Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Araling Panlipunan

Unang Kwarter –Ikalawang Linggo


Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teorya,
Mito at Relihiyon
Araling Panlipunan– Grade 5
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter –Ikalawang Linggo: Naipaliliwanag ang pinagmulan ng
Pilipinas batay sa Teorya (Plate Tectonic Theory), Mito at Relihiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Irene F. Fiel


Illustrator: Imee M. Long
Layout Artist: Junry M. Pormiento
Language Editor: Anatolia B. Caparoso
Content Evaluator: Franklin P. Oranza, PhD
Layout Evaluator: Ariel A. Paler, MA
Management Team: PSDS/DIC
Myrna E. Mozo, PhD

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na


tugon ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng
mga pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay
sa pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang
gamit nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at
mag-aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng
pangkalusugang krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay
sasamahan ng portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-
aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin


sa pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng
mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan– Grade 5-Quarter 1


Exemplar para sa araling maipaliliwanag ang Pinagmulan ng Pilipinas batay
sa Teorya, Mito at Relihiyon.

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng


mga edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan
ang mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na
nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng
Kagawaran habang patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na
dulot ng pandemikong COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga


mag-aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang
tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa
rito, layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang
kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang
kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral


kung paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan
ang kanilang pa g-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang
sariling pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

2
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan -Grade 5-Quarter 1


Exemplar para sa araling maipaliliwanag ang Pinagmulan ng Pilipinas batay
sa Teorya, Mito at Relihiyon

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at


makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan
at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling
bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman
nitong pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa
paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito
upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa
iyong malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung


Alamin anong kompetensi ang inaasahan mong
matutuhan sa exemplar na ito at ang mga
layuning dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman
gawain na susubok sa iyong kaalaman sa
araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
Suriin diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang
mga bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain
Isagawa na tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
(1,2 & 3) bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong
Isaisip
antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Susi sa
gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto

3
Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa
Pagtatakda ng
pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa
Portfolio makatotohanang mithiin bago ipagtuloy ang
paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa
Pagsagawa ng
pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Portfolio –
Pahiwatig ng Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pag-unlad! kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

4
Alamin

Sa exemplar na ito ay matutuhan ang pinagmulan ng Pilipinas batay


sa Teorya, Mito at Relihiyon. Maipaliliwanag natin sa pamamagitan ng
pagsusuri ng mga batayan sa pinagmulan ng Pilipinas.

Halina at pag-aralan ang Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teorya, Mito


at Relihiyon.

Most Essential Learning Competency:


Naipaliliwanag ang Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teorya (Plate Tectonic
Theory), Mito at Relihiyon. (AP5PLP-Id-4)

Sub-Competency
Natutukoy ang Pinagmulan ng Pilipinas batay sa mga teorya (Plate Tectonic
Theory), Mito at Relihiyon.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: Nalalaman ang Pinagmulan ng Pilipinas batay sa


Teorya (Plate Tectonic Theory), Mito at Relihiyon.
B. Kasanayan: Nasusuri ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa
Teorya (Plate Tectonic Theory), Mito at Relihiyon.

C. Pandamdamin: Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga


Teoryang pinagmulan ng Pilipinas.

P
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong


guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

5
Nalalaman

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat pahayag:

Teorya Tectonic Plate Pangaea


Asthenosphere Continental Shelf

________1. Tumutukoy sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang


konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng panaliksik.

________2. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bahagi ng crust.

________3. Isang malalaking masa ng lupa na bahagi ang Pilipinas sa


panahong ito.

________4. Mga tipak na lupa sa ilalim ng katubigan na nakakabit sa mga


kontinente.

________5. Ang itaas na bahagi ng mantle ng mundo.

6
Suriin

Mga Teorya tungkol sa Pagkabuo ng Kapuluan ng Pilipinas

Batay sa siyensiya, ang daigdig ay sinasabing may ilang bilyong taon na.
Kaugnay nito, may ilang paghihinuha na ang kasalukuyang anyo ng mga
lupain sa daigdig ay iba sa dati nitong anyo matagal na panahon na ang
nakarararaan. Ang siyentista ay may iba’t ibang paliwanang tungkol sa
pinagmulan ng mga kalupaan sa daigdig.

