AP4 - q1 - Melc5.2 - Heograpiyang Pantao

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

4

Araling Panlipunan
Unang Kwarter – Linggo 5.2
Heograpiyang Pantao: Populasyon,
Agrikultura, at Isyung Pangkapaligiran
dulot ng Industriya ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Grade 4
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter –Linggo 5.2 Heograpiyang Pantao: Populasyon, Agrikultura, at
Isyung Pangkapaligiran dulot ng Industriya ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer : Romabel S. Fulgar


Illustrator : Kurt Alvin B. Casano
Layout Artist : Joseph Bacala
Language Editor : Antonio P. Morales
Content Evaluator : Marites P. Alzate
Layout Evaluator : Jessie Cecelia A. Urbiztondo
Management Team: : Lucena B. Estrada
: Gemmalynda P. Montenegro
: Jesthony D. Malubay
: Jessie Cecelia A. Urbiztondo
Rasyonal
Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop
na tugon ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa
paghahatid ng mga pampagkatutong pangangailangan ng mga
mag-aaral na kahanay sa pagsusumikap ng mga nakatataas na
tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit nitong lesson exemplar ay
may kaaya-ayang format para sa guro at mag-aaral na pinaigsi
bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang krisis
dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay


nagbibigay diin sa pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito
ng kaniyang pag-unlad, kakayahang mapagnilayan ang sariling
gawa, at kakayahangmakabuo ng mga mithiin para sa hinaharap
na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan –


Grade 4-Quarter 1 Exemplar para sa araling Heograpiyang Pantao:
Populasyon, Agrikultura, at Isyung Pangkapaligiran dulot ng
Industriya ng Pilipinas.

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri


ng mga edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang
tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang
layunin na nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies
(MELC) na itinakda ng Kagawaran habang patuloy na nilulutas
ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng pandemikong COVID-
19.

2
Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang
mga mag-aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at
hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling
bilis at oras. Dagdag pa rito, layunin din nitong matulungan ang
mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pang-21 siglong
kakayahan habang isinasaalang-alang ang kanilang
pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-


aaral kung paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring
subaybayan ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang
pangasiwaan ang sariling pagkatuto sa pamamagitan ng
pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panipunan-Grade 4-Quarter 1


Exemplar para sa araling Heograpiyang Pantao: Populasyon,
Agrikultura, at Isyung Pangkapaligiran dulot ng Industriya ng
Pilipinas.

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa


at makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay
ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang
naaayon sa iyong sariling bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral,
ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong pampagkatutong
kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa paaralan.
Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang
template nito upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa
ng portfolio ayon sa iyong malikhaing pamamaraan.

3
Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang
icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung


Alamin
anong kompetensi ang inaasahan mong
matutuhan sa exemplar na ito at ang mga
layuning dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman
gawain na susubok sa iyong kaalaman sa
araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
Suriin
matuklasan at lubos na maunawaan ang
mga bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga
Isagawa
gawain na tutulong sa iyo upang mailipat
(1,2 & 3)
ang iyong bagong kaalaman at kasanayan
tungo sa panibagong sitwasyon o hamon
ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang
Isaisip
iyong antas ng kasanayan sa pagkamit ng
mga pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Susi sa
gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto

Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa


Pagtatakda
pagtatala ng iyong positibo at
ng Mithiin sa
Portfolio makatotohanang mithiin bago ipagtuloy
ang paggamit ng exemplar.

4
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa
Pagsagawa
pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
ng Portfolio –
Pahiwatig ng Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pag-unlad! kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na
ginamit sa paglikhang exemplar na
ito.

Mga Mahahalagang paalala sa paggamit ng exemplar na ito;


1. Gamitin ang exemplar nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng exemplar.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain at
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa exemplar na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay tatay,
o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Umaasa kami,
sa pamamagitan ng exemplar na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Sa exemplar na ito, matutunghayan mo ang kaugnayan ng


iba’t ibang rehiyon ng bansang Pilipinas at ang agrikultura nito.
Saklaw nito ang mga gawain na magpapaunlad sa iyong
kakayahan na malaman ang masamang epekto dulot ng
industriya sa Pilipinas. Ang mga gawain ay inayos upang iyong
masundan ang wastong pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency

Nailalarawan ang iba’t ibang rehiyon ng bansa ayon sa


populasyon gamit ang mapa ng populasyon AP4AAB-Ig-h-10.

Nailalarawan ang agrikiltura sa Pilipinas AP4LKE-IIa-1.

