Kulturang Popular

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kultura

Gikan sa Wikipedia, ang gawasnong ensiklopedya


Kultura (gikan sa Kinatsila nga gikan sa Linatin cultura nga gikan sa colere, ang gipasabot "pagkultibar" o
pag-alima) mireper sa mga aktibidad sa katawhan ug sa mga simbolonga mihatag og importansya sa
maong aktibidad. Ang mga nagkalainlaing depinisyon sa "kultura" nahitabo depende sa teyoretikal nga
gibasehan sa pagsabot, o sa kriteriya niini.
Napakita ang kultura sa musika, literatura, estilo sa
pamuyo (lifestyle), pamintal ug eskultura, teyatro ug pelikula, ubp. Ang uban mitudlo sa kultura isip
pagkonsumo ug isip mga produkto (sama sa taas nga kultura, babaw nga kultura, banay nga kulura (folk
culture), o popular nga kultura), ang mga antropologo misabot sa "kultura" nga dili lang sa maong mga
produkto, gipasabot sab niini ang mga heneral nga proseso nga mihimo sa maong mga produkto ug sa
paghatag ug kahulogan, apil na sab ang mga katilingbanong relasyon ug kinaiya diin kabahin na ang
maong mga butang. Mao nga kabahin sa kultura ang arte, siyensiya, ug ang moralidad.
Kasagaran sa mga kultural nga antropologo migamit sa terminong "kultura" isp nagpasabot sa unibersal
nga kapasidad ug aktibidad sa katawhan aron maklasipikar, makowd ug makomunikar ang mga
kasinatian pinaagi sa mga simbolo. Ang kini nga kapasidad giisip nga mihimo sa tawo isip tawo.
Ano ang kultura?
ang kultura ay kabuan ng mga tradisyion paniniwalakaugaliang natutuhan ng tao mula sa kanyang
pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang kinabibilangan .Ang kultura rin ang humuhubog
kung paano mamumuhay at makikipagtulungan ang tao sa mundo
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong
tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng
mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking
kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay
maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay
magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang
mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron
ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong
pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din
sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig
Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing
sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng
Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga
Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na  Muslim. Ang wikang Tagalog at
iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa
ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin,
hiniram na salita at pagkain, tulad ng  pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik.
Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian,
tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.
there are 6 kinds of kulturang pilipino.tese are tradisyon , wika ,kaulgalian,sining, kasuotan at relihiyon.
Ano ang kulturang popular?
ito ang mga kulturang kinagat ng panlasa ng tao. halimbawa na nito ang ukay-ukay na hanggang
ngayon ay patok na patok parin sa mga pinoy.
Nakita ko sa bookstore ang series of books na ito na sinulat ni Rolando B. Tolentino. Nagkainteres agad
ako dahil isa sa mga libro ay pinamagatang ‘Si Darna, ang Mahal na Birhen ng Peñafrancia, at si Pepsi
Paloma’.Sa isang aklat naman na pinamagatang ‘Ang Bago, Bawal, at Kasalukuyan’ ay mababasa sa
likuran ang ganito:

‘Kahit pa ang kulturang popular ay dinadambana na para sa lahat, marami pa ring complex na usapin na
kaakibat nito. Kailan nagiging bago ang bago? Ano ang ipinagbabawal sa baliw? Ano ang kasalukuyang
sining sa espasyo ng mall at kasaysayan sa komiks?’

Masarap basahin ang laman ng dalawang librong ito. Lumampas pa ito kesa sa ini-expect ko. Mababasa
sa loob ang mga talatang:

‘Si Narda ay nagiging si Darna dahil sa kolektibong ideal tungo sa pagbabago, sa paglaban para mabago
ang mga kalakarang di umaayos sa interes ng nakararami. Ang pagsigawa ng “Darna” ay ang kolektibong
impit na tinig ng mga historical na naisantabi. Ito ang tinig na hudyat ng pagbabago.

