Pagtatasa Handout Pamela Constantino PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

Pagtatasa

(Assessment) Sa Mga
Gawain Sa
Asignaturang Filipino
Pamela C. Constantino, Ph.D.
Unibersidad ng Pilipinas

(Presentasyon para sa Pambansang Kumperensiya at Seminar sa


Wika at Panitikan na may temang “Suri, Saliksik, Sanay 2:
Pedagohiya, Teknolohiya, at Dalumat ng/sa Filipino sa Siglo 21 na
itinaguyod ng PSSLF, ginanap sa Citystate Tower Hotel, Maynila,
noong Oktubre 25 – 28, 2017
Asignaturang Filipino
A. Ano ang mga pangunahing nilalaman ng Asignaturang Filipino mula
elementarya hanggang kolehiyo?
❖ Gramatika
❖ Panitikan
❖ Komunikasyon
❖ Pananaliksik

B. Ano ang mga pangunahing kasanayang pinapaunlad dito?


❖ Pagbasa
❖ Pagsulat
❖ Pagsasalita
❖ Pakikinig
❖ Pananaliksik
❖ Kritikal at Analitikal na pag-iisip
Pagtatasa Sa Mga Gawain Sa Klasrum
Sa Asignaturang Filipino
I. Ano ang Pagtatasa (Assessment)?
1. Isa itong proseso ng pagkalap at pagsusuri ng
impormasyon mula sa iba’t ibang
batis/paraan/estratehiya upang magkaroon ng
malalim na pag-unawa ang guro sa nalalaman,
naiintindihan, at magagawa ng mag-aaral sa
natutuhan sa kanilang leksyon, paggawa ng gawain,
proyekto, atbp. sa kanilang asignatura. (Hubra at
Freed 2000)
2. Proseso ito na naglilinaw, namimili, nagdidisenyo,
nagkakalap, nag-aanalisa, at nagbibigay-
interpretasyon sa impormasyon para matiyak ang
kaalaman at kasanayan ng mag-aaral at masuri rin
ng guro ang kaangkupan ng nilalaman at paraan
ng pagtuturo sa asignatura. (Erwin 1991)
3. Nagtatapos ang prosesong ito kapag ang resulta
ay ginamit para mabago ang mga maling akala ng
mag-aaral ukol sa paksa ng pag-aaral, mapalalim
at mapalawak pa ang kanilang kaalaman, at
maisaayos at maiangkop ng guro ang kanyang
pagtuturo ayon sa kakayahan ng mag-aaral.
II. Ano ang mga Layunin/Gamit ng Pagtatasa? (Univ. of
Texas at Austin, 2009)
A. Para sa Mag-aaral
1. Matulungan siya na maisaayos ang tunguhin o direksiyon ng
kanyang pag-aaral at maunawaan ang sarili bilang mag-aaral
2. Mabigyan ng motibasyon at magkaroon ng kumpiyansa dahil
bahagi siya ng proseso. Nakikita nila kung gaano sila umuunlad sa
halip na kung gaano kahina kumpara sa mga kamag-aral
3. Mabigyan ng pagkakataon na makibahagi sa mga gawain sa
klase
4. Mabigyang-kapangyarihan na maging mas aktibo at responsible
para sa pag-aaral
5. Mapalawak at mapalalim ang pag-unawa at kakayahang mag-
isip nang kritikal kaugnay ng mga pinag-aaralang konsepto
6. Mabawasan ang pakiramdam na nag-iisa at walang kontrol lalu
na sa malalaking klase
7. Madebelop ang atityud na nagpapahalaga sa pag-unawa at
pangmatagalang pagkatuto
II. Ano ang mga Layunin/Gamit ng Pagtatasa?
(Univ. of Texas at Austin, 2009)
B. Para sa Guro
1. Makabuo ng road map para sa mag-aaral na magpaplano
tungo sa epektibong paraan at nilalaman ng pagtuturo
2. Makapagbigay ng angkop at karapat-dapat na grado sa
asignatura
3. Madalas na makapagbigay ng feedback sa mga gawain
ng mag-aaral
4. Magkaroon ng partnership sa pagkatuto sa pagitan ng guro
at mag-aaral
III. Ano ang Dapat Tasahin sa Mag-aaral?
❖Kaalaman
❖Kakayahan / Kasanayan
❖Atityud at Pagpapahalaga
❖Asal, Kilos
IV. Ano ang mga Anyo/Uri ng Pagtatasa sa Klasrum?
A. Pormatibo o Dayagnostikong Pagtatasa (Pagtatasa Para
Lalong Matuto)
Pagmonitor kung gaano na ang pagkatuto sa araw-araw na
pag-aaral.
Pagmonitor din upang matiyak ng guro kung ano ang
natutuhan, ano ang dapat pang matutuhan, ano ang
maaaring ipalit/baguhin na kaalaman/leksyon kung
kinakailangan.
B. Sumatibo (Mapagbuod) na Pagtatasa (Pagtatasa ng
Natutuhan)
Binibigyang-pagkakataon ang guro, mag-aaral, at mga
magulang na malaman kung gaano natapos ang mga
gawain sa klasrum
Pagkakaiba ng Pormatibo sa Sumatibong Pagtatasa
Pormatibo Sumatibo
(Pagtatasa Para sa Pagkatuto) (Pagtatasa ng Pagkatuto)
Pagtiyak kung ano ang susunod na gagawin, Pagtiyak kung ano na ang natutuhan
pagkatapos ay magmungkahi kung ano ang
gagawin

