Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Araling Panlipunan

Unang Kwarter – Ikaapat na Linggo


Ibat-ibang Antas Panlipunan ng
Sinaunang Pilipino
Araling Panlipunan – Grade 5
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Ikaapat na Linggo: Iba’t-ibang Antas Panlipunan ng Sinaunang
Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Marjie C. Sombrio


Illustrator: Aileen D. Gemino
Layout Artist: Junry M. Pormiento
Language Editor: Anatolia B. Caparos
Content Evaluator: Dr. Franklin P. Oranza, Ph.D
Layout Evaluator: Ariel Paler, MA
Management Team: PSDS/DIC
Myrna E. Mozo, Ph.D
Rationale
Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na
tugon ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga
pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa
pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit
nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-aaral
na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang krisis
dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng portfolio na
tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.
Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin
sa pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng
mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – Grade 5-Quarter 1


Exemplar para sa araling Iba’t-ibang Antas Panlipunan ng Sinaunang Pilipino sa
Panahong Pre-kolonyal.

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga


edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang mga
mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran habang
patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng pandemikong
COVID-19.
Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga
mag-aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang
tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa rito,
layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang
kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang kanilang
pangangailangan at kapakanan.
Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral
kung paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang
kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Grade 5-Quarter 1


Exemplar para sa araling Iba’t-ibang Antas Panlipunan ng Sinaunang Pilipino sa
Panahong Pre-kolonyal!

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at


makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan at
hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling bilis at
oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong
pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa paaralan.
Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may Lingguhang
Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito upang
mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa iyong
malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


Alamin kompetensi ang inaasahan mong matutuhan
sa exemplar na ito at ang mga layuning
dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman
gawain na susubok sa iyong kaalaman sa
araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
Suriin diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain
Isagawa na tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
(1,2 & 3) bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong
Isaisip
antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Susi sa
gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto
Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa
Pagtatakda ng
pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa
Portfolio makatotohanang mithiin bago ipagpatuloy
ang paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa
Pagsagawa ng
pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Portfolio –
Pahiwatig ng Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pag-unlad! kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.
Alamin

Sa exemplar na ito, masusuri iba’t-ibang antas panlipunan ng sinaunang


Pilipino sa Panahong Pre-kolonyal.. Saklaw nito ang mga gawain na
magpapaunlad sa iyong kaalaman tungkol sa ating kasaysayan at kung saan
nangmula ang ating mga ninuno. Ang mga gawain ay inayos upang iyong
masundan ang wastong pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Nasusuri ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong
Pre-kolonyal. AP5PLP-If-6

Sub-Competency
Nasusuri ang iba’t-ibang antas panlipunan ng sinaunang Pilipino sa panahong Pre-
kolonyal.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: Nasusuri ang iba’t ibang antas panlipunan ng sinaunang


Pilipino sa panahong Pre-kolonyal

B. Kasanayan: Natutukoy ang gawaing panlipunan ng mga sinaunang


Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal.

C. Pandamdamin: Naipagmamalaki ang bahaging ginampanan ng


mga sinaunang Pilipino batay sa antas Panlipunan na kinabibilangan.

P
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong guro


kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda ng mithiin.
Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga positibo at
makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na ito. Itala ang
mga ito bilang iyong mga plano.
Tandaan: Huwag ipagpatuloy ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa
naisagawa ang pagtatakda ng mga mithiin.
Nalalaman

Panuto: Piliin sa hanay B ang konseptong binibigyang kahulugan sa


hanay A. Titik lamang ang isagot.

1. Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang A. Ayuey


Tagalog

2. Bilang ng antas o pagpapngkat ng mga B. Bagani


sinaunang tao sa lipunang Taglog at Bisaya

3. Ang tawag sa pinakamababang uri ng panlipunan C. Maginoo


noon sa sinaunang panahon ng mga Bisaya. Datu

4. Ang mga mahuhusay na mandirigma ng mga D. Oripun


sinaunang Pilipino.

