Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Introductory Post Caption

Sa panahon ng pangangailangan, mas lumalakas ang tawag ng pagkakaisa at pagtutulungan.

Malamang, hindi kompleto ang kuwentong Isko mo kung hindi mo pa natikman ang mga masasarap at
abot-kayang pagkain sa iba’t ibang tindahan sa kampus. Hindi matatawag na buo ang lipunang UP kung
wala ang mga maninindang nagbibigay serbisyo sa bawat Iskolar ng Bayan. Ang mga kainang naging saksi
ng mga masasayang kuwentuhan at ang mga tindahang naging kanlungan ng pagkakaibigan ay utang
natin sa bawat maninindang naglilingkod sa ating pamantasan. Ang mga ngiting bakas sa kanilang mga
mukha habang inihahain ang paborito nating pagkain ay kahit papaano’y nagbigay kulay sa ating mga
karanasan bilang Iskolar ng Bayan.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang kinakaharap na hirap ng ating bayan lalong lalo na sa gitna ng
pandemya. Hindi lamang buhay ang kinitil ng COVID-19 sa ating lipunan, maging ang hanapbuhay ng
ating kapwa Pilipino ay nanganganib ding mawala. Isa lamang ang grupo ng UP Maninindas sa milyon-
milyong Pilipinong apektado ng pandemya at sa pagkakataong ito, tayo naman ang mag-aalay ng kalinga
para sa kanila.

Sa pakikipagtulungan sa UP ALYANSA at Bida Isko Program, inilulunsad namin ang ALMUSAL: ALay na
MUnti bilang PasaSALamat sa UP Maninindas, isang fundraiser project na naglalayong makalikom ng
mga donasyong ipamamahagi sa mga manininda ng UP Diliman bilang tulong sa kinakaharap na
pagsubok sa kanilang hanapbuhay at pinagkakakitaan. Kilalanin ang UP Maninindas, ang kanilang
kuwento, at ang iba pang detalye ng aming proyekto!

Halina’t magkaisa, makibahagi sa kawanggawa! Dahil kaakibat ng Dangal at Husay ang puso ng Iskong
handang umalalay.

You might also like