbabalik ni Emilio Aguinaldo.Maraming mga
rebolusyonaryo ang nagtungo sa kaniya upang manumpa ng katapatan sa kilusan.Maraming
Pilipinong sundalong nanungkulan sa Hukbong Espanyol din ang nanumbalik sa panig ng mga
rebolusyonaryo.
Mayo 24,nang itatag niya ang isang pamahalaang diktatoryal upang pamunuan ang mga Pilipinong
Rebolusyonaryo.Nilayon niyang maging pansamantala lamang ang pamahalaang ito hanggang sa
makamit ng Pilipinas ang kalayaan ng Spain.
Sa katapusan ng Hunyo 1898,nadakip ng pangkat ni Emilio Aguinaldo ang higit kumulang 5000
espanyol at nabawi ang halos kabuoan ng Luzon maliban ang daungan ng Cavite at Maynila.

You might also like