Paglabo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ramdam ko ang unti-unting paglamig ng hangin, ang unti-unting paglayo ng iyong damdamin

Dinig ko dahan-dahan papalayong mga yabag mo


Nakikita ko ang papapatay na sindi ng apoy sa puso mo
Kasabay nito ang padiin nang padiing tumatarak na sakit sa aking puso
Damang-damang ko ang hapding di mawari ng sariling ulirat
Ngunit hindi magawang maglabasan ng mga patak mula sa aking mata
Hindi ko na magawang maikilos ang aking mga paa upang habulin ka
Hindi ko mautusan ang mga bisig at kamay kong kusang nawalan ng lakas
Liyong-liyo ang mga paningin ko
Tila nagsarahan ang aking pandinig
Nagwawala ang buong pagkatao, walang lakas
Ngunit ang puso’y tila ba’y isang malakas na hangin, along malalakas ang hampas sa dalampasigan
Na walang sawang bumubulong at ipinararamdang mahal ka
Alam kong kumukupas na ang ganda, nawawala na ng kulay at sigla
Marahil madalas maisip kung tama pa ba?
Halos buong pagkatao’t kaluluway ialay na
Na hahantong sa mga tanong na kalian, saan, at paano
Kalian nag-umpisang mawala ang sayang walang mapagsidlan?
Saan tayo nagsimulang sa isa’t isa’y maglakad palayo?
Paano pa ba natin maibabalik ang dating mayroon tayo?
Kumikirot itong puso kasabay ng pag-asang sana’y ang alaalang mayroon ay madugtungan
Hanggang kinabukasan at sabay nating dalhin ng walang hanggan

You might also like