Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• natutukoy ang ibig sabihin ng pangngalan;
• nabibigyang halaga ang mga pangngalan ng tao, bagay, hayop, at pook; at
• nagagamit ng tama ang mga pangngalan sa iba’t-ibang aspeto.

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin
Aralin 2: Mahalin at Ipagmalaki ang Pamilya
Pangngalan

B. Sangguniang Aklat
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
Pagpapakatao at Pagiging Kasapi ng Pamilya – Yunit 1, pp.

C. Kagamitang Panturo
Panturong biswal, yeso, pisara
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
(Magtatawag ang guro ng isang
magaaral upang pangunahan ang
panalangin.) (Ang mga mag-aaral ay tatayo at
magdaral.)
2. Pagbati Magandang umaga Grade 2! Magandang umaga rin po!
3. Pagsasaayos ng silid-aralan Bago kayo umupo pakipulot ang
pagtatala ng liban at hindi mga kalat na nasa ilalim ng inyong
liban mga lamesa at paki-ayos ang
inyong mga upuan. (Magpupulot ng kalat ang mga
mag-aaral at aayusin ang kanilang
mga upuan.)
Maari na kayong maupo. (Mauupo nang tahimik ang mga
mag-aaral.)
Mayroon bang lumiban sa klase
ngayong araw? Wala naman po Binibini!
4. Balik-aral sa nakaraang
aralin o pasimula sa bagong
aralin
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak Hinati ko kayo sa apat na grupo.
Bawat grupo ay may bubuuing mga
larawan. Pagkatapos ninyong
mabuo ang mga larawan, sabihin
ninyo sa akin kung ano ang nakikita
ninyo sa nabuo ninyo.
C. Paglalahad Mula sa mga nabuo ninyong
larawan, maaari niyo bang ipakita
sa klase kung ano ang nabuo ninyo?
Pangkat 1:

Susi po at si Dr. Jose Rizal.


Pangkat 2:

Simbahan at isda po.


Pangkat 3:

Si Pangulong Duterte po at SM San


Pablo po.
Pangkat 4:

Upuan po at ibon.

Mahuhusay!
D. Talakayan Ang mga larawang hawak ninyo ay
may kinalaman sa ating aralin
ngayon. Kung inyong mapapansin
ang inyong mga nabuong larawan
ay napapnagkat sa apat. Sa tingin
ninyo, anong mga pangkat kaya
ito?
May hayop po.
Lugar po sa San Pablo.
Bagay po.
Tao po.
Mahuhusay! Ang ating tatalakayin
sa araw na ito ay tungkol sa
pangngalan. Ang pangngalan ay
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, at lugar.
Ipangkat nga ninyo rito sa pisara
ang mga nabuo ninyong larawan. Tao

Sino ang mga nasa larawan?


Si Dr. Jose Rizal po yung isa.
Si Pang. Duterte naman po yung
isa.
Tama! Anong mga larawan naman
ang kabilang sa bagay?
Bagay

Ano ang mga nasa larawan? Upuan po at susi.


Magbigay pa kayo ng mga bagay. Lapis po.
Walis.
Ano naman ang kabilang sa hayop? Hayop

Tama! Sa lugar naman. Lugar

SM po at simbahan. Pareho po
iyang natatagpuan dito sa San
Pablo.
Tama! Magbigay pa nga kayo ng
mga halimbawa ng lugar.
Iskul po.
DLSP po.
Palengke po.
Mahuhusay!
E. Paglalahat Ano nga muli ang pangngalan? Ang pangngalan ay tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, at
lugar.
Gamit ang tap-clap-snap magbigay
kayo ng mga ngalan ng tao, bagay,
hayop, at lugar. Ang unang apat na
mag-aaral ay tao ang babanggitin,
ang sumunod na apat na mag-aaral
ay bagay naman ang sasambitin,
ang sumunod na apat naman ay
hayop, at ang huling apat naman ay
lugar.
F. Paglalapat Magtala ng tiglilimang pangngalan Tao Bagay Hayop Lugar
na nakikita mo sa iyong paligid sa 1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
bawat kategorya. Tao, bagay, 3. 3. 3. 3.
hayop, at lugar. Isulat sa iyong 4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5.
kuwaderno.

G. Pagtataya Sagutan ang “Gawin Natin” at


“Sanayin Natin” sa pahina 29.
Gawin Natin
Tukuyin ang kategorya ng pangkat
ng mga pangngalan sa bawat
bilang. Isulat ang A kung tao, B
kung hayop, C kung bagay, at D
kung lugar. Isulat ang wastong letra
sa sagutang papel.
____1. bukid parke silid D.
____2. baka ibon kalabaw B.
____3. bag lapis papel C.
____4. kamera sombrero telepono C.
____5. ate guro lola A.
Sanayin Natin
Isulat sa kuwaderno ang T kung
ngalan ng tao, B kung bagay, H
kung hayop, at P kung lugar.
____1. basket B.
____2. ospital P.
____3. Benigno Aquino T.
____4. lapis B.
____5, kalabaw H.
H. Kasunduan Gumupit ng 5 larawan ng tao,
bagay, hayop, o lugar at idikit ito sa
kuwaderno. Isulat ang
pangnagalang tumutukoy sa
larawan.

Inilahad ni: Itinama ni: Ipinakita kay:

Mitzi C. Borgonia G. Ronilo Adao G. Ronilo Adao

You might also like