5. Ang mga taong nanilbihan kailann man naisin ng datu. E. 3


Suriin

IBA’T-IBANG ANTAS PANLIPUNAN NG MGA SINAUNANG PILIPINO


May tatlong antas o pagpapangkat ang mga sinaunang tao sa
lipunang Tagalog at Bisaya- ang datu at maginoo; ang maharlika at timawa;
at ang alipin o oripun.

Datu

Ang maginoo o datu ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang


Tagalog at Bisaya. Maaring maging datu ang isang kasapi ng barangay sa
pamamagitan ng katapangan, katalinuhan, pagmamana o kayamanan.
Nasusukat ang yaman ng isang datu sa dami ng kaniyang alipin, dami ng
kaniyang pagmamay-aring ginto at ng kaniyang pamilya, at lawak ng
kaniyang pagmamay-aring lupain. Ginto ang simbolo ng mataas na
katayuan sa sinaunang lipunan. Gat o Lakan ang pantukoy sa mga maginoo
sa sinaunang lipunang tagalog.

1
wikipedia.com
Maharlika
Timawa

Ang mga mahuhusay na madirigma ay tinatawag na Bagani.


Karamihan sa mga ito ay mula sa pangkat ng mga maharlika. Tungkulin nga
mga maharlika na tulungan ang mga datu sa pagtatanggo at
pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay. Wala silang panangutang
magbayad ng buwis sa datu.
Nakikilala ang mga mandirigmang Bisaya sa pamamgitan ng kanilang
tato sa katawan. Naipakita sa dami ng tato ang bilang ng kaaway na
kanilang napaslang. Habang ang pulang putong o maliit na piraso ng tela sa
ulo ang palatandaan ng pinakamatapang na mandirigmang tagalog.

Timawa ang tawag sa mga malalayang tao at mga taong lumaya sa


pagkaalipin. Kabilang din sa kanila ang mga inanak o inapo ng mga datu
mula sa kanilang ikalawang asawa.
Maaring magmay-ari ng lupa ang timawa. May karapatan din siya sa
kita ng kaniyang ani nang hindi ngbibigay ng tributo sa datu. Tungkulin ng
timawa na sundin ang ano mang utos ng datu, tulad ng pagtulong sa
pagtatanim at pag-aani ng sakahan, pangingisda, pagsama sa
paglalakbay ng datu, o pagsasagwan ng bangka nito.
Nagbabayad naman ng buwis ang mga timawa sa lipunang Bisaya,
subalit may karapatan silang lumipat ng datung kanilang paglilingkuran. Ang
mg timawang naglilingkod sa datu ay hindi nagtatrabaho sa bukid at hindi
rin nagbabayad ng tributo. Sa halip, ang mga timawang ito ay nagsisilbing
kasama ng datu sa digmaan, tagasagwan ng Bangka, tagatikim ng alak ng
datu, o sugo sa pakikipagkasundo sa kasal ng mga anak ng datu.

2
Aliping namamahay Aliping saguiguilid
Resources: https://www.google.com/search?q=aliping+namamahay

Ang pinakamababang antas panlipunan noong sinaunang panahon


ay binubuo ng alipin (sa mga tagalog) at oripun (sa mga Bisaya). Ang isang
tao ay maaring maging alipin bilang kaparusahan sa krimen at kawalan ng
bayad sa nagawang krimen. Naging alipin din ang mga taong nahuling
pumasok sa teritoryo ng datu. Sa mga Tagalog, ang taong tumubos sa
pagkakautang o krimen ng isang alipin ay maaaring maging panginoon ng
aliping ito.
Isa sa mga tungkulin ng datu ay ang gawing alipin ang mga batang
naulila at wala ng kumupkop na kamag-anak. Siya ay may tungkulin sa
kabuuang kahusayan at kagalingan ng mga alipin lao na ang mga
naabandona sa digmaan at ulila.
May dalawang uri ng alipin sa Tagalog: ang aliping namamahay at
aliping saguiguilid.
Aliping namamahay
• Nakatira sa sariling bahay
• Nagbigay ng taunang tribute na katumbas ng dalawang salop
ng palay, lahat ng buto ng kanilang tanim, at malaking tapayan
ng quilan (alak na mula sa tubo)
• Tumutulong sa paghahanda ng mga pagtitipon
• Maaring magkaroon ng sariling ari-arian.
Aliping saguiguilid
• Nanirahan sa tirahan ng datu; maaring bumukod kapag
nakapag-asawa at manilbihan nang parang aliping
namamahay
• Nagsisislbi araw at gabi sa datu
• Hindi maaring magkaroon ng sariling ari-arian
Tatlong uri ng Oripon o alipin sa mga Bisaya.
Ayuey
• Pinakamababang pangkat ng oripun
• Nanilbihan kailanman naisin ng datu

