Professional Documents
Culture Documents
Talumpati
Talumpati
A. Layunin
Maipabatid sa mga tao ang kahalagahan ng edukasyon sa lahat na aspeto ng ating buhay.
Gayundin, maipaliwang ng lubusan ang mga benepisyo at kaunlarang hatid ng edukasyon, hindi lamang
Panghuli, mahikayat sila na magpursige at pahalagahan ang edukasyon anumang istatus ng buhay
B. Bahagi
Intoduksiyon
Mahirap maging mahirap pero mas mahirap ang taong walang pangarap. Kaya gaano nga ba
kahalaga sa bawat tao ang mangarap? Ano nga ba ang dahilan nito? Marahil upang magbago,
umangat o kaya’t makamit ang isang layuning inaasam-asam. Subalit, hindi sapat ang pangarap,
gaano man katayog ito kung di kaakibat ang edukasyon. Edukasyon ang tulay sa pagkamit ng mga
mithiin natin sa buhay. Dito magsisimulang maging realidad ang isang hamak na pangarap. At sa
pamamagitan rin nito ay matututunan natin ang mga leksyong hatid ng bawat paghakbang tungo sa
pangarap na inaasam. Mahirap man ang paglakbay subalit dito magsisimula ang magandang
kinabukasan na tatahakin ng bawat isa. Bilang isang mag-aaral, gusto kong maipabatid sa lahat ng
tao ang benepisyong hatid nito, hindi lamang sa sarili maging sa ating lipunan.
Katawan
Ang Edukasyon ay siyang tulay na mag-uugnay satin sa ating mga pangarap. Isang kasangkapan
upang malabanan ang kahirapan. Oo, maraming benepisyo ang hatid ng edukasyon ngunit hindi lang
dito masisiguro ang magandang kinabukasan ng isang tao. “Hindi”, sapagkat ang pagpupursige ng
Ang ating gobyerno ay gumawa ng paraan upang mas maipataas pa ang sistema ng edukasyon
dito sa Pilipinas. Isang paraan upang maibsa ang kahirapan at matulungan ang mamamayan sa
bansa ngunit di dapat tayo maging manhid upang isipin na wala namang maidudulot ang kurikulum
na ito sapagkat kung ikukumpara tayo sa ibang bansa, ang kalidad ng ating edukasyon ay masyadong
mababa. Ito rin ay isang paraan upang maiangat ang pangalan ng ating bayan nang sa gayo’y di
lamang mga “Domestic Helper” ang maibansag sa ating mga Pilipino. Dapat lamang natin itong
ipagpasalamat at buksan ang ating isipan sa mga magagandang oportunidad na hatid nito. At ang
mga karunungang napulot natin mula dito ay gamitin sa kabutihan ng sa gayo’y tayo ay magsilibing
magandang bahagi sa ating sarili, pamilya, lipunan at sa ating Inang Bayan. Isang pribelihiyong
habangbuhay nating madadala at maipagmamalaki saan man tayo pumunta. Isang gintong yaman na
Kongklusyon
Bilang kabataan, tayo ay kumilos. Kumilos para sa ikakaunlad ng ating kinabukasan. Tayo’y
magpursige at pahalagahan ang isang napakangandang oportunidad na ito sapagkat ito ang magiging
armas natin sa pagharap sa lahat ng hamon ng buhay. Anumang antas ng buhay mayroon ka –
mahirap, mayaman, bata o matanda, lahat ay posible basta’t tayo’y magsikap lamang. Ayon nga kay
Nelson Mandela, ang Edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata na magagamit natin sa
pagbago ng mundo. Kaya ikaw, ako at tayong lahat ay simulan na ang pagbabago na inaasam-asam.
Mag-aral ka ng mabuti.