Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Page 1 of 7

paggamit ng social media. Napagtanto ng mga mananaliksik


na upang maiwasan ang pagkahack ng social media at
JAYONA, Justine Mae – STEM
pagkakuha ng virus sa devices ay ang magbigay kaalaman
ARGENTE, Eron Joshua –ICT
sa mga gumagamit, tulad ng mga batang estudyante na
CUBA, John Paul Michael – ICT
NATIVIDAD, Carlo – ICT panibagong gumagamit ng social media pati na rin ang mga
matatandang hindi alam ang tungkol sa hacking. Hindi ito
mapipigilan, ngunit pwede itong iwasan sa tamang paggamit
ang kaalaman. Para naman sa mga susunod na
PANGANIB SA DEVICES AT mananaliksik ay kumuha ng mas maraming tagalahok o
tagatugon upang mas maraming makalap na kasagutan at
SEGURIDAD SA PAGGAMIT ebidensya na kailangan sa pananaliksik.

NG SOCIAL MEDIA NG
INTRODUKSYON
ILANG MAG-AARAL SA
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng
TRESTON SENIOR HIGH pakikipag-ugnayan sa mga tao. Dito sila ay lumilikha,
nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at
mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga
Mga Susing Salita: Social Media; Hack; Virus; at
network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga
Information Communications Technology (ICT).
internet-based application na bumubuo ng
ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng web 2.0
na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng
nilalaman na binuo ng gumagamit (Magbanua, 2018).
ABSTRAK Sa panahon ngayon, karamihan sa mga kabataan,
maging ang ibang nakatatanda ay gumagamit ng social
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang media kabilang rito ang Facebook, twitter, Instagram,
mga posibleng panganib sa seguridad ng paggamit ng Youtube at marami pang iba. Sa kasalukuyan, may
social media ng ilang mga mag-aaral sa Treston Senior High dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng
School. Ang pag-aaral na ito ay mapapakinabangan ng mga social media sa buong mundo at ito ay nakakaapekto
mag-aaral ng strand ng Information Communications sa bawat buhay at maging sa seguridad batay sa
Technology (ICT). Makakatulong din itong pagaaral sa mga pananaliksik ni Jefryan Semic (2016). Mas pinapaliit
taong bago sa social media, dahil mabibigyan sila ng babala ng social media ang ating mundo dahil sa mabilis na
tungkol sa mga posibleng panganib na madudulot ng social pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t isa sa iba’t
media sa mga baguhan. Pati narin sa mga social ibang lugar. Ito ang isa sa mga dahilan ng panganib sa
networking sites, upang madagdagan nila ang seguridad ng mga gumagamit nito. lingid sa kaalaman
seguridad ng kanilang application, para sa ikabubuti ng mga gumagamit nito ang mga posibleng panganib
ng mga gumagamit. Upang makuha ang datos, sa kanilang seguridad na dulot ng social media.
nagsagawa ng sarbey at nakipanayam ang mga
Habang dumarami ang gumagamit ng social
mananaliksik sa pitong (7) mag-aaral sa Information
media ay mapapansin na mas dumadami ang
Communications Technology (ICT) strand sa pamamagitan
masamang dulot ng paggamit nito. Halimbawa na nga
ng Expert Sampling technique ay napili ang mga tagatugon
lang ng kakulangan sa kaalaman ng isang tao tungkol
upang sagutan ang mga survey questionnaire sa Google
sa mabuti at tamang paraan ng paggamit ng ng mga na
forms, para mangalap ng datos at mapadali ang
gumagawa ng account na naaaksidenteng nailagay ang
komunikasyon sa mananaliksik at ng mga napiling
mga importante at pribadong dokumento. Batay sa
estudyante. Sa nakalap na datos sa resulta ay lumalabas na
pag-aaral ng we are social at hootsuite (2016) isang
may kamalayan at mulat ang kaalaman ng mga napiling
social media management, lumalabas na ang mga
tagatugon sa mga maaring mangyaring panganib dulot ng
pinoy ang may pinakamatagal gumamit ng social
paggamit ng social media, tulad ng pagka-hack ng kanilang
media na aabot ng higit apat (4) na oras. Madalas na
mga accounts. Dahil dito ay mas naging maingat sila sa
rin mangyari ang ma-hack ang account kaya
Page 2 of 7