3
Tumarampuok

• Nanilbihan ng isang araw sa isang linggoo sa datu


• Maaaring magbayad ng palay kapalit ng kaniyang paninilbihan
Tumataban
• Nanilbihan sa datu tuwing may piging o pagtitipon

Ang alipin ay maaring maging alipin habang buhay kung ito ay


pinagbili ng kaniyang mga magulang dahil sa kahirapan o matinding
pangangailangan.
Aangat sa pagiging timawa ang isang alipin kung:
➢ Nabayaran ang kaniyang pagkakautang
➢ Nakompleto ang isang kautusan o kasunduan
➢ Natubos ng ginto ang kaniyang kalayaan
Ang mga napapabilang sa mababang antas ay hinihikayat na
magsumikap upang makaangat sa antas at matamasa ang pribilehiyong
kaakibat nito. Ang mga nasa taas ay nagsumikap ding mantili sa antas na
kanilang kinabibilangan. Ang mga taong hindi nakababayad ng utang o
mga taong nagkaroon ng pagkakasala ay maaring malipat sa mababang
antas kaya’t magiging maingat ang mga taong hindi gumawa ng masama
upang hindi mawalan ng mga pribilehiyo.

4
Isagawa 1 - A

Panuto: Sino Sila? Tukuyin ang uring panlipunan sa sinaunang lipunang


Pilipino na tinutukoy sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang
tamang sagot.

Maginoo o Datu Maharlika Timawa


Bagani Alipin o Oripon Aliping Namamahay Aliping
Saguiguilid Ayuey Tumarampuk
Tumataban

_____ 1. Mahusay na mandirigma at tagapagtanggol ng barangay.


_____ 2. Malalayang tao sa sinaunang lipunang Pilipino na nagsasagwan
ng bangka ng pinuno sa pamayanan.

_____ 3. Tagatikim ng alak ng datu kung may ginaganap na piging o


handaan.

_____ 4. Ang tawag sa pinakamababang uri ng panlipunan noong


sinaunang panahon.

_____ 5. Tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at


Bisaya.
_____ 6. Ginagamit bilang tanda ng paggalang at pagkilala sa antas
panlipunan na ito ang salitang “Gat” o “Lakan”.
_____ 7. Ang mas mababang alipin sa sinauang lipunang Bisaya dahil
naninilbihan kailanman naisin ng datu.
_____ 8. Sumusunod sa mga utos ng datu na katulad ng pagtulong sa
pagtanim, pag-aani ng sakahan, o pangingisda.
_____ 9. Antas panlipunan sa sinaunang lipunang Tagalog na hindi maaaring
magkaroon ng sariling ari-arian.
_____10. Karaniwang nagiging kabilang sa antas panlipunang ito ang isang
tao dahil sa pagmamana, katalinuhan, katapangan, o
kayamanan.

5
Isagawa 1 - B

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung ito
ay hindi wasto.

_____ 1. And datu ang pinakamataas na antas sa lipunan.


_____ 2. Mga inanak o inapo ng mga datu mula sa kanilang mga
pangalawang asawa ang mga alipin.
_____ 3. Ang aliping namamahay ang inaasahang magdala ng pagkain at
maglagay sa bangka ng mga kailangan ng datu kapag naglalayag.
_____ 4. Ang ayuey ang pinakamababang alipin sa Bisaya
_____ 5. Ang timawa ay alipin ng datu.