Source: https://www.youtube.com/watch?v=EUKFMvdoSYU-
PAGKABUO
A.-1 Teorya ng Continental Drift

Ayon sa Teorya ng
Continental Drift, may 200
milyong taon na ang
nakalilipas nang dahan-
dahang nahati ang
Pangaea sa dalawang
bahagi - sa Laurasia sa
hilagang hating-globo at
Gondwanaland o
(Gondwana) sa timog
hating-globo.
Source: https://www.youtube.com/watch?v=EUKFMvdoSYU-
PAGKABUO

7
Teorya ng Tectonic Plate o ang Paggalaw ng mga Kalupaan

Crust, Mantle at Asthenosphere sa ating daigdig

Paggalaw ng init sa Asthenosphere ang nagdudulot ng paggalaw


ng tectonic plate

Ayon sa siyentistang German na si


Alfred Wegener, ang daigdig ay
binubuo ng isang malaking
kalupaan may 240 milyong taon na
ang nakalilipas. Tinawag ang
malaking masa ng lupa na ito na
PANGAEA. Ang Pilipinas ay bahagi
ng Pangaea sa panahong ito.

Source: https://www.youtube.com/watch?v=EUKFMvdoSYU-
PAGKABUO

8
Ayon sa Teorya ng Continental Drift, ang kalupaan sa daigdig kung saan
bahagi ang Pilipinas ay dating binubuo ng iisang malaking masa ng lupa na
tinatawag na Pangaea ilang daang milyong taon na ang nakalipas. Ang
malaking masa ng lupain na ito ay unti-unting nahati at naghiwa-hiwalay
hanggang sa marating ang kasalukuyang anyo ng mga lupain sa daigdig
katulad ng kapuluan ng Pilipinas.

Mga Patunay

Ilang mga patunay na inihain ng Teorya ng Continental Drift ang sumusunod:

1.

Pagkakatulad sa uri
ng fossilized na labi ng
hayop sa South
America at Africa

2.
Pagiging akma ng hugis
ng Silangang baybayin
ng South America sa
Kanlurang baybayin ng
Africa

3.
Magkatugmang rock
formation at mga
kabundukan sa South
America at Africa

9
B. Teorya ng Bulkanismo o Pacific Theory
Source: https://www.youtube.com/watch?v=EUKFMvdoSYU-
PAGKABUO
Ayon sa siyentistang Amerikano na
si Bailey Willis at ang kaniyang
Pacific Theory o Teorya ng
Bulkanismo, ang Pilipinas ay
nabuo bunsod ng bulkanismo, o
pagputok ng mga bulkan sa ilalim
ng karagatan.

Paliwanag
Ayon sa Teorya ng
Bulkanismo, ang Pilipinas ay nabuo
bunsod ng pagputok ng mga
bulkan sa ilalim ng karagatan.

Ang patuloy na pagtambak


ng mga volcanic material sa ilalim
ng karagatan ang nagbigay-daan
sa unti-unting paglitaw ng
kapuluan ng Pilipinas mula sa
karagatan.

Isang patunay sa teorya ng bulkanismo ang pagkakaroon ng Baguio


City at karatig na kabundukan ng mga Korales at lumang mga volcanic
material
10
Source: https://www.youtube.com/watch?v=EUKFMvdoSYU-
PAGKABUO
C. Teorya ng Tulay na Lupa o Teorya ng Land Bridges

Ayon sa Teorya ng Tulay na


Lupa, nabuo ang kapuluan ng
Pilipinas nang matunaw ang mga
yelong bumabalot sa malaking
bahagi ng North America,
Europe, at Asya. Batay sa
teoryang ito, ang mga isla sa
Pilipinas ay magkarugtong.
Pinagdurugtong rin ng mga tulay
na lupa ang Pilipinas at ang ilang
karatig-bansa sa Timog-Silangang
Asya.

Nang matunaw ang mga


yelo na bumabalot sa malaking
bahagi ng daigdig, tumaas ang
tubig at lumubog ang
mabababang bahagi ng daigdig
kasama na ang mga tulay na
lupa.

Ilang mga patunay na inihain ng Teorya ng Tulay na Lupa ay ang


sumusunod:

1.

Mababaw ang bahagi ng


West Philippine Sea na
nakapagitan sa Pilipinas at sa iba
pang bahagi ng Asya

11
Source: https://www.youtube.com/watch?v=EUKFMvdoSYU-
PAGKABUO
2.

Napakalalim ng Pacific
Ocean na patunay na ang
Pilipinas ang dulong bahagi ng
Asya.

3.

Magkakatulad ang uri ng


halaman, puno, at hayop sa
Pilipinas at sa iba pang bahagi
ng Asya.

4.

Magkakasinggulang at
magkakatulad ang mga bato sa
Pilipinas at sa iba pang bahagi ng
Asya.

