Professional Documents
Culture Documents
Defense Filipino
Defense Filipino
Defense Filipino
I. PANIMULA
Ang paglabo ng paningin ay ang pagkawala ng linaw ng paningin, na nagiging wala sa pokus
ang mga bagay na nakikita ng mata. Maaring ng napakaraming bagay katulad na lamang ng sobrang
exposure sa radiation na nagmumula sa mga gadgets. Ang panlalabo ng mata ay maaring magung
mas malalala katulad na lamang ng parating pagsakit ng ulo na maaaring maging resulta ng
pagkabulag.
Ang kadalasang makikita sa mga akda ay maaring patungkol sa ating lipunan kung saan hindi
pantay-pantay ang panananaw ng nakararami sa mga naiiba sa loob ng isang lipunan. Ipanapakita
dito kung gaanong hindi pantay ang paningin ng nakakalamang sa mga may kakulangan. Maraming
ginagamit na mabulak bulaking salita upang matakpan lamang ang mga hindi kanais nais na mga
gawain. Kaya kinakailangan mas lawakan pa ng mga malalabo ang paningin ang kanilang pandinig
na kahit bulag sila sa katotohan ay may paraan pa din upang marinig nila ito.
A.Ang May-akda
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Benjamin_Pascual)
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang
pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa
kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng
kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang
diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling
pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang
pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang
mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang
anak na dalaga sa isang kasuotang putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang
mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana.
Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na
siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot
nitong sinusukat sa harap ng salamin ang nagbubur-dahang puting damit na isusuot sa kinagabihan.
Napangiti siyang muli.Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng
kanyang pamimiling uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay
mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at
kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang
matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili na rin siya
ng garbansos. Gustong-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.Mag-
ikakasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di
magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangus na pagkanta
pangisinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili.
1.Porma at Istilo
Uri ng Panitikan:
Ang Kalupi ay isang maikling kwento at isang masing na anyo ng Panitikan isang maigsing
salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at iisang
impresyon lamang.
Tagpuan:
Tauhan:
Aling Marta- pangarap na makatapos ang dalaga. Siya ay may katandaan na, mainitin ang
ulo,mapagmarunong sa autoridad at makakalimutin din kung minsan. Minsan ay may pagkasinungaling
at mapanghusga. Siya ay isang madisipilinang ina pagkat ang isang kasalanan at ipipilit niyang may
kaparusahan.
Asawa ni Aling Marta- matiyagang nagtratrabaho para sa kanila, mahilig manigarilyo at siyang
kumukuha sa kalupi ni Aling Marta ng walag paalam kaya niya ito nakalimutan.
Mga Pulis- sila ang humuli at nag imbestiga sa inaakusang pagnanakaw ng kalupi ni aling Marta
Dalagang Anak ni Aling Marta- ang magtatapos sa hayskul at paghahandaan ni Aling Marta ng
garbansos na siyang paborito nito.
Paglalahad
Tumataas na Pagkilos
Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bunili na rin siya ng mantika. Nang
mangyaring kukunin na ni aling marta ang kanyang pitaka wala na ito sa kanyang bulsa.
Kasukdulan
Bumabagsak na Pagkilos
Maya-maya ay may dumating na pulis at bkinausap sila. Nagtanong ang pulis ng kaunting
imprmasyon tungkol sa bata. Sumama ang dalawa sa pulisya. Hindi na makapagtimpi si aling marta at
hinablot ang bata at sinaktan. Tumakbo ang bata ng walang lingun-lingon kasabay nito ang harurot ng
isang sasakyan na siya namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata.
Paglutas
Namutla si Aling marta na tila sinisisi ang sarili sa pangyayari. Sa kabilang banda inisip
niya ang asawa at anak na kanina pa naghihintay,inisip niya kung paano makapag-uwi ng ulam
samantalang wala na siyang pera. Nang nakauwi na si aling marta nagulat ang kanyang asawa at anak
kung bakit nakabili siya ng ulam na ang kanyang pitaka ay naiwan sa kanilang bahay.