mahalagang imbestigahan ang paksang ito upang prescribed medication na ibinibigay sa mga pasyente
maproteksyunan at mapangalagaan ang account at sa pamamagitan ng paghack sa makinaryang
pagkakakilanlan ng bawat mamamayan na gumagamit gumagawa nito.
ng social media. Marami ng kaso ng nasasakupan ng
Sa isang ulat ng Campus Safety noong 2016,
social media sa panganib ng paggamit nito tulad ng
dalawa sa tatlong mga nakatatanda na nakapanayam sa
pag-hack sa mga accounts, pagkawala ng mga files at
Phoenix ang nagsabing na-hack ang kanilang mga
ang pinakamalala ay pagka-hack sa mga bank
accounts, dahil sa pangyayaring ito, 86 na porsyento sa
accounts at makuha ang nilalamang pera. Ayon sa pag-
mga nakapanayam ay nagsabing nagbago ang
aaral ni Jerry Liao (2017), isang I.T. expert, isang sa
pagtingin nila sa social media kaya mas naging
uri ng online scam ay tinatawag na "phishing scam."
maingat sila.
Ito ay isang online scam na gumagamit ng private
message sa pag-hack ng social media account. Para Sa isa pang ulat ng American Banker (2017),
hindi mabiktima ng "phishing scam", ipinayo ni Liao ninakawan ng mga Russian hackers ang iba’t ibang
na laging maging mapanuri at magduda lalo na kung banko sa Estados Unidos at sa Russia sa loob ng
humihingi ng mga personal na impormasyon tulad ng labing-walong (18) buwan, ninakaw nila ang mga pera
mga bank account at password. sa bangko sa halagang hindi bababa sa 3.5 na milyon
dolyar. Hindi na mga kliyente ang kanilang tinarget,
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang
bangko na mismo ang nagiging pakay ng mga hackers
malaman ang mga posibleng panaganib sa seguridad
lalo na ang mga maliliit na bangko.
ng paggamit ng social media ng ilang mga mag-aaral
sa Treston Senior High. Gustong ipaalam ng mga Sa babala ng InfoWorld (2017), madalas talaga
mananaliksik ang kanilang nakalap na impormasyon ma-hack ang mga social media dahil ang device mismo
tungkol sa mga problema sa seguridad ng mga social ang kanilang hina-hack upang makakuha ng
media accounts at pagtuunang-pansin ang kasong ito impormasyon, at kapag nabuksan na rin ang social
upang maging alerto ang mga tao sa pagbukas ng media, mas maraming makukuhang impormasyon ang
kanilang mga accounts sa iba’t ibang device tulad ng mga hackers lalo na kapag hindi alerto ang may-ari ng
mga computer sa computer shop, o kaya pagbukas ng mga account.
account sa hiniram na device. Sa pananaliksik na ito ay
nais malaman ng mga mananaliksik: 1) ang mga Sa pagkakuha ng impormasyon sa mga
masamang epekto ng paggamit ng social media; 2) napiling mag-aaral, mas payayamanin ng mga
masamang epekto dulot ng mag links na may lamang mananaliksik ang mga impormasyon upang ipaalam
virus; at 3) tiyak na seguridad habang gumagamit ng at mabukas ang kanilang kaisipan tungkol sa
social media. Ang layunin din ng mga mananaliksik ay proteksyon ng mga accounts lalo na ng mga
maghanap ng paraan upang tumaas ang seguridad sa estudyante, para sila din ay maging alerto sa mga
mga accounts upang maiwasan ang pagka-hack ng panganib dulot ng mga hacker o virus na napapalibot
kanilang mga pribadong impormasyon. sa mga social media. Ang pananaliksik na ito ay
Ang istatistikang pinamagatang (Frequency of nakatuon sa panganib sa seguridad ng paggamit ng
Experiences of Social Media or Email Accounts being social media. Saklaw nito ang mga piling mag-aaral ng
Hacked UK 2017) ay ang pag-aaral ng mga natuklasan Treston Senior High sa akademikong taon 2017-2018.
ng isang sarbey sa mga karanasan sa pagka-hack ng Pitong (7) mag-aaral ang makakapanayam ng mga
mga social media o sa mga email account na mananaliksik, kapwa baitang labing-isa na mga mag-
sininagawa sa United Kingdom (UK) noong Hunyo aaral ang napili ng mga mananaliksik upang mapadali
2017. ang proseso at pakikipag-ugnayan sa kanila at maibsan
ang pagkasayang ng oras. Ang pag-aaral ay
Hindi lamang sa social media umaabot ang makakatulong sa mga gumagamit ng social media,
mga hackers, pati na din sa mga medical devices na upang mabigyan sila ng kaalaman sa masasamang
ginagamit sa mga ospital ay hindi pinalagpas. Sa isang dulot ng pagpapabaya sa paggamit ng social media,
ulat ni Jessica Twentyman (2017), may kakayanan mahalaga din ito sa mismong social network, para
nang i-hack ang mga makinaryang ginagamit lalo na maibsan nila ang lumalalang kaso ng hacking at
ang nagbibigay tulong o buhay sa mga pasyente, maghanap ng paraan upang taasan ang seguridad sa
maaaring baguhin ng mga hackers ang dami ng mga kanilang applications.
Page 3 of 7