Kakaiba ang ganitong proseso dahil ang tanging nagpapaiba ng personalidad ni Superman kay Clark Kent
o ni Wonder Woman sa kanyang totoong pagkatao ay ang makapal na grado ng salamin. Ang pagtanggal
ng salamin ang hudyat ng ating suspension o disbelief. Muling idinidiin nito ang kapangyarihan ng bisyon
para sa pag-unawa at suspension ng realidad.

Kung ganito, naiigpawan ang Kanluraning modelo ng pagbuo ng sabjek at identidad. Sa modelong ito,
lumilikha ng hierarchy ng identidad at ang kawalan nito. Ako ay nagiging ako dahil kayo ay kaiba.
Pananatilihin ko kayong kakaiba dahil kailangan kong panatilihin na ang ako ay ako.’

Marami ring mga palaisipan sa mga aklat na ito. Gaya ng:

· Ang basehan ng ating pag-asa ay ang ating kakulangan.

· Tunay ang sinabi ni St. Brad Pitt sa pelikula na “Things that you own eventually own you.” Ang
pinaglilingkuran at nagmamay-ari sa ating komoditi ang nagdidikta kung ano ang dapat nating piliing
libangan.

· Manonood tayo ng sine, at napapaisip tayo tungkol sa mundong isinisiwalat sa atin ng higanteng
tabing. Napapaiyak at tumatawa tayo sa mga taong hindi naman natin kaanu-ano. Nakikita natin sa
kanila ang ating buhay. Pinagtatrabaho tayo na matagpuan natin ang ating sarili sa kanila, mga taong
kilala na natin pero hindi naman tayo kilala maliban sa masa ng manonood at fans. Kilala natin silang
gumaganap sa pelikula bago pa man tayo nanonood, pinagtatrabahuhan na natin ito para maging
kakilala natin sila. Sila na alam natin ang kasaysayan ng mga relasyon, paboritong awit at pagkain,
memorable na anecdotes at iba pa—sila na mas kilala natin kaysa sa ating mga kaibigan at kapamilya—
ay hindi man lamang tayo bibigyan ng limang segundo kung sakaling makita natin sa loob ng mall. Kilala
natin sila pero hindi nila tayo kilala. Anong klaseng relasyon ito?

· Maganda. Ayaw ng lipunan ng pangit. Walang santo at birhen na pango, may peklat, maitim, mataba.
Maganda ang nagmamaganda. Kahit pangit ang nagdarasal, maganda ang kanyang pinagdarasalan.

· Kung ang tao ay hind hayop, bakit maraming taong nag-aasal hayop? Kung ang tao ay tao, bakit
mahirap magpakatao? Kung ang tao ay mas mataas sa hayop, ano ang giraffe?

· Hayop. Parang mura. Puwedeng para sa kahit ano. Hayop sa ganda! Hayop ka! Hayop ka man, ang
galing mo! Hayop sa sarap. Masahol ka pa sa hayop! Hayop, kahayup-hayupan! Nasa paraan ng
pagbigkas ang kahulugan ng salita. Kaya kailangang may social skills ka para makarinig di lamang ng
salita, kundi pati tono ng pananalita at ng konteksto ng pagsasalita.

Ilan lamang iyan sa maaring mababasa sa mga aklat na ito. Highly recommended ito sa mga seryosong
nag-aaral ng pop culture.

