Dagok Sanaysay

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

dagok

FEBRUARY 2, 2015 ♥ LEAVE A COMMENT

May mga pagkakataong sa buhay natin ay kayraming nangyayari. Mga pangyayaring magulo, mahirap
ipaliwanag. Yun bang sa isang iglap biglang nakita mo na lamang ang iyong sarili na nasa isang tabi,
tulala, walang lakas, maputla, tila wala nang pag asa.May mga pagkakataong pinilit mong sumabay sa
agos ngunit sobrang bigat at ni hindi ka man lang anurin. Napakasalimuot, hindi mo malaman kung saan,
bakit, sino at paano. Ang hirap umusad, ang hirap na harapin ang lahat. Ito na nga siguro ang dagok ng
buhay. Kayhirap ialis sa isip, sa puso, sa utak.

Hindi ko rin maintindihan, bakit kasi kailangan pang mangyari ang lahat. Durog na durog ang aking
katauhan. Di halos makabangon. Sa kabila ng lahat ng dinanas ito na yata ang sobrang laking dagok na sa
akin ay dumating.

Ang hirap palang hanapin ang sarili matapos kang yurakin, apihin, umiyak, saktan.Sobrang hirap,
sobrang sakit ng lahat. Parang sasabog ang puso ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ang
liwanag na aking hinahanap. Pinilit kong iwanan, kalimutan pero ayaw lang talaga.Kayraming pangarap
ko ang di natupad, kayraming oras ko ang nasayang, kayraming salita, panulat ang hindi ko nailathala.
Napakalaking balakid. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na ang dagok na ito ang siyang magiging
hadlang upang hindi ko masabasi ang mga nais kong sabihin, tila isa akon bulag, pipi, bingi, manhid,
walang puso, walang kakayahan, walang kwenta. Ilang beses man akong umiyak, sumubok na
magpakasaya di pa rin nawawala.

Sana nga isang araw ang dagok na ito ay lumisan na upang hinagpis ay mapalitan ng saya at muli’y
makasabay sa agos ng tadhana.

You might also like