METODOLOHIYA survey questionnaire ng mga napiling mag-aaral.


Pang-huli, ititipon at isasaaayos ang mga nakalap na
Ang napiling pangunahing populasyon ng mga
impormasyon ng mga mananaliksik at bibigyan ng
mananaliksik ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-
interpretasyon at pagtatanghal ng mga datos.
aaral ng Treston Senior High lalo na sa mga mag-aaral
ng strand ng Information Communications Technology
o ICT. Isang pampribadong institusyon na paaralan.
Napili ng mga mananaliksik ang Treston Senior High
dahil mapadali ang proseso at pakikipag-ugnayan sa
kanila at maibsan ang pagkasayang ng oras.

Gagamitin ang kuwalitatibong metodolohiya


sa pananaliksik upang makuha ang opinyon o
perspektiba ng mga napiling makakapanayam tungkol
sa paksa ng mga mananaliksik. Isang Case Study ang
pananaliksik na ito dahil ito ay magbibigay linaw sa
mga tanong na nakapalibot sa paksang napili . Sa
RESULTA
pamamagitan naman ng Focus Group Discussion,
nakatutok lamang ang mga mananaliksik doon sa mga PAGLALARAWAN SA NAKAPANAYAM
estudyanteng nakakaranas ng virus o kaya may ideya
Tagatugon Kasarian Baitang
sa mga virus at seguridad ng social media accounts
R1 Babae 11
para mas mapadali ang pag-iintindi sa paksang
R2 Babae 11
pinaguusapan. R3 Babae 11
Mga piling mag-aaral ng Treston Senior High R4 Lalake 11
R5 Lalake 11
sa akademikong taon 2017-2018 ang saklaw sa pag-
R6 Lalake 11
aaral na ito. Binubuo ng pitong mag-aaral ang
R7 Babae 11
makakapanayam ng mga mananaliksik, kapwa baitang
labing-isa na mga mag-aaral ang napili ng mga
mananaliksik at tututukang populasyon ng pag-aaral na Lahat ng pitong mga napiling estudyante ay
ito. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Expert mula sa Treston International College Senior High
Sampling, isang Non- Probability sampling technique School at mula sa baitang labing-isa (11). Pito sa
na kung saan ang mga nagsasangkot sa pag-aaral na ito kanila ay mula sa strand na Technical-Vocational-
ay mga taong kilala o may karanasan at kadalubhasaan Livelihood Information and Communications
tungkol sa hack tulad ng mag-aaral ng strand ng ICT. Technology. Sila ang napili upang mas mapadali ang
pagkuha ng mga sagot at mas maging bukas sa
Sa pagsasama-sama at pagtitipon ng datos na kaalaman ng lahat ang paksang napili dahil sila ang
kinakailangan para sa pag-aaral, ang mga mananaliksik madalas gumagamit ng teknolohiya o devices.
ay gagamit ng survey questionnaire o pormularyo.
Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng mga Sa yugtong ito, tatalakayin ng mga
pangkat ng mga tanong na sasagutin ng mga napiling mananaliksik ang mga nakuhang sagot pagkatapos nila
makapapanayam upang maibigay ang mga ibigay ang sarbey sa mga napiling mag-aaral. Sa
kinakailangan na impormasyon na dapat gamitin sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng ideya tungkol
pag-aaral. Ang mga tanong ay sinusuportahan ng mga sa mga problema na gusto nilang malutas para sa
tunay na karanasan sa buhay. Ang mga mananaliksik kapakanan ng mga taong gumagamit ng social media.
ay kailangang obserbahan ang mga pag-uugali,
1. Ano-ano ang masamang epekto ng paggamit ng
kaalaman at kamalayan ng mga sumasagot batay sa
social media
mga ibinigay na katanungan.