Ang persona sa maikling kwento na Ang Kalupi ay may isang Ale na isang mapagmataas na
lipunan na kung ating susuriin ang maikling kwento sa paraan na naglalahad nito,masasabi natin ang
isang hindi pagkapantay-pantay ang pagtingin sa uri ng tao. Naukol din dito ang may mapagbintang.
Ang persona ay naninindigan ang bata kung ano ang tama. Mapapatunayan ito sa paraan ng paglalahad
at paglalarawan ng persona/may-akda kung saan sinisimulan ng isang ambisyosang ale na mapagmataas
na lipunan.
Ang kaalamang ito ay isang batang nakaranas ng pagbintang ng isang aleng mapagmataas.
3.Tema
Ang tema o paksa ng akda ay makabuluhan sapagkat ito’y nagpamulat sa mga mambabasa kung
ano ang magiging epekto ng mapanghusgang isipan ng tao dahil lamang sa pisikal na anyo o kalagayan
ng isang tao. Maari ding sabihin na ang paksa o tema nito ay napapanahon sa kadahilanang maraming
namamatay at biktima ngayon na kailanman ay hindi parin nakakamtan ang hustisya na inaasam-asam.
Noong unang panahon ay talamak na ang pagiging mapanghusga ng mga tao lalo na sa mga
mahihirap. Sila ay titingnan bilang madumi, tamad dahil hindi makayang maghanap ng trabaho kahit
malakas pa, palamunin ng lipunan dahil sa mga nagpapalimos sa mga kalsada. Ang mga ganitong
pagtingin ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ngunit may iilan na naawa at tinutulungan na
sila. Kahit hindi sila ipinanganak na may kaya sa buhay ay nainiwala ang taong tumulong sa kanila na
kakayanin nilang umahon.
5.Pagsusuri sa Akda
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit
na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang
kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.“Bakit ho?” anito.“E…e, nawawala ho ang
13 MALABO: Ang Paningin ng Mapagmataas na Lipunan
aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang
tanong ng babae.Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na
sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa
ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E,
sandaan at sampung piso ho.”
Mapapansing likas na talaga kay Aling Marta ang pagiging mataas ang puri na naghantong sa
kanya sa madaliang pagbibintang sa kung ano ang pinanawalaan niya kahit na walang karampatang
ebidensya.
Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma
bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling
pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang
pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang
mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang
kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo
sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at
sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman.
Ang pagkakaroon ng magulang na mataas ang pangarap para sa anak ay likas na sa lahat ng
pamilya lalo na sa Pilipinas. Katulad nalang din ng pinapakita sa maikling kwento na makikita sa
linyang, Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa
isang kasuotang putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na
hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring
balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Na ibig sabihin ay
ang tanging nais lamang niya ay maging masagana ang kanyang anak pagdating araw.
Sa ikalawang parte ng kwento ay ipinapakita ang pagiging mataas ng puri ng isang tao.
“Pasensya na kayo, Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa
loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya, “Hindi ko ho kayo sinasadya.
Tunay ngang nakakasalamuha tayo ng mga ganitong klase ng tao na kung saan kahit na humingi
na ng tawad ang mga taong hindi sinasadyang masaktan sila ay mas pinipili pa din nilang taasan ang
kanilang puri upang sabihing napakalaki ng pagkakasala sa kanila makikita ito sa “Pasensya na kayo,
Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa loob-loob ni Aling
Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya, “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho
ako e.”“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensiyahan
nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.” at kung minsan ay kung maari ay pagtatakpan
pa nila ito makikita ito sa linyang Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano
man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong
nagawan ng hindi mabuti ay sa kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip
kung me iba pang nakikita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at
maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi.
Sa ikatlong parte ng kwento ay ipinapakita ang pagiging sinungaling ng isang tao huwag lamang
maapakan ang kanyang puri.
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit
na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang
kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.“Bakit ho?” anito.“E…e, nawawala ho ang
aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang
tanong ng babae.Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na
sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa
ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E,
sandaan at sampung piso ho.”
Sa ika apat na parte ay ipinapakita ang pagiging mapanghusga kahit walang ebidensya ng isang
tao.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang
magkakaila!”Tiyakan ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng
isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot:“Ano hong pitaka?”
ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta.
“Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha?
Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan! Kikita nga kayo rito sa palengke!”Marami nang
nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni Aling Marta
ang pagkakahawak sa leeg ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.“Aba, kangina ba namang
pumasok ako sa palengke e banggain ako,” ang sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamimili ko’t
kapain ang bulsa ko e wala nang laman!”
Ang pangyayaring ito ay hindi na bago lalo na henerasyon ngayon na kung saan ay kung ano
lang ang marinig o makita sa social media ay paniniwalaan na agad ng hindi man lamang tinitingnan
kung tunay ba ang kanilang nakita o narinig. Makikita sa linyang “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka
ko at wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong
iyan! Kikita nga kayo rito sa palengke!” na kung saan ay direktang pinagbibintangan niya ang bata ang
kumuha ng kanyang pitaka dahil lamang sa kanyang kutob.
Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong
napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang sarili.“Patay na ang dumukot ng kuwarta
ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang
Sa sitwasyong ito ay mas lumalabis pa sa isip ni Aling Marta ang kanilang kakainin sa
pananghalian kaysa sa nangyari sabatang kanyang pinagbintangang nagnakaw ng kanyang pitaka.
Paminsan minsan ay mayroong ganitong klase ng tao na kung saan ay mas nanaisin pang kumuha ng
bidyo sa mga nangyayring aksidente sa daan kaysa humanap ng paraan kung paano matutulungang ang
kanilang binibidyohan.
Magaling ang pagkasulat ng kwento at marami ang maaring maging interpretasyon dito dahil sa
napakahusay at napaka angkop na pagkasalaysay sa kwento. Nakakanakaw ng isipan at damdamin ang
huling bahagi ng kwento sapagkat hindi mo akalaing ganon pala ang magiging kahihinatnan nang
susunod na kalagayan. Maganda rin ang paggamit sa mga tauhan dahil malaki ang impact ng mga ito sa
mga mambabasa.
Makabuluhan ang kwento na Ang Kalupi sapagkat ito’y nagsasabi at nagbibigay malay sa bawat
isa na kahit mahirap ang estado sa buhay ng isang tao o hindi gaanong maganda ang sitwasyon sa buhay
o kaya’y isa siyang pulubi sa lansangan ay hindi nangangahulugang mayroon itong masamang iniisip
dahil sa katunayan hindi natin sila kilala at wala rin tayong karapatang husgahan ang kanilang pagkatao.
Hindi man natin maitatangi ang katotohanan na paminsan minsan ay mahuhusgahan natin ang kapwa
natin ang kapwa natin maganda kung itutuon na lamang natin ang atensyon sa ibang bagay para hindi
tayo makapanakit ng iba. Lahat tayo ay may karapatang maging malaya at lahat din tayo ay may
karapatang maging malaya at lahat din tayo ay may karapatang makamitan ang hustisya sa buhay, kahit
tayo ay mangmang o walang narating sa buhay ang importante ay malakas ang iyong loob n aharapin
ang mga pagsubok sa buhay at tiwala sa sariliang kailangan.
Ang pagiging malabo ng ating paningin sa katotohanan ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi
matapos tapos ang diskriminasyon sa ating lipunan. Sa maikling kwentong “Ang Kalupi” ni Benjamin
P. Pascual na aming sinuri ay nagpapakita ng Naturalismong Pagdulog ay nalinawan kami kung ano
ang trato ng iilan sa mga taong mababa sa kanila, kung paano ipahiya at pagbintangan ang mga walang
muwang na mamamayan sa malabong pananaw ng tao. Sa pamamagitan ng kwentong ito ay pinalinaw
nito ang aming panananaw sa katotohanan .
Ang mga kwentong katulad na ito ay mainam na mabasa ng mga estudyanteng katulad namin,
hindi lamang kami ngunit ng nakararami upang mas madagdagan ang kanilang kaalaman at malinawan
din ang kanilang mga matang nanlalabo na.
IV.MGA HANGUAN
a. Internet
https://tl.wikipedia.org/wiki/Benjamin_Pascual
https://brainly.ph/question/1909909
https://prezi.com/5px7y-yqwznm/teoryang-naturalismo/