Kulturang Popular, Buhay at Karanasan (Vol 1 Intro)


Introduksyon sa Serye ng Libro:
Kulturang Popular, Buhay at Karanasan sa Pang-araw-araw

Mula Pagbangon Hanggang Pagtulog (unang serye, para sa Vol. 1)

Mula sa ating paggising at pagtulog, ang substansya ng kulturang popular ang siyang gumigiya sa ating
buhay--paghinga, pagtibok ng pulso’t puso, pagtunaw ng pagkain at pagkagutom, pagkaantok at
pagkasigla, pagtawa at pag-iyak. May malaking pagtataya ang kulturang popular sa ating katawan bilang
behikulo para masulong ang pagdanas sa lipunan, kasaysayan at (post)modernisasyon. Hindi nga ba’t
ang ating katawan ang siyang sintomas at manifestasyon ng pagkalalim na tagos ng malaganapang
kulturang popular sa ating buhay? Pero higit pa sa biolohikal na oberdeterminasyon ng kulturang
popular sa ating katawan, may mas malalim na sugal ang kulturang popular sa pagsubstansya—
paghubog at pagpapalaman, o pagpapalawak at pagpapalalim—sa ating kamalayan.

Makakapasok ba tayo sa mall nang hindi man lamang naaambunan, basang-basa pa sa karanasan sa mga
produkto ng kulturang popular? Makakaalis ba tayo sa ating bahay na hindi nakakapagpahid ng isang
daan at isang produkto sa ating katawan? Bakit tila tayo kulang kapag nakalimutan natin ang ating
cellphone? Hindi ba’t nabuhay naman tayo na wala ito sa nakaraan? Bakit hindi tayo mabuhay sa
hinaharap—o isang araw man lamang—na walay sa teknolohiyang ito? Bakit para tayong nanghihina
kapag hindi tayo nakainom ng ating pang-araw-araw na adiksyon sa bitamina at energy drink? Bakit tayo
conscious kapag nakaligtaan nating magdeodorant, na kahit hindi naman tayo pagpapawisan ay tila
automatiko ang panunumbalik ng putok sa katawan? Bakit tayo tila nasa loob ng pelikula kapag
conscious tayong pinapanood tayo at nagugustuhan natin ito? Bakit iba ang ating pagkatao kapag
magkakasama ang kabarkada at kaopisina natin (sa pagkakataong nasa labas tayo ng opisina) kaysa sa
pang-araw-araw na kasama natin ang ating kapamilya? Bakit tila nadanas na rin natin ang mga
nadaranas ng mga karakter na pinapanood natin sa telebisyon at pelikula? Bakit nasaulo natin ang mga
kantang sinusuka natin? Bakit hindi na natin ibig ang mga kantang bigla na lamang nagustuhan din ng
mga jologs? Bakit sumasagi sa isip natin ang pagpapakamatay at pumatay? Bakit tayo nananaginip ng
gising? Bakit hindi tayo makatulog nang hindi nagpapahid—na naman—ng isang daan at isang produkto
sa ating katawan?

Ang kulturang popular ay may kapangyarihang lumikha ng kulang at sobra sa atin. Sa paratihan,
ipinamumukha nito ang ating kasalatan sa ideal na ginawang masibong pamantayan ng panggitnang uri
na pamumuhay. Panggitnang uri ang pamantayan ng kulturang popular dahil ito ang nililikhang ideal na
imahen na maaring makamit ng mayoryang nananatiling mahirap sa bansa. Ang pagsna-snatch o hold-up
ng cellphone, halimbawa, ay maaring tignan bilang paghihiganti ng masa sa inaakala nilang normal na
bahagi ng (middle-class na) buhay. Ang kulturang popular ang nagbibigay ng normative function sa mga
produkto, na tila kinakailangan ito ng mga tao hindi lamang para mapabuti ang buhay, kundi mismo,
para mabuhay. Ang panggitnang uri din ang pamantayang maaring bumaba ang nakakataas na uri.
Masyado namang malungkot ang buhay kung iilan lang silang nagkukuwentuhan ng bagong Louis Vitton
bag o Channel na pabango. Tila mula CK at Bench hanggang Axe ang nagiging kolektibong amoy ng
nagnanais makaangat sa nakararami. Ang kulturang popular ay ang kultura ng panggitnang uri at para sa
marami, mayroon itong kaakibat na dilemma ng naturang uri—parating nakakasapat lamang ang kita,
madalas kulang pa nga na magbibigay sa gitnang uri ng afinidad sa uring anakpawis (working class) pero
sa taas ng kanyang aspirasyon at pangarap sa buhay, ang kanyang identifikasyon naman ay tungo sa
pribilihiyadong uri. Ito ang bind ng kultura ng panggitnang uri—dahil wala siyang nakakasapat na
materyal na batayan para makamit ang kanyang pangarap, paratihan lamang inilulugar niya ang kanyang
sarili sa pasakit para sa pangako ng temporal na kasiyahan. Nabubuhay ang panggitnang uri para sa
posibilidad na makamit ang pangako ng pag-angat, ng pag-igpaw sa kanyang mismong uri. At sa
kolektibong aspirasyon na ito, tanging si Cinderella (one-in-a-million) ang makakamit ng pangarap na
makaahon sa kinasasadlakang kumunoy ng lipunan. Tunay tayong mababaliw sa kaligayahan kapag tayo
ang nanalo sa Who Wants to be a Millionaire, Game ka na ba? o Weakest Link. Pero masaya na tayo sa
panonood ng iba—yung mismong contestant—at sa posibilidad ng pag-ahon ng isa sa ating uri.