Nailalarawan ang masamang epekto dulot ng industriya sa


Pilipinas AP4AAB-Ii-j-12.

Layunin

Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa


exemplar na ito, inaasahang:

A. Kaalaman: Matutukoy ang mga rehiyon at bilang ng


populasyon

B. Kasanayan: Mailalarawan ang kaibahan ng hamon at


oportunidad kaugnay ng gawaing pangkabuhayan.

C. Kaalaman: Mabibigyang halaga ang dulot ng industriya


sa buhay ng tao

Tagal: Dalawang (2) araw

6
P
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio
Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo
ng iyong guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang
lingguhang pagtatakda ng mithiin. Gawing patnubay ang mga
layunin sa itaas. Mag-isip ng mga positibo at makatotohanang
mithiin na maari mong makamit sa exemplar na ito. Itala ang mga
ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy ang
pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

Nalalaman

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa
sagutang papel.

1. Itoy tumutukoy sa katipunan ng mga tao o dami ng tao na


naninirahan sa isang tiyak na lugar.
a. rehiyon b. populasyon
c. lawak d. kinaroroonan

2. Ano ang dalawang pangunahing salik na nakakaapekto sa


paglaki ng populasyon?
a. hanapbuhay at edukasyon b. hanapbuhay at populasyon
c. rehiyon at lawak d. rehiyon at kinaroroonan

3.Aling rehiyon ang may pinakamaraming bilang ng naninirahan?


a. CALABARZON b. Gitnang Luzon
c.Kanlurang Visayas d. National Cappital Region

4. Aling rehiyon ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan?


a. CALABARZON b. Gitnang Luzon
c.Kanlurang Visayas d. National Cappital Region

5.Ang Pilipinas ay kilala bilang isang_____ .


a. agrilkultural na bansa
b. produktibong bansa

7
c. maraming oportunidad na bansa
d. maraming oportunidad na hamon

6. Ano ang dalawang pangunahing pankabuhayan sa ating


bansa?
a. pangingisda at pagsasaka
b. pagmimina at pagtotroso
c. pangingisda at pagmimina
d. pagsasaka at pagtotroso

7. Bakit mahalaga ang pagtanggap sa mga hamon at pagyakap


sa mga opportunidad ng mga gawaing pangkabuhayan ng ating
bansa?
a. para maiangkop ang ginagawa ng tao sa kapiligiran
b. para matugunan ang pangangailangan
c. para malagpasan ang mga hamon na darating
d. lahat ng nabanggit

8. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na mabuting epekto ng


industriyalisasyon?
a. pagpapatayo ng gusali c. pag-unlad ng ekonmiya
b. pagtatag ng kalakalan d. global warming

9. Ang sumusunod ay masamang epekto ng industriyalisasyon


maliban sa isa?
a. global warming c. pagguho ng lupa
b. pagbaha d. pag-unlad ng isang bansa

10. Paano maiiwasan ang mga kalagayang nakaaapekto sa ating


kapaligiran?
a. walang habas na pagpuputol ng puno
b. pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan
c. labis na pagbubuga ng usok sa paggawaan
d. pagsunod sa tamang alituntunin bago magsimula sa mga
hakbang na isasagawa

8
Suriin

Ano ang populasyon? Anu-anong rehiyon sa bansa ang may


pinakamalaki at pinakamaliit na populasyon?

Ang populasyon ayon sa sosyolohiya ay sa katipunan ng mga


tao o dami ng tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng mga bagay na may
buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang bansa ay ang
bilang ng mga tao na naninirahan sa bansang iyon.

Binubuo man ng maraming mga isla, ang bansang Pilipinas


ay napabilang sa "Top 20" na mga bansang may pinakamalaking
populasyon sa buong mundo. Binabatay namin ang kabuuang
bilang ng populasyon ng Pilipinas ayon sa pagtataya ng
Commission on Population (POPCOM).

Ano ba ang Commission on Population or POPCOM?

Ang Commission on Population (POPCOM) ay isang ahensiya


sa Pilipinas na nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga
patakaran at programa na may kinalaman sa populasyon at
pagpapaunlad sa buhay ng mga tao dito sa Pilipinas. Ang Pilipinas
ay binubuo ng 17 rehiyon na may ibat’t ibang bilang ng
populasyon. Ating matutunghayan ang sumusunod na bilang sa
tsart.