Source: https://www.youtube.com/watch?v=EUKFMvdoSYU-
PAGKABUO

12
B. Mito(Ang Alamat ng Pilipinas)

Source: https://www.youtube.com/watch?v=SoIgd9m4tjI

Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang Pilipinas.


Mayroon lamang maliliit na mga pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng
mundo ay may nakatira ditong isang higante. Ang kweba niya ay nasa
kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang
tatlong anak na babae na sina Minda, Lus, at Bisaya.
Isang araw, kinakailangang umalis ng amang higante upang
mangaso sa kabilang pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid
kaya pinagsabihan niya ang tatlo. “Huwag kayong lumabas ng ating
kweba” ang bilin ng ama. “Dyan lamang kayo sa loob dahil may mga
panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.”
Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kweba ang
magkakapatid. Inayos nila itong mabuti para masiyahan ang kanilang
ama.
Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi ito masunurin sa ama.
Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat. Hindi man lamang
nagsabi sa mga kapatid.
Tuwang-tuwa si Minda na naglalaro ng mga along nanggagaling sa
dagat. Namasyal siya at hindi niya napansin na malayo na pala siya sa tabi
ng dagat. Habang siya ay naglalakad, isang napakalaking alon na
masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda. Nagsisigaw siya habang
tinatangay ng malaking alon sa gitnang dagat.
“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang
sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa loob ng kweba kaya tumigil sa
paggawa ang dalawa.

13
“Si Minda humihingi ng tulong!” sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata
sa pagkagulat. “Oo nga! Halika na!”yaya ni Bisaya. “Bakit kaya?” Mabilis
silang tumakbo sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nila sisinghap-
singhap sa tubig ang kapatid.
“Hayon sa malayo!” sigaw sabay turo ni Lus.
“Hindi marunong lumangoy si Minda ah! “ sabi ni Bisaya at tumakbo
na naman ang dalawa. Sabay iyak ni Lus. Mabilis nilang nilusong si Minda,
malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid. Pati sila ay
nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak, sigaw at
walang tigil na kawag. Sa kasamaang palad ang tatlong dalagang
higante ay hindi na nakaahon.
Nang dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang
sumalubong sa kanya. Dat-rati ay nakasigaw na sa tuwa ang tatlo niyang
anak kung dumating siya. Wala ang tatlo sa kweba, ni isa ay wala roon.
“Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong niya sa sarili.” Saan
kayo Lus, Minda, Bisaya!”
Walang sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila roon.
Pinuntahan niya ang ilang malapit na pulo, ni anino ay wala. Baka may
pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng higante sa sarili.
Biglang umalon ulit at dumagundong, napalingon ang ama at naisip
niya na baka nalunod ang tatlo. Dumako pa siya sa malayo at hindi
nagkamali ang higante. Nakita niya ang labi ng ilang pirasong damit na
nakasabit sa bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na
nakataas at humihingi ng saklolo. Naalala niya bigla na hindi niya
pinayagang lumabas ang mga ito. Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip
lamang pala niya ang larawan ng tatlong kamay na nakataas, nawalan
siya ng lakas.
“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng
ganang kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod ng
tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis
napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang
nagawa ng kawawang higante.
Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga
mata. May nakita siyang wala doon dati. Tumayo bigla at tiningnan mabuti.
“Ano ito? Saan galling ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong
14 ito?
tanong sa sarili, lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila.
Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang
malakas.
At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong
pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya.
Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.
C. (Relihiyon) Teorya ng Paglalang

15
16
Source: https://www.youtube.com/watch?v=fxuyt0qxymU

Isagawa 1A

Panuto: Suriin ang mga pares ng pangungusap. Isulat ang S kung ito
ay nagsasaad ng sanhi at B kung ito ay bunga. Isulat ang iyong sagot
sa kuwaderno.

1. ______Patuloy ang pagtambak ng mga volcanic na materyal sa


ilalim ng karagatan.
______ Unti-unting lumitaw ang mga pulo sa karagatan na siyang
bumuo sa kapuluan ng Pilipinas.
2. ______Nawala na ang mga tulay na lupa at tuluyan nang lumubog
sa dagat.
______ Natunaw ang yelong bumabalot noon sa malaking bahagi
ng malalaking kontinente.
3. ______Patuloy ang paikot na paggalaw ng mga tectonic plate sa
ilalim ng mga karagatan.
______Nabago ang anyo, hugis, at posisyon ng mga kalupaan dahil
sa paghihiwalay at pagbanggaan ng mga plate.
4. ______Hindi tumitigil ang paggalaw ng mga tectonic plate sa ilalim
ng karagatan.
______Minsan nagkakaroon tuloy ng mga paglindol, pagputok ng
bulkan, at pagkabuo ng mga bundok.
5. ______Pinaniniwalaang may mga tulay na lupa noon.
______Malayang nakapaglalakbay ang mga hayop noon sa
malalawak na mga lupain ng daigdig.

