Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“AGOS”

(BUOD NG AKING NATUTUNAN)

Si Ayak ay isang ulilang dalaga,matagal ng pumanaw ang kanyang mga magulang. Siya ay nangarap na
maging isang “Director” at natupad niya ito sa kanyang pagsikap at determinasyon sa kanyang sarili.
Hindi siya nagpadala sa agos ng buhay kung saan marami ang problema at hahadlang sa iyong pangarap
bago mo makamtam ito.Naranasan niya ang lahat ng pasakit at paghihirap sa kamay ng kanyang Tiya
Wentya kung saan sa tahanan siya nito naririnahan.Halos wala siyang maayos na pahinga ,ilang oras
lamang ang kanyang tulog sa araw araw,sapagkat maaga siyang umaalis ng bahay para lang pumasok sa
kanyang paaralan ,pagkatapos nito ay maaga siyang uuwi para naman tumulong sa karendirya ng
kanyang Tiya at sa gabi ito na ang oras ng kanyang paggawa ng mga gawain niya sa paaralan.

Kadalasan ay sinasaktan siya ng kanyang Tiya Wentya kapag siya ay lumalampas sa oras na binigay nito
sa kanyang pag uwi sa bahay nito at kapag hindi niya nagagawa ng maayos ang mga utos nito tulad ng
paglalaba pati na din ang pagkakamali niya sa pagtratrabaho sa karinderya.Sa sobrang pagod hindi siya
nagising ng maaga para ipasa ang kanyang “script” sa kanyang guro binilisan niya ang pagtakbo para ang
makarating sa paaralan ngunit nahuli padin siya .Gusto na niyang sumuko sa hamon ng buhay ,pumunta
siya sa simbahan para manalangin at humingi siya ng tulong sa panginoon para bigyan pa siya ng lakas
na lumaban sa mga problemang kinakaharap niya.Sa sobrang pagod na niya dinalaw niya ang puntod ng
kanyang mga magulang at hiniling na lamang niya na isama na lamang siya sa langit sa sobrang
paghihirap niya sa mundong ibabaw.

Sa lahat ng paghihirap na dinadanas niya sa araw araw hindi siya sumuko,lumaban siya sa hamon ng
buhay.Tinupad niya at nagsikap siya upang marating niya ang kanyang pangarap at sa huli nakamtam
niya ito.

Tunay ngang kay lupit ng mundo,maraming problema ang darating sa buhay natin na magpapahina ng
ating loob ,kakayahan at magtuturo sa atin na sumuko na lang at wag nang magpatuloy pa sa hamon ng
buhay, ngunit lagi lang natin tandaan na ang mga probema na nararanasan ay gawin nating inspirasyon,
kalakasan para magpatuoy na lumaban at mas magpakatatag sa hamon ng buhay.Lagi lang tayong
manalig sa kanya at magtiwala sa ating sarili na sa hinaharap matutupad at mangyayari ang ating mga
mithiin sa buhay.

You might also like