PILIPINAS P0PULASYON
2010 94,013,200
2015 102,965,300
2020 111,784,600

9
REHIYON POPULASYON
(2020, milyon)
LUZON
I-Rehiyon ng IIocos 6,160,900
II-Lambak ng Cagayan 3,922,600
III-Gitnang Luzon 12,061,000
IV-A-CALABARZON 14,370,500
IV-B-MIMAROPA 3,830,200
V-Rehiyon ng Bicol 6,863,400
Cordillera Administration Region 2,044,700
National Capital Region 12,775,900
VISAYAS
VI-Kanlurang Visayas 9,055,100
VII-Gitnang Visayas 8,456,000
VIII-Silangang Visayas 5,406,300
MINDANAO
XI-Tangway ng Zamboanga 4,205,000
X-Hilagang Mindanao 5,249,100
XI-Rehiyon ng Davao 5,042,200
XII-SOCCSKSARGEN 4,961,900
XIII-Caraga 3,049,100
Autonomous Region in Muslim 4,330,700
Mindanao

Ang rehiyon ng CALABARZON o Rehiyon IV-A na may sukat


lamang na 16386 kilometro kuwadrado.Ang isang kilometro
kuwadrado ay katumbas ng isang kuwadrado na may habang
isang kilometro bawat gilid.) ang may pinakamalaking bilang ng
naninirahan. Pumapangalawa ang National Capital Region na
may sukat na 638.55 kilometro kwadrado, samantalang ang
Cordillera Administrative Region na may sukat na 18294 kilometro
kuwadrado ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan.
Pumapangalawa sa may pinakamaliit na bilang ang Caraga sa
may sukat na 21471kilometro kuwadrado. Sa madaling salita,hindi
batayan ang laki ng sukat o lawak ng isang lugar ng laki ng
populasyon.

10
Ang pangunahing salik na nakaaapekto sa paglaki ng
populasyon ng isang lugar ay ang oportunidad sa hanapbuhay
at edukasyon katulad ng NCR. Matatagpuan sa NCR ang sentro
ng komersiyo ng bansa.Marami rin ang naniniwala na ang
magandang edukasyon ay nasa Kalakhang Maynila,dahil marami
ang maaaring pagkunan ng mga impormasyon na magagamit sa
mga pagsasaliksik. Kung titignan sa mapa at sa tsart,mapapansin
na ang CALAMBARZON at Gitnang Luzon ay ang mga rehiyon na
pinakamalapit sa NCR kaya ang mga ito rin ang may malalaking
populasyon maliban sa mga pagkakakitaan at hanapbuhay
namayroon sa mga lugar na ito.

Pagmasdan mo ang larawan

Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan? Saan-saang lugar


mo nakita ang mga larawang ito? Ano ba ang kabutihang dulot
nito sa tao? Alam mo ba kung ano ang mga dalang hamon nito
na kailangan malagpasan at opportunidad para
mapagtagumpayan?

Aalamin natin ang mga gawaing pangkabuhayan ng bansa


at ano-ano ang mga opportunidad para maging handa at
maging matagumpay.

11
AGRIKULTURA

Kilala ang Pilipinas


bilang isang agrikultural na
bansa. Kung kaya ang isa sa
nangungunang gawaing
pangkabuhayan sa bansa ay
pagsasaka. Sadyang
malawak ang taniman dito.
Tinatayang nasa 35
bahagdan ang sinasakang
lupain sa Pilipinas.

Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula sa lupa


ang mga produkto na pangunahing pangangailangan ng tao
para patuloy na mabuhay. Kung liliit ang produksiyon,
maaapektuhan ang taong bayan at ang bansa. Ayon sa
maraming magsasaka, ang uri ng kanilang pamumuhay ay isang
tuloy-tuloy na pakikipagkalaban sa mga hamong kaakibat ng
kanilang hanapbuhay.Kasama rito ang lalong lumalaking bilang
ng mga angkat na produktong agrikultural, kahirapan dulot ng
mababang kita ng ga magsasaka, limitadong pondo na
pinagkaloob ng pamahalaan bilang tulong sa maliliit na
magsasaka, suliranin sa irigasyon, at kawalan ng kontrol sa presyo.
Higit sa lahat, ay mga suliranin sa kalamidad, pagkasira ng
kalikasan, at pagbabago ng panahon tulad ng El Nino
phenomenon o mababang panahon ng tag-init.