Dinisenyo para tulungan ng guro ang mag-aaral Dinisenyo para sa kaalaman ng adminstrador,
para mapaunlad ang pagkatuto magulang, eskuwelahan maliban pa sa guro at mag-
aaral
Patuloy na ginagamit para magbigay ng Inilalahad bilang periodic report
deskriptibong feedback
Karaniwang gumagamit ng detalyado, ispesipiko, at Kadalasang may iskor o marka
deskriptibong feedback sa pormal at di-pormal na
report
Di ginagamit bilang bahagi ng grado Inirereport bilang bahagi ng grado sa isang gawain
Karaniwang nakapokus sa pagpapaunlad kumpara Karaniwang ikinukumpara ang pagkatuto ng mag-
sa “dating pinakamahusay” na nagawa ng mag- aaral sa kamag-aral (kaya may kumpetisyon) o
aaral kaya’y sa istandard para sa isang lebel ng grado
(kaya mas kolaboratibo at nakapokus sa indibidwal)
Sangkot dito ang mag-aaral Di laging sangkot ang mag-aaral
Pagtatasa Bilang Pagkatuto
(Assessment As Learning)
Pinauunlad at binibigyang-suporta ang metakognitibong
kakayahan ng mag-aaral.
May pagtatasa ng kamag-aral (peer), guro at ng sarili
(self), kung kaya natututo silang intindihing mabuti ang
impormasyon, matukoy ang kanilang kahinaan, kalakasan, at
pangangailangan, iugnay ito sa dating alam o alam na, at
magamit ito sa bagong matututuhan.
Napapaunlad nito sa mag-aaral ang kakayahang
matamo ang inaasahang resulta sa kanyang sariling paraan.
Mga Halimbawa ng Pagtatasa
1. Mag-isip – Magpartner – Magbahagi (Think-Pair-Share) – 2 mag-aaral
ang sasagot sa tanong ng guro. Mag-uusap at magtatalakayan at
magbabahagi ng mga datos, kaalaman, idea, opinyon tungkol sa
paksa ng tanong. Ibabahagi sa klase ang pinagkasunduang sagot sa
tanong.
Halimbawa ng tanong sa Filipino:
May pagkakaiba ba ang wika sa diyalekto?
Ipaliwanag at magbigay ng kongkretong halimbawa.
2. Isang Minutong Sulatin (One-Minute Paper) – panimulang gawain ito sa
pagsulat. Isinasagawa ito pagkatapos ng isang lektyur ng guro para
mapagbigay ng reaksyon, puna, idea. Isinusulat ito sa index card ng
bawat mag-aaral. Nakatutulong ito sa mga mag-aaral na hindi
gaanong nagbabahagi ng mga idea sa harap ng klase.
3. Matriks Para Madaling Tandaan (Memory Matrix)
Halimbawa: Mga Barayti ng Wikang Filipino