Ang kulturang popular ay hindi libre. Ito ay isang karanasan na tanging ang may kapasidad bumili at
magbayad ang makakadanas. Sa nakararami, ang pagdanas ay nagaganap lamang sa kanilang
kamalayan. Sa sobrang gusto nila itong maranasan—ang bagong amoy, bagong modelo ng Nokia,
bagong skin whitener, bagong jeans, bagong buhay—ay mas nadanas pa nila ito. Paulit-ulit itong
umaalingawngaw, sumasalat, namumutiktik, nakikinita, nalalasahan--paulit-ulit na nila itong nadaranas
—sa kanilang utak. Rehersado na ang kanilang pagdanas kahit hindi pa ito aktwal na nadanas. Ang
kulang na nga lang ay ang materyal na gratification sa karanasan—na sa akto lamang ng pagbili
magkakaroon ng release ang matagal at paulit-ulit nang pagmamaniobra sa karanasan, na sa pang-araw-
araw ay nirerepress at ino-oppress naman. Itong akto ng pagbili—na tila minamaliit ng maykaya—ang
siyang nagpapaiba sa karanasan sa kulturang popular. Hindi naman lahat ay may kapangyarihan nito,
lalo na sa isang lipunang di hamak na mas marami ang mahirap kaysa maykaya. Kaya ang maykaya ay
may pasaporte sa mga produkto at arena ng kulturang popular samantalang ang mahirap ay kailangan
na lamang makuntento sa posibilidad nito, na kahit papapaano’y sa tanang buhay niya ay makakapag-
Jollibee at MacDo siya. At ito naman ay ipinapangalandakang abot-tanaw, abot-kamay na pangarap para
sa nakararami.

At ito ang karanasan sa malling, isang kakatwang pang-araw-araw na kaganapan sa mga syudad sa
bansa. Una, ang malls ang bagong sentro ng publikong buhay. Dito nagaganap ang sosyalisasyon ng mg
tao tungo sa panlipunang relasyon (kitaan ng mga kaibigan, book fair, profesyonal na serbisyo, tulad ng
dentista, travel agent, dollar exchange, at iba pa). Sa kawalan ng mga parke sa syudad, ito na ang
pasyalan, me pera man o wala, maayos lang ang pananamit ay makakapasok pa rin sa loob ng mall.
Sinababi na ang mall ay democratizing device sa lipunan—pinagpapantay-pantay nito ang akses ng mga
tao sa mabuting (nabibiling) pamumuhay kahit pa ito ay mito lamang. Ang maykaya pa rin ang ideal na
konsumeristang mamayan sa lipunan ng mall. Ikalawa, ang malls ang nagpapakita ng produksyon ng
magic sa intermittent na yugto ng komodifikasyon—sa gitna ng produksyon at resepsyon ng mga
komoditi. Ang pagkapasok sa mga tindahan sa mall ng mga produkto ay dobleng pagtatanggal sa moda
ng produksyon nito—una, ang mismong produkto ay maaaninagan ng kawalan ng anumang bahid ng
paggawa at aktwal na produksyon (ang mga isda sa sardinas ay hindi makakakitaan kung paano ito
pinagsiksikan sa maliit na lata, paano nagkaroon ng sarsa, at nawalan ng daliri ang manggagawa sa
pabrika nito); ikalawa, dobleng magical sa pagkadispley nito sa mall bilang lunan na may orihinaryong
orkestradong magic na kapaligiran. Hindi nga ba’t mas natutuwa ang mallers dito kaysa sa aktwal na
plaza sa kanilang pinanggalingang bayan?