Ang mga mananaliksik ay pipili ng pitong


Information Communications Technology o ICT mag-
aaral ng Treston Senior High. Gagamit ang mga
mananaliksik ng Google forms upang sagutan ang mga
Page 4 of 7

Oras na ginugugol Tatlo sa nakapanayam ang nagsabing dito sila


kumukuha ng mga balita o bagong pangyayari sa mga
lugar o mga hinahangaang tao, samantalang dalawa
29% 1-3 oras
ang nagsabi ginagamit nila ito sa kanilang pag-aaral,
43% 4-6 oras
higit 6 na oras
dalawa naman ang nagsasabi na ito ang kanilang
paraan para makausap ang kanilang mga kaibigan o
kamag-anak.
29%
1.4 Nagagawa mo pa ba ang mga dapat gawin sa
paggamit ng social media?
1.1 Ilang oras ang iyong ginugugol sa paggamit ng
social media? Anim ang sumangayon na nakakagulo ang paggamit
ng social media sa kanilang mga gawin, ang kanilang
rason ay dahil nakakatamad na daw gawin ang mga
Tatlo sa mga nakapanayam ng mga mananaliksik ay dapat gawin kapag nagbukas na ng social media.
nagsabing 1-3 oras ang kanilang ginugugol sa
paggamit ng social media. Habang dalawa naman ang Naapektuhan
nagsabing 4-6 oras ang kanilang naitatala sa paggamit
nito, dalawa rin ang sumagot na lagpas 6 na oras ang
kanilang paggamit. Mapapansin dito na sa pitong tao, Pag-aaral 57.10%
tatlo lamang ang umaabot ng isa o tatlong oras sa
social media, ang iba ay lumalagpas sa oras na ito, Naapektuhan
kaya madalas marami ang kanilang ginagawa sa
kanilang mga accounts. At mas malaki ang posibilidad Pamilya 42.90%
na ma-hack ang kanilang account.

0.00% 20.00% 40.00% 60.00%


Social Media Accounts
1.5 Nakakaapekto ba ang paggamit mo ng social
media sa iyong oras saan?
29% Facebook
43% Twitter
Instagram
Apat ang nagsabing nakakaapekto ang paggamit ng
social media sa pag-aaral dahil nasosobrahan sila sa
29% kaka-internet at nakakalimutan ang takdang-aralin,
tatlo ang nagsabing nakakaapekto ito sa kanilang
pamilya dahil sa pagtutok sa social media.

1.2 Marami ka bang social media accounts? Ano-


ano ang mga ito?
2. Masamang dulot ng mga links na may lamang
virus?

Ang pinakamadalas na Social Networking sites na 2.1 Madalas ka bang nakatatanggap ng mga spam
ginagamit ay ang Facebook, tatlo sa mga messages?
nakapanayam ay madalas itong ginagamit kumpara sa
ibang sites, sa Facebook din madalas nagkakalat ang
mga links na may lamang virus na nagiging sanhi ng Lima ang nagsabing bihira sila makatanggap nito, isa
pagka-hack sa mga accounts. naman ang nagsabing palagi siyang nakakatanggap
nito. Isa naman ang hindi kailanman nakakatanggap ng
1.3 Para saan ang paggamit mo ng social media?
mga ito.

2.2 Pinipindot mo ba ang mga links na ito?


Page 5 of 7

Lahat ng mga napiling mag-aaral ay nagsabing hindi ang mga epektong dulot kapag nagpabaya sa paggamit
nila ito pinipindot, lalo na kapag may kakaiba raw sa ng social media.
anyo nito.
3.2 Ano ang ginagamit mong anti-virus?

Apat sa mga tinanong ay nagsabing wala silang alam


Gaano kadalas makakita ng links
na anti-virus, samantalang si R1 ay nagsabing Clean
Master ang kanyang ginagamit na anti-virus sa
Hindi Kailanman 14.30%
kanyang cellphone at Microsoft Anti-Virus sa laptop.
Gaano kadalas Bytefence naman ang ginagamit ni R4 na anti-virus,
Bihira 42.90% makakita ng links
habang si R6 ay gumagamit ng McAfee.

3.3 Nakatutulong ba ang ginagamit mong anti-virus


Madalas 42.90%
sa paanong paraaan?

Lima ang nagsabing nakakatulong ang kanilang


ginagamit na anti-virus sa pamamagitan ng pagbigay
babala kung may kakaibang file na pumapasok sa
2.3 Gaano ka kadalas makakita ng mga links na device na maaaring may lamang virus, dinedepensahan
may lamang virus? din nito ang ibang files para hindi masira at hindi
bumagal ang devices.

