Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bakit nga ba dapat hindi sirain ang ating kalikasan para sa ating sariling pag – unlad?

Unang – una sa lahat, ang pagsira sa kalikasan ay makakasama sa bawat nilalang sa mundo.
Sa mga hayop, sila’y mawawalan ng tirahan. Sa atin mga tao, tayo’y mawawalan ng
pagkukunan ng ating pangunahing pangangailangan. At sa ating mundo, masisira ang lahat ng
bagay na may koneksyon o may pinagkukuhanan pangangailangan sa kalikasan. Ang pag-sira
sa kalikasan ay hindi rin makabubuti sa ating kalusugan, dahil ito’y magdudulot ng matinding
init, na maaring magdulot ng heatstroke. Hindi lang iyan ang maaring maging dulot ng pagkasira
ng kalikasan. Ang mga matitinding pag-baha, malalakas na pag – ulan, soil erosion, pagguho
ng lupa, at marami pang iba na ang dahilan ay ang pagkasira ng kalikasan ng kalikasan, na
gawa nating mga tao sinasadya man o hindi.
Ating isipin ang kahalagahan ng kalikasan. Dapat nating alagaan ang ating kalikasan para sa
magandang kinabukasan. Ayon nga kay Bishop David (CBCP Vice President), “Hindi naman
masama ang pag-unlad pero sana magtrabaho tayo para sa isang pag-unlad na mulat na ang
mundo ay isang tahanan para sa ating lahat. The earth is our common home at kapamilya din
natin. Hindi lang tayo ang may karapatang mabuhay. Lahat ng mga nilalang ng Diyos sa ating
kapaligiran dapat ituring din natin na bahagi ng pamilyang ipinagkatiwala ng Diyos sa tao na
nilikha niya bilang tagapangalaga.” Dapat tayong maging responsable sa paggamit ng mga
makukuha natin na sources na mula sa kalikasan, simula sa tubig, hanggang sa pagkain.
Mahalin natin ang ating kalikasan dahil ito rin ang tutulong satin upang umunlad pa ang ating
mundo, na may pananalig sa Panginoon dahil isa Siya sa tutulong upang umunlad an gating
kalikasan para mas mabuting kinabukasan.

Dapat nga bang sirain ang kalikasan para sa ating pag – unlad?
May dahilan rin naman kung bakit kailangan natin pakielaman ang kalikasan para sa ating pag
– unlad. Ang paggalaw sa ilang bahagi ng kalikasan ay magdudulot sa atin ng pag – unlad
patungo sa maganda at modernong panahon. Ang pagkakaroon ng mas makabagong mga
teknolohiya ay makatutulong sa atin upang mas umunlad sa tulong ng kalikasan. Maaring
maging mali ito sa paningin ng ibang, pero ating tingan kung ano ang magiging mabuting
epekto nito sap ag – unlad ng ating bansa, mundo at lalo na sa ating sarili. Maging responsable
lang sana tayo sa paggamit ng mga bagay na makukuha mula sa kaliksan. Isang halimbawa
nito ay ang simpleng pagtatanim ng puno, bilang kapalit sa mga nawalang puno na ginamit
upang umunlad ang ating lipunan. Hindi masama ang paggalaw sa kalikasan para sa pag-unlad
kung tayo ay magiging responsable.

You might also like