Deskripsiyon Halimbawa

Linggwistikong Barayti Filipino na ginagamit bilang Ilokano Filipino


pangalawang wika ng mga ispiker Pangasinan Filipino
na gumagamit ng unang wika. Maranao Filipino

Okupasyunal na Filipino na ginagamit sa praktis sa Filipino sa media


Barayti propesyon Filipino sa larangan ng Batas

Akademikong Barayti Filipino na ginagamit sa pagtuturo, Pilosopiya sa Filipino


pag-aaral at pananaliksik Sikolohiya sa Filipino
Matematika sa Filipino

Barayting Sosyal Filipino na ginagamit ng mga Filipino ng mga beki


kabilang sa iba’t ibang grupong Filipino ng mga manlalaro sa
sosyal larangan ng isports
4. Pagmamapa ng Konsepto (Concept Mapping) – interpretasyon
ng isang bagong konsepto sa mga dati/ibang konsepto/idea sa
pamamagitan ng dayagram

Wikang Filipino

Bilang wikang
Bilang Bilang Lingua
opisyal Bilang konsepto Bilang Asignatura
Pambansang Franca
(pampamahalaan (konseptuwal) (edukasyunal)
Wika (pulitikal) (komunikatibo)
)
5. Paligsahan sa Wika (Quiz Show) – unahan sa pagsagot ang bawat grupo (4-6 grupo
depende sa laki ng klase) sa mga inihandang tanong ng guro tungkol sa nakaraang
leksiyon, takdang – aralin, o binasang akda.
Halimbawa ng mga tanong:
1. Anong ahensiya ng gobyerno ang itinatag noong dekada 30 na namahala sa
pagbuo, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng wikang pambansa?
Sagot: Komisyon sa Wikang Filipino
2. Ano ang huling dalawang opisyal na itinawag sa ahensiyang ito sa mga sumunod
na dekada?
Sagot: Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
Komisyon sa Wikang Filipino

6. Huling Hirit – kunwa’y programa sa burol ng mga salitang kontrobersiyal, palasak, at di-
kaaya-aya para sa mga batang pinoy.
Halimabawa: Peke, tokhang, droga

7. Paglilista ng mga negatibong salita/pahayag at paano ito gagawing positibo o di


nakakasakit
Halimbawa: Ginago siya ng kaibigan. Utak – lamok
8. Sekwensiya ng Mga Pira-pirasong Papel (Strip Sequence)
Listahan ng mga idea sa pira-pirasong papel na ginulo ang ayos ng pagkaka-sunud-
sunod. Bawat pares o grupo ng mga mag-aaral ay aayusin ang mga ito sa tamang
sekwensiya.
Pinauunlad nito ang kritikal na pag-iisip at kolaboratibong pagkilos.
Halimbawa: Paksa: Probisyon Sa Wika ng Iba’t Ibang Konstitusyon Sa Kasaysayan ng
Bansa

Di Ayon Sa Sekwensiya Ayon Sa Sekwensiya


▪ Batay sa mga umiiral na wika sa bansa ▪ Opsyonal na gamit ng anumang wika sa
▪ Tagalog Bilang Wikang Pambansa bansa
▪ Filipino Bilang Wikang Pambansang ▪ Batay sa mga umiiral na wika sa bansa
Pauunlarin Pa ▪ Tagalog Bilang Wikang Pambansa
▪ Opsyonal na Gamit ng Anumang Wika sa ▪ Filipino Bilang Wikang Pambansang
Bansa Pauunlarin Pa
▪ Filipino Bilang Wikang Pambansa at ▪ Filipino Bilang Wikang Pambansa at
Pauunlarin at Payayamanin pa ng mga Pauunlarin at Payayamanin pa ng mga
Wika sa Pilipinas at iba pang wika wika sa Pilipinas at iba pang wika
9. Komik Strip – na ang mga tauhan ay gumagamit ng mga
piguratibong salita/pahayag/idyoma
Halimbawa: makati ang dila, makati ang paa

