Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NASA 5.49 milyon ang mga batang manggagawa sa bansa.

Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa


bukid, minahan, asinan, pabrika, construction at may nagbebenta ng “laman”. Nasa edad lima
hanggang 17 ang mga batang manggagawa. Karamihan sa kanila ay dating nag-aaral subalit dahil sa
kahirapan ng buhay, napipilitan silang tumigil para tulungan ang kanilang mga magulang sa
paghahanapbuhay. Masakit man sa kanilang kalooban, kailangan nilang magbanat ng buto para
magkaroon ng laman ang kanilang sikmura. Ayaw man nilang tumigil sa pag-aaral, wala silang
magawa sapagkat mamamatay sila sa gutom pati ang kanilang pamilya.

Kahirapan ng buhay ang ugat kaya parami nang parami ang mga batang manggagawa. Ilang admi-
nistrasyon na ang nagdaan subalit ang problema sa child labor ay hindi nabawasan kundi dumami pa
nga. Nararapat alamin ng gobyerno ang mga lugar sa bansa na maraming batang manggagawa at
tulungan silang makaahon sa pagka-alipin. Bigyan ng trabaho ang kanilang mga magulang para hindi
ang kanilang mga anak ang magbanat ng buto. Ang mga bata ay nararapat sa eskuwelahan.

Ayon sa International Labor Organization, dahil sa maagang pagsabak ng mga kabataan sa


pagtatrabaho, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay nang normal bilang mga bata.
Nawawala rin ang kanilang dignidad at potensiyal. Bumabagsak sila sa pagiging alipin, maaagang
nawawalay sa kanilang mga magulang at nalalantad sila sa panganib ng pagkakasakit. Ang masama
pa, marami sa kanila ang nasasadlak sa masamang gawain. Dahil iba’t ibang uri ng tao ang kanilang
nakakasalamuha, naaakit o naiimpluwensiyahan sila na gumawa ng masama. Ang ilan sa mga
kabataang babae ay nasasadlak sa prostitusyon. Nakakasanayan na nila ang ganoong klase ng
trabaho na madaling kumita ng pera.

Sa bawat liwasan at sulok ng mga pangunahing pook sa ating bansa, hindi natin maikakaila na
talagang namamalas na ng kahit na sinong tao, Pilipino man o dayuhan, ang kahirapan ng buhay sa
Pilipinas. Magmula sa pintuan ng mga simbahan hanggang sa bintana ng bawat sasakyan, ang
ordinaryong mamamayan ay makakakita ng mga taong kumakatok sa puso ng mga taong mukhang
may kaya upang makahingi ng kahit na kaunting limos.

ayon sa International Labor Organization o ILO, mahigit sa kalahati o 53 porsyento ng 215 milyong
batang manggagawa sa buong mundo na nasa lima hanggang 14 taong gulang ang nagtatrabaho sa
mga mapanganib na industriya. (Basahin dito) Ito ay nagpapahiwatig lamang na sa sobrang hirap ng
kabuhayan, pati kabataan ay kinakailangan na ding magbanat ng buto upang matulungan ang
kanilang mga pamilya sa paghahanap ng pagkaing maihahain sa kanilang mga lamesa. (Basahin dito)

Magandang pagnilayan ang sinabi ni Constance Thomas, direktor ng International Labor


Organization para sa kanilang programa sa pagwaksi ng child labor. Ayon sa kanya, simple lamang
ang kasagutan sa problemang ito; iyan ay ang paniniguradong may pagkakataong makapasok sa
paaralan ang mga batang napipilitang magtrabaho. (Basahin dito) Tama nga naman si Ginoong
Thomas. Kapag makakapag-aral nga naman ang mga kabataan at sila ay makakapagtapos, malaki ang
kanilang maitutulong sa pag-unlad ng kanilang pamilya sapagkat sila ay makakanahap na ng
magandang trabaho o ikabubuhay sa kanilang paglaki. Ngunit hindi sapat na pagnilayan lamang natin
ang kanyang sinabi. Sa mga ganitong isyu ng lipunan, hinihintay ng bawat isa ang kongkretong
aksyon mula sa pamahalaan at sa bawat isa. Ang tanong ngayon: May magagawa nga ba si Juan Dela
Cruz sa suliraning ito na nararanasan ng ating bansa? Siya kaya ay may kakayahang waksiin ang mga
panganib na maaaring maranasan ng mga kabataang napapasailalim sa paggawang di wasto sa
kanilang edad?

You might also like