Sa kabila ng mga hamong ito, may mga oportunidad ding


ipinagkaloob sa mga magsasaka gaya ng mga sumusuunod:

• Impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik upang


gumanda ang ani at dumami ang produksiyon
• Paggamit ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis
ang produksiyon
• Paghihikayat ng mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at
linangin ang mga lupain sa kani-kanilang mga probinsiya
• Pagbibigay ng pagkakataon para sa magsasaka na
makapag-aral ng tamang paraan ng pagsasaka.

12
PANGINGISDA

Bilang isang kapuluan,


ang Pilipinas ay
napapalibutan ng tubig kung
kaya’t napakayaman nito sa
mga pagkaing dagat at
halamang dagat. Itinuturing
ang Pilipinas bilang isa sa
pinakamalaking tagatustos ng
isda sa buong mundo. Upang
mapalakas ang gawaing
pangkabuhayan na ito, narito
ang ilan sa mga maituturing
na mga oportunidad sa
pangingisda.

• pagpapatatag ng philippine Fish Marketing Authority (PFMA)


sa industriya ng pagbibili ng isda sa pamamagitan ng
pagpapatayo ng karagdagang daungan o pantalan sa mga
istratehikong lugar upang mapalago ang kita at produksiyon.
• pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda.
• paglalaan ng mga sasakyang pangisda.
• pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad
ng underwater sonar a radars.
• paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa marine
at fishing.
• paglulunsad ng mga programang makatutulong sa
pagpapaunlad ng industrya ng pangingisda tulad ng Blue
Revolution at biyayang Dagat.
• pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong
masuportahan ang maliliit na mangingisda.

Samantala, ang maituturing na pinakamalaking hamon sa


pangingisda ay ang climate change o pagbabago ng klima ng
mundo at likas na mga pangyayari tulad ng mga kalamidad.

Kabilang din sa mga hamon sa mga gawaing


pangkabuhayang ito ay ang mga kalsada, tulay at iba pang

13
imprastrakturang nakababagal sa transportasyon ng mga
produtong dagat kung kaya’t hindi mapaabot sa merkado ang
mga sariwang isda. Hamon ding maituturing ang pagkasira ng
mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat at hindi epektibong
pangangalaga sa mga yamang dagat lalo na sa protektadong
lugar.

Bawat pagbabago at pag-uunlad ng isang bansa ay may


kaakibat na epektosa kapaligiran. Maaaring ito ay mabuti o
masama ayon sa kinalalagyan ng mga pagbabago. Isa sa mga
pagbabagongito ay ang industriyalisasyon. Ang idustriyalisasyon
ay ang malakihang pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag
ng kalakalan, at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya. Ang
industriyalisasyon ay may mabuti at masamang epekto sa
kalikasan. Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya ay ang
pagkakaroon ng pondo para sa mga proyekto sa reforestation o
muling pagtatanim. Nagkakaroon din tayo ng sapat na lakas-tao
na nakatutulong sa mga proyekto para sa kalikasan.

Gayunpaman, may kaakibat ding masamang epekto ang


industriyalisasyon. Kasama rito ang global warming, pagbaha,
pagguho ng lupa, at polusyon.

Global Warming

Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng


atmospera ng mundo sanhi ng mga chloroluorocarbons na
nanggagaling sa mga industriya at maging sa kabahayan.Ang
mataas na temperatura ay maaaring magresulta sa greenhouse
effect o pagkakakulob ng init ng araw na nakaapekto sa
kalusugan at maging sa mga pananim.

Pagbaha at Pagguho ng lupa

Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng walang


habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa
kabundukan at kagubatan. Ang patuloy na pagpuputol ng mga
puno ay isa sa mga isyung pangkapaligiran sa kasalukuyan na

14
dapat bigyan ng pansin dahil ang pagbaha at pagguhu ng lupa
ay nagiging sanhi rin ng pag kasira ng mga pananim at ari-arian.

Ang pagbaha at pagguhong lupa ay epekto rin ng


pagkakaingins o pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng
uling,upang pagtamnan ang lupa, o pagtatayuan ng tirahan o
komersiyal na gusali.

Polusyon

Ang polusyon ay isa rin sa mga isyung pangkapaligiran na


nakaaapekto hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa
mga likas na yaman. Ang usok at langis mula sa mga pagawaan
at sasakyan ay nakadurumi sa hangin at katubigan na maaaring
maging sanhi ng pagkakasakit ng mamamayan.

Ang climate change o pag-iiba-iba ng klima ng mundo ay


nakaaapekto rin sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto gaya
ng pagbaha.

Isagawa 1 – A

A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa loob ng kahon. Sundin ang


sumusunod na halimbawa.