Hati sa anim ang nagsabing madalas at bihira sila


makakita ng mga links na may virus, iisa lamang ang Pagpalit ng password
nagsabing hindi pa siya nakakakita ng ganoong links.
14%
Lagi
Bihira
2.4 Naranasan mo na bang magka-virus ang iyong 14% Madalas
device sa pagpindot ng links?
71%
Anim ang nagsabing hindi pa raw sila nagkakaroon ng
virus sa pagpindot ng mga links na kanilang nakikita,
isa lamang ang nagsabing nagkaroon ng virus ang
kanyang device at may lumabas na malaswang litrato
3.4 Madalas mo bang palitan ang iyong password sa
dulot ng virus.
social media?
2.5 Ano ang iyong ginawa pagkatapos mo
magkaroon ng virus?
Isa ang laging nagpapalit ng password at lima ang
Anim ang nagsabing ipino-format nila ang kanilang
madalas nagpapalit ng password sa social media, sa
devices para matanggal ang virus, isa ang nagsabing
ganoong paraan makasisiguro sila na walang ibang
hindi pa niya nararanasan ang virus kaya wala siyang
nagbubukas ng kanilang account upang makaiwas sa
gagawin.
pagka-hack nito.
3. Paano matitiyak ang seguridad habang
3.5 Paano ka nakakasiguro na walang virus ang
gumagamit ng social media
mga website na iyong ginagamit?
3.1 Masasabi mo bang maingat ka sa paggamit ng
Sabi nina R1 at R6, kapag ito ay kilala at maayos ang
social media? Bakit?
pagkakagawa, banggit naman ni R3 kapag wala ito
Sumangayon lahat ng mga nakapanayam na maingat masyadong advertisements. Si R5 naman nagsabi na
sila sa paggamit ng social media, sabi ni R1: “alam ko kapag ito ay mayroong safety verification para
kung hanggang saan ang limitasyon ko lalo na sa makasigurado sa mga taong gumagamit ng site.
pag"click" ng mga link o anumang may masamang
maidudulot.” Dahil ICT ang kanilang strand, alam nila
Page 6 of 7