10.Balita sa Pahayagan – na gagamit ng maling bantas,


pangungusap, na itatama. Gagawa rin ng iba’ ibang anyo
ng pangungusap
11. Crossword Puzzle – para sa pagpapaunlad ng bokabularyo
12. Istiker sa kotse/dyip/traysikel na may islogan na makakakuha
ng pansin
13. Hulaan – ang makasaysayang linya ng isang talumpati
tungkol sa wika, panitikan, kultura
Pagbasa ng Kuwento
1. Paggawa ng mga manyikang gawa sa papel at/o pagpalit-palit ng
mga costume ng mga tauhan sa istorya
2. Pagbuo ng resipe ng maaaring nagawa kunwari ng isang
nababagay na tauhan sa istorya
3. Wanted Poster ng isang kontrabidang tauhan sa istorya
Halimbawa: Padre Damaso, Doña Victorina

4. Programa sa Radyo – isang bahagi ng kuwento na kunwa’y sa


kasalukuyan nangyayari. Maaaring baguhin nang kaunti ang
pangalan ng tauhan, lugar, panahon, dayalogo, pero hindi ang
banghay
5. Paggawa ng bookmark (may sipi, drowing, atbp.) ng istoryang
tinalakay sa klase
6. Pagbuo ng Family Tree ng karakter sa kuwento
Pagsulat
1. Paggawa ng isang talaarawan kunwari ng isang kilalang personalidad, artista, atbp.
2. Pagbuo ng mga sipi (“quotation”), kasabihan, hugot, atbp. Na ididisenyo sa isang T-shirt
3. Dear Tita ___________,
Gagawa ng kunwa’y Advise Column sa isang di-kilalang kaibigan
4. Pagbuo ng kalendaryo o time frame ng isang proposal sa pananaliksik sa
wika/panitikan/kultura
5. Pagbuo ng cheer (para sa cheering squad) tungkol sa isang tao sa kasaysayan ng
wika/panitikan/kultura
6. Pagbuo ng infomercial (info na parang komersiyal) tungkol sa wika/panitikan/kultura
7. Pagbuo ng collage
8. Pagbuo ng isang kanta (ng isang singing messenger) tungkol sa paksang
tinatalakay/tinalakay
9. Paggawa ng brochure
Halimbawa: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
10. Salita ng taon/buwan ng eskuwelahan, tapos ay gagawa ng graph batay sa gagawing
sarbey
Rubriks
• Isang anyo ito na gumagawa ng ebalwasyon ayon sa lalim
(depth), lawak (breadth), pagkamalikhain (creativity), at
balangkas – konseptuwal (conseptual framework) ng
sanaysay, iskit, dula, presentasyon, proyekto, portfolio, atbp.
– Batayang Pagmamarka na:
❖ Nagbubuod (summative) – nagbibigay ng impormasyon ukol sa nalalaman ng
mag-aaral sa leksyon
❖ Pormatibo – kaugnay ng kalakasan at kahinaan ng mag-aaral kaugnay ng
leksyon
❖ Ebalwatibo – paraan para makalikha o makabuo ng leksyon na angkop sa
kalikasan, katangian, pangangailangan ng mag-aaral
❖ Edukasyunal – nagpapaunawa sa mag-aaral kung paano nila matututuhan
ang leksyon
– Matrix na naglilinaw kung ano ang inaasahan sa sitwasyon ng
pagkatuto
Dalawang Uri ng Rubrik
• Holistiko – nagbibigay ng pangkalahatang ebalwasyon
Halimbawa: Lawak/Lalim ng Kaalaman sa Report
Komprehensibo (10 pts.) – may datos, atbp. Malawak.
Malalim ang pagtalakay. May ilang datos na di-
angkop pero di nakaapekto sa kabuuan
Sapat (7 pts.) – Di gaanong komprehensio. May ilang
datos na di-tama pero di nakaapekto sa kabuuan
Limitado (4 pts.) – marami-rami ang datos na di-tama at di-
angkop
• Legend – 10 – 8 pts – Mahusay!
7 – 5 pts. – May igagaling pa!
4 – 1 pts. – Konting sikap at tiyaga lang!
• Analitikal – nagbibigay ng ebalwasyon sa ilang detalye (Hal. pananaliksik)

Halimbawa: Proseso ng Ginawang Pananaliksik

Kraytirya 4 pts. 3 pts. 2 pts. 1 pt.


May plano Malawak at Kulang sa ilang Maraming Di kumpleto
sapat ang plano detalye kulang na
detalye
Pagkolekta ng Iba-iba ang Iilan ang Konting-kontik Iisa ang
Datos pinagkunan ng pinagkunan ng ang pinagkunan pinagkunan ng
datos datos ng datos datos
Paggamit ng
Materyales

Legend: 12 – 10 pts. – Napakagaling!