Dahil mas kontrolado ang mga marka ng gitnang uri sa mall—air con, kawalan krimen, maayos na
pananamit at dekorum sa lahat ng nasa loob nito, kalidad ng serbisyo—ay mas naiibigan ito bilang
parang life-choice ng mga tumatangkilik nito kaysa, halimbawa, sa usok at traffic sa labas, delikadong
paglalakad sa sidewalk, maduduming pagkain sa kalsada, namamalimos, at iba pa.

Ang mall ay espasyo ng posibilidad ng panahon—na kahit hindi lubos na maunlad ang bansa ay may
showcase ng posibilidad ng kaunlaran, mga oasis of love sa duhaging bansa, at ang engrandeng
posibilidad na hihigit sa lahat—ang porma ng bansa kapag ito ay ganap na maunlad na bansa. Sino ang
aayaw na ang buong Kamaynilaan ay maging higanteng mall, tulad ng orkestrasyon para sa luntiang
syudad sa Singapore o mga high-tech science na syudad sa Japan, halimbawa? E di magiging one big
shopping showcase tayo ng Asia. Pero ang realidad ay hindi mangyayari ito dahil napakaliit ng aktwal na
gitnang uri sa bansa. Kaya ang mall ay pribiliheyadong espasyo ng kaunlaran, ng display ng gitnang uring
kabuhayan at ng mismong gitnang uring kapangyarihang makabili. At sa naratibo ng shopping spectacle,
nagiging korolaryo ang buhay ng mga mababang uri, lalo na ang mga nagtataguyod ng lifestyle sa mall,
ang libo-libong subcontracted laborers nito. Nabubura ang moda ng produksyon nila dahil ang mismong
kalakaran ng pagtingin sa mall ay tungo sa gentrified na visualisasyon.

Tunay na malawak ang sakop sa ating kamalayan ng kulturang popular. Binibigyan tayo ng mga bagong
pangangailangan at desire, na dati naman nga ay hindi natin kinailangan. Dahil sa masibo nitong
pagpapalaganap—walang takas sa cellphones, halimbawa, sa pang-araw-araw na ads at komersyal ng
mga kompanya nito, sa mismong mga taong tumatangkilik nito, sa iba’t ibang larangan ng buhay na
ating ginagalawan, tulad ng mall, tiangge, palengke, opisina at skwelahan—walang hindi mababahiran
ng kaakibat nitong karanasan: paano ba dinadanas (paano hihinga at mag-iisip) ang karanasang dulot ng
ibinebentang produkto? Ano ang transformasyong magaganap sa pagbili nitong produkto? Bakit kulang
pa rin kahit na nakabili na? Dahil ba sa may mas magandang brand at modelo? Dahil ba ang bago ay
ginagawang luma kaagad sa kulturang popular na kinapapalooban natin? Bakit kulang pa rin kahit na
labis na?
Sa introduksyong ito, nais kong ipaliwanag ang mga komponent na bumubuo ng kulturang popular at
ang paraan ng pagdanas dito. Paano ba natin muling imamapa ang karanasan nang hindi lang natin ito
dapat tanggapin bilang nandiyan na, isang given sa ating buhay, na sa ayaw at sa gusto natin ay sapilitan
tayong ipinapasabay dahil tila walang ibang siwang para sa kontra-pagkilos at kontra-kamalayan? Paano
ba nanormalisa ang ating karanasan sa mall, cellphones at mismong panggitnang uring buhay? Sa muling
pagmapa lamang tayo makakakita ng siwang para sa indibidwal at kolektibong pagbabago at
transformasyong pangkamalayan at panlipunan.

