Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS (NTOT) of GRADE 6 TEACHERS
for the K-12 Basic Education Program
Edukasyon sa Pagpapakatao
March 12-18, 2017

Yunit IV
BANGHAY-ARALIN SA EsP 6

Aralin 27
Ang Mabuting Gawa ay May Pagpapala
Bilang ng araw ng Pagtuturo – 5 araw
(30 minuto kada araw / 150 minuto sa loob ng isang linggo)
A. Pamantayang Pangnilalaman:
- Naipamamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
sariling kapayapaan (inner peace) para sa pakikitungo sa iba

B. Pamantayan sa Pagganap:
- Naisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw bilang
patunay sa pag-unlad ng ispiritwalidad.

I. LAYUNIN:
Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad
code – EsP6PD-IVa-16

II. PAKSANG-ARALIN:
“ANG MABUTING GAWA AY MAY PAGPAPALA”
a. Sanggunian: CG.p.89, abs-cbn.tv patrol.video clip
b. Kagamitan: Manila Paper, video presentation , pentel pen
c. Pagpapahalaga: Paninindigan sa Kabutihan
III.PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
a. Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang mapanatili ang
kapayapaan at kaayusan sa iyong lugar?
2. Pagganyak:
video presentation (youtube – Taxi Driver – Binigyan ng Scholarship
matapos magsauli ng bagahe sa pasahero).

1|Page
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS (NTOT) of GRADE 6 TEACHERS
for the K-12 Basic Education Program
Edukasyon sa Pagpapakatao
March 12-18, 2017

Sa buhay ng tao, dumarating ang mga pagkakataon na tayo ay sinusubok ng


Diyos, ngunit kailangan nating magpakatatag at umiwas sa tukso upang mapanatili
ang ating mabuting pagkatao.

B. Panlinang na Gawain:
UNANG ARAW:

1. ALAMIN NATIN:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Tungkol saan ang napanood ninyong video?


2. Tama ba ang ginawang hakbang ng driver? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ang taxi driver, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?
Bakit?
4. Ano ang inyong naramdaman pagkatapos mapanood ang video?
5. Ano ang kabutihang dulot nang paggawa ng mabuti?
6. Mahalaga ba ang paggawa nang mabuti? Bakit?

Closure: “Sa paggawa nang mabuti, nahuhubog ang mabuting pagkatao.”

IKALAWANG ARAW:

2. ISAGAWA NATIN:
a. Checking of Attendance
b. Balik-aral:
Ibigay ang aral na nakuha sa pinanood na video kahapon.

PANGKATANG GAWAIN: (Basahin at pag-usapan ang RUBRICS bago


magsimula ang pangkatang gawain)
(*PARA SA GURO:Maaaring baguhin ng guro ang pagbibigay ng puntos sa bawat
bahagi ng rubrics na naka ayon sa mapagkakasunduan ng buong klase.)

2|Page
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS (NTOT) of GRADE 6 TEACHERS
for the K-12 Basic Education Program
Edukasyon sa Pagpapakatao
March 12-18, 2017

TEMA: “Paninindigan sa Kabutihan”

*(PARA SA GURO: Maaring mahati ang mga Gawain sa dalawang araw depende sa
kakayahan ng mga bata.)

Unang Pangkat: Islogan


Pangalawang Pangkat: Pagsasadula
Ikatlong Pangkat: Debate
Ikaapat na Pangkat: Pagbabalita

Closure: “Sa paggawa ng kabutihan, hindi kailangang maghintay ng


anumang kapalit.”

IKATLONG ARAW:
3. ISAPUSO NATIN:
a. Checking of Attendance
b. Balik-aral: Anong mga kaisipan ang natutunan ninyo sa mga ginawa
nating pangkatang gawain?

TALAKAYAN: (Think-pair-share)
Sinong mga tao sa inyong lugar ang hinangaan mo dahil sa kanilang
kabutihang ginawa? Magbigay ng dalawang tao at sabihin kung bakit?
3|Page
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS (NTOT) of GRADE 6 TEACHERS
for the K-12 Basic Education Program
Edukasyon sa Pagpapakatao
March 12-18, 2017

Closure: “Ang kabutihan ay dapat taglayin ng mga kabataan dahil ito


ang simula ng pagiging isang mabuting tao.”

IKAAPAT NA ARAW:
4. ISABUHAY NATIN:
a. Checking of Attendance
b. Balik-aral: Patunayan na ang mga taong iyong hinahangaan ang
nagsisilbing gabay mo sa paggawa ng kabutihan at sa paghubog ng
mabuting pagkatao na may takot sa Diyos.

c. Indibidwal na Gawain:

Repleksyon:
Gumawa ng panalangin tungkol sa pagiging isang mabuting tao.

TANDAAN NATIN:
Ang pagiging mabuti sa kapwa ay nagdudulot ng ibayong ligaya
hindi lamang sa sarili bagkus pati na rin sa ating kapwa. Ang lahat ay
ialay lamang sa ating Ama na may likha sa lahat.

IV. PAGTATAYA:
IKALIMANG ARAW:
5. SUBUKIN NATIN:
a. Maikling Pagsusulit :
1. Magbahagi ng sariling karanasan kung saan ikaw ay nakagawa
ng kabutihan sa iyong kapwa.
2. Isulat o isalaysay sa pamamagitan ng tatlo hanggang limang
pangungusap ang mahalagang aral na natutunan ninyo sa ating
aralin sa pagiging mabuting tao.

4|Page
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS (NTOT) of GRADE 6 TEACHERS
for the K-12 Basic Education Program
Edukasyon sa Pagpapakatao
March 12-18, 2017

b. Pagbati:
Binabati ko kayong lahat!. Sana ay patuloy nating isabuhay ang mga
magagandang aral na natutunan natin sa linggong ito.

V. TAKDANG-ARALIN:
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng katangian ng isang mabuting tao.

Closure: “Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.”

Prepared by:
Team Kaibigan
Master Teachers:
MARIA LUCILLE V. GABRIEL – Region III / Bulacan
ROSA MARIA P. MORANDARTE – Region V / Camarines Sur
MIRALYN T. PANDAAN – NCR / Mandaluyong
ANDREW S. MARGARATA – Region V / Camarines Sur
Reviewed by:
JANET A. RARO-Principal I/Region V-Camarines Norte
MARBIE S. LICAD-Principal I/Region III-Aurora
EVELYN P. SOLIS-EPS I/Region III-Nueva Ecija
CONSOLACION G. DIAZ – EPS / NCR Pasay
LORDENNIS T. LEONARDO – EPS / Region III – San Jose City
ANITA P. DOMINGO – EPS / Region III – Tarlac City
BERNADETTE C. TIONGCO – PSDS / Region III – Pampanga

5|Page
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
NATIONAL TRAINING OF TRAINERS (NTOT) of GRADE 6 TEACHERS
for the K-12 Basic Education Program
Edukasyon sa Pagpapakatao
March 12-18, 2017

Approved:

RIZALDY R. CRISTO – DepEd Facilitator


JOSELITA GULAPA – DepEd Facilitator
JENNIFER E. QUINTO – DepEd Facilitator
ROLAN B. CATAPANG – DepEd Facilitator
LYRA L. ILLAGA – DepEd Facilitator
RODEL A. CASTILLO – DepEd Facilitator

6|Page

You might also like