9 – 7 pts. – Magaling!
6 – 4 pts. – Konting trabaho pa!
3 – 0 pt. – Kailangang tutukan ang gawain!
Disenyo ng Rubrik
1. Ano ang alam at magagawa?
2. Paano malalaman na alam at magagawa?
3. Paano epektibong maipapakita na may alam at may natutuhan?
Komon na Elemento ng Rubrik
1. Dimensiyon ng Kalidad/Kraytirya –
kaalaman (knowledge)
kasanayan (competencies)
2. Lebel ng Materyal –
Napagaling/Napakahusay
Magaling/Mahusay
Kailangang paghusayin pa
Di pa natamo
3. Deskriptor/Komentaryo
4. Balangkas ng kaayusan ng Rubrik
5. Deskripsyon ng kinalabasan
Mga Hakbang
1. Isipin ang kraytirya na gagamitin
2. Desisyunan ang bilang ng lebel o iskala ng paggawa/kahusayan
Halimbawa:
Iskala 1 – napakahusay, mahusay, di-gaanong
mahusay/idebelop pa, kailangan ang sipag at
tiyaga
2 – buong buo, buo, may kulang pa, maraming
kulang
3 – napakagaling, magaling, umuunlad, nagsisimula
pa lang
3. Maglagay ng komentaryo/deskripsyon ng bawat lebel sa bawat
kraytirya
• Iwasan ang mga salitang may halaga/pagpapahalaga at
nanghahatol
Halimbawa: mabuti
masama
Mga Halimbawa ng
Rubrik
Rubrik ng Pagtatasa
Kraytirya Mahina Mahusay-husay Mahusay Iskor

Estruktura • Malabo ang • Malinaw ang • Malinaw ang


(10 puntos) introduksiyon introduksiyon introduksiyon, Iskor: 50 puntos
Mahina: • Hindi ibinigay ang tesis • Hindi nilinaw ang tesis katawan, at
0 – 5 puntos na pangungusap na pangungusap kongklusyon
Mahusay-husay: • Hindi malinaw ang • Malinaw ang mga • May tesis na 45 – 50 = Tunay ang
6 – 8 puntos kongklusyon talata at kongklusyon pangungusap na kagalingan at kasanayan
Magaling: introduksiyon mo sa pagsulat. Mabuhay
9 – 10 puntos ka!
Katuwiran • Hindi malinaw ang • Ipinaliwanag ang • Malinaw na
(20 puntos) posisyon o katangian katuwiran naipaliwanag ang 35 – 44 = Kaunti pang
Mahina: • Simple at hindi • Medyo pinaunlad ang katuwiran pagsasanay ang kailangan
0 – 10 puntos ipinaliwanag ang katuwiran • Kompleto, pinag-
Mahusay-husay: argumento o katuwiran isipan, masusi
0 – 34 = Kailangang bigyan
11 – 15 puntos
Magaling: ng sapat na panahon,
16-20 puntos tiyaga, at pagsisikap
Ebidensiya • Hindi tiniyak ang mga • May ilang tiyak na • Tiyak at naipaliwanag
(10 puntos) ebidensiya ebidensiya pero hindi ang mga ebidensiya
Mahina: • Kulang ang ebidensiya naipaliwanag nang • Sinusuportahan ng
0 – 5 puntos • Hindi nasuportahan ang mabuti ebidensiya ang tesis
Mahusay-husay: katuwiran o tesis ng • Hindi nasuportahan ng
6 – 8 puntos iniharap na ebidensiya ebidensiya ng tesis
Magaling:
9 – 10 puntos