Kung hindi ito, para tayong automatons o robotics, na bawat kable, kalamnan at microchip na bumubuo
sa atin, ay mas ginagawa tayong sunod-sunuran kaysa matuklasan natin ang ating historikal na pagkatao.
Tulad si Neo sa pelikulang Matrix, kinakailangan nating pumili sa pula at asul na kapsula—para
matunghayan natin ang loob ng artiface o manatili sa ating kamangmangan—at matapos, kung pipiliin
nating sumulong, ay wala nang muling pagbabalik sa dati.

Sundan din natin ang white rabbit…

May anim na bahagi ang seryeng ito tungkol sa kulturang popular:

Volume 1. Kulturang Mall. Ang mall ay isang media na nagdudulot ng sosyalisasyon tungo sa gawi ng
isang transnasyonal na mundo. Paano tayo tinuturuan ng kultura ng mall? Paano ugma ang pagtingin at
malling sa transnasyonal na mundo at realidad sa isang di pa lubos na transnasyonal na lipunan?

Volume 2. Disaster, Droga at Skin Whitener. Ang mundo ng kulturang popular ay mundo ng politikal.
Mayroong nakikinabang sa mga itinuturong kaisipan at kagawian. Ano ang sigalot na dulot ng
pagkabagsak ng mga eroplano at sunog sa Ozone? Bakit bigla itong nakakalimutan? Paano tayo lumilikha
ng popular na alaala sa kultura ng droga? Bakit gusto nating pumuti?

Volume 3. Si Darna, ang Mahal na Birhen ng Penafrancia at si Pepsi Paloma. Mga babae ang imahen ng
kulturang popular at mass consumption. Ang ang sinasabi ni Darna hinggil sa paghahanap ng tinig ng
kabataang manunulat? Paano magkatulad ang pagsalat sa Birhen ng Penafrancia at ang konsert ng South
Border? Paano si Pepsi Paloma naging magandang buhay at lalong naging magandang kamatayan?

Volume 4. Ang Bago, Bawal at Kasalukuyan. Kahit pa ang kulturang popular ay dinadambana na para sa
lahat, marami pa ring komplex na usapin na kaakibat nito. Kailang nagiging bago ang bago? Ano ang
ipinagbabawal sa baliw? Ano ang kasalukuyang sining sa espasyo ng mall at kasaysayan sa komiks?

Volume 5. Paghahanap ng Virtual na Identidad. Ang pagtangkilik ang siyang nag-uugnay sa atin. Ito ang
dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng identidad, virtual man. Paano hinuhubog ng bida sa pelikula, ng
retro fashion at computer games, at ng mall para tayo magkaroon ng virtual na identidad? Ano ang
challenge sa pangkulturang gawain sa edad ng globalisasyon?

Volume 6. Lalakeng Pin-up, GRO at Macho Dancing. Mahirap maging lalake sa kasalukuyang edad.
Kailangan mong maging feminisadong lalake para mapanatili ang pribilihiyadong posisyon sa lipunan.
Ano ang sinasabi ng proliferasyon ng lalakeng pin-ups at magazines? Bakit mayroon nang lalakeng GRO?
Ano ang ikalawang yugto ng macho dancing sa gay bars?