maingat sa paggamit ng kanilang social media


accounts, lahat ng nakapanayam ay nagsabing maingat
DISKUSYON
sila at alam nila ang mga limitasyon sa paggamit ng
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman social media dahil sa dami ng panganib na madudulot
ang mga panganib sa seguridad ng paggamit ng social kapag nagpabaya. Sa mga napiling mag-aaral, lahat
media kaugnay ng mga ng mag-aaral ng strand na sila ay bukas ang pag-iisip sa mga limitasyon sa
Information Communications Technology o ICT. Ang paggamit ng social media, hindi sila nagpapabaya
mga tagatugon ay may apat (4) na babae at Tatlong (3) dahil alam nila ang mga posibleng kahantungan ng
lalake sa kabuohan pitong (7) mag-aaral ng Treston mga iresponsableng paggamit nito. Ang kahinaan ng
Senior High School at ang lahat ng tagatugon ay nasa pag-aaral na ito ay hindi nabigyan ng sapat na
baiting labing-isa (11). Sa paggamit ng social media ay kasagutan kung kaya ang mga mananaliksik ay
kaakibat nito ang maraming panganib na dulot sa ating nagkulang sa mga ebidensya na nakalap na
seguridad. Sa panahon ngayon, halos lahat ng mga kinakailangan sa pag-aaral na ito.
mag-aaral maging ang nakatatanda ay gumagamit na
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at
ng social media sa kanilang pang-araw araw na buhay.
mapapakinabangan ng mga kadalasan gumagamit ng
Karaniwan ginagamit ng mga tagatugon ay Facebook
social media o mga user sa wikang ingles at
at apat (4) hanggang anim (6) at higit anim (6) na oras
pangalawa ay sa mga social media networking sites.
ang kanilang nagugugol sa paggamit ng social media.
Karamihan sa mga tagatugon ay hindi pa nakararanas Para sa mga gumagamit o user, ang ma-
na magkaroon ng virus sa kanilang mga accounts at irekokomenda ng mga mananaliksik ay huwag
maging ang kanilang mga devices. Ngunit meron pa gumawa ng masyado maraming social media accounts
rin nakaranas ng pagkakaroon ng virus sa kanyang kung hindi kailangan, huwag din labis labis magbigay
account at ang kadalasan nilang ginagawa ay i- ng mga personal na impormasyon lalo na sa Facebook
reformat ang kanilang mga device upang ito ay dahil dun nagkakalat ang maraming hackers na
maagapan at hindi pa kumalat ang virus. Karamihan sa pwedeng umatake kahit kalian na hindi mamamalayan.
mga tagatugon ay madalas na magpalit ng password sa
Para sa mga social media networking sites, ay
kanilang mga account. Madalas sa mga tagatugon ay
mas taasan pa ang seguridad para sa kapakanan ng
gumagamit ng mga anti-virus upang sila maging
mga gumagamit at tumatangkilik ng kanilang social
update at magkaroon ng kamalayan sa mga virus na
media sites at kung hindi man masugpo anng mga
pumapasok sa kanilang mga devices at magsilbing
kumakalat na virus ay dapat tiyakin na ang mga
babala na rin sa kanila. Hindi nila binubukasan ang
gumagamit o user ay natuturuan tungkol sa mga
mga links, mensahe at mga advertisement kung ito ay
panganib at gumawa ng mga hakbang upang
sa kanilang paningin ay kahinahinala.
protektahan ang kanilang mga sarili.
Dala ng pag download ng mga application at
Para naman sa mga susunod na mananaliksik ay
pagbukas ng mga advertisement, kadalasan ay hindi
kumuha ng mas maraming tagalahok o tagatugon
napapansin at hindi sinasadya ng mga gumagamit o
upang mas maraming makalap na kasagutan at
users na nabuksan at mapindot ng mga links na may
ebidensya na kailangan sa pananaliksik.
kasamang virus. Sa pamamagitan ng mga
advertisement o hindi kaya’y mga messages,
kumakalat ang mga links at kasabay ng pagkalat nito
ay ang pagkalat din ng virus na sanhi ng panganib sa BIBLIOGRAPIYA
ating seguridad. Sa paggamit ng spam messages o
tinatawag na phishing scam kung saan nakakatanggap
ang gumagamit ng pekeng mensahe at kapag ito ay American banker, U.S. (2017, Disyembre 11). U.S. banks caught
napindot automatic na magdodownload ang isang up in hacking scheme tied to russians.. Mula sa
https://www.americanbanker.com/article/us-banks-caught-up-in-
malicious virus na makakapasok sa iyong computer o hacking-scheme-tied-to-russians
di kaya sa iyong account.
CS Staff (2016, Abril 29). 2 in 3 Adults’ Social Media Accounts
Sa mga nakuhang sagot sa pakikipanayam, Hacked, The majority of adults also reported taking steps to
mas nabigyang pansin ang bilang ng mga tao na improve cybersecurity. Mula sa
Page 7 of 7

https://www.campussafetymagazine.com/news/report_2_i
n_3_adults_social_media_accounts_hacked/

GMA News (2017, Agosto 28). Online scammer, gumagamit ng


private message sa pag-hack ng social media account. Mula sa
http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/623643/online-
scammer-gumagamit-ng-private-message-sa-pag-hack-ng-social-
media-account/story/

Magbanua, C.,(n.d.). Ano ang Social Media? Mula sa


https://www.scribd.com/documents/338636748/Ano-Ang-Social-
Media

Rashid, F.Y. (2017, Marso, 13). How Android and iOS devices
really get hacked. Mula sa
https://www.infoworld.com/article/3179642/mobile-security/how-
android-and-ios-devices-really-get-hacked.html

Rmn News Team (2017, Abril 3). Pilipinas, nanguna sa paggamit


ng social media sa buong mundo. Mula sa https://rmn.ph/pilipinas-
nanguna-sa-paggamit-ng-social-media-sa-buong-mundo/

Semic, J. (2016, Setyembre 26). Nakakatulong nga ba ang Social


Media sa mga mag aaral? Mula sa
https://jefryansemic.wordpress.com/2016/09/26/nakakatulong-nga-
ba-ang-social-media-sa-mga-mag-aaral/

The statistics Portal (n.d.) How do often have you experienced or


been a victim of your social media or email accounts being
hacked? Mula sa
https://www.statistica.com/statistics/480849/frequency-of-
experiences-of social-media-or-email-accounts-being- hacked-in-
the-uk/

Twentyman, J. (2017, Nobyembre 7). Hacking medical devices is


the next big security concern. Mula sa
https://www.ft.com/content/75912040-98ad-11e7-8c5c-
c8d8fa6961bb

You might also like