Professional Documents
Culture Documents
Mga Bahagi NG Teksto at Mga Paraan NG Pagsisimula
Mga Bahagi NG Teksto at Mga Paraan NG Pagsisimula
Mga Bahagi NG Teksto at Mga Paraan NG Pagsisimula
Pagsisimula
TheSilent Learner June 22, 2017
https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-mga-bahagi-ng-teksto.html
Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: (A) introduksiyon o panimula, (B)
gitna o katawan, at (C) wakas o kongklusyon.
A. Introduksiyon
Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit upang maganyak ang
mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay maaaring pangungusap o talata. Ito ay dapat ibagay sa haba
ng katha. Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil maaasahan ang atensyong
ibibigay ng mambabasa.
Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon. Nakasalalay dito ang pagtatagumpay
ng isang sumusulat ng komposisyon na maakay ang kanyang mambabasa upang tuluyang basahin ang akda.
Ang haba ay ibagay sa haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang komposisyon, ang isang talataan o
maging isang pangungusap ay sapat nang introduksiyon.
Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005) na maraming paraan ang maaaring gamitin sa
pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng introduksiyon ng sulatin o
komposisyon:
Mga Paraan
Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di gaanong
mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye. Ito’t karaniwang makikita sa araw-araw na
pahayagan.
Halimbawa:
Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga awtoridad makaraang ireklamo
ng walumpung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo
City.
2. Pagbubuod
Halimbawa:
Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa buong mundo…..
Halimbawa:
Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na simoy ng
Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang kidlat sa kalangitan.
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
Halimbawa:
“Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at isasagawa ko ito….”
Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan at
maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o
aral.
Halimbawa:
Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang nagawang kasalanan ay baon-baon hanggang
libingan. Tunghayan ninyo ang kasaysayan ni Carmelita Tagonon ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang
natin siyang Lita.
6. Paglalarawan
Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at maaksyong
salita ang ginagamit.
Halimbawa:
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang
kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng
pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga ibang
pook.
7. Pagsalungat
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas matindi ang bisa.
Halimbawa:
Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga ang pinagbago ng bayan
naming ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.
Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at
mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na
ikapaliliwanag ng paksa.
Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili ang kawilihan ng mga
mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga ideya ay makababagot sa mga mambabasa.
Kailangang mapagsama ang mga kaisipang magkakatulad, magkakauri at magkakaugnay upang maging
maliwanag at hindi nakalilito ang pagpapahayag.
Mga Paraan
1. Pakronolihikal
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay hanggang sa
kasalukuyan niyang buhay.
2. Paanggulo
Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-
bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na para
makabuo ng isang komposisyon.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa; mga kriminal mismo na
pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na magkaroon ng iba’t ibang pagpapasya. Sa
pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang ng reaksyong nakuha ang kongklusyon ay madaling
magagawa.
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y alam na alam,
patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o “vice versa”.
Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong pagsisimula, nararapat
ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas. Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng
komposisyon kung ang sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang
maayos na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.
Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-siya. Ito ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa
gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
Halimbawa:
“The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an intensive drive to continue
with our efforts to modernize the country’s electoral system,” ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara
de Reperesentantes ang anumang butas upang ipatupad ang batas modernisasyon.
Halimbawa:
… Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapalit din kalaunan, wika nga.
3. Pagbubuod
Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon makakamtan.
Halimbawa:
… Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon,
dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.
5. Pagtatanong
Halimbawa:
Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at karamihan sa ating kababayan ay
lugmok sa kahirapan, ano ang puwede mong gawin para makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno
ng ating bayan para maibsan ang matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?
6. Pagsisipi
Halimbawa:
(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na angkop sa tinatalakay
na paksa.)
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging matapat sa’yo. Purihin
mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”
Labels: