Coralinephr Lakambini NG Wika COMPLETED

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Lakambini ng Wika (COMPLETED)

coralinephr

Matagal nang crush ni Kyla ang president ng Student Council ng kanilang department
na si Chris Fajardo. Kaya naman nang lapitan siya nito upang humingi ng favor na
sumali siya sa pageant na gaganapin para sa Linggo Ng Wika, hindi na siya
nakatanggi.

Pero paano kung iyon pala ang daan upang mabago ang takbo ng buhay niya sa kanyang
pamilya... at buhay-pag-ibig?

Prologue

KANINA pa pasimpleng kamot nang kamot si Kyla sa tagiliran niya. Parang may
tumutusok doon at kanina pa siya nangangati. Walanghiya, ang kati ng suot niyang
Filipiana. Pero kailangan niyang tiisin iyon para manalo siya. Iyon nga yata ang
tinatawag ng karamihan na ��tiis-ganda.��
Kasalukuyan siyang nakatayo sa stage. Kasama ang ilan pang natitirang contestants
na sumali sa pageant na iyon para sa Linggo Ng Wika. Q&A portion na. Kaunti na
lang sila. Wala na rin ang partner niyang Lakan. Natanggal ito dahil wala itong
talent. Kaya kailangan niyang galingan ngayon.
Pilit na pilit ang mga ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi. Ngiting sapilitang
pinaabot niya sa kanyang mga mata, Tupperware na Tupperware na ang pakiramdama
niya. Mabuti na lang at marunong siyang umarte. Pangarap niya noong maging artista,
hindi niya alam kung bakit. Pero nagbago na ang isip niya. At hindi niya pinangarap
ang sumali sa mga ganitong patimpalak. Napilitan lang siya.
Biglang namang kumati ang kanyang leeg. Pesteng hair extention! Saan ba nila nakuha
��to?
"At ngayon naman, tawagin na natin ang susunod na kalahok, si Kyla Gonzales mula sa
College of Maritime Education." Tawag ng babaeng host.
Mahirap tagalugin, ano, 'Te?
Narinig niya ang sunud-sunod na hiyawan ng mga manonood at napairap siya nang
lihim. Alam niyang galing ang karamahan niyon sa mga ka-course niya. At panay
lalaki ang mga iyon. Pumunta siya sa gitna sa pinakamahinhin niyang galaw.
Siguradong kantiyaw ang aabutin niya sa mga kaklase mamaya. Huwag na huwag siyang
aabusuhin ng mga ito dahil kung mapikon siya, baka ipasuot niya talaga ang makating
Filipiniana sa mga ito.
Bumunot siya ng tanong mula sa fish bowl. Mukhang fish bowl, eh.
"Para sa iyong katanungan, Binibining Kyla Gonzales, ano para sa iyo ang ibig
ipahiwatig ng tema ng pagdiriwang ng Buwan Ng Wika ngayong taon na ��Filipino: Wika
ng Karunungan?����
Syet naman!
Ngumiti siya nang mas matamis. Iyong tipong kayang pagtakpan ang mali niyang sagot.
Pero wala nang urungan ito. Kaya sinabi niya kung ano ang unang pumasok sa isip
niyang sagot sa tanong na iyon.
"Magandang gabi sa inyong lahat at maraming salamat sa inyong katanungan," Madapa
sana kung sino ang nag-isip ng tanong na 'yon. Lihim niyang idinagdag. "Para sa
maraming tao, ang pagiging mahusay sa wikang Ingles ang isa sa batayan upang
matawag na intelihente. Sa kabilang banda, ang mga mahilig gumamit sa wikang
Filipino ay kadalasang kinukutya naman bilang mga 'makata.'
��Masasabing ang paggamit sa temang 'Filipino: Wika Ng Karunungan' ay isang
direktang tugon sa maling persepsyon na ito. Oo, bagaman nakatutulong ang paggamit
ng salitang Ingles sa konteksto ng globalisasyon, dapat ring bigyang prayoridad ang
pangangailangan na maipaalam ang kahalagahan ng wikang Filipino sa larangan ng
Edukasyon mula sa matataas hanggang sa mga ordinaryong Pilipino."
Chapter 1

HINDI niya pinansin ang nakaabang na high-five mula sa kaklase niya nang lumabas
siya mula sa dressing room ng Saint Vincent University. Sa wakas ay komportable na
siya sa suot niyang t-shirt at pantalon. Natanggal na rin ang nakakarinding
extention sa kanyang buhok at bumalik na sa original na pixie cut. Akala niya ay
mamamatay na siya sa Filipianang iyon. At kung mamamatay man siya, gusto niya ay
kagaya lang ng suot niya ngayon. Ayaw niyang umakyat ng langit na naka-Filipiana.
Para siyang nakipaglaban sa digmaan.
Siya ang itinanghal na Lakambini Ng Wika para sa taong iyon. Akalain niya? Masaya
siya para sa sarili, siyempre. Pero hindi niya iyon ipinapakita sa ibang tao. Hindi
kasi siya showy.
��What the fuck, dude? Kanina pa kami nagmumura sa puwesto namin habang nanonood
sa��yo. Akala talaga namin sinasaniban ka sa stage. Hindi ka namin nakilala. Iba
ka!�� sabi sa kanya ni Brett matapos niyang dedmahin ang kamay nito. Ang isa sa mga
pinakamadaldal niyang kaibigan.
Napairap siya at ibinato rito ang bag kung saan nakalagay lahat ng gamit niya pati
na rin ang napanalunang trophy. At sinalo naman nito iyon. ��Huwag na huwag mo
akong kakausapin nang ganyan. Wala pa akong kain. Walanghiya, nagkasugat yata ako.
Ang kati-kati ng pinasuot ng baklang iyon sa��kin. May lihim na galit yata.�� Aniya
na ang tinutukoy ay ang baklang make-up artist. Hindi na niya nakita ang make-up
artist niya pagkatapos ng pageant. Malamang ay binabayaran na ito ng president ng
Student Council ng kanilang department.
Siya ang napagdiskitahang isali nito sa pageant. Siya lang daw kasi ang may matino-
tinong itsura kaysa sa mga ibang babaeng ka-course nila. Nanglait pa ang gago. Wala
pang singkuwenta ang babaeng estudyante sa buong department nila. Katunayan ay
dalawa lang silang babae sa klase nila. Kaya naman puro lalaki ang mga kaibigan
niya. Hindi siya sanay noong una dahil puro babae ang mga kaibigan niya noong high
school. Pero nasanay na rin siya nang araw-araw na niyang nakakasalamuha ang mga
kumag.
She took Marine Transportation because that was her dream since she was a kid.
Tatlo silang magkakapatid at siya ang bunso. Ang ate at kuya niya ay naiinis sa
tuwing umaalis ang tatay nila upang sumakay sa barko, seaman ang Tatay Simon niya.
Pero siya, natutuwa para sa ama. Gusto niya pa ngang sumama rito kapag umaalis ito
noon. Pero ang tanging sinasabi sa kanya ng tatay niya, makakasama rin siya rito
balang-araw sa barko.
At malapit na ang araw na iyon. Dahil third year na siya sa kursong kinukuha.
Pagkatapos nito ay isang taon ang gagawin nilang training sa barko. At doon siya
mas excited.
She loves the sea so much. Boring para sa kanya kapag sumasakay siya ng barko at
wala siyang nararamdamang alon. She loves how the waves made her body dance. Maybe
she was born for it. Dahil kailanman ay hindi siya naging mahihiluhin at pakiramdam
niya ay para siyang may superpower.
��Congratulations, Kyla!�� bati sa kanya ni Edwin, partner niya dapat kanina at
kaibigan din nila, nang bigla itong lumapit sa kanila.
Sa halip na sumagot ay binatukan niya ito. ��Ulol! Muntik mo na akong idamay
kanina. Ilang beses na tayong nag-practice pero hindi mo pa rin ma-gets ang steps.
Leche ka!�� sumayaw sila ng Tinikling. Pero parang iba ang isinayaw nito dahil
hindi nito iyon nagawa ng tama. Akala niya ay madadamay na siya. Mabuti na lang at
individual ang pag-score ng performance.
��Eh, sinabi na ngang hindi ako sumasayaw ng folk dance, pinilit niyo pa rin.��
Reklamo nito habang sapo ang tinamaan nitong batok. Nakalimutan niya. Hiphop nga
pala ang sinasayaw ng kaibigan.
��Huwag ako ang sisihin mo kundi si Mr. President.�� Sagot niya.
��Mabuti na lang talaga at nanalo ka. At least pareho tayong excempted sa project
dahil may nanalo sa��tin.��
��Siyempre, magaling itong kaibigan natin ito.�� Inakbayan siya ni Brett. ��Maganda
pa. Pahiram nga ng hair extension.��
Siniko niya ito sa tagiliran. ��Gunggong! Tara na! Samahan niyo akong kumain!
Kumakalam na ang sikmura ko.�� Hindi niya iyon napansin dahil abala siya sa
pagkamot sa kumakating katawan. ��Bukas pa ba ang canteen?�� Hapon nagsimula ang
pageant at pasado alas otso na natapos.
��Sarado na. Sa labas na lang tayo kumain.�� Sagot ni Edwin.
��Tara!��
��Kyla!��
Napalingon siya sa tumawag. Chris Fajardo, or Mr. President, ang president ng
Student Council sa kanilang department. Hindi niya alam kung bakit guwapung-guwapo
siya kapag nakasuot ito ng uniform. So, technically, araw-araw niyang nagugwapuhan
sa binata dahil naka-uniform ito palagi. Hindi niya ito kaklase. Pero gumagawa siya
ng paraan para makita niya ito palagi. He looked so strong and smart and clean,
definitely clean. Dapat yata ito ang isinali nila sa pageant at hindi si Edwin.
"Hi!��
Napaangat ang mukha ni Kyla mula sa binabasang Fifty Shades of Grey. Hindi pa siya
tapos sa paggawa ng reflection paper para sa History pero mas inuna niyang tapusin
ang binabasang libro. Gagawa na lang siya ng palusot kapag hindi niya natapos iyon.
Na mukha namang hindi mangyayari kasi siguradong magagawa niya iyon sa oras sa
sobrang late dumating ng professor nila. Mag-isa lang siya sa kuwarto dahil wala pa
ang mga kaibigan at kaklase niya.
Huli na para itago ang binabasa. Nakita na iyon ng dumating. Kakaiba pa naman ang
plot ng kuwento. Masyadong SPG. Pero maganda kaya hindi niya magawang isara ang
libro.
Tumikhim siya. Para kasing may bumara sa lalamunan niya nang makita kung sino ang
dumating. First year pa lang ay kilala na niya ito. Nakasabay niya kasi ito noong
mag-enroll sila ng tatay niya. Payat pa ito noon pero hindi na matatawaran ang
kaguwapuhan. Guwapo na medyo cute dahil chinito ito.
Sayang nga at hindi man lang sila nagkapareho ng section kahit sa isang subject man
lang. Pero mabuti na rin iyon. Dahil baka mawala siya sa pokus kapag kasama niya
ito sa iisang klase. Baka hindi siya makapag-recite dahil mahihiya siya kung
sakaling mali ang kanyang sagot.
��Ikaw si Kyla, hindi ba? Gusto ko lang mapatunayan. There were rumors. I��m
Chris.��
��I know�D�� Shit! Napapikit siya nang mariin. ��Um, hi.�� Mahinang wika niya
habang hinihiling na sana ay hindi nito narinig ang una niyang sinabi rito.
Umupo ito sa tabi niya. Biglang uminit ang kuwarto. Lakasan niya kaya ang aircon.
��Ano��ng subject niyo ngayon?��
��History.�� Tipid na sagot niya. Nahihiya siya rito. Crush niya kasi ito kahit
mukhang suplado.
They were alone in the room, and for one wild moment, she thought he might be
preparing to ask her something�� personal. But she dismissed the idea almost before
it took shape in her mind. Alam niyang hindi siya nito magugustuhan. Bihira lang sa
Marine ang nagkakasyota ng Marine. Madalas ang mga jowa ng mga kaibigan niya ay
taga-Business.
Isa pa, mukha siyang lalaki. Ang kilos niya ay panlalaki rin. Malamang, iniisip
nitong tomboy siya.
��Bakit ka nandito?�� pormal na tanong niya. Ayaw niyang ipahalata ang kabang
nararamdaman mula rito.
��Um, may hihilingin sana akong favor? Puwede ba?��
Kung gusto siya nitong maging girlfriend, walang problema. ��Ano ba ��yon?��
��Alam mo ba kung ano ang activity sa susunod na linggo?�� tanong nito.
��Linggo Ng Wika?�� august ngayon at ang august ay Buwan Ng Wika. Tanda niya pang
nanalo ang ginawa niyang slogan sa contest noong high school.
Hindi ngumiti ang binata subalit halata naman ang tuwa sa mga mata nito. ��Right.
At gusto sana kitang isali para sa search for Ms. Lakambini Ng Wika.��
��Ha?�� nanlaki ang mga mata niya. ��Bakit ako?��
��Because you��re the most qualified candidate for me. Mukha ka talagang dalagang
Filipina. Tignan mo naman ang ibang babae sa department natin. Mas lalaki pang
tingnan sa mga lalaki nating kasama. Hindi kagaya mo. Puwedeng-puwedeng isali sa
mga ganitong contest.��
��Hard mo, ha.�� Natatawang saad niya.
��I��m just stating a fact. Besides, wala naman sigurong masama kung susubukan
natin, hindi ba? Pressured kasi kami sa adviser namin dahil kung sakali raw na
hindi manalo ang department natin, wala na raw tayong activity para sa CME Day. May
nakuha na kaming Lakan para maging partner mo. Actually, kaklase mo siya. Si Edwin.
Kaya ikaw na lang ang kailangan namin para makumpleto na.�� Halos maglapit ang mga
mukha nila sa sobrang pagkakatitig ng binata. Ang bango nito, bad trip!
Nagdadalawang-isip siya. Ayaw niya dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito.
Gusto niya dahil sa wakas ay napansin na siya ng crush niya na matagal na niyang
ini-stalk. Kaya wala siyang maisagot. Hindi niya alam kung ano ang magiging
desisyon.
��Please, Kyla. I really need you. Sa iyo nakasasalay ang CME day next semester.
Kami ang bahala sa lahat. Sa costume, make-up, everything. Just say yes.��
��Paano kung hindi ako manalo?��
��Trust me, mananalo ka.�� Bigla siyang nailang sa paraan ng tingin nito. Na parang
kakainin siya nito agad-agad nang buhay.
Tumikhim siya kahit wala naming nakabara sa lalamunan niya. ��Pag-iisipan ko pa.��
��Okay.�� Tumango ito at makikita ang nabuhayan nitong loob sa mga mata. Bago ito
kumuha ng papel at may sinulat doon. ��IIwan ko na lang sa��yo itong number ko.
Contact-in mo na lang ako kapag nagbago na ang isip mo. Promise, Kyla. I will do
whatever it takes para makabawi ako sa��yo. Hinding-hindi mo pagsisisihan ��to.��
Ibinigay nito ang papel sa kanya saka nagpaalam.
Tuluyan na niyang nakalimutan ang binabasang libro. Dahil sa isang iglap ang na-
memorize na niya ang number ni Chris.
Kaya hindi rin siya nakatanggi nang siya ang pakiusapan nito na sumali sa contest
na iyon. Sino ba naman ang may kakayahang magsabi ng hindi kung tititigan na ng mga
magagandang mata ng binata? Wala. Lalo na siya.
Iniwan niya ang mga kaibigan para salubungin ito.
Lumapit ito sa kanya at naamoy niya ang suwabeng pabango nito. Para tuloy gusto
niyang yakapin ang binata at doon na tumira. Pero pinigilan niya ang sarili.
��Congratulations!�� kung may pinakakuripot na tao sa buong mundo, iyon ay si
Chris. Dahil kahit kaunting ngiti, hindi nito maibigay. But she was sure his eyes
were smiling at her. Okay na iyon. ��Salamat at pumayag kang sumali sa pageant.
Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko sa mga professors mo na bigyan ka ng extra
grades. Para naman hindi masayang ang pagod mo.��
Ngumiti siya nang matamis. And this time, hindi na iyon pilit. Kusa nang nakangiti
ang mga labi niyang malandi. ��You��re welcome. At okay lang naman kahit hindi mo
na kausapin ang mga professors ko. Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Gusto ko
lang talagang makatulong.�� Pero kung ipipilit mo, iyong puso mo na lang ang puwede
mong ibayad. Sulit na sulit na ako.
His eyes smiled more. Alam niya iyon. Bakit ba? ��No, really. Kailangang bigyan ng
credit ang ginawa mo. Ngayon lang nanalo ang department natin sa Buwan Ng Wika.
Natalo pa natin ang ibang department na mas related ang course sa activity na ��to.
Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa��yo. You��re talented and you��re
intelligent. So, thank you. Thank you so much!��
Nahihiya siyang yumuko. ��Salamat din.��
��Dude, tara na!�� sigaw ni Brett.
Mababalian kita ng buto, gunggong ka!
Napatingin naman dito si Chris. ��Sige, mukhang may lakad pa kayo. Sorry sa abala.
Gusto lang talaga kitang i-congratulate at pasalamatan. Ang galing-galing mo
kanina. You're a natural."
��Thank you ulit.�� Ngiting-ngiting sagot niya. Kung ganitong kilig ang
mararamdaman niya sa tuwing pasusuotin siya ng Filipiana, araw-araw siyang
magsusuot niyon kahit lagyan pa ng isang dosenang surot sa loob.
Nang makabalik sa mga kaibigan ay hindi niya ipinahalatang kinikiliti ang puso
niya. Pati na rin ang tagiliran niyang kanina ay nangangati. Kaya tuloy ay
kailangan niya pang kagatin ang labi para itago ang matamis niyang ngiti.
��By the way, Kyla!��
Kaagad siyang lumingon nang marinig ulit ang boses ni Chris. ��Yes, Chris?��
At para may mga anghel na kumakanta ng ��Hallelujah�� sa tabi niya nang makita ang
ngiti sa mga labi ng binata. Alam niyang hindi siya nananaginip. Alam niyang totoo
iyon. Ngumiti sa kanya si Chris! Hindi na ito Buwan Ng Wika kundi Buwan Ni Kyla
��You��re beautiful.�� Nakangiting anito bago tumalikod at umalis.
O. M. G. Maganda raw siya! Anak ng hair extention naman, oo!
��Ano, ��tol? Akala ko ba gutom ka na? Kami na ang nagugutom sa sobrang tagal
nating umalis.��
Tumikhim siya para itago ang nararamdaman. ��Tara na.��

Chapter 2

��AY! ��TANGINA!�� biglang sumigaw si Brett habang kumakain sila sa food court ng
isang mall malapit sa eskwelahan nila. Tumalsik pa sa mesa ang kapirasong pasta
mula sa bibig nito.
��Hoy, gago! Huwag kang mag-iskandalo dito.�� Sagot naman ni Danny, isa sa mga
kaibigan nila. Lima lahat ang barkada niya sa section nila. Si Brett, Edwin, Danny
at ang kambal na si Jon at Jed na parehong absent nang araw na iyon.
��May na-realize ako ngayon lang, mga parekoy!�� ibinaba ni Brett ang chopsticks
nito. ��Hindi ba nanalo ka ngayon?�� itinuro siya nito.
��O?�� nagpatuloy siya sa pagkain ng fried siomai.
��Eh di kasali ka na sa Romantic Chics.��
Romantic Chics ang tawag sa listahan ng mga title holder ng iba��t ibang pageants
na ginaganap sa SVU. Marami nang nakilalang Beauty Queens na galing sa kanilang
eskuwelahan. At hindi niya pinangarap ang mapasali sa mga ito. Pero nang mag-
realize ang sinabi ng kaibigan, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting saya.
She was proud of herself. Siguradong matutuwa rin ang tatay niya kapag sinabi niya
ang tungkol dito.
��Hanep! Lumelevel-up itong kaibigan natin. ��Tol, huwag mo kaming kalilimutan kung
Miss Universe ka na, ha?�� turan ni Danny.
��Ako rin, ha?�� si Edwin iyon.
��Mga ulol! Wala akong balak sumali sa Miss Universe. Huwag kayong abnoy. Nanalo
lang ako rito, kung anu-ano na ��yang naiisip niyo. Hindi ba nga, sabay-sabay
tayong aakyat ng barko?�� bigla siyang ginanahan sa pagkain ng siomai.
Inakbayan siya ni Brett. ��Wala ka bang balak lumihis ng career, p��re? Puwede ka
naman talagang maging beauty queen, eh. Para naman mahanapan mo kami ng chickababes
doon. Hindi ba, mga ��tol?�� humingi pa ito ng kakampi.
��Oo nga, dude!��
��Kung gusto niyo, kayo na lang.�� Sagot niya. ��Hihiramin ko ��yong hair extention
ni Bakla para sa inyo.�� Aniya sabay banggit sa make-up artist.
��Bad trip naman ito. Paano na ang pangarap kong magka-misis ng beauty queen?��
��Siguro ang mas magandang unahin mo, eh, iyong ipapakain mo sa magiging misis mong
beauty queen. Magastos iyon kasi dapat organic lahat. Kaya mag-aral ka muna,
gunggong.��
Sumimangot na lang ang kaibigan. ��Sungit. Gusto ko lang namang magka-chicks, eh.��
Natawa siya. ��Drama mo.�� Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang napatingin
sa isang mesa kung saan nakaupo ang isang lalaki. Sa tingin niya ay kaedad lang
nila ito. At ayon sa lanyard ng binata, Civil Engineering ito at sa SVU rin ito
nag-aaral.
He was staring at her intently behind his eyeglasses. Wala itong pagkain o inumin
sa mesa nito. He was just sitting there. Like a creep. At bigla siyang nailang
dito. Pilit niyang ibinalik ang atensiyon sa kinakain.
��Buksan mo nga ��yong Facebook mo. Baka marami nang nag-add sa��yo.�� Wika ni
Danny. ��Sa��yo rin Edwin. Baka bigla mong ipagpalit si KitKat.�� Iyon ang pangalan
ng girlfriend ng kaibigan.
��Loyal ako, pare. Huwag mo akong itulad sa��yo. Alam ko, pinagsasabay mo ��yong
Industrial Engineering at Psychology students. Iba ka talaga.��
Napailing na lang siya. ��Kaya bumababa ang reputasyon niyo, eh. Mga seaman-
loloko.�� Sana lang iba si Chris.
��Ako talaga, hinding-hindi ako manloloko.�� Tila nagrerecite na sabad ni Brett.
��Wala ka naman talaga kasing maloloko.�� Sabi niya at nagtawanan silang lahat.
Ito ang gusto niya kapag puro lalaki ang kaibigan niya. Walang drama kaya wala ring
hassle. Sanay na rin naman siya sa kalokohan ng mga ito. Sa loob ba naman ng
tatlong taon, ang mga ito ang palagi niyang kasama. Halos isuka na nga nila ang
pagmumukha ng isa��t isa.
Hindi rin naman siya nahirapang pakisamahan ang mga ito. Siguro sa una, medyo
naiilang siya. Lalo pa at panglalaki ang kurso nila. Pero hindi iyon naging dahilan
para umatras siya. Tanda niya pa ang sinagot niya dati nang tanungin siya ng
kanilang professor kung bakit Marine Transportation ang kinuha niya.
��What men can do; women can also do. Female cadets are determined to engage
themselves in the maritime profession just like any other male cadets. Motivation
and attitude counts since maritime is a male-dominated profession.��
Mataas ang grade na nakuha niya noon sa professor niyang iyon nang matapos ang
semester. At simula noon, itinatak na niya sa sariling hinding-hindi magiging
dahilan ang pagiging babae niya para maabot niya ang kanyang pangarap.
��Ay, hayup! Ang daming nag-add sa��kin. Yari ako kay KitKat nito. Alam niya pa
naman ang password ko.�� Bulalas ni Edwin nang makita ang trentang bagong friend
request sa notification nito. ��At na-upload na rin pala ��yong mga pictures
kanina.�� Iniharap nito sa kanya ang screen ng cellphone nito. ��Ang guwapo ko
rito.��
��Talaga ba?�� pang-aasar ni Brent.
��Oo naman! Tignan mo, hindi ako iniiwan ni KitKat kasi alam niyang hindi na siya
makakahanap ng katulad ko kapag pinakawalan niya ako.��
��May nag-add ba sa��yong chickababes? Ibigay mo na lang sa��kin.�� Tugon ng
kaibigan.
Sumabad naman si Danny. ��Ako rin! Niloloko lang ako no��ng dalawa kong ka-fling,
eh.��
Isa-isa niyang binatukan ang mga ito. ��Mga unggoy! Naku, kung nandito pa ��yong
kambal, siguro nakisali na rin ang dalawang iyon.�� Mas madaldal pa ang mga iyon
kay Brett. Lalo na kapag pinagsama ang dalawa. Parang palaging may rally kapag
kumpleto sila. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit siya masaya sa pinili niyang
course.
��Naku, buti na lang wala rito ��yong dalawang manyak. Baka kinuha na ang cellphone
ko at kung anu-ano na ang ginagawa.�� Natatawang sabi ni Edwin.
��Ewan ko sa inyo.�� Tumayo siya. ��CR lang ako.��
Wala nang sumagot sa kanya. Abala na ang mga ito sa pagtingin kung sinu-sino ang
mga nag-add sa kaibigan nila. Napapangisi na lang siya habang naglalakad papunta sa
pinakamalapit na CR sa food court na iyon.
May nahagip ang kanyang mga mata at kaagad siyang lumingon sa likod. Nakita na
naman niya ang lalaking kanina ay nakatitig sa kanya. Nagulat pa siya nang makitang
mas matangkad ito tignan kaysa kanina nang nakaupo ito. Sa tangkad niyang 5��5�� ay
baka hanggang leeg lang siya nito. Nagkukunwari itong may kinakausap sa cellphone.
Bigla siyang nagduda sa ikinikilos nito.
She continued walking. Pero mas nakikiramdam na siya. Mukhang iba kasi ang dating
sa kanyang lalaki.
Lumingon siya sa likuran. At hindi nga siya nagkakamali. Sinusundan siya ito. At
tila nagulat pa ito sa kanya kaya hindi na ito nakaporma.
Itinaas niya ang isang kilay. ��Sinusundan mo ba ako?�� tanong niya.
��Yes.�� Deretsong sagot nito.
Did he just admit he was stalking her? Ibang klase rin ang lalaking ito, ha.
��Bakit mo ako sinusundan? Ano��ng kailangan mo?��
Sinubukan nitong lumapit ngunit umatras siya.��Maggie! It��s James. Hindi mo ba ako
natatandaan? Ako ��yong kababata mo sa Canada.��
Napakunot ang kanyang noo. "Sinong Maggie? Hindi ako si Maggie. Kaya kung puwede,
lubayan mo ako." Tumalikod na siya upang mag-CR. Sinadya niyang magtagal doon nang
kaunti para hindi na niya maabutan sa labas ang lalaking nagpakilalang James.
Kaya nagulat siya nang makita itong naghihintay paglabas niya.
"Maggie."
Sa inis ay napabuga siya nang marahas. "Hindi ako nga si Maggie! I'm not from
Canada and I don't know you."
Umiling-iling ito. Tila hindi pa rin naniniwala. Maybe he convinced himself that he
was wrong. Because later he gave up. Bumuntong-hininga ito. "Yeah. Tama ka nga
siguro. I'm sorry, Miss."
Nagkibit-balikat lang siya bago ito iniwan para bumalik sa mga kaibigan. Nakatutok
pa rin ang mga ito sa cellphone ni Edwin.
"Uwi na ako, guys. Pagod na ako." Kinuha niya ang bag. "Kayo ba?"
"Mamaya na," sagot ni Brett.
"Hihintayin ko pa si KitKat."
"Sige, una na ako." Tig-iisang apir ang binigay niya sa mga ito bago nagmamadaling
umalis. Baka mamaya ay sundan na naman siya ng lalaki kanina.
Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa. Alam niyang text message na
iyon galing sa Auntie Carol niya. Hindi na niya kailangan pang tignan iyon.
Palapit pa lang siya sa exit ng mall nang biglang may sumabay sa kanya palabas.
Kaagad siyang napalingon sa katabi.
��God! Seriously?�� dismayadong bulalas niya nang makita ulit ang lalaki.
��Look, I��m not here to creep you out.�� He said defensively.
��You are freaking me out! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Tatawag talaga ako
ng guard kung hindi mo ako titigilan.�� Banta niya rito.
Bago pa siya makahingi ng tulong ay marahang hinila na siya nito sa isang tabi.
Pasalamat ito at mukhang matino ito. Kung hindi ay nagwala na siya doon.
��Kailangan lang kitang makausap. Kasi hindi talaga ako mapakali. I��ve been
waiting for this to happen. Akala ko ay hindi na mangyayari ito. Maybe I��m wrong.
Siguro nga hindi ikaw si Maggie. But I can feel something that you could bring me
to her.��
Nasabunutan niya ang sarili. Gulung-gulo na siya sa mga sinasabi nito. ��Please
lang, ha. Pakilanawan mo naman lahat ng sinasabi mo. Kasi hindi talaga ako maka-
relate. Seryoso, kung alam ko ��yang mga dinadaldal mo, kanina ko pa sinabi sa��yo.
Pero wala akong kilalang Maggie, hindi ako si Maggie, hindi ako galing sa Canada at
wala akong kilalang taga-Canada. Ito ang unang beses na napagkamalan akong ibang
tao. Kaya kung puwede lang, patahimikin mo na ako. Dahil nagkakamali ka lang. Gusto
ko nang umuwi, pagod na pagod na ako. At hinahanap na ako sa amin. Okay?�� mahabang
litanya niya.
Bumuntong-hininga ito. ��I��m sorry. I wish I could explain everything. Pero hindi
ko kayang ipaliwanag sa ngayon dahil wala pa akong patunay na ikaw nga si Maggie.��
��Hindi nga ako si Maggie. Kyla ang pangalan ko, okay?�� bumuntong-hininga na rin
siya. ��Taga-SVU ka?��
Tumango ito.
��Sige, para matapos na ito at matahimik na tayong pareho, magkita tayo bukas sa
school. Sa canteen. Free ako ng alas dos. Ngayon kung ayaw mong pumunta, ikaw ang
bahala. Iyon lang ang free time k?��
��Pupunta ako,�� mabilis na sagot nito. Malapit na siyang mailang sa paraan ng
pagkakatitig nito. Dahil kahit wala masyadong ilaw sa kinatatayuan nila ay halata
ang magagandang korte ng mata ng binata. At tinalo pa nito ang pilik-mata niya sa
haba. Kung hindi lang siya nito ginugulo, baka kanina niya pa pinuri ang anyo nito.
Because clearly, he looked so much like a Hollywood star. Perpekto ang hugis ng
ilong, bumagay rito ang makapal na kilay, his jawline was remarkable dahil
bumabalanse iyon sa kaunting patilya sa may tainga nito. At higit sa lahat, ang mga
labi nitong puwedeng pang-free taste.
No, he wasn��t that creepy after all.
Tumikhim siya. Nagiging manyakis na naman siya kagaya ng mga kaibigan. ��Okay.
Magkita tayo bukas. At sana��y malinawan na tayo pareho. Kailangan ko na talagang
umalis ngayon.��
��Okay. Sorry ulit. But thank you. I��ll see you tomorrow.�� At ngumiti ito sa
kanya bago iniabot ang kamay. ��I��m James.��
Tila nag-slow motion pa ang pagkurba ng mga labi nito. At nang tuluyang lumabas ang
dalawang malalim na dimples sa pisngi nito at isa sa ilalim ng labi nito, nanlambot
ang mga tuhod niya. Muntik na niyang nakalimutan ang pangalan niya. Baka nga siya
si Maggie.
Lokaret ka, Kyla!
Tinanggap niya ang kamay nito. At gawa yata sa marshmallow ang mga iyon. ��Kyla.��
Tumikhim siya ulit. At doon niya na naman naramdaman ang pagkailang. ��Sige. Una na
ako. Mag-ingat ka.��
Ano ba, Kyla? Mag-ingat ka? Close kayo?
��You, too.��
Natuwa naman siya sa naging sagot nito. Habang naghihintay siya ng taxi ay hindi
niya maiwasang mapaisip sa mga nangyari. Bakit siya nito napagkakamalang ibang tao?
Totoo ang mga sinabi niya rito kanina. Wala siyang kilalang Maggie. At hindi siya
galing sa Canada. Ni hindi pa nga siya nakasakay ng eroplano. Ano ba ang meron sa
Maggie na tinutukoy nito at inakala nitong siya iyon?
Umiling siya. Nagkakamali lang ito. Sigurado siya doon.
��MANO po, Auntie.�� Bati niya at nagmano siya sa tita niya nang maabutan itong
nanonood ng paborito nitong teleserye.
��Kawaan ka ng Diyos. O? Kumain ka na ba?��
��Opo.�� Umupo siya sa upuan malapit dito. Fifteen minutes lang ang biyahe niya
mula sa mall.
��Kumusta naman ang pageant?��
Ngumiti siya rito habang hinuhubad ang sapatos.
��Panalo, ano?�� nakangiti na ring tanong nito. ��Aba, siguradong matutuwa ang
tatay mo kapag nalaman niya iyan. Nasaan na ang trophy mo at nang mai-display
natin.��
Kinuha niya ang trophy sa kanyang bag at ibinigay iyon sa kanyang tita.
��Ganda nito, ah. Kasing ganda nitong pamangkin ko.�� Anito at tumayo para ilagay
ang trophy sa kanilang memorabilia.
Natawa naman siya. ��Sus, nambola pa si Auntie. Nasa��n sina po si Jason?�� ang
limang taong gulang na pinsan niya ang tinutukoy niya na nag-iisang anak ni Auntie
Carol.
Bumalik ito ulit sa puwesto. ��Tulog na. Ikaw din, magpahinga ka na. Hindi ba at
7:30 ang klase mo bukas?��
Ngumiti siya. ��Opo. Sige, Auntie. Good night. Kayo rin. Huwag kayong magpakababad
diyan sa pinapanood niyo.�� Iniabot niya rito ang isang throw pillow malapit sa
kanya. ��Balita ko mamamatay daw si Dingdong diyan.�� Dingdong ang pangalan ng bida
sa pinapanood nitong teleserye. At nagbibiro lang siya, hindi naman talaga kasi
niya alam kung ano ang kuwento niyon.
Kaagad na nag-react ang tita niya. ��Sobra ka naman! Totoo?��
��Hi-hi,�� bungisngis niya. ��Joke lang.��
��Doon ka na nga. Ginugulo mo ako, eh.�� Natatawa na ring taboy sa kanya nito.
��Good night, Auntie!��
��Good night!��
Akmang aakyat na siya sa hagdan nang may maalala. James. Maggie. Gusto niyang
itanong sa Auntie niya kung may kamag-anak sila sa Canada na hindi niya kilala.
Pero tutok na tutok na sa TV ang tita niya kaya nahihiya na siyang tanungin ito.
Baka nga naman wala silang kakilala doon. Dahil kung meron man ay malamang na
sinabi na iyon sa kanila. Kahit ang ate at kuya niya ay walang nababanggit sa
kanya.
Kung anuman ang sasabihin sa kanya ni James bukas, siguro ay puro akala lang. Kaya
umakyat na lang siya sa kanyang kuwarto.
Simula nang mag-asawa ang panganay nilang si Ate Pamela, siya na lang ang naiwan sa
kuwarto nilang dalawa. Ang Kuya Otoy niya ay nagtatrabaho na sa Abu Dhabi at balak
na ring lumagay sa tahimik. Isang taon lang ang agwat ng edad ng mga ito.
Samantalang walong taon ang pagitan nila ng kuya niya. Pero hindi iyon naging rason
upang magkalayuan sila ng loob ng mga kapatid. Sa katunayan ay parang magbabarkada
lang silang tatlo. At mas magkasundo pa sila ng kuya niya. Palibhasa, pareho silang
kalog. Ang ate kasi nila ay masyadong seryoso sa buhay.
Hindi niya alam kung dala lang iyon ng pagiging panganay o talagang hindi lang ito
kagaya sa kanila. Pero kahit ganoon ay mahal na mahal nila ang isa��t isa.
Minsan gusto niyang magpasalamat dahil sa layo ng agwat ng edad niya sa mga ito.
Dahil ngayon ay sunod siya sa luho. Kahit anong hilingin niya ay ibinibigay ng mga
ito. Para siyang prinsesa, pero naka-Filipiana. Hi-hi.
Hindi na kasi niya natandaang buhay ang kanilang nanay. Iyon ang isang bagay na
ikinaiinggit niya sa mga ito. Dahil wala pa siyang dalawang taong gulang nang
mamatay sa aksidente ang nanay nila. Nabundol daw ang sinasakyan nitong taxi sa
isang truck at dead-on-arrival na nang dalhin ito sa ospital.
Kaya lumaki na siya na ang Auntie Carol ang kinikilalang ina. Simula kasi nang
mawala ang nanay nila ay sa kanila na ito tumira dahil palagi ring wala ang tatay
nila. But she loved the idea of having a mother to grow up with. To fight with.
Pero alam niyang binabantayan na siya nito mula sa itaas. Kahit sa pictures niya
lang ito nakikita, she loves her. Hindi niya maitatanggi iyon.
Gustung-gusto niyang nagkukuwento ang mga kapatid niya tungkol sa nanay nila. Sabi
ng ate at kuya niya, masayahin daw ito. Palagi raw itong nagluluto ng meryenda.
Noong sanggol din daw siya, palagi siyang karga nito. Masyadong protective daw ang
nanay nila sa kanya. Ni ayaw nga raw siyang ipakarga sa mga kaibigan nito dahil
baka daw mabalian siya.
Napangiti siya.
At tuluyan na siyang nilamon ng antok. Ang hiling niya lang ay sana, mapanaginipan
niya ang nanay niya.

Chapter 3

TINIGNAN niya nang masama ang mga kaibigan. Magkakatabi ang mga ito sa unahang row.
Mga maiingay kasi kaya inilagay ng professor nila sa harapan. Paano ba naman? Hindi
siya nilulubayan ng mga ito. Lingon nang lingon habang nakangisi nang nakakaloko.
Kumpleto na ang mga ito dahil pumasok na ang kambal. Kaya naman may dagdag ding
sakit ng ulo.
Ang issue, dahil tuluyan na siyang nasa listahan ng Romantic Chics sa campus,
marami nang nakakakilala sa kanya. For sure, may mga haters na rin siya. Hindi pa
niya binubuksan ang Facebook niya. Wala pa siyang oras. At hindi siya interesado
kung ano ang laman niyon maliban na lang kung tungkol sa pamilya niya.
Itinaas-taas ni Brett ang mga kilay nito. ��Mo-ney!�� he mouthed.
Pinanlakihan niya ito ng mata. Mga ulol talaga. Pagkakakitaan daw siya ng mga ito
sa mga fans niya. Isang daan kada isang picture.
��Gonzales,�� tawag sa kanya ng katabi niya. ��Selfie tayo.�� Mabilis nitong
itinaas ang cellphone at kumuha ng picture kahit hindi pa siya handa.
Tinulak niya ito. ��Ano ba?!�� inis na singhal niya. Tiningnan niya ang professor
nila kung nakita nito ang nangyari. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang abala
pa rin ito sa pag-aayos sa listahan ng attendance. ��Tigil-tigilan niyo ako, ha.
Susuntukin ko kayo.��
��Grabe naman ito. Porket sikat na.�� Biro nito.
Pinitik niya ang tainga nito. ��Sumasagot ka pa!��
��Sorry na.�� Anito habang sapo ang nasaktang tainga.
��Good morning, Sir!��
Bigla siyang napaupo nang matuwid nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi
siya nagkamali ng akala nang makita si Chris na nakatayo sa may pintuan. Biglang
humugis puso ang kanyang mga mata. Ang guwapo talaga ni Chris! Ang linis-linis, ang
bango-bangong tingnan, parang ang sarap halikan! As usual, takam na takam na naman
siya.
��Good morning. What is it?�� tanong ng professor nila.
Bago sumagot ay inilibot muna nito ang paningin sa buong kuwarto. Tumigil sa
pagtibok ang puso niya nang sa kanya huminto ang mga iyon. ��Um, Sir, may itatanong
lang po sana kay Miss Gonzales.�� Wika nito.
��Importante ba iyan?��
��Yes, Sir.��
Tinignan siya ni Mr. Hipolito. ��Miss Gonzales.�� Her professor nodded to Chris.
��Tawag ka.��
Excited naman siyang tumayo upang puntahan ang binata. Sana hindi siya mukhang
kababangon lang sa higaan dahil halata talagang pagod pa siya sa pageant kagabi. At
kahit pa siguradong tungkol sa pageant ang kailangan nito o kaya ay school matters
dahil sabi nito ay importante. Okay lang. Ngumiti siya rito. ��Anong meron?��
tanong niya.
Tumikhim ito bago lumapit sa kanya. Langhap na langhap niya ng pabango nito at
gusto niyang ikulong iyon sa kanyang nostrils. Saglit na sinilip kung nakatingin sa
kanila ang professor niya. ��Gusto ko lang mag-thank you uli sa��yo.��
She flushed. ��Kagabi pa ��yan, ah. You��re welcome na nga.�� Natatawang sagot
niya. Sarap sabunutan ng sarili niya! Pa-cute masyado.
Bahagya itong yumuko, tila nahihiya. Lalo lang nadagdagan ang kapogian nito.
��Gusto ko lang sanang itanong. Puwede ka bang mayayang mag-dinner mamaya?��
halatang kinakabahang tanong nito.
��Ha?�� gulat na sabi niya.
��I, um, I��m asking you out.��
��Like on a date?�� hindi makapaniwalang bulalas niya.
Tumango naman si Chris. His red and soft lips slightly curved into a smile.
��Yes.��
��Okay.�� Hindi na siya nagdalawang-isip. Bakit pa? Hindi na niya kailangang mag-
isip. Si Chris lang kasi ang laman ng utak niya ngayon.
��Great.�� Ngumiti na naman ito. Kung ganoong napapadalas ang pagngiti nito sa
kanya, baka ma-in love siya rito kaagad. ��Okay. See you later.�� At nagpaalam na
ito.
Ngunit pinigilan niya ito. ��Wait.��
Lumingon naman ito. ��Doon na ba tayo magkikita o����
Ngumiti na naman ito. Shit! Ang ganda mo, Kyla! ��Susunduin kita sa bahay niyo.��
��Teka,�� napakunot ang kanyang noo. ��Alam mo ba kung saan ang bahay namin?��
tanong niya.
��I��ve made some research.�� Anito sabay kindat.
Akala niya ay tinamaan siya ng kidlat. Para kasi siyang nakuryente doon. She
couldn��t help but grin when he turned around. He was all sexy back.
Sinundan lang niya ng tingin ang binata hanggang makailang hakbang ito saka siya
bumalik sa loob ng kuwarto. Naka-plaster sa mga labi niya ang ngiti sa sobrang
kilig. Hindi matatawaran ang saya at may halong kabang nararamdaman niya.
Chris asked me out on a date. Sinabi niya iyon nang sampung beses upang
masiguradong hindi siya nananaginip lang. May date sila ni Chris!
WALA silang klase sa hapon. Announcement iyon ng pinaka-leader sa kanilang section.
Iisa lang ang subject nila noong hapon iyon at wala pa ang professor nila. Kaya
naman ay natuwa siya dahil makakauwi siya kaagad. Mas mahaba ang oras na
makakapaghanda siya para sa date nila ni Chris mamayang gabi.
Pero bigla niyang naalala na magkikita pala sila ni James. Hindi niya nakuha ang
apelyido nito kagabi. Pagod na nga yata talaga. Alam niyang saglit lang ang
magiging usapan nila dahil wala namang dahilan para magtagal iyon.
Sa ngayon ay hindi pa rin matanggal sa isip niya si Chris. Ang makinis nitong
mukha, ang singkit nitong mata na nawawala sa tuwing ngumiti ito, na minsan lang
mangyari. Pero sana, madalas niya itong makita kapag nakakasama na niya ito. At
masuwerte na siyang maituturing dahil tatlong beses na itong ngumingiti sa kanya.
Ano kaya ang isusuot niya mamaya? Wala pa naman siyang matinong damit. Palagi lang
siyang naka-t-shirt kapag nasa bahay. Palagi naman silang required mag-uniform.
Maliban sa isang araw na naka-polo shirt sila ng pang-Marine din. Hindi bale.
Maghahanap siya sa cabinet ng ate niya. Baka may naiwan itong pinaglumaan doon.
Sana ay hindi iyon amoy na-stock.
��Hi, Kyla. Puwede bang magpa-picture?�� Nagising siya mula sa pag-iisip tungkol sa
date nila ni Chris, at kay Chris mismo. Bigla kasing may lumapit sa kanya na limang
lalaki, anim, pito, walo. Hanggang sa sumobra na iyon sa sampu. Mga ka-department
din nila.
Napaatras siya nang magkagulo ang mga ito.
��Hep, hep, hep! Excuse me lang po!�� awat ng kambal. ��Sandali lang, sandali lang,
guys!�� sigaw ni Jed habang kasunod naman nito ang iba niya pang kaibigan. Kaya
naman ay napunta siya sa likod ng mga ito.
��Sinong nagsabi sa inyong puwede kayong magpa-picture dito sa kaibigan namin?��
itinuro niya ni Brett.
��Hindi niyo ba alam na kailangan niyo munang dumaan sa mga bangkay namin bago
mangyari iyon?�� si Jon iyon.
Gusto niyang masuka sa sinasabi ng mga ito. Ang corny! Ang weird! Mga ungas talaga.
��Magpapa-picture lang naman kami, mga ��tol.�� Sagot ng isa sa mga lalaking
lumapit sa kanya. ��Bakit? Proud lang kami kasi ka-course natin ��yong nanalo
kagabi. May masama ba?��
��Oo naman! Kasi bakit sa kanya lang kayo magpapa-picture? Bakit hindi sa��kin?
Kasali rin naman ako kagabi, ah.�� Reklamo ni Edwin.
Walang sumagot sa tanong nito. ��Pare, isang selfie lang kay Crush, o. Habang wala
pa ang professor namin.�� Pagpupumilit ang iba. Hindi na niya makita ang mga ito
dahil sa tangkad ng mga kaibigan niya.
��Bawal. Magbayad muna kayo sa��min. Fifty pesos ang stolen, one-hundred kapag
kasama siya.�� Ani Brett.
Napairap siya. Late na siya sa meeting nila ni James. Baka naghihintay na ang tao
doon. Hindi niya ugaling mang-indian. Kaya tinulak niya ang mga nakaharang sa kanya
dadaanan. ��Tabi!��
Wala na ring nagawa ang mga lalaki nang umalis siya. Hindi niya pinangarap maging
sikat, well, medyo nga noong bata siya. Pero hindi na ngayon. Gusto niya lang si
Chris. Kung puwede siyang makaiwas sa limelight, gagawin niya. Nasanay na siyang
maging invisible sa iba at si Chris lang ang gusto niyang makakita sa kanya. And he
finally did, dahil mamaya nga ay may date pa sila. Sulit ang pagpayag niya sa rito.
Sure, being in the list of RC was cool. Pero ayaw niya ng ganitong hassle. Pero
siguro ay lilipas din ito. Kapag mayroon namang naidagdag sa listahan. But now,
gusto niya muna ng katahimikan.
��Sorry, guys. May gagawin pa kasi ako.�� Aniya sa pinakamatino niyang boses. Ayaw
niyang sumama ang loob ng mga ito. ��Sa iba na lang kayo magpa-picture.�� Bago pa
umangal ang mga mukhang pera niyang kaibigan ay umalis na siya.
Hindi naman siya nagkamali ng isip nang sumunod ang lima sa kanya.
��Mamaya na ako uuwi. May gagawin pa ako.�� Paalam niya sa mga ito. May kanya-
kanyang kotse ang lima. At puwede siyang makisabay kahit kanino sa mga ito. Wala
kasi siyang sariling kotse. Sabi ng tatay niya, saka na siya bibilhan nito. Siguro
pagkatapos ng graduation niya. Natatawa nga siya. Kasi paano pa niya magagamit ang
kotse kung sa barko naman ang training niya.
Ayaw niya rin namang pilitin ito. Alam niyang ito ang gumagastos para sa
pangangailangan nilang lahat pati ni Auntie Carol at pinsan niya. Balo na kasi ang
kanyang tita at hindi na ito nakapaghanap ng trabaho dahil sa pagbabantay sa
kanilang magkakapatid. Kaya naman, ipinangako ng tatay nila na ito na bubuhay rito
pati na rin kay Jason.
��Sayang, maglalaro pa naman kami.�� Sagot ni Brett. ��Pustahan o.�� Minsan ay
napapasali siya sa paglalaro ng Dota kasama ang mga ito. Sa katunayan ay sa lima
siya natutong maglaro niyon. Pero hindi naman iyon naging dahilan ng pagbaba ng
grades niya. Minsan nga ay dalawang beses lang siyang nakakapaglaro sa isang buwan.
��Sige, kayo na lang muna. Bye!�� lumiko na siya papasok sa canteen.
Malayo pa lang ay nakita na niya si James. Mag-isa itong nakaupo sa mesa. He was
cute. Bagay rito ang nakasalamin. Kung sino man si Maggie, masuwerte ito at
hinahanap ito ng lalaki.
��Hi!�� bati niya.
Nakita niya kung paano ito nakahinga nang maluwag nang makita siya. Siguro ay hindi
nito inaasahan na pupunta siya rito. Pero hindi man niya aminin, na-curious na rin
siya kung ano ang sasabihin nito sa kanya. At bakit tila siguradong-sigurado ito
kagabi sa mga sinasabi nito.
��Hey, you came.�� Tama ang akala niya.
��Oo naman. I promised you.�� Umupo siya sa upuan sa kabilang bahagi ng mesa.
��Kanina ka pa dito?�� tanong niya. ��Sorry, na-late ako. Medyo napahaba kasi
��yong klase namin sa Navigation.�� Subject nila.
Ngumiti ito. ��Kararating ko lang naman. Kumain ka na ba? Mag-oorder ako.��
Umiling siya. ��Sige, okay lang. Hindi pa naman ako nagugutom.�� Tumikhim siya nang
mailang sa mga titig nito. Parang tagos kasi hanggang kaluluwa niya. ��So, ano
iyong kailangan nating pag-usapan?��
��Oh. Yes,�� tumikhim din ito. ��Kung hindi ikaw si Maggie����
��Hindi ako si Maggie.��Giit niya.
Bumuntong-hininga ito. ��I really thought na ikaw siya nang makita kita sa pageant.
Na nagka-amnesia ka lang kaya hindi mo na ako matandaan.��
Umiling na naman siya. ��That��s impossible.��
��I know. Ch-in-eck ko ang Facebook mo kagabi. Tinignan ko lahat ng pictures mo
pati na rin ang tagged photos mo. At may ilang pictures doon noong bata ka pa.
Which means, nagkamali nga ako sa akala ko. Hindi nga ikaw si Maggie.��
��So ano pa ang pag-uusapan natin ngayong alam mo na na hindi nga ako ang sinasabi
mong Maggie?��
May kinuha ito sa bag nito, isang maliit na envelope. At ibinigay nito iyon sa
kanya. ��It just seems interesting. Kapag nakita mo ��yan, hindi mo ako masisisi sa
mga sinabi ko.�� Titig na titig na wika nito.
Napangisi siya habang tinatanggap iyon. ��Parang siguradong-sigurado ka, ah. Ano ba
��to?��
��See for yourself.��
Binuksan niya ang envelope. At sa loob niyon ay may mga pocketsize na litrato.
Hindi niya magawang alisin ang paningin sa unang larawang nakita niya. Tumigil ang
paghinga niya dahil hindi siya makapaniwala. ��This is impossible���� hindi niya
alam kung may lumabas na boses mula sa kanyang lalamunan.
Isang batang babae na nasa limang taong gulang, nakakulay pink na jacket, kasama
ang isang bata na kaedaran nito. Magkaakbay ang dalawa habang nakaupo sa snow. Siya
ang batang babae, si James ang batang lalaki. Alam niya iyon dahil sa pagkakamukha
nila sa mga bata sa picture.
Biglang nagtayuan ang mga balahibo niya. Mabilis na tinignan niya ang ibang
larawan. Sila ni James, nasa edad sampu, magkasamang nagbobowling. Sila ni James
habang hawak ang 8th birthday cake nito. Pero napatigil siya sa isang litrato.
May mga kasama na sila sa oras na iyon. Katabi ng batang siya ang isang babae na sa
tingin niya ay nasa 30��s. At katabi naman ng batang James ang isang lalaki at
babae na halatang mga magulang nito. Siguro ay kasing edad din ng babaeng katabi
niya.
Napatitig siya sa babae sa larawan. She was beautiful. Pareho ang hugis ng kanilang
mga labi. Pero hindi niya nakuha ang mata at ilong pati na rin ang hugis ng mukha
nito. Because she had it from her father.
��This is impossible.�� Matigas na sabi niya. Tumingin siya kay James at tila
napaso sa mga litrato na ibinigay iyon sa binata. ��May mga picture ako sa bahay na
kasama ko ang mga magulang ko. Pati na rin ang mga kapatid ko at tita ko. May
picture ako nang baby pa ako. Hindi ako tumira sa Canada. Hindi ko kilala ang mga
taong kasama niyo diyan.�� Itinuro niya ang mga picture.
��I know it��s not you. It��s Maggie. But you have to admit, hindi maikakaila na
magkamukha kayo.��
��Siguro nga magkamukha lang kami. Hindi ba sabi sa facts, seven times na
photocopied ang mukha natin? Ibig sabihin, may mga kamukha talaga tayo.�� Sumandal
siya sa upuan. Pilit na ikinakalma ang sarili mula sa panginginig ng kalamnan.
Gutom na yata siya. Sana nga ay gutom lang siya.
Umiling ito habang napapangiti nang pilit. ��You don��t get it, do you?��
��Ang alin?�� malapit na siyang mainis dito. Hindi niya alam kung bakit.
��Kambal kayo.�� Inilapit nito ang mukha nito sa kanya. ��Hindi iyon basta-basta
kamukha lang. Para kayong pinagbiyak na bunga. Kung ano ang mga katangian mo, iyon
din ang sa kanya. It��s not a coincidence.��
Sunud-sunod ang iling na ginawa niya. Bigla niyang naisip si Jon at Jed.
Magkamukhang-magkamukha ang kambal. Pareho ng buhok, ng labi, ng ilong, ng pisngi.
Ganoon din sila ng bata sa litrato. Kambal sila. May kakambal siya. Tama si James.
At parang bumaliktad ang mundo niya nang mapagtanto ang mga nangyayari. Bigla-bigla
ay iba na ang tingin niya sa paligid niya. Naguguluhan siya.
Sapo ang noo ay ipinatong niya ang mga siko sa mesa.
��Okay ka lang?�� tanong ni James.
��No. I need to go home.��
��HATID na kita.�� Sabi ni James.
Tinignan niya ito nang masama. Then stared at him. ��Hindi kaya member ka ng budol-
budol gang? At ako ang balak mong biktimahin? Para makapunta ka sa bahay ko at
makakapagnakaw kayo ng mga kasama mo?��
Nanlaki ang mga mata ni James. ��What?�� hindi makapaniwalang tanong nito habang
unti-unting natatawa. ��Seriously? Iyon ang naiisip mo sa��kin ngayon?��
��Masisisi mo ba ako?�� napasandal siya uli sa upuan. Nagsimula na siyang magduda
rito. ��Hindi nga kita kilala, eh. Ni apelyido mo hindi ko alam. Kaya bakit ako
maniniwala sa��yo? Bakit ako magtitiwala sa��yo?��
��Hindi pa ba sapat ang pictures na ipinakita ko?��
��Paano kung photoshopped lang ��yon? Hindi ba nga tumingin ka sa mga picture ko
sa Facebook?�� Simula ngayon ay babaguhin na niya ang settings ng account niya.
Hindi na niya hahayaang may makakita ng mga picture niya kahit hindi niya friends.
��Hindi ako marunong mag-photoshop.��
Itinaas niya ang isang kilay. ��Talaga? Engineering student ka, ��di ba?��
��Hindi photoshop ang ginagamit namin. AutoCAD.��
��Ah basta!�� padabog siyang tumayo. ��Hindi ako naniniwala sa��yo. Bahala ka sa
buhay mo.�� Walang paalam na tinalikuran niya iyon.
��Roxas!�� narinig niya ang boses ni James.
Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil lumingon pa rin siya.
��James Roxas.�� Itinuro nito ang sarili.
She rolled her eyes. ��Whatever.�� Bulong niya.

Chapter 4

AUNTIE,�� bati niya sa tita nang nagmano siya.


��Bless you. Napaaga yata ang uwi mo ngayon.�� Anang auntie niya.
Umupo siya sa rocking chair nito at inuuga-uga iyon. Gusto niyang mawala ang
stress. ��Wala po kasi ang professor namin.��
��Kumain ka na ba? Nagluto ako ng tinola diyan.��
��Busog pa po ako.�� Hindi kasi matanggal sa isipan niya ang nangyari kanina sa
canteen. Nawalan na siya ng gana. Pati tuloy date niya mamaya, muntik na niyang
makalimutan. Ayaw niyang mabulilyaso ang gabi niya. Matagal na niyang hinihintay na
mapansin ni Chris, lalo pa ngayong inaya siya nitong mag-date. Siyempre, ayaw
niyang masira ang mood niya dahil lang sa lalaking hindi niya kakilala na
sinasabing may ibang bahagi pa ang pagkatao niya. Ano ito? Detective?
Sana ay hindi na niya makita ulit ang James na iyon. Nagugulo lang ang isip niya.
Kaya pinilit niyang huwag na lang itong isipin pa. Marami nang taong manloloko
ngayon. Lahat kaya nang gawin. Hindi na siya magtataka kung may nakapasok na rin sa
university nila.
��Ano gusto mong lutuin ko mamaya para sa hapunan?�� tanong ni Auntie Carol habang
binubuksan ang TV. Alam niyang magsisimula na ang singing contest na segment sa
isang noontime show na inaabangan nito.
Naalala niya ang date nila ni Chris. Ang sarap pakinggan ng salitang iyon. Date.
��Oo nga pala, Auntie.�� Aniya. ��Magpapaalam sana ako. Kasi may lakad ako mamayang
gabi.��
��Lakad? Ano naman ang lakad mo? Bago yata ��yan, ah.��
Oo na. Siya na ang walang bonggang social life. Hindi pa siya nakakapasok kahit
saang bar. Ewan niya ba, mahilig naman siyang sumayaw pero hindi niya trip ang
ingay at ang dami ng tao sa loob niyon. Kaya palagi lang siyang nasa bahay.
Wala rin siyang love life para magkaroon siya ng date tuwing weekend. Ngayon lang.
At kinikilig na naman siya.
James who? Chris all the way!
Tumikhim siya upang itago ang ngiti sa mga labi niya. ��May date po kasi ako.��
��Date?�� gulat na bulalas nito. Pero hindi nito naituloy iyon dahil biglang
dumating ang batang si Jason na nagsusumigaw. Galing ito sa labas at pawisan na sa
pagkikipaglaro sa mga kaedad nito sa harap ng bahay nila.
��Mamaaa!�� mabilis na lumapit ang bata sa tita niya. ��Takot ako! May mumu tha
labath!�� sira pa ang ��s�� ng pinsan.
��O, bakit?�� nag-aalang binuhat ito ng ina nito habang nakatingin sa kanya. Hindi
alam kung ano ang uunahin. Ang pagkagulat nito na may date siya o ang nag-iiyak na
pinsan niya.
��Mumu! Habol ako ng mumu!�� ibinaon nito ang ulo sa leeg ni Auntie Carol saka
itinuro ang labas ng bahay nila. ��Takot ako, Mama! Tago tayo!��
Nagtataka naman siyang tumayo. ��Sinong lalaki? Baka naman kapitbahay lang nat����
nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang tinutukoy ng pinsan. ��Tatay!��
tuwang-tuwang sigaw niya nang makita ang ama at mabilis na tumakbo papunta rito.
Kaagad namang ibinaba ng ama ang mga dala nitong gamit pagpasok nito upang
salubungin siya. Tawang-tawa ito. Marahil ay dahil iyon kay Jason na siguradong
pinag-tripan nito. Kawawang bata. Dahil kitang-kita pa ang peke nitong pangil para
magmukha itong bampira.
��Ate Kyla, ��wag kang lalapit tha mumu! Kagatin ka!�� narinig niyang sigaw ng
pinsan.
Pero huli na ang lahat. Yakap na siya ng mumu. At yakap na siya nito. ��Tatay����
niyakap niya ito nang mahigpit habang buhat siya nito.
��Bunso ko. Bigat mo na, ah.�� Ibinaba siya nito.
Tumawa siya at humiwalay rito. ��Hindi ba iyon naman ang gusto niyo?��
��Oo naman. Gusto ko wala na akong makitang collarbone sa��yo. Para talagang hindi
ka na payatot.�� Payat kasi talaga siya dati at madalas siya nitong asarin.
Dalawang taon niya rin itong hindi nakita. Wala namang pinagbago sa ama. Bata pa
ring tignan sa edad nitong fifty-four at guwapo pa rin kahit may kulay pink na
pangil. At malakas pa rin dahil kayang-kaya siya nitong buhatin.
��Teka, ��Tay. Napaaga yata ang uwi niyo. Hindi man lang namin kayo nasundo sa
airport.��
��Kuya Simon, hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka.�� Lumapit sa kanila ang
auntie niya. ��Nasorpresa kami dito, ah.��
��Surprise nga dapat kasi!�� masayang sagot ng ama.
��Mama, mumu!�� iyak ni Jason.
��Si Tito mo ��yan, o. Hindi ba nagvivideo chat tayo sa kanya?��
Pero ayaw pa ring kumawala ng pansin.
��Kuya,�� saway ng kanyang tita. ��Tanggalin mo na ��yan. Natatakot itong bata.��
Tinanggal naman ng tatay niya ang plastic nitong pangil. ��Baby, halika na kay
tito. Hindi na ako mumu.��
Sinilip naman iyon ng bata. At kaagad na natuwa ito nang makita ang tatay niya na
mabilis itong kinarga.
Her father looked at her. At biglang napakunot ang noo nito. ��Anong ginawa mo sa
buhok? Bakit ganyan?��
��Tay, kaysa araw-araw akong mag-ponytail, ganito na lang.�� Sinuklay niya ang
buhok gamit ang mga daliri. ��Para walang hassle. Bagay ba?�� nakangising tanong
niya.
��Bagay naman. Pero mukha kang tomboy.��
Napanguso siya. ��Tatay naman.��
Nang makaupo sila sa sala ay kaagad na inayos ng tita niya ang mesa para sa tatay
niya. Gusto na rin niyang kumain. Sasabayan niya ito. At pagkatapos noon,
maghahanda na siya para sa date nila mamaya ni Chris. Kinikilig na naman siya. Pero
ano kaya ang magiging reaksiyon ng tatay niya kapag sinabi niyang may nagyaya na ng
date sa bunso nito?
��Siyanga pala, Kuya. May sinabi sa akin kanina ��yang si Kyla. May date raw siya
mamayang gabi. Ano nga iyon ulit, Kyla?�� malakas na sigaw ng tita habang nasa
kusina.
Nagulat naman ang ama niya sa sinabi nito. ��Ha? Totoo? Paano nangyari ��yon?��
Sumimangot naman siya sa biro nito. ��Tatay naman, eh.��
��Joke lang,�� inakbayan siya ng ama.
��Hindi ka galit?��
��Bakit naman ako magagalit, eh, maganda naman talaga itong anak ko kaya inaayang
mag-date. Sino ba ��yang lalaking ��yan at nang makilatis ko?��
��Hindi pa naman po nanliligaw,�� sabi niya. ��Pero makikilala niyo po siya mamaya.
Dahil susunduin niya ako rito.��
��Good. O tara! Kain na tayo. Miss ko na ang luto nitong pinakamaganda kong
kapatid.�� Pumalakpak pa ang ama.
Tumawa naman ang Auntie Carol niya. ��Eh, ako lang naman talaga ang kapatid mo.��
At sa hapag-kainan na nila itinuloy ang kuwentuhan at kumustahan.
��Tay, may kamag-anak ba tayo sa Canada?�� hindi niya maiwasang tanungin. Hindi pa
rin kasi talaga natatanggal sa isip niya ang sinabi ni James.
Biglang napatingin ang ama sa kanya. ��Bakit mo naman natanong?��
��Wala naman. Meron lang kasing lumapit sa��kin sa school. May kababata raw siya sa
Canada at kamukhang-kamukha ko. Parang nagkahiwalay sila. May ipinakita pa nga
siyang picture sa��kin noong mga bata pa sila, eh. Kamukha ko nga talaga. Mukha nga
kaming kambal. Baka kamag-anak natin?�� At muling bumalik ang hinala sa isip niya
na baka nga manloloko lang si James. ��Pero siguro nga, mali lang siya. O kaya
niloloko niya lang ako. Baka bagong modus ��yon ng mga budol-budol gang. Alam mo
naman? Ang galing nitong gumawa ng raket.��
Bumalik sa pagkain ang atensiyon tatay niya. ��Oo. Baka nagkamali lang ��yon. Wala
tayong kakilala sa Canada.��
Napangiti siya. Tama nga ang naisip niya. Hindi totoo ang sinasabi ni James.
��May isusuot ka na ba para sa date mo mamaya?�� pag-iiba ng paksa ni Auntie Carol.
Oo nga pala. May date kami ni Chris!
Tuluyan na niyang kinalimutan ang bagay na may kinalaman kay James Roxas. After
all, he was a stranger.
HINDI alam ni Kyla kung lalabas pa siya sa kuwarto niya. Nasa baba na si Chris.
Kinatok na siya ng Auntie Carol niya. Pero hindi pa rin siya sigurado kung okay na
ba ang itsura niya. Ang hirap kasi sa maiksi ang buhok, hindi puwedeng ayusin nang
maganda kagaya ng mga mahahaba. Hindi puwedeng kulutin, hindi puwedeng tiritasin.
Walang kaartehan kumbaga.
��Ugh! Bahala na nga!�� tinignan niya ang sarili sa salamin. Hindi niya alam kung
saan siya dadalhin ni Chris. Kaya hindi na siya nag-abalang magsuot ng sobrang
gara. Isa pa, wala rin naman siyang makitang matinong damit sa cabinet ng ate niya.
So she chose to wear something comfortable, like a plain white V-neck t-shirt and
faded, ripped jeans. She tucked the front part in. Iniwan niyang nakababa ang
bandang likuran. Okay naman. Pero hindi niya muna isinuot ang Chuck Taylor niya.
Madumi na kasi iyon dahil simula nang bilhin niya ay hindi pa nakakatikim ng sabon.
Ang napakinabangan niya ay ang lumang itim na sandals ng ate niya. Iyon ang nakita
niya sa cabinet. Three inches lang ang taas ng heels at kayang-kaya niya namang
dalhin iyon kaya ginamit na niya.
Wala siyang make-up. Bakit kasi hindi siya marunong? At bakit kasi wala rin ang
Auntie Carol niya? Kaya tuloy hanggang pulbos lang siya. Mukha naman siguro siyang
tao.
��Kyla, naghihintay na ang date mo.�� Narinig niyang sigaw ng ama.
Huminga siya nang malalim. Kung hindi siya magustuhan ni Chris, wala na siyang
magagawa. Kaya lumabas na siya sa kuwarto at hinarap ito. She wondered if her
father told something embarrassing.
��Hi.�� Bati niya nang makababa siya ng hagdan.
��Wow, anak!�� bulalas ng tatay niya. ��Ang ganda-ganda mo, ah. Hindi ba, Chris?��
tinignan nito ang binata.
Na noon ay matamang nakatingin sa kanya. ��Yes, sir.�� Ngumiti ito. ��You look
gorgeous.��
Kinagat niya ang labi upang itago ang pigil na ngiti. Hindi niya alam kung binubola
lang siya nito o ano pero hindi maiwasang mag-init ang mga pisngi niya sa sinabi
nito. Isa pa, ngumiti na naman ito.
Hindi rin naman ito nagpapahuli sa kaguwapuhan. Simple lang din naman ang suot
nito. Hindi siya nagkamali ng damit. Blue V-neck top under a jacket, pareho silang
naka-V-neck at nadagdagan na naman ang kilig niya. Itim na pantalon at boots.
Siyempre, isama pa ang guwapong mukha nito. Jusme, baka ito na lang ang kainin niya
buong gabi.
Bago pa siya magmukhang manyakis, tinanong na niya ito. ��Let��s go?��
��Oh.�� Tila nagising ito mula sa malalim na pag-isip kagaya niya. ��Yeah, yeah.��
Humarap ito sa tatay niya bago iniabot ang kamay. ��Pleasure to meet you, sir.��
Tinanggap naman iyon ng ama. ��Mag-ingat kayo. Huwag kayong magpapagabi.��
��Opo.�� Nagpaalam ito sa auntie niya. ��Ma��am.��
��Sige.�� Ngiting-ngiti at halatang kinikilig ding sagot nito.
Lumapit siya sa mga ito. ��Una na po kami. Tay, Auntie.�� Nagmano siya sa mga ito.
��Ingat.�� Anang ama.
��Kuwentuhan mo ako mamaya. Nag-text na ang ate mo. Nanghihingi ng picture ng
lalaki.�� Bulong ng tita sa kanya. Naikuwento na pala nito sa kapatid ang latest
chika.
Natawa naman siya. ��Si Ate talaga.�� Bigla niya tuloy na-miss ang kapatid niya.
��Sige po.��
��Ready?�� nakangiting tanong ni Chris nang sumunod siya rito. Nakakasanayan na
nitong ngumiti sa kanya.
Tumango siya at nahihiyang ngumiti.
Pinagbuksan siya ng pintuan ni Chris. Kailan ba matatapos ang kilig moments nila?
Simula pa nga lang ng date, parang mahihimatay na siya. Paano pa kaya siya
makakaabot hanggang dulo?
Umikot ang binata papunta sa driver seat nang komportable na siyang makaupo.
Ngumiti ito sa kanya bago pinaandar ang makina. His smile reached his eyes.
��You should wear it more often,�� aniya nang makaalis na sila.
Sumulyap ito sa kanya. ��Ang alin?�� tanong nito.
����Yong ngiti mo.�� Sagot niya. ��Kasi bagay sa��yo.��
Tumingin ito sa kanya. At mukhang namamalikmata lang siya nang makita itong namula.
Sa puti nito ay kitang-kita ang pagkulay ng mga pisngi ng binata. Gusto niyang
mapa-tumbling, mga walong beses. Now na!
��Masaya lang ako.�� May halong lambing sa tono nito. Jusme, paano niya ba
kakayanin ang kilig? Kanina pa niyon kinakain ang sistema niya. ��Kasi pumayag kang
sumama sa��kin. Akala ko talaga, tatanggihan mo ako.��
Tumawa siya. ��Bakit ko naman gagawin ��yon?��
Nagkibit-balikat ito. ��I don��t know. Kasi marami kang admirers?��
Itinaas niya ang isang kilay. ��Ako? Maraming admirers?��
��You��re one of the Romantic Chics now. Isa pa, kahit naman siguro hindi ka pa
nakasali doon, matagal ka nang maraming tagahanga.�� He glanced at her.
Napailing siya. ��Wala akong admirers.��
Hindi naman ito sumang-ayon. ��Meron. Marami. Hindi mo lang alam.�� Ngumiti ito sa
kanya.
��Well, salamat sa��yo. Dahil simula nang manalo ako at makakuha ng title sa RC,
dumami ang admirers ko.�� Ngisi niya.
��I mean, kahit bago ka pa sumali sa pageant.��
Parang kinikiliti ang puso niya. ��Sus, bolero.�� Kunwari, pakipot siya. Para
masaya.
��Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit kita inayang mag-date?�� sumulyap ito sa
kanya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay matagal.
Biglang kumabog nang malakas ang puso niya. Bakit nga ba? ��Kasi gusto mong mag-
thank you?��
��Maliban doon.�� Kalahating ngiti lang nito ang nakita niya dahil nakaharap ito sa
kalsada.
��Kasi gusto mo akong maging kaibigan?..�� Sige, Kyla! Magpabebe ka pa! Nakakaganda
��yan, shunga!
Chris didn��t mind though because he chuckled. Kitang-kita niya ang pagtaas at
pagbaba ng Adam��s apple nito. At gusto niya iyong hulihin sa pamamagitan ng halik.
��Because I see you, Kyla.��
Mabuhay ang Buwan Ng Wika!

Chapter 5
KUNG saan-saan na napunta ang isip ni Kyla. Nag-flashback sa araw na unang beses
niyang nakita si Chris, sa mga araw na sinusundan niya ito sa loob ng campus, ang
araw na una siya nitong kausapin, hangggang sa mag-fast forward sa pagtatapos ng
date nila. Maybe he would kiss her tonight. She wished, she got her hopes up.
��Alam mo bang kasabay kitang mag-enroll noon?�� tanong ni Chris.
Nagulat siya sa sinabi nito. Natandaan din nito iyon? Napangiti siya. ��Oo naman.��
��Talaga?�� tila natuwa naman iyon sa sagot niya. ��Tanda mo pa ba kung ano ang
suot mo noon?��
Doon siya umiling. ��Ano bang suot ko noon?��
��You were wearing a black t-shirt,�� ngumisi ito sa kanya. ��Kalaunan na-realize
ko na mahilig ka sa t-shirts.�� Shit! Ang sexy nito tignan! ��May print ng mukha ni
John Lennon. Fan ka ba niya?��
Natawa siya sa kabilang ng kabang nadarama. Paano nito naaalala ang suot niya
gayong sobrang tagal na noon at siya nga ay hindi matandaan kung hindi nito sinabi?
��Hindi naman. Pero gusto ko ang kanta ng The Beatles.��
Tumango-tango ito. ��At nakasuot ka ng skinny jeans, gray. At gray ding Chuck
Taylor, mukhang bago, na hanggang ngayon ay nakikitang kong sinusuot mo.��
She was speechless. After all those times na akala niya ay invisible siya rito,
napapansin din pala siya ng binata. And she never ever thought he could be this
kind of sweet. Shy and sweet and adorable. Alam niya at sigurado siya. Na mas
lalalim pa ang nararamdaman niya para rito.
Lihim siyang napangiti. Wala naman sigurong masama. After all, he remembered her
John Lennon shirt.
DINALA siya ni Chris sa isang Italian restaurant. The ambiance was quiet. Maliban
sa kanila ay may tatlong tao lang sa isang table kaya naman tahimik. It was
perfect. Mas nakapokus sila sa isa��t isa. Lalo na siya. Titig na titig siya sa
guwapong mukha ng binata. Hinding-hindi yata siya magsasawa sa mukha nito.
��This is nice,�� nakangiting saad niya nang maka-order na sila.
Ngumiti rin ito. ��I��m glad you like it. Sabi kasi ng mga kaibigan mo, mahilig
kang kumain ng Italian foods. Mabuti na lang at pareho tayo.��
��Kinausap mo ang mga kaibigan ko?�� gulat na tanong niya.
Nagkibit-balikat ito at nahihiyang ngumiti. Adorable really. ��Costs me a thousand
pesos though.�� Natatawang sagot nito.
Nanlaki ang mga mata at napasinghap siya. ��Ang mga ungas.�� Maghanda kayong lahat,
mga ulol!
��It��s okay. Sulit naman ang binayad ko, eh. At least natutuwa ka ngayon.��
She smiled, mamaya na niya ireremind na batukan ang mga kaibigan sa susunod.
��Mahilig ka rin sa pasta?��
Tumango ito. ��And pizzas. All kinds.��
She giggled. ��Anong paborito mo?��
��Siyempre, cheese pizza.��
Without thinking, they high-fived. Sabay pa silang natawa sa nangyari.
��God, I love cheese!�� masayang bulalas niya. At tila lalo siyang nagutom sa mga
kakainin nila.
��Alam mo bang kaya kong ubusin ang dalawang box ng pizza?�� pagmamalaki ni Chris.
Natutuwa naman siya sa reaksiyon ng mukha nito. Para itong bata. ��Grabe ka naman.
Isang box nga lang ako, eh. Pero iyong kasing laki ng mesa naming box.�� Well,
medyo hindi na totoo iyon.
Sabay na naman silang natawa ni Chris. She loved his laugh. Ngayon niya lang ito
nakitang tumawa nang ganito. She felt lucky. Ngayon pa lang, nararamdaman na niyang
masarap itong kasama. Pero nagtataka siya kung bakit hindi niya ito madalas
makitang may mga kasamang tumatambay.
��May mga kaibigan ka ba sa section niyo?�� tanong niya.
Tumango ito. ��Meron naman.��
��Bakit parang wala akong nakikitang kasama mo palagi?��
��Ah, may best friend ako sa London na nagseselos kapag nakikitang may iba akong
kasama sa mga pictures ko. Yes, he��s weird.�� Ngumisi ito at mahinang siyang
tumawa. ��Isa pa, busy kasi ako palagi sa Student Council. Gusto ko na ngang mag-
resign, eh.��
��Bakit naman?�� ngunit bago pa iyon masagot ng binata ay dumating na ang orders
nila. Saglit na nabaling ang atensiyon niya nang maamoy ang mabangong pagkain. Her
mouth watered. ��Yehey!�� pumapalakpak pa siya.
Nang mailapag lahat ng pagkain nila at makapagpasalamat sa Diyos ay sinimulan na
rin naman nilang lantakan lahat ng iyon. ��Minsan kasi hindi ko na alam kung ano
ang uunahin ko. Ang pag-aaral ko ba o ang extra-curricular. Ang hirap kasi minsang
ipagsabay lalo na kapag may mga activities. Aligaga na nga ako tapos ��yong mga
officers ko, kailangan ko pang alalayan. Pero wala naman akong magagawa kasi
nandoon na ��yon. Ako na ang na-appoint ng dating president. Isa pa, dagdag din
��yon sa mga isasama ko sa resume.�� Mahabang sagot nito sa kanyang tanong habang
kumakain sila.
��Kaya mo ��yan,�� nginitian niya ito.
He answered a smile. ��Kakayanin. Siyanga pala, bakit Marine Transportation ��yong
kinuha mong course? Bakit hindi Nursing, Architecture o kaya Business?��
Ngumisi siya. ��Bakit? Kapag iyon ba ang course na kinuha ko, mas magugustuhan mo
ako?��
Napangiti naman ito. ��As long as you��re Kyla Gonzales, magugustuhan kita.��
Deretsong sagot nito.
Pakiramdam niya ay kasing haba ng kinakain niyang pasta ang buhok niya ngayon.
��Naks.�� Aniya habang kinikilig. Bago sinagot ang tanong nito. ��Idol ko kasi ang
tatay ko. Kaya pangarap ko ring maging kagaya niya.��
He beamed and stared at her. ��That��s cool. Sobrang kamukha mo ��yong tatay mo.��
��Sabi nga rin nila.�� Ibinaba niya sa kinakain ang tingin dahil namumula siya.
��Ikaw ba? Bakit Maritime din ang kinuha mo?��
Nagkibit-balikat ito. ��I love the sea. I think it��s so powerful and comfortable
at the same time.��
Hindi niya maiwasang mapangiti.
��Actually, may collections ako. Mga figurines ng mga barko. Iba-ibang sizes at
colors.�� Nakangiting sabi nito.
��Talaga?�� namamanghang turan niya. ��Saan mo nabibili?��
��Kadalasan, pasalubong ng ate ko.��
Tumango-tango siya. ��Astig.��
��Gusto mo bang makita? Ipapakita ko sa��yo.�� Anito saka uminom ng iced tea.
��Ngayon?�� napataas ang dalawa niyang kilay.
Ngumiti ito. ��Mamaya. Dadaan tayo sa bahay namin. Kaso baka hindi ka mahilig sa
aso. Lima pa naman ang aso namin sa bahay. Siguradong nasa loob ang mga iyon
ngayon. But I��ll text my family to get them a heads up. Ipapatali ko ��yong mga
aso.��
Tila kumorteng heart ang kanyang mga mata nang marinig ang salitang aso. Pero bigla
ring tumalbog sa sahig ang puso niya sa sinabi nitong dadalhin siya nito sa bahay
nito. At ibig sabihin ay mami-meet niya ang mga magulang ng binata. Hindi niya alam
kung ano ang mararamdaman.
��Hindi, okay lang naman. Actually, mahilig nga rin ako sa mga aso.�� Totoo iyon.
Dati, may dalawa silang aso sa bahay. Pero namatay ang mga iyon bago siya tumuntong
ng college. Sa sobrang lungkot na naramdaman niya, takot na siyang mag-alaga ng aso
ulit. ��Pero kasi,�� nag-aalalang wika niya. ��Hindi ba magagalit ��yong parents mo
kung may dadalhin kang ibang tao sa bahay niyo?��
At baka isipin ng mga ito, girlfriend siya ng binata. Nakakakilig sana pero
siyempre nakakatakot.
He chuckled and suddenly blushed. ��Actually, nababanggit na kita sa kanila. At
sabi nila, kung may chance daw akong maidala kita rito, gagawin ko na. They want to
meet you. Okay lang ba?�� nahihiyang tanong nito.
��Oh.�� Shemay! Kung ganoon, dapat pala ay nagpaganda na siya nang husto. ��Okay
lang naman.�� Nahihiya rin siyang ngumiti.
��Great!�� tuwang-tuwa naman ito. ��How��s your food?��
Sumubo siya ng isang tinidor na spaghetti. ��Masarap. Lalo na itong spaghetti, ang
bango.��
��Dinala kami ni Dad dito. Simula noon, tinandaan ko na siya.��
��Tatandaan ko na rin ��to.��
Ngumiti ito. ��Yeah. Baka kasi bumalik pa tayong dalawa rito.��
MATAPOS nila kumain na libre nito, nagdala kasi siya ng extra na pera kung sakaling
hati sila ni Chris sa bayad na major turn off kung sakali, ay bumalik na sila sa
parking lot. Fortunately, he was a complete gentleman. Nakaalalay talaga ito sa
kanya. Ito ang unang pagkakataon na may gumawa sa kanya nang ganoon. Mga kaibigan
niya kasi, hindi talaga siya tinatalo. At mas komportable siya sa ganoon.
Alas otso pa lang ng gabi. Masyado pang maaga para tapusin ang date na ayaw niyang
matapos. Nasa kalsada na sila papunta sa bahay nito na hindi naman daw kalayuan.
Kinakabahan siya kaya hindi niya maiwasang tumahimik.
��Alam mo bang ang galing-galing ng sagot mo sa Q&A noong pageant?�� maya-maya ay
pukaw nito.
Saglit siyang natawa. ��Patsamba lang ��yon.��
��Wow. Grabeng patsamba ��yon, ha. Idol,�� nakangiti itong sumulyap. Sumaludo pa sa
kanya.
Mabuti na lang at hindi na ganoon kaliwanag sa kotse nito kagaya ng restaurant kaya
naitago niya ang pamumula. Humarap siya sa bintana.
��Favorite subject ko, Filipino.�� Saad niya. ��Tanda ko noon, nabasa ko lahat ng
tula at stories sa textbooks sa elementary. Tsaka mahilig akong gumawa ng
slogans.��
��Sample nga.��
Humagikhik siya at ini-recite ang slogan na gawa niya noon. ��Wikang Filipino:
Ipagaypay ngayong buwan ng Agosto.��
Tumango si Chris. ��Nice. Mahilig kang magbasa?��
Tumango siya. ��Ikaw ba?��
��Mahilig akong gumawa ng kuwento. Pero ayaw yata sa��kin ng pagsusulat.�� Tumawa
ito nang mahina.
Napatingin siya rito. ��Paano mo naman nasabi ��yon?��
��Gusto kong sumali noon sa school papers. Pero hindi ako nakapasa sa test nila.��
��Bakit naman?��
��Masyado raw komplikado ang sinulat ko. Hindi raw maiintindihan ng mga readers.��
��Baka hindi sila marunong magbasa.��
Tumawa naman ito. Hindi niya matanggal ang tingin dito. Ang guwapo kasi nito kapag
naka-side view. Perfect nose, perfect lips, perfect lashes, ang sarap kunan ng
picture. Best angle.
��Tungkol saan ba ang story mo?��
Nagkibit-balikat ito. ��Nakalimutan ko na.��
��Gusto mo, gawa tayo ng kuwento?�� gusto niyang batukan ang sarili sa suggestion
niya. ��Iyong kahit komplikado, okay lang.��
Bigla namang natigilan ang binata. Bago ito sumulyap sa kanya at tumango. ��I like
that.��
��Talaga?�� nakahinga siya nang maluwag.
Tumango ito ulit at ngumiti sa kanya. His eyes brightened.
At napangiti na rin siya.
��THERE��s a boy, ang pangalan niya ay Raider, isa siyang assassin. May nag-utos sa
kanya para patayin ang nag-iisang anak ng presidente. Matagal nawala ang anak nito
at nang makita ay kaagad na ginawang first lady ng pangulo.�� Panimula ni Chris.
��Nalaman din ni Raider na ang nagpapapatay rito ay ang stepmother nito na
tinanggalan ng kapangyarihan bilang first lady.��
Napatango siya sa paghanga. Maganda ang ideya nito. ��Pero hindi alam ni Raider na
nagpapanggap lang bilang anak ng president ang babae, na si Sydney. Isa rin siyang
assassin at alam ng presidente na balak itong ipapatay ng bago nitong asawa dahil
matagal nang may relasyon ito sa kanyang vice-president. Kailangan ng pangulo ng
proteksiyon habang hindi pa nakikita ang tunay na anak nito. Isa pa ay nais din
nitong ipapatay ang vice-president nito at ang madrasta. Pero binalaan na siya ng
pangulo na baka pagtangkaan din ng asawa nito ang buhay niya. Pumayag siya para sa
pamilya niya noon na isang kahig, isang tuka lamang.��
Napangiti si Chris at kahit nakaharap ito sa kalsada, alam niyang nag-eenjoy ito sa
takbo ng usapan nila. ��Sa tuwing dadalo ang presidente ng mga event ay kasama
silang dalawa. Kapag tapos nang ipakilala si Sydney sa mga tao ay maglilibot na ito
upang magbantay kung may panganib. She did find Raider.��
��At nagulat si Raider nang makita siya. Nagandahan siya kay Sydney.�� Aniya.
��At ganoon din naman si Sydney.��
��Nagandahan siya Raider?��
Tumawa si Chris. ��Naguwapuhan siya kay Raider.��
��Pero may pakiramdam siya na si Raider ay isang assassin. Kaya hindi niya
ipinahalata na isa rin siyang ganoon.��
��Nagkunwari siya bilang isang mabait na anak ng presidente.��
��Nahulog naman sa patibong niya si Raider. Hindi makapaniwala ang lalaki na nagawa
niyang isantabi ang trabaho para sa isang babae.��
��At nahulog sila sa isa��t isa.��
Sabay silang napangiti ni Chris.
��OH MY GOSH!�� patiling bulalas ng nanay ni Chris, kamukha kasi ito ng binate,
bago patakbong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. ��Look at you, two!
You��re so adorable!�� she squeezed her. Kagaya ng ginawa niya sa mga aso ni Chris
na ngayon ay nagtatakbuhan na sa loob ng bahay. ��Sayang at may business meeting
ang daddy mo.��
Bigla tuloy niyang naalala ang nanay niya. Ano kaya kapag nandito ito ngayon? Ano
rin kaya ang magiging reaksiyon nito kapag ipinakilala niya si Chris dito?
Siguradong matutuwa ��yon kasi mabuting tao ang binata.
��Ma, can I hug her, too?�� maya-maya ay tanong ng isang mas batang babae na
kamukha rin ni Chris sa likod ng nanay nito.
Natawa naman sila pareho. ��Oo naman.�� Hinawakan siya sa magkabilang balikat ng
ginang. ��I��m Lauren. You can call me anything you want. Tita, Mommy, Mama����
Napakamot naman sa ulo si Chris, namumula. ��Ma����
��Okay, okay. Ipapaubaya ko na siya sa ate mo.��
��Hi, I��m Liza. At natutuwa akong makita ulit ang kapatid ko na may kasamang babae
since Gigi����
��Ate.�� Pigil ng binata.
Ngumiti lang ang ate nito. ��I don��t like her.�� Umiling ito at bumulong sa kanya.
Niyakap siya nito. ��Nice to meet you, Kyla. And oh, I like your hair.��
Nahihiya niyang hinawakan ang buhok. ��Salamat po.��
��C��mon, kain muna kayo.�� Anang ina ni Chris.
��Kumain na kami, Ma.��
��I prepared cocoa.��
��Best cocoa ever.�� Singit ni Liza na noon ay bumalik na sa harap ng TV.
Napatingin siya kay Chris. ��I want to drink cocoa.��
Tumawa nang mahina ang binata. ��Gusto ko na sanang ipakita sa��yo ��yong
collections ko, but okay. Let��s go.�� Tila wala na itong nagawa dahil sa pakiusap
ng mommy nito.
Sabay silang pumalakpak ng ina nito. Saglit silang iniwan ng ginang sa kusina
matapos silang hainan ng inumin.
��They seemed nice.�� Natatawang aniya kay Chris. Nagkukunwari siyang hindi niya
nakikita ang nakasilip na ulo ng ina nito.
Ganoon din naman ang ginagawa ni Chris. ��Sorry about my mom.�� Mahinang turan
nito. ��Ganyan talaga siya kasaya para sa akin simula nang���� saglit nitong hindi
naituloy ang pangungusap.
��Gigi?��
Tumango ito.
��Ex-girlfriend?��
Tumango ito ulit.
��So, anong nangyari?��
Lumapit ang binata sa kanya. ��Sigurado kang gusto mong pag-usapan?��
Her body tensed when he got closer. Naamoy niya ang pabango nito at puwede na
siyang mamatay. Umiling siya. Ayaw niyang munang pag-usapan ang tungkol sa ex-
girlfriend nito.
Napangiti naman ang binata. Titig na titig ito sa kanya. ��Ako rin. Para sa��yo ang
gabing ito. Ayokong may maisisingit na hindi naman importante.�� He gently touched
her cheek with the back of his hand.
Ang init ng kamay nito at gusto niyang mapapikit. Maybe they could kiss there, in
his kitchen.
Bigla nilang narinig ang mahinang tili ng mama nito. Agad itong nagtago nang
lumingon sila.
Natawa siya. Maybe not there.
��Okay, Ma. Aakyat na kami sa taas.�� Anunsiyo ni Chris. Napapailing na lang ang
anak nito.
Dala-dala ang kanya-kanyang tasa ay umakyat na sila sa kuwarto nito. Pagbukas na
pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang malinis na kuwarto ng binata.
��Wow. Nice place.�� Hindi niya maiwasang mamangha sa sobrang organisado ng mga
gamit. ��Wow!�� bulalas niya ulit nang makita ang bookshelf ng binata. Punung-puno
iyon ng mga libro at magazines. Napapagitnaan iyon ng isang bintana kung saan
narororon ang isang hammock. Saka niya naalala ang ipinunta nila doon. ��Nasaan ang
collections mo.��
��Over here,�� itinuro nito ang isang pinto.
��Hindi ba closet ��yan?�� tanong niya.
��Nandoon ang closet ko.�� Itinuro nito ang katabing pinto. Ang laki ng kuwarto
nito. Sabagay, obvious naman kasi labas pa lang ng bahay nito, halatang magarbo na
pati ang loob.
Hinawakan nito ang doorknob at humarap sa kanya. ��Ready?��
Ngumiti siya. ��Always.��

Chapter 6

��NO WAY!�� hindi maitikom ni Kyla ang bibig sa sobrang pagkamangha nang makapasok
sa kuwarto.
The room was filled with ships in all sizes. Iba-iba ng disenyo at iba-iba ng
kulay. Pero ang gumulat sa kanya ay ang isang parte ng kuwarto kung saan naroroon
ang mga apparatus sa pag-navigate ng barko. Sa harap noon ay isang 3D effect na
dagat. Nakakamangha sa sobrang ganda.
��This is amazing!�� tuwang-tuwang sabi niya. ��Paano mo nagawa ito?��
��Katulong ko ang dad sa pag-install nito. Ipapakilala sana kita kaso wala siya
rito dahil nga sa business meeting. Engineer siya sa ibang bansa noon bago lumipat
dito. Magkasama naming ginawa ito. Minsan dito ako nagpapahinga. Probably my safe
haven.��
��Wow,�� wala na siyang ibang masabi. Pareho sila ng binata. Pareho sila ng
passion, pareho sila ng pananaw sa buhay at hindi niya alam kung mapipigilan niya
pa ang sariling mahulog dito. Nagulat siya nang makitang nakatitig din ito sa
kanya.
��Nagustuhan mo ba?�� mahinang tanong nito.
Tumango siya. ��Sana meron din akong ganito sa bahay. Kaso hindi naman ganoon
kalakihan ang bahay namin.��
��You can come here whenever you like.��
Napangiti siya. ��Talaga?��
Humakbang ito palapit sa kanya. ��Of course. After all, ikaw pa lang ang unang
babaeng dinala ko rito.��
��Hindi mo dinala si Gigi rito?��
Tumawa ito. ��Naisingit mo pa talaga siya, ha?��
��Anong magagawa ko? Nai-mention mo ang babae.�� Natatawa na ring wika niya. Hindi
siya selosa, iyon ang akala niya. Pero kapag naiisip na may unang babae nakahalik o
nakayakap kay Chris, hindi gumaganda ang pakiramdam niya. But when he said she was
the first one to see his room, gumaan ang loob niya.
��Sorry. Hindi na ako magmimention ulit ng ganoon.�� Hinawakan nito ang kamay niya
at kinapos siya ng hininga. ��I��m glad you like it.��
Ngumiti siya sa kabila ng kabang nararamdaman. Pakiramdam niya nga ay nanginginig
pati ang mga labi niya.
��Hindi ako makapaniwalang madadala kita rito.�� Nasa kanya lang ang mga mata nito.
Napalunok siya. ��Bakit naman?��
��Kasi dati, pinapangarap ko lang na maka-date kita. Hindi talaga ako makalapit
sa��yo noong una. Ang hirap mong abutin. Kaya nga ilang taon bago ako nagkalakas ng
loob para makalapit sa��yo. And I grabbed the opportunity na makausap ka para
sumali sa pageant. Doon natanggal lahat ng pagsisisi ko na tinanggap ko ang
position ko sa Student Council. Dahil kung tinanggihan ko ��yon, hindi sana ako
nagkaroon ng chance na mapansin mo. Kaya hindi na ako nagsayang pa ng panahon para
makuha kita. I really like you. Like really, really like you. At matagal ko nang
pinapangarap ��to.�� Their hands interlocked. Gosh, it looked so good. Parang gawa
para sa isa��t isa. Gusto niyang matunaw sa mga tingin nito.
Pero hindi siya ice cream kaya hindi nangyari iyon. Isa pa, ayaw niya ring matunaw.
Dahil gusto niya ang pakiramdam na hawa-hawak ang kamay ni Chris. At hindi na rin
niya napigilan ang sarili. Sinabi na niya sa binata ang nararamdaman niya para
rito.
��I like you, too. Actually, matagal na kitang crush. Simula nang enrollment natin.
Kaya nga nagulat ako nang sinabi mo kaninang napansin mo ako noon. Lalo na at
natatandaan mo kung ano ang suot ko. It just seems amazing, and romantic at the
same time.�� Hindi niya mapigilang ngumiti sa kilig. ��At gumagawa talaga ako ng
paraan para makita ka araw-araw. Hinahanap kita, sinusundan kita sa school at
nandoon lang ako nakatingin sa��yo. Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako
pumayag sa sumali sa pageant?��
��Para sa extra grades?�� sagot nito.
She giggled. ��Baliw. Siyempre para mapansin mo. Iyon ang unang beses na nakalapit
ako sa��yo at kinausap mo ako.��
��Hindi mo lang alam kung ilang beses akong nag-practice sa salamin ng CR bago kita
kausapin. Nagmumukha nga akong baliw sa mga schoolmates natin kapag nahuhuli nila
akong kinakausap ko ��yong sarili ko sa salamin. Ayaw ko lang mapahiya sa��yo dahil
once in a lifetime lang ��yon.��
Umiling siya. ��Hindi ka napahiya. Actually, kahit ka nag-practice, mapapapayag mo
ako kaagad. Ikaw pa lang, solve na.�� Itinaas-taas niya ang mga kilay.
At sabay silang natawa ng binata.
��I can��t believe this is happening.�� Maya-maya ay mahinang sabi ni Chris. Parang
hindi ito kumukurap kapag nakatingin sa kanya. Parang tingin nito ay panaginip lang
siya.
She welcomed his gazes wholeheartedly. Baka kasi siya itong nananaginip. ��I can��t
believe this is happening, too.�� Bigla niyang kinurot ang binata.
��Aray!�� natatawang reaksiyon nito. ��Bakit mo ginawa ��yon?��
��Totoo ka.��
Tumawa ito at tumango. ��At gising nga ako. Dahil totoo ka rin.��
She stuck out her tongue.
Ngumiti ito at pinisil ang ilong niya. ��Honk.��
Hinawakan niya ang ilong. ��Hala, baka pango na ako.��
��You have to get that fixed.��
And just like that, he pulled her towards him. Deretso ang mga labi nito sa mga
labi niya na pakiramdam niya ang nanginginig pa rin. Subalit nang magsimulang
gumalaw ang mga labi ng binata ay kusa na ring sumagot ang mga labi niya. It was as
soft as she imagined it would be.
Ganito pala ang pakiramdam ng isang halik. Ngayon alam na niya. Halik, masarap
pakinggan dahil masarap din sa pakiramdam. Iyon na ang bago niyang paboritong
salita. Halik, halik, halik. Mahusay, wikang Filipino.
SIMULA noon ay palagi na silang magkasama ni Chris. They were dating. Hatid-sundo
na rin siya nito sa bahay nila. She was new to this feeling. Iyong may tumitingin
nang espesyal sa kanya. Hindi kaya ng mga kaibigan niya na itinuturing siyang
babae. Si Chris naman ay prinsesa ang turing sa kanya. He was her best friend and
he was special to her. Mabilis na nagdaan ang isang buwan. At naging masaya siya sa
araw-araw.
��Anong nangyari kina Raider at Sydney?�� tanong niya.
Chris was playing with her hair. ��Inamin nila sa isa��t isa kung ano ang totoong
misyon nila.��
��At tinago nila ang relasyon nila sa mga amo nila?��
Tumango ito. ��Mahal nila ang isa��t isa. Pero isang araw, nalaman na lang ng lahat
na may anak pala ang madrasta ng presidente at ang vice-president nito. Ang bata ay
ipinaampon lang sa mag-asawang magsasaka na dating katiwala ng madrasta para itago
iyon sa pangulo.��
��Paano iyon nalaman ng pangulo?��
��Dahil sinabi mismo ng mga nag-ampon. Kinausap siya ng mag-asawa at sinabing
ipinaalaga lang sa kanila ang bata ilang buwan bago nakilala ng pangulo ang
madrasta nito. At si Raider ang batang tinutukoy ng mag-asawa. Si Raider ang anak
ng madrasta at ng vice-president.��
��Nandito na ang pagkain natin.�� Anunsiyo ng kararating lang na si Edwin mula sa
counter ng fast-food chain kung saan sila manananghalian.
��Wow. Ang gulo.�� Komento ni Brett sa kuwento habang tumutulong sa pagbaba ng
burgers at fries sa kanilang mesa. ��Nasaan ang mga drinks, ungas?�� tanong nito
kay Edwin.
��Nasa counter pa. Kunin mo, ulol. Hindi ��yong nagpapainit ka ng puwet diyan sa
upuan mo.�� Sagot ni Jon.
��Nagsalita ang masipag.��
Natawa naman si Chris. ��Ako na ang kukuha.�� Akmang tatayo ito nang pigilan ni
Jed.
��Hayaan mo na sila, pare. Bisita ka rito. Baka mabatukan kami ni Kyla kapag umalis
ka diyan.�� Itinuro siya ng kaibigan. ��Tignan mo, dikit na dikit sa��yo.��
Sinimangutan niya ito. ��Bakit ba? Ngayon nga lang ako hindi pumila sa counter, eh.
Palaging ako ang umoorder.��
��Oo nga,�� sabad ng nakangiting si KitKat na katabi ni Edwin sa kanilang mahabang
mesa. ��Hayaan niyo na ��yang kaibigan niyo. Panira kayo, eh. Buti pa itong babe
ko.��
Nagreklamo naman si Danny. ��Anong buti pa ��yang babe mo? Eh, ngayon nga lang
umorder ��yan. Palaging hahainan na lang ng pagkain.��
��Tama!�� sabay-sabay na bulalas nilang apat.
Tumayo si Edwin. ��Oo na! Oo na! Ako na lang din ang kukuha ng drinks. Ang dami
niyong sinasabi.��
Tawanan silang lahat. Iyon ang maganda kapag sama-sama sila. Magulo pero masaya.
Hindi naman nahirapan si Chris sa pakikisama sa mga kaibigan. Mababait din naman
kasi ang mga ito kahit medyo may sayad ang mga utak.
She felt happy because she could be herself around them. Ganoon din si Chris.
Mas nakilala niya ito. Hindi ito palangiti sa mga hindi nito kilala. Pero kapag
magkasama sila, palaging nakalabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito.
Nanliligaw rin ito sa kanya. Magkasundo na nga ito pati ang tatay niya. Noong una
ay talagang kinuyog ng kung anu-anong katanungan si Chris. Nagulat na lang siya
nang makitang magka-vibes na ang dalawa. Hindi niya alam kung bakit nagustuhan ito
kaagad ng ama. Siguro ay dahil parehong pagmamarino ang hilig ng mga ito.
Katunayan, mamayang gabi ay pinapapunta si Chris sa bahay nila para maghapunan.
Pero dahil nainggit ang mga kaibigan niya, tinawagan niya ang ama kung puwedeng
isama ang mga ito. Pumayag naman ito at sigurado siyang magkakasiyahan sila mamaya
sa bahay. Biyernes kaya wala sila pasok kinabukasan.
��Pareng Kyla, nahanapan mo na ba ng forever?��biglang tanong ni Brett habang
kumakain na sila. Nagpapahanap kasi ito ng girlfriend mula sa mga taong nag-send sa
kanya ng friend request sa Facebook. Sa sobrang dami noon ay hindi na niya maisa-
isa. At karamihan ay lalaki. Siyempre, hindi niya puwede i-accept ang mga ito dahil
may Chris na siya. At kahit hindi nito sabihin, ayaw niyang magselos ito.
��Huwag na. Kawawa lang magiging forever mo sa��yo.�� Aniya.
Kunwaring nalungkot ang kaibigan. ��Bakit naman? Mabait naman ako. Tsaka hindi
hamak na guwapo. Hindi siya lugi sa��kin, ano.��
��Baka kasi manyakin mo lang, abnoy.�� Singit ni Jon. ��Wala ka pang pambili ng
gatas.��
��Hoy! Huwag mo akong itulad sa��yo,�� sagot ni Brett.
��Fried chicken mo, tumatalsik.�� Si Danny naman ang sumabad.
��Grabe kayo sa��kin. Pinagtutulungan niyo ako. Nakakatampo na kayo.��
Sumagot si Edwin. ��Drama mo. Ako nga, pinagkaisahan niyo kanina, eh. Hindi ba, my
loves?�� lumingon ito kay KitKat.
Lahat naman sila ay napalingon kay Edwin. Na noon ay bigla nang nagmukhang
alanganin at namumutla.
��Sinong My Loves?�� dahan-dahang sumindi ang galit sa mukha ng dalaga. Mula sa
pagiging mala-anghel hanggang sa mukhang susugod sa giyera.
Napangiwi naman sila sa itsura ni Edwin. Parang hihimatayin na.
��Sagutin mo ako! Sinong My Loves?��
��Ano ka ba?�� kinakabahang sagot ng kaibigan. ��Hindi ba kita puwedeng tawaging
gano��n?��
Siniko ito ng nobya. ��Huwag ako, Edwinardo! May ginawa ka na namang kalokohan!��
��Aray ko!��
Nagwala na si KitKat. ��Hindi ka na nagbago!�� Tumayo ito pinaghahampas ng bag si
Edwin bago mag-walk out. Alam nilang lahat na may ibang nilalandi ang kaibigan
nila. Pero alam nilang hindi nito ipagpapalit ang nobya. Malandi lang ang kaibigan
nila pero hindi ito lumalagpas sa limitations nito. Ang problema, hindi iyon alam
ni KitKat. At wala naman silang magagawa doon. Kasalanan din naman ni Edwin. Dahil
ang siraulo, mahilig makipagkilala sa mga magagandang babae.
Marino nga talaga. Pero siya, naniniwala siyang hindi lahat ng marino, manloloko.
Si Chris, alam niyang matinong lalaki. Hindi nga ito palakaibigan sa mga bagong
kilala nito. At ang pinaka-idol niya sa lahat, ang tatay niya. Alam niyang kung
gaano ito ka-loyal sa nanay nila. Kahit ngayong wala na ito. Hindi na naghanap pa
ng iba ang ama.
��Gago talaga ��yang si Edwin.�� Napapailing na lang sila habang natatawang
sinusundan ng tingin ang magsyota. ��Hindi na nagbago.��
��Alam mo naman kasi ��yang kaibigan natin, friendly kuno. Tsk, tsk.�� Si Jed iyon.
��Naku, so hindi siya makakasama mamaya sa inyo, Pareng Kyla.�� Ani Jon.
��Hayaan mo siya. Kasalanan niya ��yan.�� Sabi ni Brett. ��Paabot na nga lang fries
niya. Ako ang uubos.��
Kinalabit siya ni Chris. ��Magiging okay lang ba sila?��
Tumango siya. ��Naku, huwag mong alalahanin ang dalawang ��yon. Sanay na sila sa
isa��t isa na palaging ganoon. Sanay na rin kami sa kanila. Bukas niyan, bati na
sila. Parang walang nangyari ngayon.��
��Hanggang text at chat lang naman ang ginagawa ni Edwin sa mga magagandang chicks.
Hindi naman ��yon talagang nagloloko nang sobra. Sinasabihan na nga namin na huwag
masyadong pala-kaibigan, ayaw maniwala. Tuloy laging nasasaktan ng syota. Jombag na
naman mamaya.�� Napapailing na lang si Danny.
Tumawa naman si Brett. ��Kaya kayong dalawa. Huwag kayong tumulad sa mga ��yon.
Sakit na nga sa mata ang drama ng dalawang iyon, baka maulol ako kapag dumagdag pa
kayo.��
Sabay silang natawa ni Chris.
��Hindi mangyayari ��yon, mga ��tol.�� Ani Chris.
��Good, good, good. Alright! Mas maraming fries para sa��kin ngayon!�� masayang
bulalas ni Brett.

