Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

STEM 11

PROYEKTO SA
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK
SA KULTURA AT
WIKANG FILPINO.
Ipinasa nina: Jhune Froilan Labitoria
Althea Zhaira Soberano
Jasmin Ramirez
Mardave Abalos

Ipinasa kay: Mrs. Mary Josephine L. Legaspina

TALAAN NG NILALAMAN
1. Ang paksa at ang pahayag ng tesis

2. ang panimula , katawan, at konklusyon.

3. bibliyograpiya
KULTURA SA
PAGKAIN: ANG
DINENGDENG SA
REHIYONG ILOCOS
“ Ang dinengdeng bilang isang pinakamasustansyang
pagkain sa pilipinas”
I. PANIMULA

Pagdating sa mga masusustansyang pagkain, pamumuhay, produkto, nandito ang rehiyon


ng ilocos. Ang rehiyong ilocos ay tinatawag ding rehiyon I kilala ang apat na lalawigan ng
rehiyon I ito ay ang ilocos norte, ilocos sur, la union, at pangasinan. Ang rehiyon I ay
mayaman sa likas katulad ng bigas, palay,isda, bagoong, suka, at mga prutas at gulay. Kaya
mayaman tayo sa mga ito ay likas ang mga tao na magsasaka sa palayan upang may makain.
Minsan ay pinipilit tayong pakainin ng gulay kahit nakasanayan nating kumain ng karne.
Pinipilit tayong pakainin ng isda kahit tinitiis natin na tanggalin ang bawat tirik nito. Dahil
ang layunin ng ina sa kanyang anak ay maging malusog ang ating katawan.

II. MGA SULIRANIN

 Ano ang prosseso pag pagluluto ng dinengdeng?


 Ano-ano nga ba ang karaniwang sangkap ng dinengdeng?
 Ano ang magandang naidudulot nito sa ating katawan?
 Paano natin maiimpluwensiyahan ang mga tao na kumain ng gulay?
 Kailangan ba natin ito araw-araw?

III. MGA NATUKLASAN

Ang dinengdeng o kaya tinatawag din na inabraw ay katulad ng pinakbet, ito ay


nahahalintulad sa lutuing gulay sa bagoong. Ngunit, ang dinengdeng ay sinasangkapan ng
iba’t ibang gulay. At mas masabaw ang dinengdeng kaysa sa pinakbet. ito ay simpleng
lutuin lamang na ang ginagamit na panlasa lamang ay ang bagoong . ang dinengdeng ay
isang masustansiyang pagkain dahil sinasangkapan natin ng iba’t ibang klaseng gulay
katulad ng kamatis, malunggay, iba’t ibang klase ng isda, kalabasa, at iba pang mga gulay na
mahahanap kahit saan. Masustansya ang dinengdeng upang maging malakas ang ating
pangangatawan. Masustansya ang dinengdeng dahil sila ay makapagbibigay sa atin ng
maraming enerhiya. Sa aming natuklasan, ang gulay ay tinatawag na ‘producers” na  sila
ang sumisipsip o kumukuha ng enerhiya galing sa araw at sa lupa. Ito ang nagiging dahilan
kung bakit mas masustansya ang mga gulay kaysa sa mga hayop tulad ng baboy, isda, baka
at manok. Masustansya ang mga gulay dahil sila ay nagbibigay ng maraming bitamina sa
ating katawan.

IV. KONLUSYON

-ang proseso sa pagluluto ng dinengdeng ay madali lamang. Ang mga karaniwang sangkap
sa dinengdeng ay maaring nakukuha sa bakuran o kaya nabibili sa tindahan sa murang
presyo. Ito ang mga karaniwang sangkap sa dinengdeng.