Isagawa 2

Panuto: Sa pamamagitan ng pagbuo sa graphic organizer, ipaliwanag ang


uri ng lipunan ng sinaunang Pilipino.

Antas ng Tao sa Lipunan

Maharlika Timawa Alipin

Taong
Nabibilang

Karapatang Tinatamasa
o
Hindi Tinatamasa

6
Isagawa 3

Pasulat ng Journal
Panuto: Sumulat ng journal, sagutin ang mahalagang tanong sa ibaba.
1. Anu-ano ang mga antas panlipunan ng mga sinaunang Pilipino sa
panahon ng Pre-kolonyal?
2. Paano mo maipagmamalaki ang lipunan ng sinaunang Pilipino?

Isaisip

Panuto: Isulat ang Opo kung ang pangungusap ay nagpapaliwanag ng


umiiral na ugnayan ng tao sa iba’t ibang antas ng sinaunang lipunang
Pilipino. Kung hindi, isulat ang Hindi po.

_____ 1. Ang mga maharlika ang dinudulugan ng mga taong may


karamdamang pisikal o supernatural man.
_____ 2. Walang pagkakataon ang isang tao na nasa mababang antas
panlipunan na mapataas ang kaniyang antas panlipunan.
_____ 3. Ang datu ang nagpapanatili ng kapayapaan sa barangay at
pagtatanggol dito laban sa mga kaaway.
_____ 4. Sumisimbolo sa mataas na katayuan sa sinaunang lipunang Pilipino
ang ginto.
_____ 5. Hindi batayan sa pagiging isang datu ang katapangan o
katalinuhan sapagkat nasusukat ang pagiging datu sa dami ng
kayamanan.

7
8
Isagawa 2
Antastng Tao sa Lipunan
Alipin Timawa Maharlika
Ulila o inabandonang tao Mahuhusay na mandirigma Matatapang, matatalino at
Taong
Mga walang pambayad sa Mga lumayang alipin maraming pamana Nabibilang
krimen Inanak o inapo ng datu mula okayamanan
sa
Karapatang
Naninilbihan sa Maaring magmay-ari ng lupa Pinakamakapangyarihan sa Tinatamasa
datu May karapatan sa kaniyang ani na lahat na uri ng tao sa lipunan o
Hindi Tinatamasa
Walang ari-arian hindi nagbibigay ng tributo sa datu
Isagawa 1 - B Isagawa 1 - A Nalalaman
1. TAMA 1. Bagani 1. c
2. Timawa
2. MALI 3. Timawa 2. e
3. TAMA 4. Alipin o Oripon
3. d
5. Maginoo o Datu
4. TAMA 6. Maginoo o Datu 4. b
7. Ayuey
5. TAMA 5. a
8. Timawa
9. Aliping Saguiguilid
10. Maguinoo o
datu
Susi sa Pagwawasto
9
Isagawa 3 (Rubric para sa
Journal)
Isaisip
Pamantayan Laang Aking
Puntos Puntos
1. d
Maayos at 5
2. b kompleto ang
journal ayon sa
3. d katanungang
4. d ibinigay
Nakikita sa 5
5. c nabuong journal
ang kalinawanat
pagkakaisa ng
mga talata at
kaisipan.
Nabakas sa 5
journal ang mga
kaalaman tunkol
sa pinagmulan ng
lahing Filipino.
Kabuoang Puntos 15
5- Napakahusay 4-Mahusay
3-Katamtaman 2- Di-gaanong mahusay
1-Sadyang di mahusay
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Magaling Pagbutihin
Napaka-husay
Krayterya din pa Kabuu-an
5 pts. 3 pts. 1 pt.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalikha-in
sa paggawa
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput
Kabuuan

Sanggunian

Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa. Batayang Aklat Ikalimang


Baitang. Aralin 5: Ugnayang Panlipunan at Kalagayang
Pangkabuhayan ng mga Sinaunang Pilipino. Lakbay ng Lahing Pilipino 5.

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Barobo I

Address: _______________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Contact Number:
Email Address:

11

You might also like