Chapter 7

EXCITED na akong matikman uli ang luto ni Tita Carol.�� Ani Brett nang makababa ito
mula sa kotse ni Danny. Nakisakay na lang din ang kambal. Wala si Edwin. Hindi na
nakapasok ng klase. Malamang ay hinabol na nito ang nobya. Hiwalay sila ng sasakyan
ni Chris dahil dala nito ang kotse nito.
��Kailan ka pa hindi na-excite sa pagkain, ungas?�� tanong ni Jed. ��Baka mamaya
pati pinggan nina Pareng Kyla, lamunin mo na rin.��
��Grabe ka. Masarap lang talagang magluto si Tita.��
Naglakad na sila patungo sa kanilang bahay. Gutom na rin siya ulit. Maghapon din
kasi silang nagklase kaya natunaw na lahat ng kinain nila nang panghalian.
Pagbukas niya ng pintuan ay hindi niya kaagad nakita ang ama. Wala ito sa sala.
Pati na rin ang Auntie Carol at pinsan niya. Tahimik ang paligid. Nasaan kaya ang
mga ito?
Tinuro niya ang upuan. ��Diyan lang muna kayo?�� hindi na niya natapos ang
sasabihin nang may narinig siyang nagsasalita mula sa kusina.
��Pakiusap. Huwag ka nang magpapakita rito ulit.�� Boses iyon ng ama.
She told her friends to be quiet. Baka importante ang kausap ng ama. Ayaw niyang
maistorbo ang mga ito. Sumilip siya sa kusina nang magsalita ulit ang tatay niya.
��Tahimik na ang buhay namin pareho, hijo. May kanya-kanya na kaming mundo. Hindi
na namin kailangang paguluhin pa ang lahat. Nangako ako sa namayapa kong asawa na
kami lang ang kikilalaning pamilya ni Kyla. Hindi niya ito dapat malaman.��
Bigla siyang kinabahan sa narinig. Lalo pa at naroon ang pangalan niya. Ano ang
ibig sabihin nito?
Lumapit siya nang tuluyan. ��Anong hindi ko dapat malaman, ��Tay?�� tanong niya at
tinignan kung sino ang kausap nito. Nagulat siya nang makita si James sa mesa
kasama ang ama. ��Anong ginagawa mo rito?�� bumangon ang galit sa dibdib niya.
��Hanggang dito ba naman, nakabuntot ka?��
��Pumunta lang ako para kausapin ka. Gusto kong malaman kung may alam ka sa?��
��Stop it.�� Pigil ng tatay niya sa binata.
��Alam saan? Wala akong alam sa mga sinasabi mo, okay? Matagal ko nang sinabi
sa��yo, wala kaming kakilala sa Canada. Nagkakamali ka lang...�� natahimik siya
nang makita ang itsura ng ama. Nakayuko lang ito at hindi makatingin nang deretso
sa kahit sino sa kanila. ��Tatay?��
Hindi ito nagsalita. Nakailang buntong-hininga at iling ang ama bago tuluyang
sumuko. ��Kailangan nating mag-usap, Kyla.�� Binalingan nito si James. ��Umalis ka
na, hijo. Pakiusap.��
Mabilis na tumayo si James. At nang tumapat ito sa kanya ay mabilis niya itong
itinulak pabalik sa mesa.
��Upo!�� singhal niya. ��Ito ang gusto mo, hindi ba? Ang malaman ang sagot sa mga
walang kuwenta mong tanong? Puwes, umupo ka!��
��Alam ko na ang totoo, Kyla. Aalis na ako.��
��Peste! Umupo ka!�� walang nagawa ang binata kundi ang sumunod sa kanya. Nilingon
niya ang ama. ��Ano ang dapat kong malaman, ��Tay? At bakit nauna pa ��yong malaman
ng lalaking ��to?�� hindi siya umupo upang bantayan ang binata kung sakaling
tangkain nitong umalis. Gusto niyang malinawan siya sa kanyang narinig.
Bumuntong-hininga ang tatay niya. ��Kinausap niya ako tungkol sa kababata niya noon
sa Canada.��
��At? Hindi ba sabi mo, wala naman tayo kakilala doon?��
��Nandoon ang kapatid mo.�� Mabilis na sagot ng ama. ��Ang kakambal mo. Pati na rin
ang totoo mong ina. Lucy is your mother. I��m so sorry for lying, Kyla.��
Parang umalingawngaw sa tainga niya ang sinabi ng ama. Nakakabingi, nakakarindi.
Umiling siya. Hindi puwede. Hindi totoo iyon. Gilda ang pangalan ng nanay niya.
Hindi Lucy. Wala siyang kakambal. Bunso siyang anak sa pamilya nila.
Umiling siya nang umiling hanggang sa maramdaman niya ang luha sa mga mata. So
lahat ng hinala ni James, totoo? Na siya itong nagbulag-bulagan? Siya ang mali.
Tumingin siya sa binata. ��Iyan ba ang sinabi niya sa��yo kanina?�� baka kasi
nagkakamali lang siya ng dinig.
Tumango naman si James.
��Anak kita sa ibang babae.�� Dagdag ng ama.
��Anak ako sa labas?�� mahinang tanong niya.
��Don��t you ever say that.��
Hindi na niya napigilang mapahagulhol. ��Eh ano? Putok sa buho? Pareho lang naman
iyon, ��Tay. Huwag niyo nang pagandahin.��
Napapikit nang mariin ang tatay niya bago napabuga nang marahas. ��I��ll explain
everything, anak.��
��Mauna na po ako. Pasensiya na sa abala.��
Natawa siya nang pagak. ��Pasensiya sa abala. Tsk.�� Gusto niya pang sigawan ang
lalaki. Gusto niya itong sumbatan. Dahil ito ang dahilan kung bakit siya
naguguluhan ngayon. Kung bakit nagulo nang sobra ang buhay niya. Na sa isang iglap
ay hindi na niya kilala ang sarili.
Pero hindi naman ito ang nagsinungaling sa kanya. Hindi naman ito ang nagkunwari.
Wala naman itong itinago sa kanya.
Hindi na pinansin ng ama ang binata. Nakatingin lang ito sa kanya. Tila naghahanap
ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang katotohanan. Akala niya, sa teleserye
lang nangyayari ang mga ito. Sa TV lang siya nakakakita nang ganitong moment. Gusto
niya tuloy tawagin ang Auntie Carol niya. Gusto niyang panoorin nito ang drama
nila.
��Umupo ka muna.�� Itinuro nito ang upuan malapit dito.
��Saka na tayo mag-usap. Nandiyan ang mga kaibigan ko sa labas.��
��Alam kong pinaalis na sila ng auntie mo.��
Mabuti naman. Dahil ayaw niyang matunghayan ng mga ito ang pangyayaring ito. Ayaw
niyang makita ng mga itong umiiyak siya.
��Eh di aakyat na lang ako sa kuwarto ko.��
��Kyla.�� Saway sa kanya ng ama.
Kahit galit siya rito ay sumunod siya. Tatay niya pa rin ito at malaki ang respeto
niya rito.
��Alam ba nina Auntie Carol ito?��
Tumango ang ama niya. ��Alam na ng nanay mo ang lahat bago siya mamatay, alam na ng
ate at kuya mo. Dahil malaki na sila at hindi na nila nakitang nagbuntis ulit ang
nanay niyo.��
Biglang sumikip ang dibdib niya. ��So ako lang pala ang hindi nakakaalam nito? Ay,
oo nga. Si Jason pa pala.�� Sakastikong turan niya. Ngumiti siya nang peke. ��So
ano na ngayon, ��Tay? Paano nangyari ��to?�� nagbadya na namang lumabas ang mga
luha sa ilalim ng mga mata niya.
��Nag-away kami noon ng nanay mo kaya napaaga ako ng sakay sa barko. Dahil hindi
ako nakaattend ng birthday ng lolo niya na noon ay napangakuan ko.�� Panimula ng
ama. At nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ito. ��Nagalit siya sa��kin, hindi
niya ako kinausap sa telepono. Hanggang sa isang araw sumagot siya at puro
pagdududa na ang sinasabi niya sa��kin. Na may babae raw ako. I promise I was loyal
to her. Wala akong babaeng nilalapitan noon dahil nga mahal na mahal ko ang nanay
niyo.
��Nagalit na rin ako. Kaya naglasing kami ng mga kasamahan ko nang makababa kami sa
Switzerland. Doon ko nakita si Lucy. Tourist lang siya doon at nagkita kami sa bar.
Kayo ni Maggie, hindi ko pa kilala ang kapatid mo noon, sinabi lang sa akin ni
James. Kayo ang naging bunga ng may mangyari sa amin nang gabi iyon. Hinanap niya
ako para sabihin sa aking buntis siya at ako ang ama. Hindi niya raw kayang buhayin
ng dalawang bata dahil mag-isa na lang siya sa buhay. Kaya nang isilang kayo ay
kinuha ko ang isa. Ikaw iyon, anak. Gusto ko mang kunin si Maggie pero ayaw niyang
ibigay sa akin ang kakambal mo. Napagkasunduan namin ni Lucy na kalilimutan na
namin ang isa��t isa. Na magkaroon ng sariling buhay. Kaya inuwi kita rito. Humingi
ako ng tawad sa nanay niyo. Pinatawad niya ako at tinanggap ulit. Buong puso ka rin
niyang tinanggap. At minahal ka niya nang higit pa sa tunay niyang anak. Sinabi
niya sa akin na kailanman, hindi ko sasabihin sa��yo na hindi siya ang nanay mo. Na
dapat ang alam mo lang ay sa amin ka nanggaling.��
Hinawakan ng ama ang kanyang kamay. ��Anak, mahal na mahal kita. At mahal na mahal
ko rin ang nanay mo. Kaya gagawin ko ang lahat para maging buo ang pamilya natin.
Anak, I��m sorry for being so unfair. I��m sorry for hiding this to you. Gusto kong
lumaki ka nang masaya. Because that is what you deserve. Hindi kayo bunga ng
pagkakamali. Hindi ka anak sa labas. Anak kita, anak ka ni Gilda at kapatid mo sina
ate at kuya mo. Pamilya tayo.�� Pinahid nito ang basa niyang pisngi. ��Pero kung
gusto mong hanapin sila pagkatapos mong malaman ito, hindi kita pipigilan. I��ll
help you find them. Just please, don��t leave me.��
Kahit nagtatampo sa ama ay hindi naman niya magagawang iwanan ito. ��I��ll never do
that, Tatay. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal ko ang pamilyang ito. It��s
just that, parang nagbago na ang tingin ko sa sarili ko. Parang hindi na ako ang
dating Kyla.��
��You are still our little princess. And we love you so so much.��
Niyakap niya ang ama. ��I love you, too, Tatay.��
Suddenly, she felt incomplete. Kaya gusto niyang hanapin ang kapatid at ang totoong
ina. At isang tao lang ang makakatulong sa kanya para magawa iyon.
��ARE you okay? Text ako nang text sa��yo kagabi. Hindi ka sumasagot. I thought
something��s wrong nang pauwiin kami bigla ni Auntie. Is everything okay?�� tanong
ni Chris sa kanya habang hinihintay nila si James sa canteen ng university. She
sent him a message. Gusto niyang makipagkita rito.
Tumango naman siya sa kasama. ��Yeah.�� Hinawakan niya ang kamay nito. ��Thank you
for coming here.��
��Of course.�� He kissed the back of her hand.
Sinabi na niya rito ang pinag-usapan nila ng ama kagabi. Wala rin naman siyang
puwedeng itago sa mga makukulit niyang kaibigan kaya pati ang mga ito, alam na rin
ang nangyari. Sinabi ng lima na tutulong ito sa kanya sa paghahanap sa ina at
kambal niya.
Maya-maya ay nakita na nilang dumating na si James. Dumeretso ito sa mesa nila.
��Sorry I��m late.�� Umupo ito sa harap niya. ��Bakit pala gusto mo akong makausap?
�� tanong nito sa kanya.
��May impormasyon ka na ba tungkol sa nanay at kapatid ko?��
Umiling ito. ��Wala pa nga, eh. Hinanap ko na sila sa Facebook. Pero wala akong
nakita. Bakit mo naitanong?��
��Gusto ko silang makilala.�� Nagkibit-balikat siya. ��Hindi ko kasi maiwasang ma-
curious. Parang hindi ako buo kapag hindi ko sila makikilala. Ayaw kong tumanda na
hindi sila nakikita dahil pamilya ko rin naman sila.��
Tumango si James. ��Kung ganoon, puwede mo akong tulungang hanapin sila.��
��Sinubukan mo na bang i-Google sila?��
Tumango ulit ang binata. ��Matagal na ��yon. Kaya lang masyadong maraming lumalabas
sa result.��
��Subukan natin ulit. Isa-isahin natin. Do your own research, I��ll do mine.��
Isinulat niya sa tissue paper ang phone number niya at iniabot sa kaharap. ��Kung
may improvement, tawagan mo kaagad ako. Ako na lang ang bahalang mag-message sa��yo
kung may nahanap na rin ako.��
Sumang-ayon naman ang si James.
LUCIA Moreno, dating nagtatrabaho bilang cook sa isang restaurant sa Australia sabi
ng tatay niya. At ayon naman sa mga magulang ni James, lumipat ang mag-ina sa
Canada noong dalawang taong gulang pa lamang si Maggie at James. Bahay pala iyon ng
dating boss ni Lucia sa restaurant at caretaker lamang ang mga ito habang nasa New
York ang amo. Nakahanap ng bagong trabaho ang babae sa Canada bilang waitress sa
isa pa ring restaurant. Nang makabalik ang amo ay umalis din ang dalawa nang hindi
nagpapaalam kina James. Sinubukan silang hanapin ng binata pero hindi nito alam
kung papaano.
Margaret ang tunay na pangalan ni Maggie. At Moreno ang dinadala nitong apelyido.
Tama nga si James, mahirap hanapin ang dalawa. Lalo pa at hindi nila alam kung
saang panig ng mundo naroroon ang mga ito.
Sa dami ng result na lumalabas ay hindi niya alam kung sino sa mga ito ang
hinahanap nila. Sinubukan na nilang i-type ang pangalan at trabaho ng ina o ang
pangalan ni Maggie pero wala pa ring nangyayari. O kaya ang pangalan ng restaurant
kung saan nagtatrabaho subalit ganoon pa rin.
Ilang araw bago sila magkita ni James. Wala pa rin siyang balita sa ginagawa nitong
paghahanap.
��Kumusta?�� tumabi sa kanya ng upo si Chris nang dalhan siya nito ng merienda sa
kuwarto nito. Nasa bahay siya nito upang makigamit ng internet dahil mas malakas
ang signal sa lugar nito kaysa sa kanila.
��Page 10 na ako sa Google search. Wala pa rin, eh.��
��Kung mag-hire na lang kaya tayo ng private investigator?�� suhestiyon nito.
Umiling siya. ��Mahal ��yon sigurado.��
��I��ll help.��
Ngumiti siya. ��Huwag na. Kaya pa naman. Siguro kung wala nang choice talaga. Sa
ngayon, kami na muna ang bahalang maghanap.��
Iniyakap ni Chris ang braso nito sa kanyang baywang. ��Bakit sa tingin mo, gusto
ring makita ni James si Maggie?��
Napakibit-balikat siya. ��Siguro kasi childhood sweetheart niya iyon. Ganoon naman
talaga kapag importante sa��yo ang isang tao, hahanapin mo kahit gaano pa katagal
na panahon ang lumipas. Kasi hindi siya nawawala sa isip mo.��
He smelled her hair. ��I��m so lucky that you are here with me. At hindi na kita
kailangang hanapin pa. Kaya hindi na kita pakakawalan.�� At hinalikan nito ang
gilid ng kanyang ulo.
Parang may kung anong kumiliti sa puso niya. She had goosebumps. Isinandal niya ang
ulo sa mga balikat nito. Ang bango ng binata. Tumingala siya upang tignan ito. She
met his eyes.
��Thank you,�� wika niya at sinalubong ang papalapit na mukha ng binata.
Halik, halik, halik. Ang paborito niyang salita. Hindi niya alam na puwede pa lang
maging romantic ang paghahanap ng nawawalang mahal sa buhay. She wanted to make
their relationship official. Ngunit sa pangyayaring ito sa buhay niya, medyo
nagdalawang-isip niya.
Bigla ay gusto niyang mapahaba ang pagkikilala kay Chris. Lalo pa at nag-iba nang
kaunti ang tingin niya sa tatay niya. She had to admit, she suddenly felt scared of
trusting guys. Including Chris. Especially Chris. Natatakot siyang masaktan dahil
hindi man niya aminin, alam niyang mahal na niya ito. Alam niyang mabait si Chris
pero sigurado siyang mas malaki ang tsansa nitong saktan niya.
So she was going to take her time. Know him more. At para rin mas makilala siya
nito.
She kept on nodding and nodding to meet his lips. Her heart was pounding. Habang
may pagkakataon pa siya, susulitin na niya ang panahong kasama siya nito.
��Subukan mo kayang hanapin si Maggie sa mga eskwelahan.�� He said when he pulled
away.
Gusto niyang sumimangot dahil gusto niyang bumalik sa mga labi nito. ��Sa buong
mundo?��
��Oo. Hindi ba may mga websites naman ang bawat university? Malay mo makita mo siya
doon.��
Bumalik na lang siya sa paghahanap. She pressed the keyboard. ��Maggie Moreno.��
��No.�� Pigil ni Chris. ��Try Margaret.��
��Okay.�� Itinype niya ang pangalan ng kapatid. Nandoon ulit ang maraming results.
��Subukan mo ang Margaret Moreno school.��
Ginawa naman niya. Marami pa rin ang lumabas. ��Isa-isahin natin?�� tanong niya.
Tumango naman si Chris. ��Subukan mo nga rin mamaya sa images kapag wala sa
search.��
Isa-isa nilang pinindot lahat ng mga link na naroroon. Inilipat niya sa images.
Inisa-isa niya rin lahat ng larawan. Hanggang sa mapindot niya ang picture ng isang
farm. She viewed the source. At nagulat siya nang makita ang isang litrato ng babae
habang tumatanggap ng trophy.
��Margaret Jane Moreno while receiving her award for Best in Thesis regarding the
production of imported-like cheese in the Philippines.��

Chapter 8

��NASA Pilipinas sila. Pampanga to be exact. Nasa isang farm sila kung saan
gumagawa ng iba��t-ibang klase ng cheese sa buong mundo. Ang sabi sa article, sila
raw ang may-ari ng farm. Kaya malamang sa malamang, nandoon lang din malapit doon
ang bahay nila. Sally Cheese Homestead ang pangalan ng farm.�� Aniya kay James nang
magkita sila matapos niyang sabihin ang nakita sa internet.
Tinignan nito nang maigi ang picture na na-print niya. Lumipat ang mga mata nito sa
kanya. ��Si Maggie nga ito.��
Ngumiti siya. ��I know. I could see the resemblance.��
Hinawakan ni Chris ang kamay niya. ��Makikita mo na sila.��
��So kailan natin sila pupuntahan?�� tanong ni James.
��Sa sabado. Handa ka ba?��
James smiled at her. ��I��ve been ready my whole life.��
��Then let��s do it.��
Nang sabado ring iyon ay bumiyahe sila patungong Pampanga gamit ang sasakyan ni
Chris. Gustong sumama ng ilang kaibigan nila pero hindi na muna niya pinayagan.
Gusto niyang magkaroon ng private moment sa kanyang bagong pamilya.
Her dad was there, too. Ito ang nagmamaneho ng sasakyan.
Nagtanong siya kay James habang magkatabi sila sa backseat. Nag-uusap tungkol sa
ina at kakambal niya. ��Bakit gustung-gusto mong makita si Maggie?��
Napatingin ang binata sa kanya. ��Because she��s my best friend. At kahit ilang
dekada pa ang lumipas, iyon pa rin ang turing ko sa kanya.��
��Tell me more. Curious din ako tungkol sa kanya.��
��Sabay na kaming lumaki,�� panimula ni James. ��Sabay kami nagkaisip. Natatandaan
ko noon, kapag hindi ako papasok sa school, hindi rin siya papasok. Ganoon din ako.
Kapag may sakit siya at hindi puwede ipilit na pumasok, aabsent ako at sasama sa
nanay niya para ipa-check up siya sa doktor. Palagi kaming tinutukso sa school ng
mga classmate namin.�� Biglang itong kumanta. ��James and Maggie sitting on a tree.
K-I-S-S-I-N-G.��
Natawa naman silang pareho.
��Pero wala kaming pakialam noon kapag tinutukso nila kami.�� Napapangiting
pagpapatuloy ng binata. ��Ang alam lang namin, magkaibigan kami at walang
makakapaghiwalay sa amin. You know, Maggie, was the smartest girl in the class.
Palagi niyang minamani ang recitation at quiz. She loves to study, a lot. Kaya nga
minsan nadadamay na lang ako.�� Itinuro nito ang suot na salamin. ��See this? Siya
ang may gawa nito. Dahil sa kanya, naging hilig ko na rin ang pagbabasa. I felt
proud of myself, though. Palagi na akong pumapangalawa sa kanya.
��Until one day, ako na ang nanguna. Because she was gone. Isang araw, wala na
akong nakitang Maggie sa bahay nila. Wala nang nakatira doon. Hindi na rin siya
pumasok ulit sa school. Natatandaan ko pa ang huling usapan namin. Gusto niya raw
matutong mag-bike. At magpapaturo siya sa akin.�� Malungkot na ngumiti si James.
��Pero hindi na nangyari ��yon.��
��Naghintay kami nang naghintay sa pagbabalik nila. Pero wala na, eh. Tuluyan na
kaming hindi nagkita. Tatlong pagkatapos noon, umuwi na kami rito sa Pilipinas.
Dito na ako gumraduate ng high school. At hanggang ngayon, tinatanaw ko pa ring
utang-na-loob kay Maggie kung bakit ako nagkakaroon ng maraming awards. Kaya nga
hindi na ako nagulat nang ipakita mo sa akin ang article tungkol sa pagiging Best
in Thesis niya. I mean, she��s Maggie, normal lang iyon sa kanya.��
Hindi niya mapigilang mapangiti. ��Mabait ba siya?��
��Sobra. Iyakin nga, eh. When we were kids, she was always crying everytime we see
homeless people. Ang babaw ng luha niya. Kahit nga comedy ang palabas sa TV, basta
may sad music sa background, iiyak ��yon.�� Natatawa na lang ito sa mga alaala
nito. ��I hope she��s still the Maggie I grew up with. I hope she��s still my best
friend.��
��Do you love her?��
Hindi na kailangan pang sumagot ni James. Halata niya iyon sa mga mata ng binata.
��Sa lahat ng naikuwento mo, ako rin, hinihiling ko na sana siya iyong Maggie na
nakilala mo. Because she seems nice. Ako, kaya gusto ko silang makita, kasi curious
talaga ako. I��ve always love the idea of having a mother. At akala ko, hindi ko na
mararanasan iyon.�� Nagkibit-balikat siya. ��Hindi ko lang alam kung mararanasan ko
rin naman iyon kapag nakita ko sila pero umaasa pa rin ako na may ituturing akong
nanay pagkatapos ng lahat ng ito. Mahal ko si Nanay Gilda, kahit wala akong maalala
tungkol sa kanya. I love the idea that she loves me. Pero iba pala kapag nalaman
mong may chance ka pang magkaroon ng panibagong pagmamahal. Panibagong pag-aalaga
galing sa isang ina.�� Nakita niyang sumilip sa rearview mirror ang ama. ��Please
tell me she��s nice, Tatay.�� Si Lucy ang tinutukoy niya.
Ngumiti ang tatay niya. ��Mabuti siyang tao, anak.��
Sumang-ayon naman si James dito.
Nang magkasalubong ang mga mata nila ni Chris na noon ay nakaupo sa passenger seat,
lalo siyang nabuhayan ng loob. Chris gave her so much comfort than anything else.
Because his eyes were brighter than sunshine. And that made her eyes shine, too.
GUMAMIT sila ng Google Map para matunton ang daan papuntang farm. Habang papalapit
sila nang papalapit ay hindi niya maiwasang makaramdam ng takot. Takot na baka
hindi sila tanggapin ng dalawa. Takot na baka ipagtabuyan lang sila ng mga ito.
Pero tiniis niya ang pakiramdam hanggang sa makita na nila ang gate ng farm.
Welcome to Sally Cheese Homestead. Basa niya.
Naramdaman niya ang mainit na kamay ni Chris na noon ay nasa tabi na niya.
Isinandal niya ang ulo sa balikat nito. She just wanted to smell him. Mas gumagaan
ang pakiramdam niya kapag nasa tabi niya ang binata.
Ayaw man niyang masanay doon pero wala siyang magagawa. Bahagi na ng sistema niya
si Chris at palagi niya itong hinahanap-hanap. Masuwerte nga siya at hindi ito
nawawala sa tabi niya.
Mas mahigpit ang ginawa niyang paghawak sa kamay nito.
��We��re here.�� Her father announced once they were outside the gate. Halata ring
kabado ang ama niya. Hindi niya ito masisisi, kahit siya ay hindi alam kung ano ang
mangyayari. Si James naman ay mas makikita ang pananabik sa mukha.
��Kinakabahan ako,�� pag-amin niya kay Chris.
Ngumiti ito sa kanya. ��I understand. Don��t worry. Everything is going to be
alright. Nandito lang ako.�� Niyakap siya nito.
She smelled him. Nakakahiya man dahil dinig na dinig ang pagsinghot niya sa damit
ng binata, okay lang. Kailangan niya ng lakas mula rito. Pagkatapos niyon ay
naglakad na sila palapit sa entrance ng gate.
May guwardiyang nagbabantay doon. Nagtanong ito kung anong kailangan nila.
��We��re here for Lucy Moreno?�� si James ang sumagot dito.
��Sandali lang po,�� anang guwardiya. May tinatawagan ito sa telepono. Bumaling ito
sa kanila. ��Sino raw po kayo?��
��Pakisabi James Roxas. Kapitbahay nila dati sa Canada.��
Sinabi naman iyon ng guwardiya sa kausap nito sa kabilang-linya. ��Okay po,
Ma��am.�� At ibinaba na nito ang telepono. ��Pasok na raw po kayo. Dere-deretso
lang po kayo para makarating sa opisina.��
Namangha sila nang makapasok. Ang lawak kasi ng farm at punung-puno iyon ng iba��t-
ibang puno at mga halaman. Tatlong kulungan ng baka ang nakita nila sa malayo
habang naglalakad.
��James!��
Nagulat sila nang biglang may tumawag sa binata. The girl was petite, just like
her. Same height, same skin complexion, same voice. Mahaba nga lang ang buhok nito
na bahagyang kulot sa dulo kaya medyo may pagkakaiba sila. Pero kung hindi dahil
doon, siguradong mahirap kilalanin kung sino siya at sino ito.
Her body tensed. So thus his father��s. Pareho silang natigalgal nang lumapit si
Maggie.
Sinalubong ito ng yakap ni James. ��Maggie!��
Niyakap din ito nang mahigpit ng dalaga. Tinignan nito nang maigi ang kaibigan.
Tuwang-tuwa ito habang iniinspeksyon ang binata. ��Grabe! Ang laki mo na, ha. Ang
tangkad mo!�� pinisil-pisil pa nito ang pisngi ni James. ��Wow, ang guwapo mo! How
did you find me?��
��A friend help find you. Actually, gusto ka rin nilang makita. Pati na rin si
Tita.�� Itinuro sila ni James.
Nakita niyang napasinghap sa gulat ang dalaga nang makita siya. ��Sally?��
Nagtaka naman siya sa tinawag nito sa kanya.
��Her name is Kyla.�� Narinig niya wika ni James.
Ngumiti ito sa kanya at humakbang palapit. She turned to her father. Bahagyang
nanlaki ang mga mata nito nang makita ang ama nila. ��Ikaw si...��
��Simon? Anong ginagawa mo rito?��
Natigilan si Kyla nang makita kung sino ang dumating. Ang babaeng kasama ni Maggie
sa picture na ipinakita ni James sa kanya noon. Si Lucy Moreno. Ang nanay niya. Mas
maganda ito sa personal kahit halata ang pagtanda nito kumpara sa litrato. Nakita
niya kung paano natigalgal ang babae nang makita siya. Nasapo nito ang dibdib.
��Sally? Sally, ikaw na ba ��yan?��
��Kyla ang pangalan niya.�� Sagot ng kanyang ama. ��Nandito kami kasi gusto kang
makita ng bata.��
��Mom, sila ba ang sinasabi mo sa��kin noon?�� tanong ni Maggie sa ina.
Hindi siya nito pinapakawalan ng tingin habang tumatango. Hindi na uli lumapit sa
kanila ang dalawa. Nakatayo lang ang mga ito habang pinagmamasdan sila. Ganoon din
sila rito. Sa isang iglap ay naisip niya na baka ipagtatabuyan sila nito.
But her mother suddenly came to her in less than a second. Bago niya pa naibuka ang
mga braso ay nayakap na siya nito. ��Sally. Anak ko.�� Hindi niya alam kung kailan
nagsimulang umiyak ang babae. Pero humahagulhol na ito habang hindi siya
pinapakawalan ng yakap. ��Anak ko...�� Anito uli at hinalikan siya sa buhok.
And she managed to hug her back. Napapikit siya nang tuluyan na niyang mahawakan
ang ina. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nayayakap niya ang taong naglabas sa
kanya dito sa mundo. Hindi niya maipaliwanag. Pero masarap sa pakiramdam. At hindi
niya mapigilang mapaiyak sa tuwa.
Nakita niyang yakap na rin ng kanyang ama si Maggie. Napangiti siya.
Hinawakan ng nanay niya ang magkabila niyang pisngi. Tinignan siya nito nang buong
pagmamahal. ��I can��t believe it��s you. Hindi ako makapaniwalang makikita kita
uli. Ang ganda mo. Ang ganda-ganda mo. At sa tingin ko, mas bagay sa��yo ang
pangalang Kyla.�� Her mother said dreamily. Marahan nitong hinaplos ang mukha niya.
Ngumiti ito sa kanya.
Pinahid niya ang luha sa ilalim ng kanyang baba. Ngumiti rin siya sa ina.
��Maggie,�� tinawag nito ang kapatid niya. Hindi naman nagtagal at nasa tabi na ito
ng kanilang ina. ��This is your sister.��
Nagkasalubong sila ng tingin. At wala na silang sinayang na segundo. They hugged
each other like forever. Hindi maiwasang manindig ang mga balahibo niya sa
nararamdamang kuryente nang mayakap ang kapatid. They drowned each other with
tighter hugs.
And for the first time of her life, she felt complete.
MATAPOS ang madamdaming pagkikita ay ipinasyal siya ni Maggie sa buong farm habang
nag-uusap naman ang mga magulang nila. Sinabi niya rito kung paano nila nakita ang
mga ito. At kung paano niya nalaman ang tungkol dito at sa kanilang ina. Si James
at Chris ay magkasamang tumingin sa mga baka kung saan kumukuha ng gatas upang
gawing keso. Binigyan lang kasi sila ng mga ito ng oras para mas lalong
magkakilala.
��Nalaman ko lang na may kapatid ako nang lumipat kami rito.�� Nasa cottage sila
hindi kalayuan sa opisina nang magsimulang magkuwento si Maggie tungkol sa buhay
nito. ��Sa dami ng bahay na natirhan namin, talagang natuwa ako nang sabihin ni
Mommy na dito na talaga kami titira. Na hindi na kami magpapalipat-lipat ulit ng
tirahan. Na sa wakas ay nakapagpundar siya ng negosyo. Nagbunga kasi lahat ng
perang ipinadala niya sa kaibigan niya rito para maipatayo ito.
��I asked Mom, bakit Sally Cheese Homestead? Sino si Sally?�� tumingin ito sa kanya
at napangiti ito. ��Sinabi niya sa akin ang totoo. Tungkol sa ama natin. Tungkol
sa��yo. Na Sally ang gusto niyang ipangalan sa iyo noon bago ka kunin sa kanya. At
kaya gusto niyang bumalik dito kasi gusto niyang hanapin ka. Pero masyadong malaki
rin ang Pilipinas. Isa pa, masyado siyang naging busy dito sa farm. Sabi niya,
gusto niyang magkaroon ng maraming kita para mas mahanap ka niya kaagad.��
Ngumiti siya rito. ��Mabuti na lang at matalino ka. Kung hindi, hindi namin kayo
makikita kaagad.��
Narinig nilang natatawanan si Chris at James sa isa sa mga kulungang nandoon.
Sabay rin silang natawa nang mahina sa mga ito.
��So, James told me something about you.�� Nakangising wika niya sa kambal.
Itinaas nito ang kilay pero nakangiti pa rin ito. ��Ano naman ang sinabi sa��yo ng
lalaking ��yon tungkol sa ��kin.��
Umiling siya. ��Hindi ko muna sasabihin.��
��Grabe naman!�� napanguso ito. ��Sabihin mo na. Pinasabik mo na ako, eh. Anong
sinabi niya tungkol sa��kin? Maganda ba?��
Tumango siya. ��He told me he loves you.��
Nanlaki ang mga mata ng kapatid. ��Talaga?��
��Yep. Ikaw ba? Mahal mo siya?��
Ngumiti ito, kinikilig. ��Hindi ko siya nakalimutan kahit kailan. Isa rin siya sa
mga dahilan kung bakit gusto kong makatapos kaagad. Para kapag nakapagtrabaho ako
at marami na akong pera, hahanapin ko siya. Seems like nauna pa siyang makahanap
sa��kin kaysa ako sa kanya.��
Tinukso niya ito. ��Iiih!��
��Hoy! Ikaw nga, may boyfriend ka na!��
Tumawa siya. ��Si Chris? Hindi ko pa nga siya boyfriend, eh. But we��re dating.��
Hindi niya sinabi rito ang dahilan kung bakit ayaw niya pang gawing official ang
relasyon nila ng binata.
��Kailan mo naman siya balak sagutin?��
Nagkibit-balikat siya. ��Kapag sigurado na ako na hindi niya ako sasaktan.��
��Bakit?�� nagtatakang tanong nito. ��Mukha naman siyang mabait at matino, ah.��
Ngumiti siya. Alam niyang hindi lang siya ang nakakakita ng kabaitan ni Chris.
��Basta. Ayaw ko munang madaliin ang lahat.��
��Sabagay. Tama ka. Mas mabuti kung kilalanin niyo muna ang isa��t isa para wala
kayong pagsisisihan sa huli.��
Sumang-ayon siya.
Mahina siyang siniko ng kapatid. ��Pero nag-kiss na kayo?��
Nabigla siya sa tanong nito kaya hindi niya naiwasang mamula.
Humalakhak naman si Maggie. ��Oh my gosh! You��re blushing!�� kantiyaw nito sa
kanya. ��Masarap ba?��
��Maggie naman, eh!�� nahihiyang sayaw niya rito. Tinakpan niya ng kamay ang mukha.
niya
Masayang isipin na kahit ngayon lang sila nagkita ay parang matagal na silang
magkakilala kung umasta. Ganoon talaga yata kapag pamilya. Walang haba-haba ng
pinagsamahan. Kapag nagkita, mayroon at mayroong lalabas na pagmamahal.
��Sana mahalikan ko rin sa James balang-araw.�� Maya-maya ay tila nangangarap na
turan ng kakambal niya.
��James!��
Napalingon naman ang dalawang lalaki sa kanila.
At mabilis na tinakpan ni Maggie ang bibig niya. ��Uy, huwag!��
Ngunit nakawala siya. Kaya sumigaw siya nang malakas. ��James! Gusto ka raw halikan
ni Maggie!��
Nakita niyang tinanong ni James kay Chris kung ano ang sinasabi niya. At nagkibit-
balikat lang ang kasama nito. Nagtawanan na lang sila ni Maggie.
��Mga bungol!�� sabay nilang sigaw ng kakambal. Nagkatinginan pa sila bago
nagtawanan ulit. ��High-five!��

