Week 2-3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Region
Division of Tabuk City
TABUK CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

MGA SINAUNANG KABIHASNAN


SA ASYA
MODULE IN ARALING PANLIPUNAN 7
Second Quarter – Week 2-3

WENESIA D. BETAO
Subject Teacher
+639978574227

Name of Student
Barangay
Cluster
Mobile Number
Alamin

Ang Modyul na ito ay nakalaan para sa ikalawa’t ikatlong linggo ng second quarter na may layuning linangin
ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa mga kabihasnang mayroon ang Asya.
Kaya’t pagkatapos mong isagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang magawa mo ang mga
sumusunod:

Pamantayan sa Pagkatuto:
1. Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina). AP7KSA-IIc-1.4

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang naging pagbabago at pag-unlad ng mga kabihasnang umunlad sa Asya.
2. Napapahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan
3. Napaghahambing-hambing ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang sa pamamagitan ng Double Venn
Diagram.

Balikan

Pagkatapos mong matutuhan ang mga lugar na naging panirahan ng unang Asyano ay tuklasin mo naman ang
naging kasaysayan at katayuan ng mga kabihasnang itinatag o nabuo ng mga unang Asyano.

Mababanaag mo rito ang kahalagahan ng mga nagging kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan kabilang
ang kanilang pagkakaiba sa bawat isa.

Suriin

Basahin at suriin ang nilalaman ng bawat eksto tungkol sa sinaunang kabihasnan ang Sumer, Indus, at Shang.

Ang Kabihasnang Sumer

Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan
ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag na Fertile Crescent (Iraq), isang arko ng
matabang lupa na naging tagpuan ng iba't ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng
Mediterranean Sea. Sa lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euprates kung saan umusbong ang
kabihasnan. Noong panahong Neolitiko naitatag ang ilang pamayanan sa tabas ng rehiyon ng Mesopotamia tulad ng
Jericho sa Israel at Catal Huyuk at Hacilar sa Anatolia (Turkey sa kasalukuyan, 6000 BCE) na pawang mga
pamayanang agrikultural. Nagkaroon ng malawakang pagtatanim ng trigo at bar/ey sa mga lugar na ito at
pinaniniwalaari din na natuto silang mangaso ät mag-alaga ng mga hayop. Subalit hindi rin nagtagal ang mga
naturang pamayanan dahil sa salat ang kapaligiran upang pangangailangan ng mga pamayanan na ito.Tanging
ang kasagutan sa mga suJiranin na ito ng pamayanan ay ang matabang lupa ng Tigris at Euprates kung saan
1
Page

umusbong ang kabihasnang Sumer (3500 — 3000 BCE) na itinuring na pinakamatanda at pinakunang kabihasnan
sa daigdig.
Dito nagsimula ang pag-usbong ng iba't ibang lungsod tulad ng Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur, at Kish. Dahil
sa kanilang pinagsanib na kakayahan at paniniwala sa mga diyos ay naitatag ang templo na tinawag na Ziggurat,
ang pinakamalaking gusali sa Sumer. Pinamunuan ng mga haring pari ang mga lungsod dito na hindi lamang lider
ispiritwal at politikal. Sila ay kumakatawan sila bilang tagapamagitan ng tao sa diyos kayat na- giging kontrolado ng
rnga diyos diyosan ang pamumuhay ng tao. Sa usaping pamumuhay narnan ay may kaniya-kaniyang
espesyalisayon ang mga Sumerian na naging hudyat ng pag-uuri ng tao sa lipunan. Mataas ang tingin sa mga
pinunong hari, kasunod nito ang mga mangangalakal, artisano, at mga scribe, at sa huli ang mga magsasaka at
alipin. Paglaon ay natuklasan ang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform kung saan ay naitatala ng mga
scribe sa mga c/ay tablet ang mga mahahalagang pangyayaring nagaganap. Nagkaroon din ng pag-unlad sa
kanilang sining at naitala ang mahahalagang tradisyon at epiko tulad ng epiko ng Gilgamesh na katibayan ng
kanilang kabihasnan. Naimbento rin ang teknolohiya sa pagsasaka tulad ng araro at mga kariton na may gulong at
natuklasan din ang paggawa ng mga palayok at paggamit ng perang pilak. Sumunod na natuklasan ay ang paggamit
ng lunar calendar at ang decimal system. Ito ay mga patunay nanagkaroon ng pag-unlad ang kabihasnang Sumer.
Subalit sa kabila ng kanilang kaunlaran na ito, hindi naiwasan na may mga grupo na nainggit sa natamo nilang pag-
unlad dahilan upang sakupin ang kanilang lupain na naka pagpabagsak sa kanilang kabihasnan.