Nariyan ang ilang uri ng mga gulay at magandang naidudulot nito katulad ng:
 Kalabasa
 Talong
 Bulaklak ng kalabasa
 Madadahong gulay
 Kamatis
 Sibuyas
 Okra
 luya

Mga ibang kasangkapan nariyan ang:


 bagoong isda
 prinitong isda (opsyonal)
 karne (opsyonal)

Pagproseso sa dinengdeng:
1. ihanda ang kaldero o kaserola at lagyan ng malinis na tubig at haluan ng sibuyas,
kalabasa,kamatis, at luya at tsaka ilang kutsara ng bagoong isda.
2. Hayaan itong kumulo at ilagay ang ilang kasangkapan at kumukulong sabaw hayaan
itong kumulo hanggang sa maluto ang gulay at ang bagoong isda.
3. Pwede rin lagyan ito ng pritong isda.
4. At pwede nang ihanda ang dinendeng

- Matapos na naming ipahayag ang mga kasangkapan sa dinengdeng, narito din ang mga
magangandang naidudulot nito sa ating katawan:

1.Kalabasa- Mayaman sa sa bitamina at mineral katulad ng A at C. Mayroon din itong


vitamin B1, B2, B3 at B6. 
2.Talong- Mayaman ang talong sa vitamin C at manganese na mahusay na panlaban sa mga
sakit. 
3.Madadahong gulay- mayaman sa sustansiya at micronutrients.
4.Kamatis- nagtataglay ng Lycopene.
5.Sibuyas-  taglay ang antibiotic at anti-viral properties.
6.Okra- Naglalaman ito ng fiber, bitamina C at K, follate, calcium, potassium,B3,B6,
magnesium, manganese, beta-carotiene at lutein. At mayroon din itong antioxidant na pag
aari.
7.Luya- Nakakatulong ito umano sa digestion, nausea, panlaban sa trangkaso, sa sipon at
marami pang iba.

Kaya kailangan natin ang dinengdeng araw-araw upang maging malusog at malinis an
gating pangangatawan. Maramaming magagandang naidudulot nito lalo na sa mga
kasangkapan na inilalagay sa dinengdeng.

Kaya dapat na maimpluwensiyahan ang bawat tao na kumain ng dinengdeng dahil dito tayo
kumukuha ng lakas at enerhiya. At nakakatulong ito sa mga kulang sa nutrisyon. Kaya
alagan natin ang ating sarili upang maiwasan natin ang anumang uri ng sakit.
V.BIBLIYOGRAPIYA

unknown.”PAGKAING PINOY”. startmyfirst.blogspot. September 23, 2015,


http://startmyfirst.blogspot.com/2015/09/inabraw-dinengdeng.html.

Conception, Joebert..”REHIYON I”. slideshare. Aug 15, 2014,


https://www.slideshare.net/jopay09/rehiyon-i-38018073.

Dok alternatibo.”Kalabasa di lang pampalinaw ng mata, ang ibang benepisyo


alamin!”.Health News, Prime FM Balita . Sep 5, 2017, http://dokalternatibo.org/kalabasa-
di-lang-pampalinaw-ng-mata-ang-ibang-benepisyo-alamin/.

“BENEPISYO NG PAGKAIN NG TALONG.” Halamang Gamot. October 11, 2018, http://pang-


kalusugan.blogspot.com/2018/10/benepisyo-ng-pagkain-ng-talong.html.

RAMIREZ, MA. ANNA RITA M. “Madahon at berdeng gulay, ang wonder gulay”. FNRI-DOST.
http://region7.healthresearch.ph/index.php/latest-news/107-madahon-at-berdeng-gulay-
ang-wonder-gulay.
Escat, Jeremie & Saygo, Aris .” AY ALAM MO BA? | Heath benefits ng kamatis!”  IFM Dagupan
Team. Mar. 9, 2018 , https://rmn.ph/ay-alam-mo-ba-heath-benefits-ng-kamatis/.

del Rosario, Andrea Anne.” 31 nakakagulat na mga benepisyo ng mga sibuyas (Pyaz) para sa balat, buhok
at kalusugan“ph.hair-action. Setyembre 2018, https://ph.hair-action.com/kalusugan-at-kabutihan/31-
nakakagulat-na-mga-benepisyo-ng-mga-sibuyas-pyaz-para-sa-balat-buhok-at-kalusugan/.

“Mga Benipisyo Mula sa Okra.” Wondermom. February 9, 2018,


https://wondermomblog.com/mga-benipisyo-mula-sa-okra/.

Manlapaz, irish mae,” 11 benepisyo ng luya sa kalusugan” theasianparent.december 2,2019,


https://ph.theasianparent.com/benepisyo-ng-luya

You might also like