Chapter 9

��MAGANDA ba ang kapatid mo, Pareng Kyla?�� tanong ni Brett habang nakatambay sila
sa canteen at kumakain ng cup noodles.
Binatukan naman ito ni Danny. ��Tanga. Siyempre maganda rin. Kamukha nitong
kaibigan natin.��
��Asus.�� Umirap siya. ��May kailangan ka na naman, ano?��
��Pakopya ng assignment. Hihi.�� Ngisi ng kaibigan.
��Sabi na nga ba. O, ��ayan.�� Ibinigay niya ang assignment nila sa World
Geography.
Kinalabit siya ni Brett. ��Ilakad mo naman ako sa kapatid mo, ��tol.��
Inilayo niya ang balikat sa kaibigan. ��Huwag mo nga akong guluhin. Taken na si
Maggie. Saka alam ko namang hindi ka papatulan no��n.�� Humigop siya ng sabaw ng
cup noodles ni Jed.
Sabay-sabay napabulalas ng tawa ang barkada.
��Nice one, dude!�� isa-isa siyang binigyan ng high-five ng mga kaibigan maliban
kay Brett na noon ay para bata na kung sumimangot.
Sa ngayon ay balik na sa normal ang buhay niya. Bahagyang may nabago sa pakiramdam
pero masaya lahat ng iyon. Masaya siya dahil nadadagdagan ang miyembro ng pamilya
niya. Katunayan, gusto na ring makilala ng ate at kuya niya si Maggie.
Paalis na sa isang linggo ang tatay niya. Napag-usapan nito at ng nanay niya na
puwedeng dumalaw ang mga ito sa kanilang bahay. O hindi kaya ay puwede siyang
pumunta sa Pampanga. Bukas ay dadalawin nila ang punta ng kinikilala niyang nanay.
She wanted to thank her for the unconditional love she gave when she was still
here.
"Nasa'n si Chris?"
"Present," nagulat pa siya sa biglang pagsulpot nito. He kissed the top of her
head.
Napairap naman si KitKat na nakaupo sa bandang dulo. "Sus, una lang sweet ang mga
'yan. Kalaunan puro na sakit sa ulo at sama ng loob ang ibibigay nila sa'yo."
Napabuga ito nang marahas. "Hmp! Bakit ba kasi nag-boyfriend ako ng marine. Ngayon
pa lang nakikita ko na na seaman-loloko ka balang-araw."
Biglang nag-react ang iba nilang kaibigan.
"Hindi ako ganyan, ha." Si Danny iyon.
"Si Edwin lang naman ang manyak sa'ming lahat, eh."
"Oo nga." Pagsang-ayon ni Jon sa kambal.
"Basta ako walang love life." Wika ni Brett.
Apparently, nagkaayos na si Edwin at KitKat. Ngunit nakikita pa rin na bahagyang
may tampuhan ang dalawa.
Sumandal sa balikat nito si Edwin. "Mahal na mahal mo kasi ako." Lambing ng
kaibigan.
"Kaya inaabuso mo, gano'n? Naku talaga, Edwin. Kapag ako nauntog sa pagiging tanga
ko, hinding-hindi mo na ako makikita uli."
"Sorry na nga," lalong naglambing ang nobyo nito. "Hindi na mauulit. Promise."
"Ilang beses ko nang narinig 'yan."
"Huwag ka kasing pahuhuli, ungas. Pati kaming mababait, nadadamay sa'yo." Reaksyon
ni Danny.
"Sinasabi ko, mahirap magmahal ng marino. Nakakaloko."
Lumingon siya kay Chris.
Umiling ito na tila sinasabing hindi ito kagaya ng sinabi ni KitKat.
Napangiti siya habang ang mga kaibigan niya ay sige pa rin sa pag-react sa mga
reklamo ni Kitkat.
Wala tuloy silang nagawa ni Chris kundi mapailing sa mga kasama. Alam niyang hindi
naman magiging ganoon si Chris. Pero kung sakali mang gagawa ito ng kalokohan,
hindi niya alam kung anong mararamdaman. Isa pa, wala pa siyang karapatan. Hindi pa
niya boyfriend ang binata. Hindi pa rin naman nila napag-uusapan iyon. Maybe soon.
Kapag tuluyan na siyang naka-get over sa pangyayari sa pamilya nila. Ayaw niyang
pagsabay-sabayin ang lahat.
"Tama na 'yan!" Maya-maya ay bulalas ni Brett. "Sale ngayon sa mall. Gusto kong
bumili ng pang-japorms. Samahan niyo ako. Walang kokontra. Kasalanan niyo kung
bakit wala akong girlfriend na sasama sa'kin kaya ngayon samahan niyo ako. Hoy,
Edwin! 'Tangina mo, bumili ka ng sarili mong cup noodles!"
WALA nga silang choice kundi samahan si Brett. Kaysa buong araw nilang marinig ang
pag-emote nito. Pati sa Facebook ay nagpopost ng kung anu-anong drama. Masakit sa
mata kapag binabasa.
"Bagay ba sa'kin?" Itinapat nito ang isang pantalon sa katawan nito.
Sabay-sabay silang umiling.
"Hindi bagay sa'yo ang skinny jeans, ulol." Wika ni Danny. Masyado kasing malaki
ang katawan ni Brett. Macho ang balikat at mga hita kaya nagmumukha itong suman na
hindi nailaga nang maayos kapag nakasuot ng skinny jeans. Pero kahit ilang beses na
nilang sinabi iyon sa kabarkada ay hindi ito nakikinig.
Kaya siguro walang chicks na lumalapit dito.
"Seryoso ba kayo?"
"Oo!" Halos sumigaw na silang lahat sa loob ng department store para lang hindi
subukang sukatin ng kaibigan ang kawawang pantalon.
Napakamot na lang ito sa ulo bago pumili ng iba.
"May gusto ka bang bilhin?" Tanong ni Chris sa kanya, kamay sa likod niya. Ang
ibang kaibigan niya ay naki-shopping na din.
Napangiti siya bago umiling. "Wala naman. Bakit?"
"Naisip ko lang, gusto kitang bilhan ng damit. O kaya ay sapatos. O 'di kaya dress,
jeans, necklace, bracelet and watch."
Hindi niya mapigilang matawa. "Bilhin mo na lang kaya itong buong department
store."
He grinned. "Kapag nagawa ko ba 'yon, sasagutin mo na ako?"
Parang kotse napahinto sa stop light ang puso niya. She giggled. Sagutin na kaya
niya ito ngayon? Puwede. Mas hindi planado, mas maganda. Hinawakan niya ang isang
kamay nito. Sasabihin na sana niyang kahit hindi nito bilhin ang buonh department
store, mamahalin niya pa rin ito. Pero biglang may tumawag dito.
"Chris?"
Parang iisang tao silang lumingon. Nakita nila ang isang sopistikadang babae.
Nakasuot ng kulay pink na cocktail dress. Ang magagandang legs at paa nito ay
nababalutan ng kulay puting sandals. Babaeng-babae. Maganda ito, hindi iyon
maipagkakaila. At hindi niya alam kung bakit hiniling niyang sana ay may sira itong
ngipin o kaya ay pangit itong ngumiti.
Pero anak ng tupang may brace! Ang ganda ng ngiti nito. Perfect ten ang ngipin, ang
puputi pa. Gusto niyang magdabog. Lalo na nang sabihin ni Chris kung ano ang
pangalan ng babaeng nagbibigay sa kanya ng isang dosenang insecurities ngayon lang.
��Gigi?�� lumapit dito si Chris.
��Hi!�� parang gusto niyang magbaon sa susunod ng kutsilyo para sa mga babaeng
pupulupot nang wagas sa binata. ��Oh my gosh! Hindi ko akalaing dito pa tayo
magkikita. Small world.��
Ngiting-ngiti naman ang lalaki. Nakalimutan na yata siya. ��Akala ko nasa Paris
ka.��
��I was,�� masayang sagot ng babae. ��Pero umuwi muna ako. Alam mo na? Medyo
stressed din kapag mag-isa kang namumuhay doon. Fashion designing is harder than I
thought.�� Ang lagkit ng mga tingin nito sa binata.
Tumango-tango naman si Chris.
Biglang may dumating na lalaki at kaagad na iniyakap ang kamay sa baywang ni Gigi.
��Babe, hanap ako nang hanap sa��yo. Nandito ka lang pala. Anong���� napatigil ito
sa pagsasalita nang makitang natahimik ang dalaga. Tila alanganin ang itsurang
nakatingin kay Chris. Sinundan ng lalaki ang tingin ni Gigi.
Kyla did the same. At kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha ni Chris. Hindi siya
nagmamalik-mata nang makita ang sakit sa mga mata nito. Hindi kaya... hindi kaya
may nararamdaman pa ito kay Gigi? Kaya ba ayaw nitong pag-usapan ang ex-girlfriend
nito? Huwag na naman sana.
Pero bakit parang nasasaktan ito ngayon nang malamang may boyfriend ang babae.
Gusto niyang matawa nang pagak. Hindi siya makapaniwalang muntik na niya sagutin
ang lalaking may feelings pa rin para sa ex-girlfriend nito.
��Chris? Bro?�� nagtatakang tanong ng lalaki kay Chris. ��Anong ginagawa mo dito?��
Gusto niyang sumabad. Hello! Hindi sa inyo itong mall, ano! Pero hindi niya magawa.
Dahil nagsisimula na ring sumakit ang puso niya. Wala naman siyang sakit sa puso.
Normal naman siya. Pero bakit parang pakiramdam niya ay kailangan niya ng oxygen
ngayon? Masama ang pakiramdam niya sa mga nangyayari. Hindi niya iyon gusto. Kung
puwede lang umalis ay ginawa na niya. Subalit isang bahagi ng isip niya ang gustong
manatili roon. Gusto niyang makita lahat.
��I saw him. I just thought he probably saw us. So, I guess, I must say hi.��
Tumingin ito sa bagong dating na lalaki.
Nakita niyang napipilitang ngumiti si Chris. ��Hey, bro. Ikaw? Anong ginagawa mo
dito? Akala ko nasa London ka pa. Hindi ko alam na kasama mo si Gigi. Hindi ko kayo
nakita kanina.��
Tumawa naman ang lalaki, halatang peke. Ang sarap batukan. ��Ah, yes!�� inakbayan
nito ang babae. ��Kailangan ko kasing samahan itong girlfriend ko. See, kami na.
Sana hindi ka galit, bro.��
Umiling kaagad si Chris. At ang mga nakakakilala lang sa kanya ang makakaalam na
hindi ito okay. ��No. It��s fine. I��m so happy for you.�� Gusto niyang sampalin
ngayon din ang binata. How could he do this? Nagsisinungaling ito?
Nakahinga naman nang maluwag si Gigi nang makita ang reaksiyon nito. Hindi nga yata
lubusang kilala ng mga ito si Chris.
Ganoon din ang lalaki. Dahil ngiting-ngiti na ito ngayon. ��I told you, babe. Okay
lang kay Chris iyon. Matagal na rin kasi kayong wala, hindi ba? What? Two years?��
��Yeah,�� tumango si Chris. ��Definitely. Um, actually, may gusto rin akong
ipakilala sa inyo.�� Tumingin ito sa kanya. No, no, no, no. Nasabi niya sa isip
niya. Lumapit si Chris sa kanya nang hindi siya gumalaw. He gently guided her
towards his company. ��This is Kyla, girlfriend ko. Kyla, si Gigi at Francis.��
Doon na sumabog ang puso niya. Ang mga piraso niyon ay nahulog sa sahig. At wala
siyang balak pulutin.
��Hi!�� masayang bati sa kanya ni Gigi bago siya niyakap. ��It��s good to know that
there��s someone who makes Chris happy.��
Inakbayan din siya ni Chris. Pero kahit gusto niyang alisin iyon ay hindi niya
ginawa. Ayaw niyang gumawa ng drama dito. ��Definitely.�� Hindi na siya nag-abalang
tumingin kay Chris. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito pagkatapos niyon.
��Well, kailangan na naming magpaalam. May pupuntahan pa kasi kami. It��s good to
see you again, bro. Congratulations sa inyo ni Kyla.�� Tumingin ito sa kanya at
ngumiti.
Tumango lang siya.
Tumalikod na ang dalawa. Ngunit walang gumagalaw sa kanilang dalawa ni Chris.
Nakatingin pa rin sa mga ito ang binata. At kitang-kita niya kung paano lumingon
nang lihim si Gigi pabalik sa kanila.
At doon na siya binalingan ni Chris. ��Hey.�� Pukaw nito sa kanya dahil tahimik
lang siya. ��Are you okay?�� he said gently.
Marahas niyang inalis ang kamay nito sa balikat niya. Parang napapaso pa siya sa
init ng kamay nito. ��How dare you.��
Napabuntong-hininga naman ito. Mabuti na lang at alam nito ang pagkakamali nito
dahil kung hindi, baka nasampal na niya ito. ��I��m sorry, Kyla. I just��I don��t
know what I��m doing.��
��You don��t know what you��re doing,�� sarkastikong wika niya. ��Seriously? Huwag
mo akong pagmukhaing tanga, Chris! Ginamit mo ako para pagselosin ��yong dalawa.
Gago ka ba?��
��Hey, hey! What��s happening here?�� tanong ni Jon. Hindi niya namalayang lumapit
na pala ang mga kaibigan niya.
��Nabigla lang ako.�� Nakayuko si Chris. Tila hindi alam kung ano ang gagawin.
��At kapag nabibigla ka, nanggagago ka?�� galit na tanong niya. Sinikap niyang
huwag lakasan ang boses. Ayaw niyang mag-iskandalo doon.
Sa wakas ay tumingin na ito sa kanya nang deretso. ��I can explain.��
��Then explain.�� Pinipigilan niyang lumabas ang nagbabadyang luha sa mga mata.
Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. But her was still tingling.
Hindi niya alam kung makakatulong ang magiging paliwanag nito. Pero makikinig
siya. Alam niyang may dahilan si Chris kung bakit nito nagawa iyon. Sana makatulong
ang dahilan nito.
Tumingin ito sa mga kaibigan niya. Marahil ay humihingi ng pahintulot kung puwede
silang mag-usap na silang dalawa lang.
Umalis sila at iniwan ang barkada. She suddenly pictured herself as KitKat. Ayaw
niya noon pa man ang ginagawang kalokohan ni Edwin sa dalaga. Ayaw niyang
maramdaman niya ang nararamdaman nito. Pero heto yata iyon. Ganito yata ang
pakiramdam. At si Chris mismo ang dahilan kung bakit niya nararamdaman ito.
Gusto niyang umiyak. Pero lalo lang niyang pinatunayan na katulad nga siya ni
KitKat. Kaya pinigilan niya ang sarili.
Pumasok sila sa isang coffee shop na tatlong mesa lang ang may tao kasama na sila.
Kaagad na umorder ng iced tea si Chris nang hindi siya tinatanong. Halatang
nagmamadali. Wala rin naman siyang ganang uminom. Props lang iyon para doon sila
makapag-usap.
Hindi siya nagsalita hanggang sa ito na mismo ang kusang nagsimula ng usapan.
��Francis is my best friend.�� Parang may naalala ito. ��Well, was. Dahil ngayon,
hindi na kaibigan ang turing ko sa kanya���� napabuntong-hininga ito. Hinawakan
nito ang kamay niya. Sinubukan niyang makawala doon pero mahigpit ang pagkakahawak
nito. ��Kyla, hindi ko na mahal si Gigi. Wala na akong nararamdaman para sa kanya.
Matagal na.��
��Pero bakit nang tinignan kita, parang sobrang nasaktan ka nang malaman mong sila?
Kitang-kita ko sa mga mata mo, Chris. Hindi totoo ang sinabi mong masaya ka para sa
kanila.��
��Oo, tama ka.�� Pag-amin nito at parang gusto niyang umiyak. Pero muli ito
nagsalita. ��Inaamin ko, nasaktan ako nang malaman kong sila. Pero hindi iyon dahil
may feelings pa ako kay Gigi. Sabi ko nga sa��yo, hindi ko na siya mahal. Sigurado
ako doon. Maniwala ka sana sa��kin, Kyla.��
Matagal bago siya nagsalita ulit. Hinayaan niya lang na nakatingin si Chris sa
kanya nang direkta. ��So bakit ka nasasaktan?�� ngayon ay medyo gumaan na ang
dibdib niya. Dahil naniniwala siya sa sinabi nito. Pero hindi pa rin siya okay.
Napapailing ito. ��I just can��t believe he could do this to me. Sa kanya ako
lumapit nang mag-break kami ni Gigi. Sa kanya ko sinabi lahat ng hinanakit ko.��
��Bakit nga ba kayo nag-break ni Gigi?��
��Sinabi niyang aalis siya papuntang Paris para doon mag-aral. Pero gusto niya,
bago siya umalis ay mag-break na kami. Dahil hindi raw siya naniniwala sa long-
distance relationship. She wants to explore the world. At hindi niya raw iyon
magagawa kapag nasa buhay niya ako. She said makakaistorbo lang daw ako.��
��Bullshit.�� Ngayon ay gusto niyang sabunutan si Gigi.
��Siyempre, masakit para sa akin na masabihan ng ganoon ng babaeng itinuring kong
buong buhay ko. Si Francis ang naging sandalan ko. Sinasamahan niya ako palagi.
Tinulungan niya akong makalimutan si Gigi. Sinabi niyang hindi dapat iniisip ang
mga ganoong babae. Dahil hindi sila kawalan.�� He smiled faintly. ��Kinain niya rin
pala ang sinabi niya. Akala ko, magkakampi kami. Iyon pala, kaya siya pumunta ng
Europe ay para sundan si Gigi. Hindi na niya kailangang sabihin iyon kanina, alam
kong iyon ang plano niya. I feel betrayed. And next thing I knew, I became an
asshole. Now I feel like an asshole.��
Napatango siya. ��You should.��
It made sense now. She got it. Kahit siya ay magagalit kapag ganoon ang ginawa ng
kaibigan niya. Pero may isang bagay siyang hindi matanggap na kamalian nito. Lalo
pa at naramdaman niya kanina na siya si KitKat. Hindi pa nga sila ni Chris,
naranasan na niya iyon. Paano kung sila pa? Natatakot siya. Natatakot siyang magaya
sila sa nangyari sa pamilya niya. Her father cheated to their mother.
��Sinasabi ko, mahirap magmahal ng marino.��
Naalala niya ang sinabi ni KitKat. She was scared. She felt so scared.
��I��m sorry for being an asshole.�� Ani Chris.
��Na-disappoint ako sa��yo nang sobra, Chris.�� Pag-amin niya. ��Hindi ako
makapaniwalang magagawa mo ��yon. I guess I was wrong about you.��
��I��m so sorry.�� Nakita niya ang sincerity sa mukha nito. Alam niyang nagsisisi
ito sa nagawa. Pero binabalot siya ng takot ngayon. Mas nangingibabaw iyon kaysa sa
nararamdaman niya para kay Chris.
��I��m sorry rin, Chris. Pero siguro, preno muna tayo. O hindi kaya, itigil na
natin ito.��
��Are you breaking up with me?�� kung paano niya nakitang nasaktan ito kanina kina
Gigi at Francis, wala iyong binatbat sa nakikita niya ngayon sa mga mata ni Chris.
Gusto niyang bawiin ang sinabi. Gusto niyang sabihin na hindi niya ito kayang
sasaktan.
Pero natatakot siya. Na kapag siya naman ang sasaktan nito pagdating ng araw. Na
kahit maayos man ito ngayon, maging katulad din ito ng tatay niya.
Binawi niya ang kamay dito. Tumayo siya. ��Walang tayo, Chris.��
Para itong pinagsukluban ng langit at lupa. Nakita niya kung paano ito nanghina.
Napayuko ito. ��I��m sorry.��
Tumikhim ang waitress na kanina pa siguro gustong lumapit sa kanila. ��Erm. Here��s
your order, Sir, Ma��am.��
Bago pa siya maiyak dahil sa nagawa niya kay Chris ay umalis na siya. Now she felt
like an asshole.