Kabihasnang Indus

Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng Ilog Tigris at Euprates ay
umaapaw din ito taon-taon dahil sa pagkakatunaw ng yelo sa Himalayas na nag-iiwan din ng banlik na nagpapataba
sa lupaing agrikultural nito. Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang naitatag noong
panahon ng Neolitiko. Ito ay ang pamayanang Mhergah (3500 BCE) na nasa kanluran ng Ilog Indus. Masasabing
sedentaryo at agrikultural Mohenjo Daro ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na
wuw.nationalgeogrphic.com ebidensiya. May dalawang importanteng lungsod angumusbong dito, ang Harrapa at
Mohenjo-Daro. Planado at organisado ang mga lungsod na ito na ipinakita sa mga lansangang nakadisenyong
kuwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Patunay ito na magaling sa matematika
ang mga nanirahan dito. May isa o higit pa ang banyo o palikuran na nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo
at imburnal sa ilalim ng lupa. Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Ang mga ito ay
sumasamba sa mga hayop at puno.

Pinamunuan ang kabihasnang ito ng mga naghaharing uri sa lipunan tulad ng mga haring pari. Dahil sa salat
sa mga punongkahoy at metal, pagsasaka ang ikinabuhay ng mga tao dito. Natuto rin silang makipagkalakalan sa
mga karatig lungsod. Pinaniniwalaan na ang mga mangangalakal na ito ang unang gumamit ng sistema ng pagsulat
ng Indus, ang pictogram na walang sinumang eksperto ang nakapagpaliwanag nito kaya nagkaroon ng pagkukulang
sa kaalaman tungkol sa kabihasnang Indus. May mga artifact na nahukay dito tulad ng mga laruan at alahas na
palamuti at mga palayok na nagpapakita ng kanilang kasanayan sa paggawa ng mga bagay na ito. Naging
mahiwaga ang paglaho ng kabihasnang Indus noong 1750 BCE. May paliwanag ang mga iskolar dito. Ayon sa
kanila, maaaring nagkaroon ng mga kalamidad na naganap o maaaring nagkaroon'ng pagsakop sa lugar na
pinaniwalaang mga Aryan. Walang matibay na ebidensyang naipakita sa mga paliwanag na ito. Sa paglipas ng
panahon ang kabihasnang ito ay unti-unti ng nawaglit sa alaala at nawala sa kasaysayan.

Kabihasnang Shang

Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil sa tuwing
pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing
agrikultural na malapit dito. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng
mga tao sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig at ang paglalagay ng mga dike. May
mga pamayanan ng umusbong dito bago pa ang Shang. Ito ang kalinangang Yangshao (3000 BCE — 1500 BCE) at
Lungshan (2500 BCE - 2000 BCE). Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito. Bagama’t mas
permanente ang pamayanang Lungshan, nagkaroon din naman ng kontribusyon ang pamayanang Yangshao. Isa sa
pangunahing gawain ng Yangshao ay paggawa ng mga tapayan na mas nahigitan at napaunlad naman ng
Lungshan sa pamamagitan ng pagtuklas ng potter's wheel. Masasabing ang Lungshan Calligraphy Shang. May mga
2

nasulat din na may nauna pa sa pamayanang Shang tulad ng dinastiyang Xia subalit walang sapat na dokumentong
Page

nagpapatunay dito. Samantalang sa Shang ay may mga labing nahukay ang mga arkeolohiya na nagpatunay sa
kabihasnang ito hoong dekada 1920. Isa na rito ang mga oracle bones o butong orakulo na ginagamit sa
panghuhula. Paniniwala nila na nakakausap nila ang mga diyos ng kalikasan at mga ninuno gamit pa ang mga
butong orkulo.

Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pag-aayos ng kanilang lungsod na
napapalibutan ng mga matataas na pader na naging paghahanda sa mga madalas na digmaan Orade 'Bones sa
kanilang lupain. May malinaw na pag hahati ng lipunan sa lupain na ito, ang mga aristokrasya at ang mga mababang
uri na sistema ng pagsulat na tinawag na calligraphy na nagsisilbing tagapag isa ng Tsino. Bagama't may iba’t ibang
wika nasentro lamang sa isang sistema ng pagsulat ang mga Tsino at ang mga simbolo ng butong orakulo ang
ginamit na karakter na unang simbolo ng pagsusulat nila. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang
umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa
daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Paghambing-hambingin ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang gamit ang Double Venn Diagram.

SUMER INDUS

SHANG
3
Page
Gawain 2
Batay sa iyong nabasa mula sa tatlong kabihasnan Sumer, Indus, at Shang ay sagutan mo ang talahanayan tungkol sa
naging pagbabago at pag-unlad ng pamumuhay ng mga kabihasnang umunlad sa Asya at magbigay ng kahalagahan
ng kanilang kontribusyon.

Lugar na Mga Unang Kabihasnang Uri ng Sistema ng Kahalagahan


Pinagmulan ng Pamayanang Umunlad Pamumuhay Pagsulat na ng kanilang
Kabihasnan Umusbong Nalinang kontribusyon

Mesopotamia

Indus Valley

China

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at ilagay sa nakalaang patlang
bago ang bilang.

___1. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
a. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng Iahat ng nasasakupan.
b. Ang gawain ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro lamang sa tungkuling panrelihiyon.
c. Ang tirahan ng hari ng Sumer at Indus ay sa mga templo, samantalang ang hari ng Shang ay malayo sa mga
tao.
d. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lamang panrelihiyon.

___2. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
a. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
b. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan at may sentralisadong
sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
c. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito
d. Dahil maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito

___3. Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi
ng hamon ng kafikasan sa kanilang lugar tulad ng baha at malakas na pag-ulan?
a. Nagtatayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag tag-ulan.
b. Nagtatanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
c. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kuweba kapag tag-ulan.
d. Nagtatayo sila ng mga dike at nagtatanim ng malalaking puno at inaayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi
pumasok sa kanilang pamayanan.

____4. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa China bilang bahagi ng kanilang kultura?
4

a. Sa murang edad pa lamang ng mga batang babae ay tinatanggal na ang kuko, binabali ang mga buto sa daliri,
Page

nilalagyan ng bondage, at ibinabalot sa bakal o metal ang mga paa upang hindi na ito humaba pa.
b. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal ang paa.
c. Sa murang edad ay binalot na ng bakal ang paa at hindi pinalalabas ng bahay.
d. Ang mga batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.

____5. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?


a. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
b. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
c. Mga seda at porcelana
d. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system

_____6. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa
kahalagahan ng mga kontribusyon Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at makita nang lahat ang mga nasabing
kontribusyon?
a. Magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
b. Collage making contest
c. Open house exhibit
d. Quiz contest

____7. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang satti bilang kultura ng India noong sinaunang panahon?
a. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng pagmamahal
b. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng asawang lalaki
c. Naliligo ng gas at sinisindihan ang katawan upang masunog
d. Nagpapakamatay para makasama o makasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay

____8. Bakit pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao sa kabihasnang Indus?


a. Dahil salat sa Punungkahoy at Metal
b. Dahil ito lang ang kanilang alam na paraan ng pamumuhay
c. Dahil sakop na ito ng kanilang kultura
d. Lahat ng nabanggit

____9. Bakit tinawag na cradle of civilization ang Mesopotamia?


a. Sapagkat ito ang pinakamayamang bansa.
b. Sapagkat dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.
c. Dahil sa taglay nitong mayamang kultura ng tao.
d. Dahil ito ang kauna-unahang lugar na gumamit ng metal

____10. Ano ang paniniwala ng kabihasnang Shang sa gamit ng butong orakulo?


a. Pinaniniwalaan nilang nakakausap nila ang mga diyos ng kalikasan at mga ninuno.
b. Pinanainiwalaan nilang ito ang magbibigay ng swerte sa kanilang buhay.
c. Magbibigay ng kamalasan o pangamba sa kanilang dinastiya.
d. Magbibigay ng walang katapusan na pag-unalad ang kanilang bansa.
5
Page

You might also like