Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SANAYSAY TUNGKOL SA

PAGBABAGO

Tagalog na Sanaysay Tungkol sa Pagbabago

Pagbabago sa iyong buhay


Ni: Bernadette Biko

Maraming dahilan ang makapagtutulak sa iyo sa isang konklusiyon na, “kailangan kong
baguhin ang aking buhay”. Ang isa sa mga dahilan na makapagtutulak sa atin na magbabago
ay na ating trabaho.
Kadalasan, nararamdaman natin na tayo ay nahihirapan sa ating mga Gawain at trabaho.
Nararamdaman din na tayo ay nagtratrabaho ng sobra kaysa sa ating dapat gawin. Isa ring
halimbawa ng maaring maging dahilan na gusto nating magbago ang ating buhay ay hindi sa
magandang relasyon. Maaring sa simula, ang isang relasyon ay kaaya-aya, ngunit sa
katagalan, ito ay humahantong sa isang hindi magandang pangyayari. Kapag nangyari ito,
maiisip natin na kailangan na talaga ng pagbabago. Ang pangatlong maaring magind dahilan
ay ang damdamin sa iyong kalooban na mayroon isang bagay na dapat baguhin sa iyong
pag-uugali, o pagbabawas ng timbang o isang pisikal na katangian. Sanaysay sa Filipino.

Ang lahat ng ito ay magagandang dahilan upang baguhin ang inyong sarili o ang inyong
buhay. Ngunit, may mga hadlang na maaring makasalubong kung subukan mong magbago.
Ang pagbabago sa iyong trabaho o paghahanap ng ibang mapagkakakitaan ay maaring
maging sanhi ng problema sa pera at paggastos. Ang pagbabago sa isang relasyon ay
maaring mabungi ng sakit ng damdamin sa iyong kapareha. At kung nagbabalak magbago sa
sarili, may mga hadlang din na maaring maging dahilan upang hindi matuloy ang iyong mga
balakin. Kailangan ang matinding determinasyon at kagustuhan upang mapaglabanan ang
mga hadlang na makakasalubong sa iyong pagbabago. Kailangang pag-aralan ang pagiging
matatag at matibay upang maipanalo ang mga plano. Sanaysay sa Filipino.

Ang mga pagbabagong nais mong matamo ay maaring maisakatuparan , kailangan lamang
ang positibong pananaw. Ang isang hakbang na maaring gawin ay ang ilista ang mga
pagbabagong gusto mong makamit. Tingnan at basahin ang mga ito sa tuwina upang
maitimo sa iyong sarili na ikaw ay determinadong magbago at tumahak sa isang matuwid na
daan. Isang magandang ideya rin naman na humingi ng tulong at suporta sa iyong likod
upang umalalay ay isang magandang inspirasyon upang iapgpatuloyang iyong mga plano.
Maaari mo ring isulat sa isang papel ang iyong mga natapos na o mga accomplishments para
magsilbing inspirasyon na ipagpatuloy din naman ang iyong mga nasimulan. Sanaysay sa
Filipino.

Kapag nasimulan na ang iyong mga balakin, ihanda ang iyong sarilisa unaman mga hadlang
na maaring mangyari. Ang mga hadlang na ito,maging tao, bagay man o pangyayari ay
maaring dahilan ng iyong pagsuko at kalungkutan. Kailangan mong isipin lagi ang iyong
kagustuhang magbago. Gawain mong magbago kahit na ano ang mangayri. Isang
magandang hakbang ang pananatili sa magandang pananaw sa buhay upang
maisakatuparan an iyong mga kagustuhan na walang na sino man.

You might also like