Chapter 10

INIABOT sa kanya ni Maggie panibagong rolyo ng tissue. ��Ikaw ang nakipaghiwalay


pagkatapos ikaw itong iyak nang iyak.�� Bumisita ang kakambal para sumama sa
paghatid sa airport ng tatay nila bukas. It turned out kailangan niya rin ito
ngayon.
��Natakot ako, eh. Natakot ako na baka magaya lang ako sa ibang babae na
magpapakatanga para isang lalaki.�� Aniya.
��Ano? Kagaya ko?�� nagulat siya nang biglang lumabas si KitKat mula sa ilalim ng
kama niya. Nandoon iyon dahil tinawagan din ni Edwin para papuntahin sa kanila.
Nag-aalala na rin kasi ang mga kaibigan sa pagiging malungkutin niya nitong mga
nakaraang araw. Umupo ito kama niya hawak-hawak ang mga kalat sa kuwarto niya na
nililinis nito.
��Hindi naman sa ganoon.��
Napairap si KitKat. ��Sige na, Kyla. Huwag ka nang mahiya. Alam ko namang tanga ako
kaya okay lang na sabihin mong ayaw mong matulad sa akin.��
Hinawakan niya ang braso nito. ��Sorry, KitKat.��
Bumuntong-hininga ito at inilagay sa basurahan ang mga napulot nitong kalat.
��Totoo naman kasing nagpapakatanga ako para kay Edwin. Pero, Kyla, hindi naman
masamang magpakatanga para sa pag-ibig. Kasi alam ko namang mahal din ako ni Edwin,
minsan lang talaga inaabot ng kalandian ��yang kaibigan mo kaya kami nag-aaway.
Siguro kasi sobrang higpit mo rin sa kanya kaya nasasakal na. Pero kapag sinabi
niyang puro salita lang siya sa mga babaeng lumalapit din naman sa kanya,
naniniwala ako. Kahit sawang-sawa na ako dahil paulit-ulit na lang. Wala, eh.
Mahal ko ��yang tarantado mong kaibigan kahit nakakagago na minsan. Huwag na huwag
ko lang makikita ang mga babaeng iyan dahil talagang kakalbuhin ko sila pareho.
��Pero si Edwin, kahit kailan, alam kong wala siyang hahalikang babae maliban sa
akin. Dahil ako na ang first at last girlfriend niya. Masakit lang na pumapatol
siya sa ibang babae kahit alam niyang magagalit ako. Pero tiwala ako na balang-
araw, magsasawa rin siya sa ginagawa niya.��
Tumango siya. ��Alam ko namang alam ni Edwin kung ano ang limitasyon niya, eh.��
��Ang point ko, love story namin ni Edwin ito. Iba si Chris kay Edwin, iba ka sa
akin. Iba kayo sa amin.��
Tumabi sa kanya ang kakambal. ��Hindi naman dapat ikinukumpara ang nangyari sa
ibang tao sa mga nangyari sa��yo. Dahil may kanya-kanya tayong isip. May kanya-
kanyang dahilan. May kanya-kanyang nararamdaman.��
��Siguro nga talagang nabigla lang siya sa nalaman niya.�� Saad ni KitKat. ��Alam
niya naman kaagad na nagkamali siya. At nagsisi na rin naman siya. Ngayon ko lang
na-realize na mabuting tao talaga si Chris.
Lalong bumilis ang pagtulo ng luha niya sa sinabi ng mga kaibigan. ��Namimiss ko
siya. ��Yong lambing niya, ��yong mga yakap niya. ��Tangina, bakit ko ba nagawa
��yon?��
��Hindi pa naman huli ang lahat, eh. Kausapin mo siya.�� Sabi ni Maggie. ��Mahal ka
naman no��n, eh. Kahit hindi niyo sabihin, kitang-kita naman na pareho kayo ng
nararamdaman. I saw the way you look at each other. It��s undeniable.��
��Mapapatawad niya kaya ako?�� nalulungkot na tanong niya.
��Lahat naman ng nagmamahal, nagpapatawad.��
SINUBUKAN niyang hanapin si Chris sa SVU pero hindi niya ito makita katulad nang
dati na madali lang itong hanapin sa campus.
Inakbayan siya ni Brett. ��Okay ka lang?�� tanong nito habang naghihintay sila sa
labas ng kuwarto kung saan ang susunod nilang klase. May mga tao pa sa loob kaya
hindi pa sila makapasok.
Malungkot na ngumiti sa kaibigan bago umiling.
��Sandali lang, pupunta ba kayo sa open forum bukas?�� tanong ni Danny. ��May mga
pupunta raw na mga may-ari ng shipping lines. Ang iba raw, naghahanap ng puwedeng
gawing trainee next year.��
��Sus, huwag na.�� Ani Jed. ��Matagal pa naman ��yon. Puwede pa tayong makahanap ng
iba.��
��Sige, bahala kayo.��
��Kyla?��
Sabik na lumingon sa tumawag. Nagbabakasaling si Chris iyon. Ngunit itinago niya
ang pagkadismaya nang makitang mga architecture students lang na naligaw sa
building nila ang mga iyon. Nakasulat sa lanyard ang course ng mga ito kaya alam
niya.
May lumapit sa isang lalaki mula sa grupo nito. May itsura naman ito. Pero wala
itong binatbat kay Chris. ��Hi, I��m Ken. Balita ko, break na kayo ng boyfriend mo.
Puwede bang mag-apply bilang manliligaw mo?�� tanong nito.
Napakunot ang kanyang noo. ��Saan mo naman nabalitaan ��yan?��
��Well, you��re pretty famous. Usap-usapan sa school. Isa pa, hindi na namin kayo
nakikitang magkasama palagi.��
Bigla siyang nainis. Ngayon niya gustong burahin ang sarili sa listahan. Ayaw
niyang pinag-uusapan ang pangalan niya. Umiling siya. ��Hindi totoo iyon. Busy lang
kami.��
��Pero���� aangal pa sana ito pero hinarangan na ito ng mga kaibigan niya.
��Pare, huwag niyo na lang guluhin ang kaibigan namin.�� She just loved her
friends. Napaalis nito ang mga lalaki.
Hindi nagtagal ay lumabas na ang mga nagkaklase sa room. Natulala pa siya nang
makita si Chris galing sa loob.
Hindi na siya nagsayang ng panahon. ��Chris!�� tawag niya rito.
Kaagad namang lumingon ang binata. Her heart sank when she saw his face. Gusto
niyang maiyak dahil na-miss niya ito. Nagulat din ito nang makita siya. Akala niya
ay masaya ito nang makita siya pero maya-maya rin ay sumeryoso ang mukha nito. Doon
niya na-realize na galit ito sa kanya.
��I, uh���� Anong sasabihin ko? Galit siya sa ��kin. Pinilit niyang ngumiti kahit
kinakabahan. Naisip niyang daanin muna sa pasakalye bago siya mag-sorry at yayain
itong lumabas. ��Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari kay Raider at Sydney?
��
Halatang nadagdagan ng pagkadismaya ang mukha nito. Tumikhim ito. Then he said
calmly. ��Pinatay ni Sydney si Raider.��
Biglang nahulog sa sahig ang puso niya. ��What?��
��Na-realize ni Sydney na iyon talaga ang misyon niya. Natandaan niyang mas
kailangan niya ang trabaho kaysa sa pagmamahal niya kay Raider. At pinatay niya si
Raider.��
Umiling siya. Hindi makapaniwala sa sinabi nito. ��You can��t just do that.��
Napatiim-bagang ito at tumayo nang tuwid. ��I just did.�� Bago tumalikod.
NARINIG niya ang pagkatok sa pinto ng kuwarto niya kinagabihan. ��Mga anak?�� boses
iyon ng ama. Maya-maya ay bumukas ang pinto. ��Puwede ba kitang makausap, Kyla?��
Bumangon sila ni Maggie. Umupo siya sa kama. Si Maggie naman ay lumabas muna ng
kuwarto.
Umupo sa tabi niya ang ama. ��Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Chris. Aalis na
ako sa isang araw. Ayaw kong umalis na nakikita kang malungkot.�� He sighed. ��Alam
ko, maraming nangyari nang umuwi ako. Nabago ang takbo ng buhay natin. At gusto
kong humingi ng tawad sa��yo.��
��Okay lang naman po ako. At least, dumating sa buhay natin sina Maggie at Mommy.��
Hinawakan ng ama ang kamay niya. ��Pero, anak, alam kong isa ako sa mga dahilan
kung bakit hindi kayo okay ni Chris ngayon. And for that, I��m sorry. Sorry kung
nasira ang tiwala mo sa akin. Hindi kita masisisi. Dahil talagang nagkamali ako
noon.��
��Hindi naman po kita sinisisi, eh.��
��Pero nang dahil sa��kin, mas natakot kang magtiwala ulit ngayon.��
Hindi siya nagsalita.
��Pagkatapos kong ma-realize ang pagkakamali ko noon, buong buhay kong
pinagsisisihan ang ginawa kong kataksilan sa Nanay Gilda mo. But I��ve never
regretted having you, guys. Blessing kayo para sa akin. Iyon din ang sinabi ni
Nanay Gilda mo. Simula nang dumating ka dito sa bahay, naging masaya uli rito. Pero
simula noon, kahit paulit-ulit akong sinusumbatan ng Nanay Gilda mo sa kasalanan ko
kapag nag-aaway kami, hindi ka niya dinadamay I swear because she loved you so
much, hindi ko na inulit ang nagawa ko noon. Nagbago ako. Natuto akong tanggapin
lahat. Your Nanay Gilda was the bravest woman I know. At alam kong matapang din ang
Mommy Lucy mo. Binuhay niya kayo kahit walang-wala siya. At buong buhay kong
tatanawing utang-na-loob iyon sa kanya. Pero ngayon, magkaibigan na lang kami.
Mahal na mahal ko ang Nanay Gilda mo at nag-iisa lang siya sa puso ko. Ganoon din
si Mommy mo.
��Chris is a good kid. I could guarantee you that. Noong unang date ninyo, tinanong
ko siya. Paano kung isang araw, nagkamali ang anak ko? Kunwari lang naman. Paano
kung gumawa ka ng kasalanang makakasira sa relasyon ninyo kung sakaling maging
kayo? Alam mo kung ano ang sagot niya?�� tanong nito.
Hinintay niya ang susunod na sasabihin nito. Ngumiti ang ama. ��Sabi niya, hinding-
hindi siya gagawa ng isang bagay na magiging dahilan ng paggawa mo ng kamalian.
Hinding-hindi niya hahayaang makagawa ka ng mali. Dahil kung darating ang araw na
iyon, ibig sabihin ay may mali rin siyang nagawa. At sa kanyang sarili niya
ibubunton ang sisi. Sabi niya pa, alam niyang hindi ka makakagawa ng ganoon. Dahil
ngayon pa lang, may tiwala na siya sa��yo. Alam niyang alam mo ang lahat ng
ginagawa mo. Dahil matalino kang tao. Kaya ka niya nagustuhan.��
Napangiti siya.
Napabuntong-hininga ang ama niya. ��I was pretty impressed. Sa bata niyang edad,
iyon ang naisip niyang sagot sa tanong ko. Hindi iyong tipong, ��Patatawarin ko
siya, tatanungin ko siya kung bakit niya nagawa iyon,�� masyadong hipokrito
pakinggan. Natuwa lang ako.�� Her father beamed and looked at her. ��Doon pa lang,
nakuha na niya ang tiwala ko.��
Napatango siya. ��He��s a good kid.��
Sumang-ayon naman ang tatay niya. ��And he cares for you more than you thought.��
KUMBINSIDO na siya. Kailangan niyang maibalik si Chris sa buhay niya. Dahil
kailangan niya ito sa buhay. She wasn��t afraid to take a risk anymore. She
wasn��t afraid to be hurt. Mahal niya si Chris at ito lang ang bibigyan niya ng
karapatang saktan siya.
Ano ngayon kung magmukha siyang tanga? At least alam niyang sulit ang pagmamahal na
ibibigay niya rito. Dahil alam niyang aalagaan ni Chris ang pagmamahal niyang iyon.
Hindi nga umattend ang mga kaibigan niya sa forum. Loner tuloy siya tignan dito sa
seminar room. Na-late pa siya nang kaunti dahil wala sumundong mga kaibigan niya.
Mga walang-hiya. Iniwan siyang mag-isa sa ere ng mga balasubas na iyon. Hindi naman
siya interesado sa mga bisita. Bahala na kapag hindi sila nakahanap ng company na
puwedeng pag-training-an. Ang mahalaga, mahanap niya si Chris doon. Alam niyang
nandoon ang binata. Salamat na lang at president ito ng student council.
Karamihan na naroon ay mga first year students. Hulaan niya, sinabihan na naman ito
ng mga professors nito na exempted ang mga ito sa exam o quiz kapag umattend ang
mga ito. Pagkatapos, babagsak din naman. Kawawang mga bata. Para siya, kasi bagsak
siya kay Chris ngayon.
Hindi na niya alam kung ano ang pinagdadaldal ng speaker sa harapan. Bakit tumatawa
ang mga tao?
Nasaan na nga ba si Chris?
Tatayo na sana siya upang hanapin ang binata. Pero hindi na kailangan. Dahil
natapos na rin ang sinasabi ng speaker. Tumayo mula sa upuan sa bandang harapan si
Chris at kinuha ang microphone.
��Okay, everyone. You can ask questions to be answered by our guest speakers in
front. Kasama rin natin ang ilang professors to join the open forum. Please, don��t
hesitate.��
May naglagay ng microphone sa gitna para sa mga gustong magtanong.
Itinaas niya ang kamay.
��Yes, Miss���� narinig niyang tawag ni Chris sa mic. Nagulat ito nang makita siya.
��Miss Gonzales.��
Tumayo siya. ��Tangina, nakakahiya pala. Pero hindi siya umupo ulit. Paninindigan
niya ito. Naglakad siya palapit sa mic. ��Excuse me.�� Aniya sa mga nadadaanang
estudyante mula sa kanyang upuan. Pumunta siya sa gitna.
��Um, bago ako magtanong sa mga guest speaker, puwede bang sa��yo muna magtanong.��
Nagtataka namang nagsitinginan ang mga tao sa kanya. Pati na rin kay Chris.
��Ex-girlfriend ng crush mo ��yan.�� Narinig niyang bulong ng isang babae sa katabi
nito. ��Si Miss Buwan Ng Wika.��
��Ay! ��Yong RC?��
Tumikhim siya. ��Tungkol sana doon sa kuwento ni Raider at Sydney? Mga marine po
sila, ha.�� Palusot niya sa mga audience.
��What about them?�� tanong ni Chris. Tila wala nang pakialam sa paligid nila.
At ganoon na rin siya. Wala siyang pakialam kung naririnig niya ang mga sinasabi ng
mga tao na walang kuwenta ang tanong niya. Wala rin siyang pakialam sa mga
professor na nandoon. Ma-guidance na kung ma-guidance. Babawiin niya si Chris.
��Tanong ko lang sana kung iyon na ba talaga ang ending ng kuwento nila o puwedeng
maiba pa?��
��Thank you so much for your question!�� biglang sumingit ang babaeng emcee sa
likod ni Chris. Gusto niya itong sabunutan. Ayaw niyang umupo nang hindi nakakakuha
ng sagot mula kay Chris. O sasagutin ka siya nito?
��Hindi, I��ll answering that question.�� Sabi ni Chris habang hindi hinihiwalay
ang mga mata sa kanya. Nabuhayan siya ng loob. Pero seryoso pa rin ang itsura nito.
Huminga ito nang malalim at hindi kumukurap na sinabi sa kanya. ��Akala ko ��yon na
��yong ending. Pero siguro nga mali ako.��
��Naisip ko lang,�� wala siyang pakialam kung naririnig ng buong audience kung
gaano kalakas ang tibok ng puso niya. Lalo at malapit pa sa kanya ang mic. Siya nga
mismo ay halos mabingi sa lakas ng pagkarampag niyon sa kanyang dibdib. ��Na siguro
na-realize ni Sydney na mahal niya si Raider. And told him that she was sorry for
being scared.�� Naninigas na siya sa sobrang kaba.
Tumango si Chris at yumuko. Bigla ay parang gusto na niyang mahimatay sa sobrang
nerbiyos na nadarama. Paano kong makatanggap siya ng rejection mula rito? Dito, sa
harap ng maraming tao. Was she about to be turned down in an extremely public way?
��Well,�� ani Chris pagkatapos ng ilang sandali. Dahan-dahang umangat ang tingin
nito at ibinalik ang mga mata sa kanya. Nakangiti na ito. The rarest yet most
beautiful smile she could ever see. ��I think that would definitely change
things.��
Hindi niya mapigilang mapahagulhol sa tuwa. At sa nakikita niya kay Chris, iyon din
ang nararamdaman nito. Dahil puso na itong nakatingin sa kanya. Walang pasabi na
iniwan nito ang mic sa hindi na niya napansin kung kanino at tumakbo palapit sa
kanya. Suddenly, her adrenaline rushed.
Mabilis siya nitong hinawakan sa kamay at hinila paalis sa seminar room. Sumunod
siya rito. Hindi ito nagsasalita habang hinihila siya.
Kaya inaksaya na niya ang panahon para makapagpaliwanag. ��Sorry kung naduwag ako.
Naduwag akong sumubok. Natakot akong masaktan. Natakot ako na baka pagdating ng
araw, mawawala rin ang tiwala ko sa��yo. Sorry kung dinamay kita sa problema ko sa
pagtitiwala ko tatay ko. Pero okay na. Mali ako. Maling-mali ako. Dahil nagduda ako
sa kakayahan mo. Sa kakayahan mong ingatan at alagaan ako. Sorry kung nasaktan
kita. Hindi ko naman talaga gusting mangyari ��yon. Gaga lang talaga ako. Gaga na,
tanga pa, duwag ka. Ang tanga ako kapag pinakawalan pa kita. Because you��re all
I��ve been looking for my whole life.��
Nang makakita ito ng bakanteng kuwarto ay kaagad silang pumasok at ini-lock nito
ang pinto. Hingal na hingal siya nang makarating sila doon.
Ngumiti ito sa kanya. ��Hi.��
Huminga siya nang maluwag. ��Hi. Hindi ka galit?��
��Hindi naman kita matitiis, eh. I missed you.��
Napangiti siya. ��I missed you, too.��
��I love you, Kyla. Hinding-hindi kita sasaktan. You��re the best thing that
happens and will happen to me. Hindi ko kayang tumingin sa iba dahil sa��yo pa
lang, hindi ko na magawang ilayo ang mga mata ko. I��ve been in love with you
longer than you know. At ikaw lang ang mamahalin, aalagaan at hindi ko pababayaan
habang buhay. Itago mo ��yan sa barko.��
Natawa siya. ��Lumulubog ang barko.��
��Kung lulubog ang barko at nandoon ang pangalan mo, then let me sink with it.
Because that��s what I do, I sink with my love for you.�� Buong puso nitong sabi sa
kanya. ��You��re the captain of my heart forever.��
��And I love you, too. You��re my anchor. You provide me strength and support.
Kulang ang buhay ko kapag wala ka.��
��So���� tila nahihiya pang wika nito. So adorable. ��Girlfriend na kita?�� bulong
nito.
She giggled and nodded. ��Yes.�� Bulong niya.
Halik, halik, halik��
THE END
Coraline

You might also like