PANITIKAN NG PILIPINAS 17 : PANITIKAN AT KULTURANG POPULAR


ikalawang sem 2010-2011 | prop. mykel andrada | FC 3011 | sirmykelandrada@gmail.com |
http://aklatandrada.multiply.com
LAYUNIN NG KURSO
1. Masuri ang mga batayang konsepto sa pagluluwal ng panitikan
at kulturang popular sa pilipinas
2. Mabusisi ang ugnayan ng kulturang popular, pantikan,
ideolohiya, uring panlipunan, at bayan
3. Mausisa ang mga kamalayan at karanasang nalilikha ng
industriya ng kulturang popular
4. Makita ang transgresibong potensiyal ng kulturang popular
para sa pagbabagong panlipunan
5. Masuri ang papel ng Pan Pil 17 sa RGEP
DALOY NG KURSO
A. Sulyap-suri sa Institusyunalisasyon ng Kulturang Popular
Key terms: ideolohiya, diskurso, kultura, kulturang popular
1. Gawain: “What’s in a name?”: Kasaysayan ng Pangalan
2. Sanaysay: “Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng
Globalisasyon” ni Jennifer Padilla
B. Bida at Kontra-bida sa Industriya ng Kulturang Popular
Key terms: kapitalismo, globalisasyon, reaksyonaryong
modernismo, komoditi
1. “Nang Sumali si Inday sa Deal or No Deal”
2. “Esem” ng Yano
3. “Para Sa ‘yo ang Laban na ‘to” inawit ni Manny Pacquiao
4. “Order of Lakandula, rank of Champion for Life, for Pacquiao”
ni David Cagahastian
5. “Mandirigma at Alipin ng Ating Panahon” nina Soliman Santos
at Kenneth Guda
6. “Upuan” ni Gloc 9
7. “Aralin sa Ekonomyang Pampulitika” ni Kerima Lorena Tariman
8. Pag-uulat ng Grupo 1: Bayan at Kulturang Popular
C. Kulturang Masa Bersus Kulturang Popular
Key terms: commodity fetishism, co-optation, reification, surplus
value, political economy
1. “Para sa Masa” ng Eraserheads
2. Maiikling pelikula ni Ramon Bautista: “Dan Michael” at “One Sip
at a Time”
3. “Naging Mahirap” ni Merlee Jayme
4. “Villar Pahirap” ni Anonymous
5. Pag-uulat ng Grupo 2: Masa at Kulturang Popular
6. “Ukay-ukay” ni Delfin Tolentino
7. “Intellectual Mass Starvation” ni Vlad Gonzales
8. Gawain: pagkalap / pagpicture ng mga textong MMDA: art,
signs, stickers, posters, tarpaulin atbp
D. Transgresibong Potensiyal ng Kulturang Popular
Key terms: subversion, cultural revolution, tradisyon
1. “Dasalan at Tocsohan” ni Marcelo H. del Pilar
2. “Aba Santong Diyablo” ni Anonymous
3. “Aba Naman Gloria” ni Anonymous (Text Message)
4. “Pasyong Mahal ni San Jose” ni Jose F. Lacaba
5. Pag-uulat ng Grupo 3: Relihiyon at Kulturang Popular
6. “Vandalismo” ni Rolando B. Tolentino
7. “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes
8. Gawain: pangangalap ng mga graffiti
9. “Etika ng Protesta” ni Danilo A. Arao
10. “Hu Let Da Dogs Awt?! Hu-Hu-Huhu!: Isang Desperadong
Pag-aaral sa Mga Modernong Bugtong na Walang Gustong
Sumagot” ni German V. Gervacio
11. Gawain: paglikha ng sariling politikal na bugtong
12. “Mensahe sa Paksa Hinggil sa mga Tungkulin ng mga Kadre
sa Larangan ng Kultura
13. “Ni Uncle Sam” ni Anonymous
14. Pag-uulat ng Grupo 4: Indie: Rebolusyon at Kulturang Popular
MGA KAHINGIAN
quizzes, assignments, seatworks, attendance, recitation 25%
pag-uulat at mga mayor na papel 25%
unang mahabang pagsusulit 25%
ikalawang mahabang pagsusulit _25%
100%

You might also like