17
Isagawa 1B

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ito’y isang teorya na nagpapaliwanag sa pagkakabuo ng


kalupaan sa daigdig kasama na ang Pilipinas.
a. Teorya ng Bulkanismo c. Teorya ng Kapuluan
b. Teorya ng Continental Drift d.Teorya ng Tulay na lupa

2. Tawag sa supercontinent na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas.


a. Gondwana c. North America
b. Laurasia d. South America

3. Ito’y malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bumubuo sa


CRUST.
a. Bulkan c. Mantle
b. Kontinente d. Tectonic plate

4. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng mga


bulkan sa paligid ng Pacific Basin.

a. Teorya ng Bulkanismo c. Teorya ng Tectonic Plate


b. Teorya ng Continental Drift d.Teorya ng Tulay na lupa

5. Ilang araw ang paglikha ng Diyos sa Daigdig?

a. 4 na araw c. 6 na araw
b. 5 na araw d. 7 na araw

18
Isagawa 2

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Ayon sa Teorya, nabuo ang bansa sa pamamagitan ng pagtaas ng
magma mula sa ilalim patungo sa ibabaw ng lupa.
a. Bulkanismo c. Tectonic Plate
b. Pandarayuhan d. Tulay na Lupa
2. Nagpanukala ng teoryang nagmula ang kalupaan ng daigdig sa
supercontinent.
a. Alfred Wegener c. Dr. Bailey Willis
b. Austonesian d. Ruma Bichara
3. Ang karagatan sa hangganan ng Pilipinas sa Silangan.
a. Atlantic Ocean c. Pacific Ocean
b. Celebes Sea d. West Philippine Sea
4. Ang teoryang continental drift ay nagpapaliwanag na ____.
a. Ang kapuluan ng Pilipinas ay mula Sa malaking tipak ng lupain sa
daigdig na naghihiwalay ilang daang milyon taon na ang
nakalipas.
b. Ang kapuluan ng Pilipinas ay bunsod ng pagtambak ng volcanic
material mula sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng karagatan
c. Ang kapuluan ng Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig
sa karagatan
d. Ang kapuluan ng Pilipinas ay mula sa meteors na nahulog galing sa
kalawakan
5. Teoryang ginamit sa pag-aaral sa paraan ng pagkakabuo na kung
saan batay dito ang mga lupain ay kabit-kabit noon at naghiwa-
hiwalay lamang nang malusaw ang yelo.

a. Teorya ng Asyatiko c. Teorya ng Continental Drift


b. Teorya ng Bulkanismo d. Teorya ng Tulay na lupa

19
Isagawa 3

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Anu-ano ang teoryang maaaring makapagpaliwanag sa


pinagmulan ng Kapuluan ng Pilipinas? Ilahad.

2. Alin sa mga teoryang ito ang may ebidensiyang katanggap-


tanggap at nakikita pa rin sa kasalukuyan?

Isaisip

Pangatwiran ang sitwasyon.

Ano sa inyong palagay ang teoryang pinaniniwalaan ng


mas nakararaming tao? Bakit? Ipaliwanag.

20
21
Isagawa 3 Isagawa 2
Isaisip
(Guro ang 1. A
(Guro ang magwawasto) 2. A
magwa- 3. C
wasto) 4. A
5. D
Isagawa 1-B Isagawa 1-A
Nalalaman
1. B 1. SB
2. B
3. D 2. BS 1.Teorya
4. A
2.Tectonic Plate
5. D 3. SB
3. Pangaea
4. SB
4. Continental
Shelf
5. SB
5. Asthenosphere
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, at sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Magaling
Napaka-husay Pagbutihin pa
Krayterya din Kabuuan
5 pts. 3 pts. 1 pt.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalikhain sa
paggawa
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput
Kabuuan

Sanggunian:

Pilipinas Bilang Isang Bansa: Araling Panlipunan 5. Week 2: Pinagmulan ng


Pilipinas batay sa Teorya, Mito at Relihiyon Pp. 38-49Araling Panlipunan 5
Gabay ng Guro pp. 14-19
https://www.youtube.com/watch?v=EUKFMvdoSYU/https://www.youtube.co
m/watch?v=SoIgd9m4tjI/https://www.youtube.com/watch?v=fxuyt0qxymU

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – District of Barobo I

Address: _______________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Contact Number: 09079081134


Email Address:

23

You might also like