REHIYON Kinaroroonan
II Lambak ng Cagayan Luzon
IX Tangway ng Zamboanga
III Gitnang Luzon
XII-SOCCSKSARGEN
V- Rehiyon ng Bicol
Cordillera Administration
Region

15
B. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa loob ng kahon. Sundin ang
sumusunod na halimbawa.

REHIYON POPULASYON
1 Rehiyon ng Ilocos 6,160,900

VI Kanlurang Visayas
X111 CARAGA

VIII Silangang Visayas

IV B MIMAROPA

XI Rehiyon ng Davao

Isagawa 1 – B

Panuto: Alamin ang kaibahan ng hamon at oportunidad sa


gawaing pangkabuhayan na makikita sa loob ng kahon. Ilagay sa
hanay ng exis ang lahat ng hamon at sa hanay ng araw ang lahat
ng mahahanap sa oportunidad.

• Mga sakuna sa dagat


• Pagkakaroon ng modernong kagamitan tulad ng
underwater sonars at radar
• Suliranin at irigasyon
• EL Nino phenomenon
• Pagpapatayo ng bagong pantalan
• Makabagong teknolohia sa pagsasaka
• Pagdami ng mga angkat na produktong agrikultral
• Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani ng
• Climate change
• Programang Blue Revolution at Biyayang Dagat

16
HAMON OPORTUNIDAD

Isagawa 2

A. Panuto: Basahin ang mga suliraning pangkapaligiran. Piliin


ang sanhi na kaakibat ng bawat suliranin na makikita sa loob
ng kahon.

• Walang habas na pagpuputol ng mga puno


• Kaingin
• Kawalan ng mga punong sisipsip sa tubig-ulan
• Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan
• Labis na pagbubuga ng usok at chlorofluorocarbon

17
1. Pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig
2. Pagkaubos ng mga halamanan at mga hayop sa kagubatan
3. Pagbaha at pagguho ng lupa
4. Pag-init ng atmospera na maaaring sumira sa ozone layer o
global warming
5. Pagkasira ng mga pananim sa kapatagan.

B. Panuto: Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang hinihingi sa


bawat bilang na makikita sa loob ng kahon.

Industriyalisasyon Reforestation Global warming


Polusyon Climate change

1. Ang usok at langis mula sa mag pagawaan at


sasakyan ay nakadurumi sa hangin at katubigan
na maaaring maging sanhi ng pagkakasakit ng
mamamayan.
2. Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya ay ang
pagkakaroon ng pondo para sa mga proyekto
muling pagtatanim.
3. Pag-iiba-iba ng klima ng mundo ay nakaaapekto
rin sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto
gaya ng pagbaha.
4. Ang malakihang pagpapatayo ng mga
industriya,pagtatatag ng kalakalan,at iba pang
mga gawaing pang-ekonomiya.Ang
industriyalisasyon ay may mabuti at masamang
epekto sa kalikasan.
5. Ang pagtaas ng temperature ng atmospera ng
mundo sanhi ng mga chloroluorocarbons na
nanggagaling sa mga industriya at maging sa
kabahayan.

18
Isagawa 3

Panuto: Paano mo maipapakita ang pangangalaga sa


kapaligiran. Kopyahin sa kuwaderno ang nakalarawan sa ibaba at
lagyan ng tsek(/) ang mga bilog na nagpapakita ng iyong pinili.

Sumunod sa
mga
panuntunan
Isagawa ang ng batas
4R'S (reduce, Panatilihing
reuse, malinis ang
recycle, kapaligiran
replace)

PAANO AKO
TUTULONG SA
KAPALIGIRAN Maging
Paggamit responsable
ng dinamita sa paggamit
ng materyal
na bagay

Pagbubukod
ng basura sa Magtapon
nabubulok ng dumi sa
at di ilog
nabubulok

19
Isaisip

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa
sagutang papel.
1.Itoy tumutukoy sa katipunan ng mga tao o dami ng tao na
naninirahan sa isang tiyak na lugar.
a. rehiyon b. populasyon
c. lawak d. kinaroroonan

2. Ano ang dalawang pangunahing salik na nakakaapekto sa


paglaki ng populasyon?
a. hanapbuhay at edukasyon
b. hanapbuhay at populasyon
c. rehiyon at lawak
d. rehiyon at kinaroroonan

3.Aling rehiyon ang may pinakamaraming bilang ng naninirahan?


