Pre-Assessment Test Esp 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MADDELA MARVELOUS GRACE CHRISTIAN SCHOOL, INC.

National Highway Buenavista, Maddela, Quirino

E-mail Add: mgcs_maddela@yahoo.com

Pre-Test in
EDUKASYON SA PAGPAPAKATO
Grade 10 Honesty
S.Y. 2020-2021

Pangalan: Iskor:
Petsa:

I. Multiple Choice
1. Ang tao ay moral at ispiritwal kung kaya __________________________.
A.may katawan lamang B. walang kakayahang mag-isip
C. malayang gawin ang gusto D. alam ang tama at mali
2. Ito ay katotohanan na ang tao ay higit sa lahat ang nilikha.
A. may “instinct” B. may kakayahang mag isip ng lohikal
C. may kakayahang maghanap ng kanyang makakain D. wala sa nabanggit
3. Ano ang tunay na nagpapahayag ng kalayaan?
A. malayang nagagawa ang gusto B. kapag nagagawa ang tama sa kapwa
C. kapag walang nagbabawal o batas D. nagagawa ang gusting gawin.
4. Ano ang kakambal ng kalayaan?
A. Konsensiya B. Pananagutan
C. Kapayapaan D. Lahat
5. Ito ay tumutukoy sa mga etikal at prinsipyo na gumagabay sa tao sa bawat pagkilos at
Gawain.
A. Natural moral law B. Laws of men
C. Divine law D. Commandments
6. Ito ay nagsisilbing gabay sa tao sa araw-araw upang maging maayos at mapayapa ang
pamumuhay.
A. pagiging Malaya B. natural at divine law
C. pagiging relihiyoso D. pulis at awtoridad
7. Ang paggamit ng kalayaan ay dapat ___________________________
A. maging responsible B. maging makatarungan
C. maging mapagmatyag D. maging matapang
8. Nilalayon ng malayang loob (WILL) ang paggawa ng _________________
A. kabutihan B. kagandahan
C. katotohanan D. kapayapaan
9. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng katotohanan sa likas ng tao?
A. alam ang tama at mali B. lumalago sa iba’t-ibang aspeto
C. nilikha ng Diyos na kawangis at kalarawan niya D. malayang nakakakilos ayon sa kanyang
kakayahan
10. Kailan nagiging abusado ang tao sa paggamit ng kanyang kalayaan?
A. kung ang kilos ay kaugnay sa batas B. nagagawa ang lahat ng gusting gawin
C. kapag may hangganan ang kinikilos D. lahat ng nabanggit

II. Basahin ang kuwento at sagutin ang ksunod na mga tanong.

Ang Sampung Mangga

Noong unang panahon, may isang lalaking hirap na hirap sa buhay. Binigyan siya ng Diyos ng sampung
mangga. Sinabi niya sa lalaki: “Ang tatlong mangga ay para kainin; ang tatlo ay para pamalit mo sa isang
matutuluyan lalo na kung gabi at masama ang panahon; at ang tatlo pa ay pambayad naman sa isang saplot sa
katawan. Ang natitira pang isang mangga ay para sa akin upang may maibalik ka sa akin, tanda ng iyong
pagpapahalaga sa siyam na manggang ibinigay ko sa iyo.”
Kinain nga ng lalaki ang tatlong mangga; ipinambayad niya ang tatlo pa sa kanyang tinuluyan; at ang tatlo pa ay
ipinamalit niya ng damit. Pagkatapos nito ay tiningnan niyang mabuti ang ikasampung mangga. Napansin niya
na ito ang pinakamalaki, pinakamabango, at pinakamasarap kainin. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng Diyos
tungkol dito subalit naisip niya na lahat ng iba pang mangga sa mundo ay pag-aari din naman ng Diyos.
Napagpasiyahan niyang kainin ang ikasampung mangga at buto na laman ang ibinalik sa Diyos.

-Mula sa “Haplos ng Puso”

Ni Nerissa Cabral

TANONG:

1. Ano ang mensahe ng kuwento? (5 puntos)

__________________________________________________________________________________________

2. Ano ang damdamin mo ukol sa iyong nabasa? (5puntos)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
________________________________

3. Kung ikaw ang taong pinagkalooban ng mangga, ano ang gagawin mo sa ikasampung mangga? (5 puntos)
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

II. Mula sa mga aytem sa ibaba, pumili ng tatlong pinahahalagahan mo. Lagyan ng puso ang
pinakamahalaga; bituin ang pangalawa; at masayang mukha ang pangatlo. (15 puntos)

______________ Masaya at buong pamilya

______________ Malusog na pangangatawan
______________Marangyang buhay
______________Makabagong kagamitan
______________ Masaganang pagkain sa araw-araw
______________ Di-matawarang karunungan
______________ Mabuting kalooban

Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng tatlong mahalaga para sa iyo?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

III. Basahin at unawain ang liriko ng awit.

Sino ang Tunay na Baliw?

Kuh Ledesma

Ang natutuwang baliw, yaman ay pinagyabang

Dahil ari niya raw, ang araw pati ang buwan
May isang sa yaman ay salapi ang hinihiga’n
Ngunit ang gintong baul, panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw, awit na walang laman

Ulo mo’y mailing, tatawagin mong hangal
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman

Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?

Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaon bang ‘sinilang na ang pag-iisip ay di lubos?
O husto ang isip, ngunit sa pag-ibig ay kapos

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit

Nag nakikiramay sa isip niyang punit-punit
May binatang ang gayak, panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad, kulay-ahas ang balat

Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?

Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaon bang ‘sinilang, na ang pag-iisip ay di lubos?
O husto ang pag isip ngunit sa pag ibig ay kapos

Sa kanyang kilos at galaw, tayo ay naaaliw

Sa ating mga mata, isa lamang siyang baliw
Ngunit, kung tayo ay hahatulang sabay
Sa mata ng Maykapal, siya’y higit na banal
Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw?
Sinong mapalad? Sinong tumatawag ng habag?
Yaon bang ‘sinilang na ang pag-iisp ay di lubos?
O husto ang isip…

Kaya’t sino, sino, sino, sino nga

Sino nga ba, sino, sino ba,
Sino nga ba ang tunay na baliw?

TANONG:

1. Ano ang mensahe ng awit? (5 puntos)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Sino ang sinasabing tunay na baliw? (5 puntos)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Tayain ang iyong sarili. Batay sa inilalahad ng awit, kanino mo ikinukumpara ang iyong sarili? (5 puntos)
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Inihanda ni: Iniwasto ni:

QUEEN MARIE D. GAMBOA EDDIE G. ODSON

MAPEH Teacher HS Department Head

Approved by:

BISHOP MONICO A. SIMON

School Principal

”Psalm 121:2: My help comes from the Lord, the Maker of heaven and earth.”

You might also like