Gamit ng Wika • Hindi inedit • May ilang mali • Inedit, walang mali
(10 puntos) • Maraming mali – bantas,
Mahina: baybay, pangungusap
0 – 5 puntos
Mahusay-husay:
6 – 8 puntos
Magaling:
9 – 10 puntos
Rubrik ng Sariling Pagtatasa (Lakbay-Sanaysay o Sanaysay)
1 2 3 4 5
Hindi natugunan Hindi buong natugunan Natugunan Lumampas pa nang Sobra pang natugunan
kaunti sa inaasahan
Limitado sa datos, Hindi malinaw. May ugnayan ang mga May pokus Malinaw
Nilalaman o Ideya walang tema Maraming dapat ideya. May mga detalye May pokus
sagutin May ilang detalye Nakatutulong ang mga
detalye
Magulo ang Di malinaw at walang Maayos May malakas na Malakas ang simula, gitna,
Organisasyon pagkasulat pokus Malinaw simula, gitna, wakas wakas.
Walang mga transisyon Malinaw ang pokus at
may mga transisyon
Di-angkop ang Di-konsistent sa gamit Nakakukuha ng atensiyon Makabuluhan ang Mabisa at angkop ang
Bokabularyo ginamit na mga ng salita ang mga salitang ginamit ginamit na mga salita mga salitang ginamit 40 – 45 –
salita Napakahusay!
Di-malinaw ang Di malinaw kung sino Malinaw ang Malinaw ang Mahusay ang pagkasulat
Pananaw o Punto de-bista punto de bista. 30 – 39 – Mahusay!
ang pinatutungkulan ng pinatutungkulang pakikipag-komunika sa kung kaya’t nakakaugnay
akda mambabasa mambabasa sa mambabasa 20 – 29 – Konting
Para kanino? praktis pa!
Hindi kompleto ang May ibang kompletong Gumagamit ng payak, Madalas na iba-iba Maraming iba-ibang anyo
Pangungusap mga pangungusap. pangungusap. tambalan, at hugnayang ang anyo ng ng pangungusap na 9 – 19 – Paghandaan
pangungusap pangungusap na ginamit at seryosihin!
Di pinag-iiba-iba Kakaunti ang barayti ng ginamit
ang anyo ng mga anyo ng
pangungusap pangungusap

Kumbensiyon Maraming maling May mga maling May ilan lang mali. Tama ang baybay at Tama ang baybay,
baybay at bahagi baybay at bahagi ng gamit ng mga bahagi angkop at malikhain ang
ng panalita. panalita May ugnayan ang mga ng panalita pagkasulat
bahagi ng panalita
Walang pag-
uugnay-ugnay ang
mga bahagi ng
panalita

Pamagat Di-makatawag Maaari pang ayusin Medyo nakatatawag Nakatatawag pansin Lubos na nakatatawag
Simula
pansin pansin pansin
Wakas
Rubrik ng Sariling Pagtatasa (Pamplet/Handout)
Kraytirya Deskripsyon Total na Puntos Sariling Puntos
Nilalaman • Masinop na sinaliksik ang 30
datos
• May kritikal na pagtalakay
• Wasto ang lahat ng datos
Organisasyon • Maayos ang pagkasulat 25
• Lohikal ang pagkakasunod-
sunod

Presentasyon • Maayos at malinaw ang 25


format
• Nakakukuha ng atensiyon
• Angkop at maayos ang mga
ilustrasyon

Kumbensyon • Wasto ang baybay ng mga 20


salita
• Angkop ang bokabularyong
ginamit

100 puntos _______ puntos

100 – 90 puntos – Napakahusay! Ipagpatuloy ninyo!


89 – 75 puntos – Mahusay/Paghusayin pa para lalong gumaling!
74 – 50 puntos – Tutukan pa at magsikap para humusay!
Pamantayan Buong Puntos Sariling Pagpupuntos
Nakatukoy ng mga estratehiya sa 40 puntos
pagrerebyu ng gawang
akademiko (5 puntos bawat estratehiya.
Inaasahang makatukoy man lang
ng 8 na katumbas ng 40 puntos;
bigyan ng dagdag na 2 puntos
ang sarili sa bawat estratehiyang
labis sa 8)

Natukoy rin nang tama kung saan 8 puntos


talaga makikitang ginamit ang
bawat estratehiya (2 puntos bawat pagtukoy ng
tamang talata)

Naipaliwanag kung mahusay o 12 puntos


hindi ang rebyu

Kabuuan 60 puntos

55 – 60 Mahusay ka nang rebyuwer


50 – 54 Magaling na nang rebyuwer
45 – 49 Puwede ka nang rebyuwer
40 – 44 Magrebyu ka pa ng araling ito
Maraming Salamat
Po!

You might also like