a. CALABARZON b. Gitnang Luzon
c.Kanlurang Visayas d. National Cappital Region

4. Aling rehiyon ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan?


a. CALABARZON b. Gitnang Luzon
c.Kanlurang Visayas d. National Cappital Region

5.Ang Pilipinas ay kilala bilang isang_____ .


a. agrilkultural na bansa
b. produktibong bansa
c. maraming oportunidad na bansa
d. maraming oportunidad na hamon

6. Ano ang dalawang pangunahing pankabuhayan sa ating


bansa?
a. pangingisda at pagsasaka
b. pagmimina at pagtotroso
c. pangingisda at pagmimina
d. pagsasaka at pagtotroso

20
7. Bakit mahalaga ang pagtanggap sa mga hamon at pagyakap
sa mga opportunidad ng mga gawaing pangkabuhayan ng ating
bansa?
a. para maiangkop ang ginagawa ng tao sa kapiligiran
b. para matugunan ang pangangailangan
c. para malagpasan ang mga hamon na darating
d. lahat ng nabanggit

8. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na mabuting epekto ng


industriyalisasyon?
a. pagpapatayo ng gusali c. pag-unlad ng ekonmiya
b. pagtatag ng kalakalan d. global warming

9. Ang sumusunod ay masamang epekto ng industriyalisasyon


maliban sa isa?
a. global warming c. pagguho ng lupa
b. pagbaha d. pag-unlad ng isang bansa

10. Paano maiiwasan ang mga kalagayang nakaaapekto sa ating


kapaligiran?
a. walang habas na pagpuputol ng puno
b. pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan
c. labis na pagbubuga ng usok sa paggawaan
d. pagsunod sa tamang alituntunin bago magsimula sa mga
hakbang na isasagawa

21
22
Isagawa 2 (Hulwarang
Isaisip Isagawa 3 (Hulwarang Sagot) Sagot)
(Hulwarang Sagot)
1. a
2. a 1. Pagtatapon ng dumi at langis sa mga
katubigan
3. d
4. d 2. Walang habas na pagpuputol ng mga
puno
5. a
6. a 3. Kawalan ng mga punong sisipsip sa
tubig-ulan
7. d
8. d 4. Labis na pagbubuga ng usok at
chlorofluorocarbon
9. d
10. d 5.Pagkakaingin
1. Polusyon
2. Reforestation
3. Climate change
4. Industriyalisasyon
5. Global warming
Isagawa 1 - B Isagawa 1 – A Nalalaman
REHIYON Kinaroroonan 1. a
IX Tangway ng Miindanao 2. a
Zamboanga
OPORTUNIDAD 3. d
HAMON
III Gitnang Luzon Luzon 4. d
Mga sakuna sa dagat Pagkakaroon ng XII-SOCCSKSARGEN Miindanao 5. a
modernong
kagamitan tulad ng V Rehiyon ng Bicol Luzon 6. a
underwater sonars
at radar Cordillera Luzon 7. d
Administration Region 8. d
Suliranin at irigasyon Pagpapatayo ng 9. d
bagong pantalan REHIYON POPULASYON
10. d
EL Nino phenomenon Makabagong
teknolohiya sa VI Kanlurang Visayas 9,055,100
pagsasaka
X111 CARAGA 3,049, 100
Pagdami ng mga Programang Blue VIII Silangang 5,406,300
angkat na produktong Revolution at Visayas
agrikultral Biyayang Dagat
IV B MIMAROPA 3,830,200
Bagong pag-aaral XI Rehiyon ng Davao 5,042,200
Climate change tungkol sa
pagpaparami ng
ani ng climate
change
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!
Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na
sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong
portfolio ay koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar.
Binibigyang diin nito ang iyong kakayahang makita at
mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa natamo mong
kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Napaka- Magaling Pagbutihin


Kabuu-
Krayterya husay din pa
an
5 pts. 3 pts. 1 pt.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalikha-
in sa paggawa
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput
Kabuuan

23
Sanggunian
Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Aralin 4: Ang
Pilipinas ay Bansang Tropikal, pp. 89-93.
National Statistics Office 2000 Census-based Population Projection
in collaboration with the Inter-Agency Working Group on
Population Projections.

Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Aralin 4: Ang


Pilipinas ay Bansang Tropikal, pp. 164-170

Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Aralin 4: Ang


Pilipinas ay Bansang Tropikal, pp. 132-135

24
Para sa mga Katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (633) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.Irqad@deped.gov.ph / blr.lrpd@deped.gov.ph

25

You might also like